Chapter 4
Nanlaki ang mga mata ni Drake nang makitang inisang lagok ko ang isang basong tubig na nasa harap namin. Pero bakit ang guwapo pa rin niya kahit mukha siyang gulat? Unfair ang mundo, kung iba yon di mukha ng palaka.
Dali-dali siyang lumapit sa akin at hinimas ang aking likod."Careful," sabi niyang bakas ang pag-aalala sa tono. Pero ano yon? Pakakasalan niya ako? Hahaha! Pinaprank ako nito, eh.
"Anong oras na ba?"tanong ko sa kanya habang ang puso ko ay hindi pa rin kumakalma. Lumagpas naman yata sa expectations ko ang sinabi niya.
"Quarter to 10, why?"patanong niyang sagot."May lakad ka ba?"
"Sigurado ka ba na hindi to panaginip? And what? Balak mo akong pakasalan? Bakit?"
Hindi ko talaga mawari ang nagaganap nga- yon. Hindi naman ako ang girlfriend niya at lalong hindi niya ako mahal. So bakit nga?
"Hayaan mo akong magpaliwanag," sabi niyang kinumpas ang kamay . "Adrienne, I need your help. Last night pag-uwi ko sa bahay ay sinabi na sa akin ni Daddy na ise-set na nila ang kasal ko sa anak ng kasosyo niya for merging. Hindi ko magagawa yon kasi hindi ko nga kilala yong fiancee ko. I don't love her. Besides, I have a girlfriend."
"So ayon pala! Bakit ako ang pakakasalan mo, Drake? Hindi ako ang girlfriend mo. Bakit hindi si Chloe ang yayain mo. Siya dapat yon,"sabi ko.
Kumuha ako ng salamin sa bag ko at tiningnan ang aking kilay. Tama nga ako magkasalubong ang dalawa kong kilay. Na-stress dahil sa lalaking ito. Napailing ako at minasahe ko ang aking noo.
I heard him sigh. Nagpapaawa ang loko. Kilalang-kilala ko ang estilo niya."Hindi pa siya makakauwi. May isang taon pa siyang dapat tapusin doon,"aniyang nakayuko.
"Di ikaw ang pumunta sa U. S, sisiw lang naman yon... tapos doon kayo magpakasal. Mayaman ka, kaya mong gawin ang lahat ng yon."
Masakit sa dibdib ang ipagtulakan siya sa iba pero hindi din naman nakakatuwa ang offer niya. Ako ang malulugi sa bandang huli kasi hindi naman niya ako mahal. Maiiwan akong sawi at luhaan. Hindi maaari. Kailangang labanan ko ang aking inner self at baka bumigay ako maya-maya.
"Adrienne, bawal pa siyang mag-asawa hangga't hindi pa tapos ang kontrata."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. So, ganoon na lang yon, hahayaan na lang niya ang mahal niya na magdusa at magpakasal sa iba? Mas mahalaga sa kanya ang career niya? But we can't complain dahil iba't-iba naman ang prinsipyo nating lahat.
Kahit ako naman siguro ang nasa lugar niya ay hindi ko puwedeng i-give up na lang ang career ko, lalo na at matagal na niya itong pinaghirapan.
Pero si Drake ang pinag-uusapan dito at kung ako siya pipiliin ko si Drake. But, I'm not her and I would never be her. She has everything that I wanted in this lifetiime. Most of all, she owns the man I love.
"Adrienne, please help me this time. I will do everything you want," aniyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Na sa sobrang higpit ay baka hanap-hanapin ko sa oras na ito'y kanyang bibitawan.
No, Drake, you cannot give me what I want. Paano mo ibibigay sa akin ang puso mo kung iba naman ang laman niyan? Para ko lang ipiprito ang sarili ko sa sarili kong mantika pag pumayag ako sa alok niya.
"Bakit ako ang naisip mong yayain, Drake? Marami naman diyang nagkakandarapa para mapansin mo lang?"
"We know each other very well. And, I know you will not take advantage of me."Binawi ko ang kamay na hawak niya.
"Ikaw pa talaga ang nag-isip ng ganyan. Drake, lalaki ka at walang mawawala sa'yo. Paano naman ako? Sigurado ka bang mababalik mo pa akong buo sa pamilya ko?"
"Its just a front-act, Adrienne. Hindi natin kailangang gampanan ang ating pagiging mag-asawa kung tayong dalawa lang."seryoso niyang sabi. "Just in front of my parents and their business partners."
Napatingin ako sa aking relo. Bukas na siguro ang bangko na pupuntahan ko. Balak ko kasing mag-apply ng loan. Baka sakaling matulungan ko si Mama sa problema namin.
"Let's talk some other time, Drake. May pupuntahan pa ako," ani kong sinabayan ng tayo.
Para siyang batang humawak sa laylayan ng suot kong bestida. Nagmamakaawa at mamumungay ang mga mata.
"Masisira ang damit ko. Mumurahin lang to,"bulong kong dumukwang pa sa kanya.
"Iiwan mo na ako? Hindi mo pa nga ako sinasagot?"
"Bakit nanligaw ka ba?"Lintek na lalaking ito. Ang galing mang-akit.
"Hindi ba? Pakakasalan pa nga kita, eh?" aniyang nakangiti. Inirapan ko lang siya.
Kung sana totoong kasalan. I mean, kung nagmamahalan kami, hindi na ako magdadalawang-isip na tanggapin siya.
Kaso, substitute lang ako para hindi matuloy ang kasal niya sa iba. What the? Yan lang ba ang halaga ko sa mundo? Panakip- butas? Substitute bride? Ang saklap naman!
"Pag-iisipan ko, Drake. Sa ngayon ay aalis muna ako dahil may aasikasuhin ako."Tumayo na rin siya. "Saan ka pupunta?"
"Ihahatid na kita sa pupuntahan mo. Tara."
"No. Ako na lang! Tatawagan na lang kita pag-uwi ko."
Ako ang uri ng tao na masyadong ma-pride. Hanggang kaya ko ayaw kong makita ng mga taong lubog na ako sa kahirapan. I want to save something for myself and that is my ego.
Nanlumong napaupo ako sa labas ng bangkong pinasukan ko. Loan denied. Hindi daw qualified ang monthly income ko plus wala pa akong collateral.
Hinilot ko ang aking paa dahil medyo nananakit na ito. Sana yong sandal na lang na binigay ni Drake ang isinuot ko baka sana pinautang ako kasi mamahalin yon.
Hindi pa rin ako makapaniwala na inaya niya akong magpakasal. Tempting but dangerous offer, malalagay sa alanganin ang puso at pagkatao ko. Oo, mahal ko nga siya pero iba naman ang mahal niya. Ano yon? Taguan ng feelings. Ako pa rin ang lalabas na third party pagdating ng panahon. Ugh! Kaloka!
...
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Villa Monica. Ang engrandeng resort with with hotels and villas na pagmamay-ari ng lola ko, sana. Alam kong ayaw nila nanay na gawin ko to pero bahala na, kaysa naman sa kalsada kami pulutin at tumira ng mga kapatid ko.
Malayo din ang biyahe kasi medyo malayo sa siyudad ang Villa. Nakatunganga ako sa napakalaking five-star-hotel na pang international ang dating. Napapalibutan ng naggagandahang pools at nakaharap sa dagat na asul.
So, ito ang buhay ni Papa na iniwan niya para piliin at ipaglaban si Mama. Hindi pa kasali ang Hacienda Montreal at ang iba pa nilang ari-arian. Ito ang buhay na pinagkait nila sa amin ng mga kapatid ko dahil nanggaling kami sa ina naming hindi nila kasing-yaman. Holy sh*t!
Ang gara ng kanilang pamumuhay, samantalang ako naglalakihan na ang eyebugs sa kapupuyat sa pag-iisip ng mga ideyang gagawing libro. Si Nanay naman ay tumanda na sa pagtatrabaho sa pabrika. Doon na sila nagtrabaho ni Papa simula ng umalis sila dito.
Hindi ko namalayan na napaiyak na pala ako dahil sa mga hinanakit. Hindi para sa sarili ko kundi para sa nanay at mga kapatid ko. Ito na ang tamang panahon para lumugar kami kasi kung hindi-saan pa ako uutang ng pambayad sa bahay na nakasangla?
Nilakasan ko ang loob ko at taas-noong naglakad papunta sa guard na nakaabang sa gate.
"Good morning, Maam. May reservation po ba kayo?" tanong niya sa akin.
"Wala po, kuya. Maari po ba akong magtanong kung sino ang nadiyan sa mga Montreal. Nandiyan ba si Donia Monica?"
Matagal bago nakasagot ang guard. "Wala si Donia Monica sa Pilipinas, nasa ibang bansa siya ngayon. Pero nandiyan ang isa sa kanyang mga apo na namamahala dito. Si Miss Margaux-pero kailangan niyo po ng appointment para makarating sa office niya."mahaba niyang paliwanag.
Napalabi ako. Pati ba meeting with the family ay kailangan pa ng appointment. Kaloka naman to!
"Wala po akong appointment, eh. Isa po akong kamag-anak kaya baka naman puwedeng pumasok, kuya." pagamakaawa ko. Malaki na rin ang naggasta kong pamasahe papunta dito para lang mauwi sa wala ang lahat ng pagod.
Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng guard. Siguro, hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Pag ako yumaman, kuya, who u ka sa akin talaga!
"May ID po ba kayo?" Tumango ako at kinuha sa bag ko ang aking ID at binigay sa kanya. Hindi na ako nagulat ng makita ang reaksiyon sa mukha niya. Sa pangalan pa lang sinisigaw na ang pagiging Montreal.
"Adrienne Monica Montreal? Sigurado po ba kayong sa inyo ang ID na to?"
"Ay! Di po ako scammer, kuya. Ano puwede na ba akong pumasok?" tanong ko.
"Manong, I've been calling you! Sinong kausap mo diyan?" Sabay kaming napatingin ni Manong sa dumating.
Isang matangkad na babae, maputi, maganda at sa tindig pa lang niya ay kitang kita na ang paggiging mayaman. Nakalugay ang makintab at bagsak na bagsak ba buhok na sa tingin ko kahit hangin galing sa bagyo ay hindi kayang guluhin. Nakasuot ng pang-corporate na attire with matching heels. Nakataas ang mga kilay at ma-awtoridad ang postura.
Ganito pala ang pormahan ng mga Montreal. Ganyan rin kaya ako kung hindi pa nila kami tinakwil?
"Miss Margaux! Kamag-anak niyo raw po siya. Gusto po kayong makausap," sabi ng guard. Ngumiti ako pero naglaho ito ng mataray siyang tumingin sa akin at waring pjnag-aralan ang aking kabuuan.
"Ito po ang ID niya, Miss." Binasa niya ito habang hawak ng guard. Wala akong nakitang reaksiyon.
"Magaling ang pagpapagawa mo ng ID na ito. Pati pangalan ng lola ko ay dinamay mo!"
Nanginit ang buo kong sistema ng marinig ang sinabi niya."Maam, hindi ko po yan pinagawa. Akin po yan. Isa din akong Montreal," deklara ko.