Chapter 10
Agad kong binuksan ang paperbag na inabot niya at nakita kong t-back nga ang binili niyang underwear na may katernong red din na bra. Nasabunutan ko ang sariling buhok sa kakulitan ni Drake.
"Bakit naman ito ang binili mo? Kaloka naman to, eh." Parang bata kong pagdadabog na nagpapadyak pa.
Sumilay ulit ang kapilyuhan niya." Ohm! I just imagined that it will look better on you."
Nanayo ang balahibo ko. Anong na-iimagine niya? Di ibig sabihin pati katawan ko sinali niya.
"Aray! Wifey naman. Be gentle please!" aniya ng hinampas ko sa kanya ang paperbag. He laughed so sexily na kaysarap pakinggan. Wala na nababaliw na talaga ako.
"Yan kasi ang nakita kong nakadisplay sa unahan at naalala ko na paborito mo ang red. And what's the big deal? Sa ilalim naman isusuot yan. Perfect din yan kasi summer, mainit sa labas. Di ba?" mahaba niyang paliwanag.
"Ewan ko sa'yo," sabi ko at iniwan na siya para maligo, dala-dala ang paperbag na binigay niya
"Wifey, just call me if you need help." Pahabol nito.
Napakamot talaga ako sa ulo sa mga binili ni Drake. Akalain mong binilhan din niya ako ng mini-skirt at crop top. Nakaka-asiwa ang mga suot ko. Nagsusuot naman ako ng ganito pero not with a t-back.
Kung puwede lang na hindi na lang ako lumabas ng banyo. Pero, wala akong magagawa mas maigi na to kaysa nakahubad ako.
"Wow! You look like a teen-age girl," aniya. Hinila na rin niya ang upuan para sa akin. At napapalatak ako sa sarap kasi kahit hindi ko kabisado ang ibang ulam na nandoon ay may omelette naman. Ibang version nga lang, mamahalin.
Nagsimula na akong kumain nang tumigil siya at napatitig sa akin.
"Masarap ba?" nakangisi niyang tanong.
"Ang alin?"
"Eggs? I know that you love eggs!" kalmado niyang sabi. Muntik na akong mabilaukan dahil doon. Binigyan naman niya ako ng tubig agad." Sorry, omelellete pala, I mean."
"Umayos ka nga!" reklamo ko. Grabe, araw-araw ba niyang gagawin sa akin ito? Parang di ko kakayanin. Di ko naman alam na may side siyang ganiyan dahil kapag binibiro ko siya noon, hindi siya tumutugon. "Saan ka pala natulog kagabi?"
"Sa tabi mo of course. Ang lakas mo ngang humilik, eh."
"Hindi ako humihilik. Sure ako diyan!" reklamo ko na inirapan pa siya.
"Paano mo malalaman kung tulog ka na nga? Have you tried sleeping with someone?" tanong niya.
"No. I mean, yes pala." diretsa kong sagot.
Napansin kong nagbago ang aura ng mukha niya. Nagseselos ba siyang malaman na may nakatabi na akong matulog noon. O, baka naman nag-iilusyon lang ako.
"Sandali, tatawagan ko para itanong kung humuhilik nga ako pag tulog." Kinuha ko ang cellphone na nasa side table ng kama namin. Pinag-aaralan ko ang ekspresiyon ng mukha niya.
"Sino bang tatawagan mo?" tanong niyang parang binagsakan ng mundo.
"Secret! Yong taong nakatabi ko nun," sagot kong nakangisi. "Hello, love. Gising ka na ba? May itatanong lang sana ako."
"Anong love ba pinagsasabi mo diyan, Adrienne Monica?" Napangiwi ako sa tinawag sa akin ni Zyra sa kabilang linya.
Tumalikod ako ng kaunti para may ibulong sa kanya kasi parang sinusunog na ako sa mga nagbabagang titig ni Drake.
"Makisabay ka na lang, besh. Okay. Love, humihilik ba ako pag tulog?" tanong ko ulit kay Zyra
"Seryoso! Tumawag ka para itanong yan! Oo naman, lalo na pag pagod ka. Para kang baboy kung makahilik. O, bye na aasikasuhin ko pa ang asawa ko," ani Zyra pero bago siguro niya naibaba ay naagaw na ni Drake ang telepono.
"Sino ka? Zyra? Ikaw pala yan? Sorry ha. Nasigawan pa kita. Please send my regards to my bestfriend," ani Drake. Naku! Tiklop din pala sa babae to.
Ibinigay niya sa akin ang cellphone ko pagkatapos nilang mag-usap.
"Huwag mo nga akong pinagloloko diyan. Akala mo naman nakakatuwa." seryoso niyang sabi na bumalik na sa pagkain.
"Sorry na! Binibiro lang kita. Wala naman akong nakatabi kasing iba."
"Mabuti naman," sabi niyang parang nabunutan ng tinik.
Pagkatapos naming kumain ay bumiyahe na ulit kami para sa bagong bahay na lilipatan namin. Kung saan, ilang araw nang nailipat ang mga gamit ko doon pati na rin sa kanya.
Napagdesisyunan namin na isang room lang din matutulog para kung sakali mang bumisita ang mga magulang niya ay hindi kami mabibisto. Malaki naman ang master's bedroom.
Kumuha din siya ng isang kasambahay para may asikaso sa bahay tuwing wala kami. Kasama na doon ang isang driver at security guard.
Nalula ako sa ganda ng bahay. Siguro, hinanda na rin niya ito para sa pag-uwi ni Chloe sa susunod na taon. Sa sobrang ganda, baka hindi ko na gustuhing umalis.
"Hay! Ang saklap!" sabi ko na lang sa sarili ko.
Naramdaman kong inakbayan ako ni Drake habang para akong nananaginip na pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay mula sa napakalawak nitong garden.
"Do you like it?" tanong niya
"Sobra."
"Tingnan na natin ang loob." Iginiya na niya ako papasok sa loob ng bahay nang hindi inaalis ang kanyang kamay na nakaakbay.
Siguro, kung iba ang makakakita sa amin, iisipin na we are a perfect couple. Kasi di naman nila alam amg istorya sa likod ng nakikita nila. Pero sabi nga ni Drake, susubukan naming mamuhay ng masaya.
Abala ako sa pag-oorganize ng mga gamit sa kuwarto namin nang pumasok siya.
"Wifey, i forgot to tell you pala. Nakapasok na ako sa Montreal Corporation."
Kumabog bigla ang dibdib ko ng marinig ang apelyido namin.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong kong itinigil ang ginagawa.
"I have a friend who told me na may shares of stocks siya sa Montreal Corp. And I bought his shares for you. "Nalito ako sa stocks thing. Hindi ako masyadong familiar sa mga ganoon. Ang alam ko lang na stock ay yong mga unsold products pag nagtitinda. "That means na stockholder ka na sa kompanya ng lola mo. Puwede ka ng makapasok doon anytime you want nang hindi hinaharang."
Sa sobrang saya na nararamdaman ay napatalon ako bigla at napayakap sa kanya. Nakalimutan ko ang boundaries namin. Niyakap ko siya at pinupog ng halik ang leeg. Habang parang bata siyang nangingisay sa kiliti.
"Salamat, habi. Baka makahanap ako ng tiyempo para makausap ang lola ko," sabi kong nakayakap pa rin sa kanya.
"Very much welcome. Ayokong apihin lang ng kahit sino ang asawa ko. Anyway, medyo mahal talaga ang bili ko doon. I doubled the price just to get it. Nakapangalan yon sa'yo."
Mas lalo akong napayakap sa kanya. Di ko ma imagine ang presyo noon. Siguradong milyones ang halaga noon kasi di naman basta-bastang bagay lang ang binili niya.
"Paano kita babayaran, Drake? Napakalaki na ng utang ko sa'yo?"
"Hindi yon utang. Regalo ko yon sa'yo kasi di naman basta ang pabor na hiniling ko sa'yo. I asked you to give up your name and dignity for me. You deserve all of that."
'Kahit wala na siguro yan basta kasama kita at maranasan kong mahalin ka. Tsaka nasalba na naman ang bahay namin' gusto kong isagot.
"Marunong ka bang mag drive?" tanong niya.
"Hindi, eh."
"Anyway, may driver naman tayo," aniyang napapahiga pa rin sa kama.
Ako naman at itinuloy ko ang pag-oorganize ng mga damit namin.
"Wag na. Kaya ko na."
"No. You can't go to Montreal's by commuting, wifey. Ihahatid na lang kita sa first meeting mo as shareholder," aniyang napapikit.
Gusto kong makapasok sa mundo nila para sana man lang makilala ang lola ko na nagpalayas sa mga magulang ko. Subalit, sobra naman ang ginawa ni Drake, ginawa pa akong shareholder ng Montreal Corp.
Isa iyang malaking pagkakataon para sa akin. Mula sa mga araw na ito ay hindi na nila ako puwedeng paalisin ng basta-basta. Ang kailangan ko na lang ay pag-aralan ang pasikut-sikot para makasabay sa kanila.
That day, after our wedding ay hindi pumasok si Drake sa opisina niya bilang CEO ng kanilang kompanya. Galit na galit sa kanya ang daddy niya at palalamigin muna niya ang ulo ng daddy niya.
Nagpunta kaming mall at ibinili niya ako ng mga corporate attires. Mula sa damit, sapatos, bags at kung anu-ano pa. Minsan pinapasukat pa niya. Hindi ko alam na ganito pala ang maging asawa ng isang rich kid na halos bilhin mo na lahat ng paninda.
Nasanay naman kasi ako sa bargain bumibili at minsan sa ukay. Kung makabili man sa mall, tig-iisa lang ang binibili ko. Ang lagay eh, nagmukha siyang alalay sa dami ng bitbit niya. Gusto ko siyang tulungan pero ayaw naman niya.
Mas lalo yatang lumalakas pintig ang puso ko para sa kanya. Sobrang gentleman niya. Ang suwerte ng asawa niya.
Anak ng! Ako pala asawa nito, eh."
"Uy! Bakit tumatawa kang mag-isa?" tanong niya. Nakangisi siyang nakatitig sa akin.
Napangiti ako. "Wala. Masarap kasi ang kape nila," sabi ko. Hinigop ko na rin ang kape na mamahalin. Mas masarap pa nga ang 3 in 1 sa kape na 'to.
"Palusot! May iniisip kang iba." Panunukso niya. "Baka naman pinagnanasaan mo na ako."
"Di ah! Feeling mo naman!" atungal ko.
Iniisip ko lang ako pala ang masuwerte.
You're all caught up
New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.





