Chapter 9

Hindi nakaimik ang lahat sa sinabi ni Drake. Ang tanging naririnig ko na lang ay malakas na tibok ng puso ko.

"Are you kidding Drake Allistair?" sita ng mommy niya.

"No, mom. We just got married today," tugon ni Drake.

Tiningnan ako ng matalim ng fiancee sana ni Drake. Sana! Kasi hindi na sila puwedeng ikasal. Simple lang akong ngumiti sa kanya pero dinedma ako. Bumalik siya sa kanyang upuan at kinausap ang mga magulang na di na magkamayaw sa pagdidiskusyon.

"Excuse us for a while," ang daddy ni Drake.

Hinila naman si Drake ng daddy niya palayo doon para mag-usap. Kasunod namin ang mommy nila.

"What the hell are you talking, Drake?" tanong ng daddy niya. Bakas sa mukha nito ang disappointment at pagkakabahala. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Drake. "Is that true, Anica?"

"Yes po."

"Paano nangyari yon, Drake? Wala ka namang nasabi na may relasyon kayo? Bakit hindi mo sinabi? Paano na ang kasunduan namin ng mga magulang ni Shaira?" Napahawak sa ulo si Tito Frances.

"Sorry dad, mom," ani Drake na napayuko. "Ayokong magpakasal sa taong di ko mahal. Ayokong mamuhay ng miserable."

Napatitig ako kay Drake. So mahal niya ako? Kasi pinakasalan niya ako, eh. Siguro, bilang kaibigan.

"Tito, low key lang po kasi ni Drake. Mahal ko po si Drake. Hindi po ako papayag na makasal siya sa iba. Sana mapatawad niyo po kami."

Parang sumayaw ang puso ko pagkasabi nun. Totoo naman kasi ang sinabi ko na mahal ko ang anak nila. Ano ba tawag doon? Unrequited love ba yon? Di bale i-sesearch ko kung tama ba mamaya.

Napapailing na lang din ang mommy nila. "This is such a mess, Frances. Kausapin mong maigi ang mga magulang ni Shaira."

"Come with me, Drake," ani Tito.

Napilitan si Drake na bitawan ang kamay ko na kanina pa niya pinipiga. Mabait kasi siyang anak kaya naman tiklop siya pagdating sa mga magulang niya. Kailangan mo pang back-upan.

Naiwan ako sa mommy niya at parang may dumaang anghel sa pagitan namin sa sobrang tahimik ng paligid. Mabait naman ang mommy ni Drake pero may pagkatahimik. She's a woman of few words. Parang si Zyra lang, titigan lang ang labanan.

"Are you pregnant?" seryoso niyang tanong na nakatingin sa tiyan ko.

Napahawak ako sa tiyan ko. Mukhang kailangan ko ng mag-enroll sa gym. Lahat kasi sila ay pinagkakamalan akong buntis. Sana nga buntis na lang ako. Pero parang malabong mangyari.

"Malaki po ba tiyan ko, Tita?" nakangiti kong tanong.

"Hindi naman. Pero bakit naman nagpakasal kayo agad without telling us?"

"Siguro po sa takot na pilitin niyo siyang ipakasal kay Shaira kaya minadali niya po ang lahat," tugon ko.

"Mahal mo ba talaga ang anak ko?"

Tumango ako. "Opo. Huwag po kayong mag-alala. Aalgaan ko po siya."

Nahinto ang pag-uusap namin ng mommy ni Drake nang dumaan sa banda namin ang pamilya ni Shaira. Hindi man lang nagpaalam ang mga ito sa ginang. Tiningnan din nila ako ng patiwarik.

Nakasunod din sa kanila sina Drake at ang daddy niya.

"What happened?" tanong ng mommy ni Drake sa asawa.

Ilang ulit muna itong napabuga ng hangin bago sumagot. "They will not pursue the merging that we planned. They are also planning to pull out their investment in our company," tugon ni Tito. "It happened becaude of your son's foolishness. Mas inuuna ang pag-ibig kaysa oportunidad." Tiim bagang si Tito pagkatapos bitiwan ang mga salitang yon.

Mukhang mauulit ang nangyari sa daddy ko kay Drake. Drake was just silent. Tinatanggap lang niya ang mga masasakit na salita laban sa kanya. As her friend and wife, nasasaktan ako para sa kanya.

"Dad, we have enough resources why do we need to cling to them?" si Drake.

"Because that's business, idiot! Get out from my sight for now. I don't want to see your face." Gigil na gigil ito. Kulang na lang siguro ay suntukin si Drake.

"Frances, bagong kasal sina Drake at Anica. Let them stay for tonight," pagmamakaawang sabi ng mommy ni Drake. She also looked at me apologetically. Ngitian ko lang siya to give assurance na okay lang ako.

"Why? Did I tell him to do that? I wanted him to marry Shaira and not her," ani Tito Frances na tinuro pa ako at pagkatapps ay umalis na.

Sabihin man nating kunyari lang ang kasal na ito pero nasaktan pa rin ako doon. Lumabas na di ako karapat-dapat sa anak nila dahil mahirap lang ako. The same thing happened to my mother when she chose to love my father.

"Mommy, aalis lang po muna kami ni Adrienne para makapagpahinga siya," ani Drake.

Lumapit ang mommy niya at niyakap siya." Don't worry, son. I'll talk to your dad. Lalamig din ang ulo niya. For now, be a good husband to Anica." Kumalas siya at pagkatapos ay ako naman ang niyakap. "Sorry for all the ruckus, tonight. Babawi ako sa susunod."

Binati din kami ng mga kapatid niya bago kami umalis.

"Okay ka lang ba?" tanong ko para basagin ang katahimikan. Seryoso lang siya sa pagmamaneho.

"Mmm," tanging sagot niya. "Pasensiya ka na nadamay ka pa sa eksena."

"Sa tingin mo ba kung si Chloe ang dinala mo doon ay hindi siya magagalit ng ganoon?" tanong ko. Ewan, pumasok lang ang ideyang yon sa isip ko.

"Di ko rin alam pero salamat kasi nandiyan ka para back-upan ako."

"Kailan ba ako nawala sa tabi mo, Drake?"

Napangiti siya sa sinabi ko. "Oo nga naman. Ano na lang ang gagawin ko pag wala ka?" sabi niyang sa daan nakatingin.

"Eh, di wag mo na akong bitawan," bulong ko. Ako na siguro ang pinakamasayang babae pag nagkataon. May chance naman na manatili ako sa tabi niya. Yon nga lang, bilang kaibigan.

"Ha! Ano ulit?"

"Wala." Bukod sa manhid ang aking asawa ay bingi din pala. Mabuti na lang guwapo siya.

"Sa hotel muna tayo matutulog ngayon. Bukas na tayo umuwi sa bahay natin."

Isang presidential suite ang inarkila namin pagdating sa hotel. Masyadong malaki para sa isang gabi lang na pagtulog. Napahiga agad ako pagkapasok pa lang namin. Sobrang napagod ako sa daming drama aa araw na ito.

Ginaya naman ni Drake ang ginawa ko. Magkatabi kaming humiga sa napakalaki at napakalambot na kama. Ginawa naming unan ang aming mga braso habang nakatitig sa kisame.

Wala kaming imikan. Kaya ramdam namin ang paghinga ng bawat-isa. Naamoy ko rin ang kanyang panlalaking pabango na lalong dumagdag sa kanyang sex appeal.

"Anong iniisip mo diyan?" bulong niya.

"Ikaw."

Napatawa naman siya. "Bakit naman? Kasama mo na nga ako, eh."

"Ikaw lang naman ang laman ng isip ko. Minsan nakakapagod kasi gusto kong itigil pero hindi ko magawa," tugon kong nakapikit na. Antok na antok na talaga ako. Parang hinihila na ako kung saan. Wala ng ligu-ligo. Di na kaya ng aking katawan. "Good night, husband. I love you." Bulong ko.

Wala akong narinig na sagot. Alam ko namang hindi ako ang laman ng puso niya. Pero, okay lang. Ako naman ang kasama niya.

Napaunat ako at dahan-dahang nagmulat ng mata. Nakadapa ako sa kama at may kumot na. Napakasweet talaga ng asawa ko. Nang tumagilid ako ng kaunti, tumambad sa paningin ko ang masasarap na pagkain. Nasa gilid naman ng mesa si Drake na waring naghihintay sa aking paggising.

"Morning, wifey. I prepared breakfast in bed for you," aniya. Napatitig ako sa kabuuan niya. Sobrang fresh na niya. Nakaligo at nakabihis na. Bumakat sa suot niyang T-shirt ang kanyang makisig na pangangatawan. Ewan ko kung nakita niya pero napalunok ang lola niyong haliparot.

Bumangon na rin ako at umupo muna sandali. Naamoy ko na ang morning breathe ko. Nakakahiya sa mabango kong asawa. That asawa word is giving me a chill.

"Good morning." Bati ko sa kanya pero kumunot ang noo niya. Parang may iba pang hinihintay. my

"Good morning lang? Wala bang endearment?" nakangiti niyang tanong.

Hindi ko namalayan na napabuka pala ang bibig ko na agad ko namang tinikom dahil baka matagpuan ng mga insekto at gawing pugad. Gawa nga na hindi pa ako nakapagtoothbrush.

"Anong endearment naman?" nalilito kong tanong. Kung ako lang ang masusunod ay marami akong gustong itawag sa kanya. Mahal, my love, darling, at iba pa. Pero wala kami sa level na yon.

"Call me habi na lang. Sige na maligo ka na at kakain na tayo." Tumayo siya at kinuha ang paperbag na nakalagay sa sofa at inabot sa akin." Lumabas ako kanina para mamili ng isusuot natin."

"Salamat." Huli na ng maalala ko na kung ganoon ay pati undergarments ay siya din ang bumili. Natitiyak ko ang pamumula ng pisngi ko. Tinampal ko pa ang noo sa sobrang hiya." Sana ginising mo na lang ako."

Lumapit siya sa akin at piningot ang ilong ko." Nah, it's okay basta para sa'yo. Anyway, about sa panty mo-"

"Sssh! Huwag mo nang ituloy." Putol ko sa sasabihin niya at siya naman ay tuwang-tuwa.

"What? I don't know yet kung anong style gusto mo so I just bought your favorite color. Red and t-back!" sabi niyang nakangisi.