WAKAS
Madison’s POV.
"Kung mag-aasawa ka, edi makakapag-asawa din ako," saad ni Trevor. Mas lalong hindi ko naintindihan yung naging punto ng sunod na sinabi niya.
"So, sinasabi mo ba na mag-aasawa ka lang oras na nakapag asawa ako? Ganoon ba 'yon?" pagtatanong ko sa kanya na magkasalubong yung aking mga kilay habang itinuturo ko yung aking sarili.
"No. Ang ibig kong sabihin, makakapag-asawa lang ako oras pinakasalanan mo 'ko," he answered. My heart did a backflip after hearing that from him. A blatant dare in Trevor's eyes made me bite my lips.
Napaatras ako noong makita kong mabilis siyang humakbang palapit sa akin, sabay ipinatong yung mga braso niya sa lababo. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na namalayang na-korner niya ako bigla. I stared straight ahead of him bewildered. I blinked a couple of times, completely shocked.
"Kung gusto mo talaga akong makapag-asawa, edi pakasalan mo ako," he gave me coy, seductive smile. His smile highlighted the impressive define cuts of his jaw.
My voice catches in my throat as I tried opening my mouth to say something, but nothing comes out. For pete's sake! What is wrong with my tongue? It suddenly grew so thick to give him a verbal respond. As he was about to lean forward, I pushed him away, enough to release myself from being his captive.
"Gago ka ba? Huwag mo nga akong biruin ng ganyan, Trevor. Kailan ka ba magtitino? Lahat na lang talaga ay biro sa—" seryosong saad ko sa kanya at noong akmang hahakbang na ako palayo ay bigla niyang hinawakan ng mahigpit yung kamay ko. I turned my head to face him.
"Paano kong sabihin ko sa’yo na sa lahat ng mga biro ko, ito lang yung totoo. Are you now going to believe it?" His deep voice rolled over the kitchen. I wasn't able to give him an immediate answer.
******
"We're now here, sweetheart. Are you ready to start the first day of the week?" I asked Randall. He gave me a nod with an excited look on his face.
"Thanks for giving me a ride, mommy! I love you," he said as he leaned to me closer and hugged me tightly.
"I love you too, honey. Ubusin mo yung lunch mo, ha? Be attentive in class and stay hydrated. Is mommy clear?" pagpapaalalang sabi ko sa kanya habang inaayos ko yung kanyang buhok.
"Yes, captain!" masayang sagot niya habang nakasaludo pa sa harap ko. Natawa na lamang ako dahil hindi ko na alam kung saan ko ilalagay yung gigil nararamdaman ko para sa anak ko.
"Okay, that's good to hear. Pag di ka nasundo ni mommy kaagad, tatawagan ko lang advicer mo, ha? Baka si tito Trevor mo na naman yung susundo sayo mamayang hapon, kasi busy si mommy sa trabaho," paliwanag ko sa kanya tapos ay tumango tango lang siya sabay binigyan ako ng isang matamis na ngiti.
"It's okay, mommy. You want another powerhug?" Nang tanungin niya ako ay awtomatikong nagliwanag yung mukha ko dahil sa kakaibang tamis ng ngiting hatid sa akin ng batang ito.
"Can mommy have one?" pagtatanong ko sa kanya tapos ay binuksan ko uli yung magkabilang mga braso ko sa kanya.
"You can have two! No. Three! Because you prepared my favorite breakfast this morning," aniya sabay lumundag para yakapin ako ng mahigpit.
"Mommy?"
"Hmm? Yes, sweetheart? What is it?"
"Can we stop over at your workplace later?" aniya at halatang nagpapacute siya sa harap ko upang mapapayag niya ako sa kung anuman ang gusto niyang pabor na hingiin sa'kin.
"Sure. You don't want to go home early?" I asked him.
"No. Not that. I just want to visit the gallery where you are working," mahinang sagot niya sa akin.
"Oh. So, you mean you want to see real-life paintings?" pagtatanong ko sa kanya habang hinahaplos yung malaman niyang mga pisnge.
Tumango si Randall sa akin sabay binuksan yung packbag niya at may dinampot na nakatuping oslo paper. Inabot niya ito sa akin habang nakatitig sa mga mata ko yung malaki at bilugan niyang mga mata.
"What's this?" I asked him softly.
"Open. Open," maikling sagot niya habang itinuturo yung papel na hawak ko.
Ngumiti ako at agad ding tinignan yung laman ng papel. Laking gulat ko noong makita ko ang isang magandang larawan ng pamilya na iginuhit niya gamit ang watercolors. Naibalik ko uli yung mga mata ko kay Randall na ngayon ay nakangiting naghihintay ng aking magiging reaksyon.
"Wow! Sweetheart, I didn't know you were so good in art. Mommy is very proud of you, honey!" I said and leaned to give him a kiss on his forehead.
"My... my teacher gave me an A plus grade on my watercolor artwork last week. S-sabi niya... kasing ganda raw ng gawa ko yung mga gawa ng mga kilalang pintor, mommy. That is why I wanted to know if she is really telling me the truth." I thought I already had the best laugh after hearing those words from him.
I find Randall too cute of him wanting to confirm if his artwork is really as good just like what his teacher told him. His innocence and witty personality is always out of my league and that what makes him extraordinary among anyone else.
Having Randall Joseph Espinosa in my life is like a God's gift from heaven. He was the greatest thing I have ever received, and I would never trade my love for him even on the most expensive luxury in this world. He is the greatest treasure I will always be proud of.
Randall almost completed the puzzle pieces inside me that got missing for a very long time. He arrived in my most depressing moment, the time that everything just went upside down. I do not think I would ever survive after that heartbreak, if it was not because of this sweet angel.
"Sure, honey. But for me, yours is still better than them," I said.
"Really? You like it? Or you are just telling that to me, so my feelings won’t get hurt?" he asked me with tiny giggles in the tone of his voice.
"Of course, I do like it. But mommy likes you more." Noong sabihin ko iyon ay marahan kong pinisil yung maliit niyang ilong.
"I like mommy too! I like you a hundred times more! Hehe!" aniya tapos ay napakamot sa likod ng ulo niya.
"Mommy, are you not curious who are they?" pagtatanong niya sa akin noong ituro niya yung tatlong taong iginuhit niya.
"Why? Do I know them?"
"Of course! This is you this is me, and this is da—" Hindi ko nagawang makapagsalita noong hindi niya magawang sambitin yung salitang 'daddy.'
"This is da... d-da—" He was still trying to pronounce the word, but it seemed to be too difficult for him to utter the word 'daddy.' Nadurog yung puso ko noong makita kong bigla na lamang naglaho yung kaninang matamis na ngiti sa kanyang mukha.
"You mean, daddy?" pagtatanong ko kay Randall. Noong magsalita ako ay ibinalik niya sa akin yung titig niya.
"No. I guess this will suits better to my tito Trevor," he said as he gave me a half-hearted smile.
"Yeah. I would also agree with you, baby," mahinang sabi ko sa kanya.
Bago ko tuluyang tinapos yung koneksyon ko kay Russel noon ay ipinangako ko sa batang nasa sinapupunan ko, na hindi ko man magawang ikabit sa kanyang pangalan yung apelyedo ng tatay niya ay gagawin ko yung lahat para hindi niya maramdaman na may kulang sa kanya.
Labis-labis yung pasasalamat ko sa Panginoon na hindi niya kami pinabayaan ng anak ko. Lalo na noong mga araw na kailangan naming dalawa ng tulong at suporta. Hindi ako pinagdamutan ng tulong nina Giselle at si Trevor, na siyang halos tumayong ama sa anak kong si Randall.
Binuhusan nila ng ilang baldeng pagmamahal at atensyon yung anak ko, kung kaya't lumaki siya na isang masayahin at masiglang bata. Proud ako sa aking sarili dahil nagawa ko siyang palakihin ng may respeto at marunong gumalang sa kapwa. Nadiplina ko siya gaya kung papaano ako dinisiplina ng aking mga magulang noon.
Hindi man nagawang makilala ni Randall si Russel ay masaya pa din ako dahil nagawa ko siyang palakihin ng maayos kahit na mag-isa lang ako. Mabuti na lamang at hindi rin gaanong nagtatanong sa akin si Randall tungkol sa tatay niya, kung kaya't hindi ko na kailangang buksan pa yung kwentong nag-iwan lamang ng malalim na sugat sa puso ko.
******
"Miss Madi! Miss Madison! Bakit ngayon lang po kayo dumating? Kanina ko pa po kayo tinatawagan pero hindi kayo sumasagot," Taranta at mukhang aligagang-aligaga yung katrabaho kong si Amelie, noong salubungin niya ako pagpasok ko ng opisina.
"Hinatid ko pa yung anak ko sa kindergarten school. Why? Is there something wrong?" pag-aalalang pagtatanong ko sa kanya matapos kong mailapag sa lamesa yung mga gamit na bitbit ko.
"S-si Mr. Regador po kasi... hindi raw siya makakasipot ngayon sa one-on-one interview niya kay mister Leo, yung sikat na pintor na matagal na nating pinipilit para sa audio presentation," nauutal pang pagkukuwento niya sa akin habang kinakagat yung kuko niya.
"Wait. What?! Bakit daw? Natawagan mo na ba si Mr. Regador?" pagtatanong ko sa kanya. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha dahil ang aga-aga ay may malaking aberya agad kami sa trabaho.
"May emergency daw po kasi siyang napuntahan sa mga oras na 'to, kaya baka hindi na raw siya makakasipot. Wala sanang magiging problema kung hindi pa kaninang naghihintay sa meeting room si Mr. Leo," aniya.
"Pero hindi ba at matagal na niyang nilinaw sa atin na walang siyang papayagang gumawa ng interview maliban kay Mr. Regador? Ang alam ko ay matagal na silang magkakilala, kaya nga niya tayo pinagbigyan sa interview na'to," saad ko kay Amelie.
"Oo nga po. Pero nagkausap na sila kanina. Pumayag naman si mr. Leo basta't kayo daw po yung gagawa ng interview." Nanlaki yung aking mga mata dahil sa aking nadinig mula kay Amelie.
"Ako? Bakit ako? E assistant vice curator lang naman ako. Nasaan ba si Miss Angilly? Siya dapat yung sasalo sa responsibilidad kung sakaling wala dito ang head cur—" Hindi ko nagawang tapusin yung dapat sana'y sasabihin ko noong barahin ako ni Amelie.
"Mr. Leo had personally requested you, miss Madi. Mabuti nga at pinagbigyan niya pa rin tayo. Ilang buwan na natin siyang sinusuyong gawin yung audio presentation. Pag di natuloy yung presentation ngayon, tiyak na di na natin siya mapipilit ulit," giit ni Amelie.
"Atsaka, alam naman nating napaka misteryosong tao ni mr. Leo. Wala pang nakakakita sa pagmumukha niya maliban kay mr. Regador. Baka sa’yo siya komportableng gawin yung interview kaya ikaw ni-request niya. Please, miss Madison... gawin mo na lamang yung interview. Dito nakasalalay yung success ng art exhibition na matagal na nating pinaghahandaan," pagmamakaawa ni Amelie sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako sabay tumango dahil wala naman din akong ibang magagawa.
"Alright. May magagawa pa ba ako? Pupuntahan ko na siya sa ngayon meeting room." Nang sabihin ko iyon ay nakita ko yung awtomatikong pagkatuwa ni Amelie. Parang nabuhayan uli yung kanyang pagmumukhang nababalot ng kawalan ng pag-asa kanina.
"Thank you, miss Madison! You really saved the day!" aniya habang napapatalon-talon pa sa sobrang tuwa at pasasalamat sa akin.
Mabilis akong naglakad at noong makarating na ako sa pinto ng meeting room ay huminga ako ng sobrang lalim. Pinalakas ko yung loob ko na kakayaning matapos yung urgent interview kahit pa wala akong naging sapat na paghahanda. Sinigurado ko munang naayos ko yung mga gusot sa damit ko, bago ako tuluyang nag-iwan ng tatlong malalakas na katok sa pinto.
"Please come in." A deep sexy rumble of voice rolled over the room. I took a deep breath and cleansed my throat before I flung the door wide.
"I am very sorry that our team had kept you waiting for too long, Mr. Leo. Unfortunately, mr. Regador our head curator, had an urgent emergency at the moment. I need to replace him in this audio interview if that would be okay with you?" pagtatanong ko sa lalaking nakatayo habang nakatalikod sa akin. Nakatitig siya sa malaking bintana ng meeting room habang nakapamulsa. Paglingon niya ay may suot pala itong itim na sumbrero at itim na reusable designer face mask. Nakakatulong ang mga iyon upang magawa niyang takpan ang kanyang pagmumukha.
"I am glad to see you again, Madison." Noong madinig ko siyang magsalita sa malapitan ay agad na nagsalubong yung aking mga kilay ko dahil sa pagtataka, kung bakit pamilyar na pamilyar sa aking pandinig yung tinig ng kanyang malalim na boses. Pakiramdam ko ay kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na umuugong ngayon sa apat na sulok ng kuwarto.
"E-excuse me? Pardon, please?" I said in a puzzled facial expression.
Dahan-dahan niyang tinanggal yung sumbrero at mask na suot niya. Nang masilayan ko ang kanyang mukha ay naramdaman ko yung biglaang panlalambot ng magkabila kong mga tuhod.
"It has been a while. Please, don’t tell me that you didn’t miss me because I missed you so badly," sambit niya habang nakatitig ng seryoso yung kanyang mga mata sa direksyon ng kinatatayuan ko.
"I-ikaw si Leo?!" saad ko habang magkasalubong ang aking mga kilay.
"Yes, I am. Russel Yosef Silverio. The young Leonardo da Vinci of France. It's nice meeting you again, Madison Noelle Espinosa," aniya tapos ay naglahad ng kanyang kamay sa aking harapan.
History repeats itself. Iyon ang unang tumatak sa isipan ko noong nagkrus uli yung landas namin ni Russel, matapos ang mahigit limang taon. De javu ba ang lahat ng ito? Bakit parang naulit na ang ganitong klaseng eksena noon? Napako yung titig namin sa mga mata ng isa’t isa. Hindi ko nagawang makapagsalita at para bang na estatwa bigla yung aking buong katawan noong makita ko ulit yung lalaking matagal ko ng ibinaon sa limot.
Naibalik ako sa alaala kung saan una kong nakilala si Russel noong nagtatrabaho pa lang ako bilang isang mananayaw sa Octagon clubhouse. Gabi ng Valentine’s Day noong katukin ko siya sa kanyang kuwarto at wala akong ideya, na iyon na pala yung simula ng aming kwento. Nakamaskara din ako upang itago ang aking pagkakakilanlan at nagpakilala sa pangalang bansag lang sa akin ng karamihan.
Ano ang nakatagong rason na bumabalot sa likod ng aming muling pagkikita?
THE END
(12-27-21)
All Right Reserved
PS: In the second book, the plot of the story will be continued. Follow me on Readoo for you to be updated. Adios!
The End
You finished this book. Find your next story below.





