Chapter 12: Benefit

OLIVIA

“ nalaman kung ganun ang sitwasyon ni benjie, nagalit ako… kumbaga iniwas na nga siya ni lolo sa ganitong buhay tapos magiging ganito din lang pala ang bagsak niya”

“ kahit alam ko na dapat siya ang ikasal, hindi na ako nag salita at nag sakripisyo na lang ako kasi kilala ko ai benjie. Matapang siyang mag salita pero deep inside napaka hina niya” dagdag niya pa.

“ hindi niya ba alam ang lahat ng ito?” tanong ko uli.

“ ang alam niya lang ay saakin ipinamana ni lolo ang kompanya…. Iyon lang at wala ng iba pero hindi niya alam na nasaakin nga ang kompanya pero nakatali at naka kulong ako sa makipot na kweba, na napaka hirap lumabas”

“ Bakit hindi mo kausapin si nancy na mag hiwalay na lang kayo?” umiling siya

“ sabi ko nga mahirap lumabas…para na akong isinumpa dahil kung alam mo lang araw araw akong nagpapadala ng annulment paper sa opisina niya pero ipinapabalik niya lang ito saakin”

“ sabi pa niya… kahit ganito kami okay lang, parusa ko na daw ito dahil sa panloloko ni lolo sakanya” sagot niya.

“ pero siya ang huli sabi mo diba??”

“ sabi ko nga isang dakilang babaero si lolo” nanlumo tuloy ako, yan na nga ang sinasabi ng karma…hindi man sayo o sa anak, pwedeng pwede naman sa apo kaya bago man gumawa ng kasalanan pag isipan muna ito dahil may pamilya kang pwedeng sumalo sa karma.

Nag patuloy ang kwentuhan naming dalawa hanggang dis oras ng gabi, hilong hilo na ako. Tinignan ko si brent na ang tino tino pa.

“ gabi na… ano kaya mo pang umuwi?” tanong niya.

“ oo naman…” tumayo na ako pero napaupo ako.

“ tsk…gusto mo lang alalayan kita” napa ngiti ako

“ hindi no… lasing ako pero alam ko na kaya ko parin” tumayo uli ako, kinaya ko naman na at nag lakad na ako.

“ olivia may pagka gentleman ako baka gusto mong hiramin?” umiling ako.

“ hindi na…baka hindi ko na ibalik” sagot ko.

“ tsaka mahirap na baka iisa na lang” dagdag ko.

“ okay lang kung hindi mo ibalik kung sayo naman mapupunta” tinignan ko siya, ewan ko pero kinilig ako.

“ ewan ko sayo” tumalikod na ako pero nahihilo talaga ako.

“ kapit na…” tiningala ko siya, ang tangkad niya kasi.

“ kapit ka lang sa braso ko” kumapit na nga lang ako kasi nahihilo talaga ako.

Tahimik kaming naglalakad.. todo kapit ako kay brent, pakiramdam ko habang tumatagal hindi ko na nakikita ang daanan.

“ the girl was so clingy” rinig ko.

“ she have too babe, the guy is so handsome” rinig ko pa, bumitaw tuloy ako para matumba ako.

“ sabi kasing kumapit ka para hindi ka mafall” siningkitan ko siya ng tingin, ngumiti siya.

“ baliw kana, kanina kapa ah” kumapit uli ako sakanya.

Makulit din pala siya, napaka seryoso niya kasi nong una ko siyang nakita tapos kinsan masungit or ngayon lang siya nagiging ganito dahil ayaw ilabas kung ano ba talaga siya kay nancy.

“ olivia” huminto ako.

“ about sa sinabi ko noon… about courting?” nagkatitigan lang kami.

“ I don’t know but I felt weird when im with you, I felt something special in my heart when im looking at you… alam kong magulo pa ang mundo ko pero magiging maayos ito sa tingin ko kapag lagi kita sa tabi ko”

“ If iniisip mo si nancy, I can take care of her… so give me a chance to court you” dagdag niya, naka tingin padin ako sakanya.

“ olivia” tawag niya.

“ brent babae ako at kahit hindi mo mahal ang asawa o sapilitan ang nangyari sainyo… hindi maganda na nanliligaw ka saakin tsaka ayaw mo bang ganito lang tayo? Ang mag kaibigan?? Nasa tabi mo parin naman ako kung kailangan mo” sagot ko.

“ but oliv---”

“ ayokong dumating sa punto na maging kabit ako brent” seryoso kong sabi.

“ hindi ko babaliin ang sinabi ko kay macy” dagdag ko, naka tingin lang siya saakin hanggang huminga ng malalim tsaka ngumiti.

“ okay… uhmm… so…. Tara?” pang iiba niya.

“ brent sana maintindihan mo” ngumiti siya at tumango.

Tahimik na kaming bumalik sa hotel…pagkadating namin sa hotel nakita namin si benjie na naka sandal na naka tingin saamin.

“ talagang sinama mo pa siya sa bisyo mo?? Brent---”

“ benjie ako ang nagyaya, hindi ako maka tulog kaya niyaya ko” putol ko.

“ kinonsinti ka naman… olivia babae ka at kung iinom ka sa umaga” napa ngiti ako.

“ huwag mo akong ngitian…kanina pa kayo hinahanap ni macy tsaka ikaw may bisita ka” gumilid siya, nanlaki ang mata ko si madam.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at nag lakad papalapit saamin, una tinignan si brents tsaka ako tinignan na may ibig sabihin.

“ may ginawa bang kalokohan ang asawa ko?” diin niya sa salitang asawa.

“ wala po madam maliban po ngayon na uminom”sagot ko.

“ mmm…I never know na umiinom ka pala” tinignan niya si brent.

“ you don’t need to know” sagot ni breng.

“ is that so?? Sabagay sino ba naman ako?? Isa lang naman akong mayamang babae na hindi basta basta nauutakan, diba olivia?!” tumango ako sabay yuko ng ulo.

“ anyway… ako na bahala sa asawa ko” dagdag niya, tumango uli ako at nag lakad na palayo.

“ olivia—” nilingon ko siya

“ brent!” galit na sabi ni madam, tinignan ko si brent.

“ huwag mong akong subukan… hindi mo alam kung anong kaya ng may pera” pagbabanta niya, tinignan ako…. Ngumiti ako ng tipid sakanya at tumalikod na.

Naka balik na ako sa kwarto ko, pabagsak ko inihiga ang katawan ko…iniisip ko si brent kung ano na ang ginagawa niya, baka kung ano na ang ginawa ni madam sakanya.

Naalala ko tuloy ung sinabi niya na panliligaw…. kinapa ko ang puso ko, maling tao ang pinili mo puso ko.