Chapter 11: Not interested
OLIVIA
Pagka hatid saakin ni brent, may kumatok sa pinto ko. Si benjie pala, niyaya niya uli akong mag lakad lakad. Pumayag na ako kahit pagod kasi ung mukha niya pulang pula parang nasampal ng ilang beses kaya umuo na lang ako.
“ sinampal ka?” napa ngisi siya.
“ ganyan talaga kapag mahal na mahal ka ng babae” dagdag ko.
“ I don’t know pero macy is different, nong una okay pa eh pero bakit ngayon umiiba na siya… grabe ang hirap gumalaw maski kasama ko siya o hindi”
“ Nahihirapan na ako” dagdag niya, minsan ata ang sobrang pagiging selosa o seloso ay nagdudulot ng masama sa relasyon.
“ what if…..”
“ hindi na ako magpapakasal” napatulala ako sa sinabi niya.
“ fuck!!! Ang hirap!!! Kapag hindi ko itutuloy mag uumpisa nanaman ako sa baba, magagalit ang papa ko, ikakahiya ako ng kapatid ko at higit sa lahat nawala lang sa wala ang pinag hirapan ko” nalungkot ako sa sinabi niya pero parang may mali.
“ benjie mahal mo??” tinignan niya ako.
“ she’s important to me pero hindi ko alam kung mahal ko” napailing na lang ako.
“ kung ganun para saan itong mga ito? Benjie hindi laruan ang pag ibig lalo na ang kasal na kapag nagsawa ka iiwan mo o itatapon” paliwanag ko
“ huwag mong sabihin na dahil sa pera??” umiwas ng tingin tsaka napa buga ng hangin, lumingon din ako sa tinitignan niya ng nagulat ako, nakatayo si brent habang naka tingin saamin.
Lumapit siya saamin, kinuwelyuhan si benjie. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon, naka tingin lang siya ng masama sa kapatid niya.
“ nahihibang kana ba?!!” tanong niya sa kapatid niya.
“ kaya naman pala may mali sabi ko tapos ganito pala?! Kung pera lang din ang problema mo magbibigay ako!” kumunot ang noo ni benjie, siya naman ang nang kuwelyo kay brent.
“ yan ang mahirap sayo, minamaliit mo ako dahil ikaw may kompanya habang ako wala!” sagot ni benjie.
“ hindi kita minamaliit benjie, sinasabi ko lang na kung pera lang din naman ang dahilan para pakasalan mo siya itigil mo na, ako na lang ang magbibigay sayo kaysa----”
“ Kaysa ano??” putol ni benjie.
“ huwag mo akong turuan na para bang kuya kita… I know what I am doing, willing ako g mag sakripisyo ng nararamdaman basta maibigay ko lang ang gusto ni papa” dagdag ni benjie.
“ maswerte ka nga eh kasi ibinigay sayo ni lolo ang kompanya habang kami ni papa nganga kaya be thankful at kung ano man ang balak ko sa buhay ko wala ka ng pakialam doon” umiba ang mukha ni brent.
“ hindi mo alam ang sinasabi mo, kung pwede ko lang ibigay sayo ang kompanya ibibigay ko---”
“ then do it, kapag ginawa mo hindi na ako magpapakasal. Hindi na ako mangagamit ng tao para maabot ko ang pangarap ko!” hamon ni benjie, nagka titigan na lang sila.
Pabiglang binitawan ni benjie si brent, tinignan ko si brent na nanlumo pero bakit…parang may gusto siyang sabihin pero may pumipigil sakanya.
“ hindi mo kaya dahil gusto mo sayo ang kompanya, huwag ka ng mag panggap na concern saamin ni papa dahil hindi bagay sayo” inirapan niya si brent tsaka nag lakad palayo, tinignan ko si brent na nakatulala.
“ kung pwede lang” bulong niya, hindi ko na alam kung saan nag punta si benjie kaya kay brent na ako sumabay pauwi.
KAnina pa siya tahimik na ang lalim lalim ng Iniisip niya, tatanungin ko sana siya pero parang mas okay na huwag na lang ako mag salita at hayaan na lang siya.
INihatid niya uli ako sa room ko pero naka tingin lang siya sa baba habang naka hinto sa tapat ng pintuan ko.
“ brent” napa tingin saakin.
“ mm??” tinignan niya kung saan na kami.
“ oohh… alis na ako” sabi niya sabay talikod.
“ gusto mo uminom??” nilingon niya ako, parang kasi kailangan niya ng alak ngayon.
“ sige”
Lumabas na uli kami sa hotel, nag hanap kami kung saan pwedeng uminom ng tahimik… mabuti na lang naka hanap na agad kami, umorder na rin siya ng inumin namin.
“ hinay lang… ayoko ng magbuhat ng tao pag balik sa hotel” ngumisi siya
“ don’t worry gagapang ako para hindi ka lang mag buhat” sagot niya.
“ bakit ka ba nagyaya ng inom?” dagdag niya.
“ base kasi sa nakikita ko sayo mukhang kailangan mo ng gamot” kumunot ang noo niya
“ gamot??”tumango ako.
“ diba kapag may problema alak ang hinahanap imbes na solusyon???” sagot ko.
“ ano ba problema at bakit ka bigla bigla kang nanununtok??” tanong ko.
Tinignan niya ako na parang nag iisip kung sasabihin niya ba o hindi, napa buntong hininga siya
“ okay… please saatin lang ito, ayoko pang malaman ni benjie at baka sabihin pa kay papa” tumango ako
“ remember na pinag kasundo ako kay nancy??” tumango ako
“ may rason kung bakit ganun… si lolo ay maraming utang dahil sa pagiging babaero niya, alam mo naman na kapag madami kang babae, madami kading gagastusin tulad na lang ni lolo”
“ nagka utang utang siya hanggang maski ang kompanya ay naiqualateral niya hanggang nagkasakit siya, si nancy ang huling babae ni lolo kung saan sakanya siya nagka utang ng malaki at siya na din ang nag bayad sa ibang utang ni lolo”
“ Para mabayaran si nancy… sinabi niyang pwedeng mamili si nancy para maikasal sakanyan kapalit ng lahat kasama na ang kompanya…. ginusto naman ni nancy kaya namili siya, ang pinili niya ay si benjie pero dahil walang alam si nancy saamin ako ang ibinigay ni lolo bilang kapalit” nanlaki ang mata ko.
“ sa totoo lang, hindi ako ang mahalaga kay lolo kundi si benjie dahil inilayo niya siya sa babaeng alam niyang magpapahirap sakanya” dagdag niya pa
“ paano mo nalaman??” tanong ko.
“ andon ako sa c. r…. Tulog kasi si lolo non kaya nag c. r ako tapos dumating si nancy kaya lahat ng pinag usapan nila ay narinig ko” bakas ang lungkot sa mukha niya.