Chapter 8

[ ALEXA ]

"Magiging masaya ang field trip natin may kasama akong kaibigan." Masayang sabi ni, Hannah.

"Bakit wala ka bang kaibigan?" Takang tanong ko, umiling si Hannah sa tanong ko.

"Kahit naman ako walang kaibigan, sino ba ang kakaibigan sa akin?" Wika ni, Justin.

"Masiyado ka kasing matalino kaya siguro ilag sila sa'yo." Napapangiting sabi ni, Hannah.

"Oy Hannah, umayos ka ng ngiti-ngiti mo diyan kanina napansin ko todo ngiti mo doon sa nagpakilalang Brent sa atin kanina." Sermon ko kay Hannah, parang nahihiyang napapangiti siya.

"Hindi naman hindi ko lang inaasahan na lalapit si Brent sa atin, bihira lang makipaglapit si Brent lalo na si Cross sa iba. Kahit si Justin, masaya akong nakasama ko siya ngayon siya kaya ang top 1 lagi sa room natin."

"Talaga? Ang talino mo pala Justin, baka puwede pakopya sa math?" Nakangiting sabi ko at umiling si, Justin.

"Nako, wala kang aasahan kay Justin. Hindi 'yan namimigay ng sagot pero tuturuan ka niya." Nakangiting sabi ni, Hannah.

"Sandali nga lang bakit parang lahat alam mo ang mga ugali nila?" Naghihinalang tanong ko kay, Hannah.

"Stalker." Sagot ni, Justin.

"Hindi aa," mariin na tangi ni, Hannah.

"Ok, tama na nga 'yan." Sabi ko at napansin ko ang paper bag na dala ni, Hannah. "Yan ba 'yung naiwan mo?" Tanong ko.

"Oo ito 'yon, sandali ilalabas ko para makain natin."

"Pagkain pala laman niyan, sakto nagugutom na ako." Sabi ko.

"Oo, hinanda 'to ni mama kasi nagpaluto si kuya at pinabaunan niya ako."

Tumango-tango kay Hannah, nilabas niya ang laman ng paper. Mga nasa magagandang box 'yon at pagbukas naamoy ko agad ang mabango at ang sushi at binalot sa itim tapos may kanin sa loob at kung anu-ano pa. Nakalimutan ko tawag doon pero paborito ko 'yon noong natikman ko, may mga karne rin na prito na may sarsa at mga pasta at matatamis.

"Grabe ang dami naman nito." Natatakam na sabi ko.

"Masarap 'yan halika na kainin na natin, kuha ka na Justin." Alok sa amin ni Hannah.

Gamit ang chop stick na binigay ni Hannah ang ginamit namin, mabuti na lang marunong ako nito.

"Pero sa tingin ko hindi sasama si Cross  at si Brent, kapag kasama lang si Cross doon lang sasama si, Brent." Sabi ni Hannah.

"Hindi mahilig si Cross sa ganyan kahit naman noon pa." Litanya naman ni, Justin.

Hindi ko pinansin ang pinag-uusapan nila dahil busy akong kumain.

"Gosh, narinig niyo ba ang bagong balita? Nagpa-register na si Cross at Brent para sa field trip."

"Oo nga grabe ngayon lang sasama si Cross, magiging masaya ang field trip ko ngayong taon."

Nanlalaki naman ang mata ni Hannah dahil sa narinig niya na nagchi-chismisan sa likod namin. Grabe lang daig pa ata ang mga chismosa sa amin sa kanto.

"Totoo ba 'to sasama sila talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ni, Hannah.

"Ano bang mayroon kung sumama sila lalo na 'yang si, Cross?" Tanong ko kasi para bang napakahirap nilang paniwalaan na sasama si, Cross.

"Lahat dito kilala si Cross na hindi uma-attend ng Christmas party o kahit na anong event sa school. Maraming nagsasabi na ang boring ng buhay niya at isa pa, maraming may gusto kay Cross kaya sigurado akong maraming sasama na babae sa field trip."

Paliwanag ni Justin, napaangat lang ang kilay ko, 'di siya na ang sikat.

"Pa-join sa usapan."

Bahagyang nagulat ako dahil sa biglang umupo si, Drake. Kumuha ng chop stick at kumuha lang basta ng pagkain.

"Masarap." Sabi nito.

"Gawa 'yan ni mama." Ani ni, Hannah.

"Ano bang ginagawa mo dito? Maninira ka na naman ba ng araw?" Asar na sabi ko at ngumiti siya sa akin.

Gwapo ka rin sana to kaso ugali

"Balita ko kasama kayo sa field trip, masaya rin akong mabalitaan na kasama si Cross, kita kits tayo sa field trip."

Sabay tayo nito at iniwan na kami, panay na naman ang bulungan sa gilid at likod namin.

"Nakakapanibago lahat sasama, sana lang wala namang gulong mangyari lalo pa at sasama rin si, Drake." mahinang sabi ni, Hannah.

"Siguradong may gulong mangyayari." seryosong sabi ni, Justin.

"Magkaaway ba ang dalawa na 'yan?"kuryos na tanong ko at nagkatinginan si Hannah at Justin.

"Wala akong alam." Sagot agad ni, Justin.

"Ang totoo hindi ko rin alam, pero simula ng bumalik si Cross dito nakaraang taon. Lagi na silang nagkakabangaan ni Drake, isa pa naging ganyan si Cross noong mamatay ang mama niya sa isang aksidente." Kuwento ni, Hannah.

Natahimik ako bigla at napaisip sa naging sitwasyon.

"Ganun ba, pero ang sarap talaga nitong luto ng mama mo." Pag-iiba ko sa usapan dahil parang nakaka-bad mode naman lalo na kung tungkol sa mama.

"Talaga? Hayaan mo magpapagawa ako ulit niyan kay mama." nakangiting sabi ni, Hannah.

"Salamat." Sagot ko lang.

"Times up na, kailangan na natin bumalik sa room." Paalala ni, Justin.

"Teka sandali hindi pa ako tapos kumain." Reklamo ko.

"Mamaya na 'yan." Hawi ni Justin sa kamay. "Hays! Bakit ba ikaw nakakasama ko? Nakakainis gusto ko pang kumain." reklamo ko.

"Mamaya kakainin natin ulit, saka huwag ka masiyado kumain baka tumaba ka." nakangusong sabi ni, Hannah.

"Mabuti cute ka, kaysa sa isa diyan." Tukoy ko kay, Justin. Tumayo lang si Justin na parang walang narinig.

Natatawa na niligpit na Hannah ang mga natirang pagkain sa paper bag. Magkakasabay na lumabas na kami ng cafeteria.

"Nabusog ako, teka aray parang sumasakit tiyan ko." Nakapakit ang isang mata ko.

"Nako ang dami mo kasing kinain kanina, sandali paano ba 'to." nag-aalalang sabi ni, Hannah.

"Sige na mauna na kayong dalawa ako ng bahala, saan ba ang c. r dito?" Hawak ko sa tiyan ko.

"Doon pa banda sa dulo, sigurado ka ba kaya mo mag-isa?" Nag-aalala rin si, Justin.

"Oo ayos lang ako kailangan ko lang 'to ilabas." Sagot ko at tinaboy ko na sila, naglakad na ako.

Naglakad na ako at pinuntahan ko ang tinuro ni Justin, kumikirot ang tiyan ko humihilab.

Pisti huwag ka muna lumabas kapit lang.

Pinagpapawisan na ako dahil sa nararamdaman ko ng may biglang bumagsak sa ulo ko na parang ang lagkit. Tumulo at dumaloy sa mukha ko ang malansa at malagkit na likido na 'yon. Nakatayo ako at hindi makagalaw, mga napahinto ang dumaraan at panay ang kuha ng litrato sa akin.

"Ew, kadiri naman."

"Itlog pa more hulog ng langit."

Napakuyom ang kamao ko at dahan-dahan na tumingala ako sa itaas dahil narinig ko ang mga tumatawa doon. Tatlong babae na may mga kulay ang buhok na akala mo mga sisiw tuwing piyesta.

"Bagay sa'yo 'yan malansang itlog." Sabi ng isang babae.

Balak ko sanang akyatin yung tatlo ng biglang may tumakip sa ulo ko na damit.

"OMG! Si Cross,"

"Seryoso ba 'to?"

Humarap ako sa likuran ko at nakita ko si Cross na puti na lang ang suot niya. Pinangpatong pala niya sa akin 'yung pangibabaw niya na damit. Hinawakan niya ako sa kamay at tiningnan ko 'yon at mayamaya'y hinawi ko yon at kinuha ang damit niya at pinulupot ko sa kamao ko.

Malalaki ang hakbang na halos takbuhin ko 'yung itaas at pagdating sa itaas para akong turo na galit na galit para sungabang ang tatlong pulang sisiw. Nakita ko sa mukha nila na parang natakot sila at napaatras pero wala ng makakapigil sa akin dahil hindi ako papayag sa ginawa nila sa akin.

Sinugod ko yung tatlo at isa-isang pinagsasapok sa mukha, mga duguan ang mga bibig nila at ilong. Hinihingal ako sa ginawa ko sa kanila.

"Ano'ng kaguluhan 'to?"

Napaangat ako sa nagsalita ang principal.

"Sir, tingnan mo ginawa niya sa amin." Umiiyak na sabi ng isa.

"Grabe nakakatakot siya."

"Oo nga." Nilingon ko yung mga nagsalita at nagtakbuhan bigla.

"Alexa Braganza? Unang pasok mo pa lang dito gumawa ka na agad ng gulo? Pangalawa na 'to. Sumunod ka sa akin!"

"Kung may sasabihin ka sabihin mo na sa akin ngayon." Sabi ko at natigilan sa paglakad si principal.

"Anong sabi mo?"

"Sabihin mo na kung anong parusa ang ipapagawa mo sa akin." Muling sabi ko at humupa na ang galit ko.

"Aba't loko ka aa, makakarating ito sa ama mo."

Hindi ako sumagot pero biglang may pumalakpak ng sunod-sunod.

"Nakakabilib naman at ngayon lang ako bumilib sa isang babae."

Si Drake na nakangisi sa akin, tinangal ko na ang damit sa kamay ko at naglakad.

"Saan ka pupunta? Sinabi kong sumunod ka sa akin!"

Hindi ko pinansin ang principal nagpatuloy lang akong maglakad, pagdating ko sa hagdan nakita ko si Cross. Binalik ko sa kanya ang damit niya.

"Salamat sa damit mo." Sabi ko lang at nagmamadali na akong bumaba.