Chapter 7
[ CROSS ]
Inaayos ko ang kwelyo ko habang naglakad, galing ako sa tambayan para maligo. Laging ganito ang ginagawa ako, pakiramdam ko parang ang init lagi ng katawan ko.
"Cross,"
Napahinto ako sa paglakad dahil humarang sa daraanan ko si, Justin. Tiningnan ko siya at hinintay ko kung may sasabihin siya.
"Nakita mo ba si, Alexa?"
Hindi ako sumagot bahagyang lumingon ako sa pinangalingan ko at muling hinarap si, Justin. Lumingon siya sa tiningnan ko at nagpatuloy na ako maglakad. Alam kong alam na 'yon ni Justin, umalis ako doon dahil dumating si Stella at Amy.
Pumasok sa isip ko si Alexa, napatingin ako sa kamay ko na ginamit ko pantakip sa bibig niya. Bumalik ako no'n dahil doon papunta si Alexa, kung saan naroon ang mga ibang studyante na hinarap ko.
Bago ako pumasok nalaman ko kay papa na dumating ang anak ng kaibigan niya si, Mr. Braganza. Matalik na magkaibigan silang dalawa, pinaalalahanan ako agad ni papa na pakisamahan ko ng maayos ang anak ng kaibigan niya. Pero para sa akin hindi mo ako kailagan sabihan dahil alam ko kung sino ang dapat kong pakisamahan.
Hindi ko inaasahan na si Alexa, ang sinasabi ni papa ang anak ni, Mr. Braganza, dahil magkaibang-iba ang ugali ni Alexa kay, Stella.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, babae ba 'yan?"
Nilingon ko lang si Brent, nagpatuloy lang ako maglakad habang nakasunod rin siya.
"Kailan ka pa bumalik?" Mahinang sabi ko at napahinto ako sa paglalakad dahil humarang si Brent, sa harapan ko.
"Seryoso? Nagsasalita ka na?" Nakangiting sabi niya.
"Tss." bigkas ko at dumaan ako sa gilid at nagpatuloy maglakad.
"Salamat pa rin kahit masungit ka, pero maiba ako nakilala mo na ba 'yung anak ni, Mr. Braganza?"
Hindi ako sumasagot nagpatuloy lang ako maglakad.
"Tatlong araw lang akong nawala maraming balita na naman akong nasagap. Balita ako astig 'yung babae na 'yon at sinuntok niya si Dianne, kawawa naman 'yon sayang kinis ng mukha."
Napangiti ako ko inaasahan ang sinabi ni Brent, dahil wala pang na kakasakit kay, Dianne. Dahil sa ganun ugali ni Alexa, naagaw niya ang atensyon ko.
"Ngumiti ka?"
Napalingon ako bigla kay Brent dahil sa sinabi niya.
"Hindi." Sagot ko at hinawi ko siya dahil muli niya na namang hinarangan ang daraanan ko.
"Para akong nababakla sa'yo nakita kitang ngumitin huwag mo ng itanggi."
"Nagugutom na ako." Pambabalewala ko sa sinabi niya.
"Dahil ngumiti ka ako ng manlilibre sa pagkain natin, sayang hindi ko man lang nakunan ng litrato." Umiiling pa si, Brent.
"Mukhang masaya ang pinag-uusapan niyo."
Huminto ako sa paglakad si Drake kasama ang dalawang tropa niya, nakapamulsang nakatingin siya sa akin.
"Masiyadong mainit dito Drake, doon na muna kami sa cafeteria nagugutom na kami." Nakangiting sabi ni Brent.
Naglakad na ako dinaan ko lang si Drake, alam kong may dahilan kaya siya huminto sa harapan ko.
"Matatapos na ang taon hanggang ngayon bully pa rin ang Drake na 'yon. Wala ba siyang kasawaan?"
"Huwag mo ng pansinin ang ganung uri ng tao." Sagot ko lang at namulsa bago pumasok ng cafeteria.
Naupo kami sa bakante na upuan na nakita namin agad, naiwan akong mag-isa dahil umorder na si, Brent.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nandito ang Alexa na 'yan."
"Correct, baka mamaya gaya rin siya ni Drake bully."
"Galing pa naman siya sa eskwater area at-"
Sinipa ko 'yung upuan at natumba 'yon at lumikha ng ingay mga napalingon sa akin ang iba at natahimik 'yung nag-uusap sa likuran ko.
Dinukot ko ang cellphone ko dahil wala ng maingay sa likod ko, ngunit muli kong binalik dahil wala naman akong nakitang importante. Dumating na si Brent, napatingin siya sa upuan na natumba.
"Walang masarap kainin 'don, ito na lang fries saka ice tea."
"Ayos na 'yan." Sagot ko lang at kinuha ko agad ang cup ng ice tea para inumin.
"Balita ko magadan 'yung Alexa, pero amazona." Natatawang sabi ni, Brent. "Pero ang cool nga ng ganun dahil wala namang ganito dito at isa pa nakatapat niya agad si Drake na hindi natatakot."
Naalala ko 'yung eksena na naabutan ko dito kaninang umaga, silang dalawa 'yung naabutan ko.
"Excited na ako makilala si, Alex- Oy! Sa akin 'yan bakit mo ininom 'yung ice tea ko?"
"Bumili ka na lang ulit." Sagot ko at sumipsip.
"May laman pa 'tong sa'yo bakit kinuha mo pa 'yung sa akin?"
Seryosong tiningnan ko si Brent, ngumiti ito bigla.
"Sabi ko nga bibili na lang ako ulit."
"Hi, Alexa!"
Napahinto ako sa pagsipsip dahil sa pangalan na narinig kong sinigaw ng lalaki, nandito si Alexa kasama si Hannah at Justin.
"Siya pala si Alexa, oo nga maganda siya kahit magulo ang buhok niya." Tumatawang sabi ni, Brent.
"Hi, Alexa. Baka gusto mo sumabay kumain sa amin, libre ko na."
Nakatingin lang ako doon sa lalaking ang lakas ng loob na mangaya kay, Alexa.
"May pambili ako kaya hindi ko na kailangan." Sagot ni, Alexa.
Simpleng ngiti lang ang ginawa ko, bigla naman tumawa si Brent at tuwang-tuwa siya.
"Ang sungit mo naman hindi ka naman maganda." Sagot pa ng lalaki.
"Ay gago ka rin noh?"
"Halika na Alexa, maupo na tayo hayaan mo na 'yan mga wala 'yang magawa sa buhay nila." aya ni Hannah.
"Grabe, tama nga nababalitaan ko sa kanya." Napapailing na napapangiting sabi ni, Brent.
Lihim na sinundan ko ng tingin ang pag-upo nila malapit sa puwesto namin.
"Press," tawag ni Brent kay, Justin.
"Nakapasok ka na pala bakit wala ka kanina sa math subject?" Lapit ni Justin kay, Brent.
Hindi ko sila pinansin muli kong kinuha ang phone ko at kunwaring may tinitingnan.
"Hindi na ako umabot sa oras, mamaya na lang may dalawang subject pa naman."
"Sige dito muna ako sa kanila."
Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa tumayo si Brent, lumapit sa puwesto sa kabila.
"Hi, Hannah. By the way ikaw ba si, Alexa?" Pakilala ni Brent.
Palihim na nakatingin sa gilid ng mata ko sa kabilang lamesa.
"Hi, Brent." nakangiting bati ni, Hannah.
"Aa, Alexa. Siya si Brent, kaklase rin natin siya at kaibigan ni Cross." Pakilala ni, Justin.
Napalingon sa puwesto ko si Alexa, pero tinuon ko ang atensyon ko sa cellphone.
"May kaibigan pala siya?"
Natigilan ako sa scroll sa music list ko dahil sa sinabi ni, Alexa.
"Oo naman Alexa, nice to meet you pa rin, Alexa. Alam kong kilala mo na rin naman si, Cross."
Bumalik na sa upuan si Brent, tahimik akong hawak lang ang cellphone.
"Bakit parang kinabahan ako kay, Alexa. May sakit na ba ako sa puso?" Wika ni, Brent.
"Uminom ka ng gamot." Sabi ko lang sa kanya.
"Ayos ka lang ba kanina noong iniwan kita, Alexa? Kasi nandoon si Stella at Amy?"
"Oo ayos lang ako at sanay naman ako sa ganung uri na mga tao."
"Siya nga pala sasama ba kayo sa field trip, balita ko kasama sa list ang beach resort."
Natigilan ako dahil sa usapan nila tungkol sa darating na field trip.
"Wow! Sama tayo Alexa."
"Hindi ako mahilig sa ganyan."
"Ikaw Cross, sasama ka ba sa field trip? Kung kasama ka sasama rin ako, pero alam ko namang hindi ka mahilig sa ganyan."
Hindi ako sumagot sa sinabi ni Brent nag-iisip ako.
"Sumama ka na Alexa, last year na natin 'to." aya ni Justin.
"Ok, sige na nga."
"Sasama ako." Mahinang sabi ko at naubo si Brent.
"Seryoso 'yan?" Nagpupunas ng bibig si, Brent.
Imbes na sumagot 'ay tumayo ako at hinabol ako ni, Brent.
"Sasama ka talaga?" Muling tanong ni, Brent habang naglalakad kami.
Tumango lang ako at hindi makapaniwala si, Brent.