Chapter 2
[ ALEXA ]
"Nariyan na ang lahat ng schedule mo sa klase, available na ang uniform kunin mo na lang at maaaring bukas ka nalang pumasok para makapaghanda ka pa."
"Hindi na, papasok na ako ngayon sa klase ko, sa next subject ko. Mag-iikot muna ako dito." Sabi ko at tumayo na ako agad at naglakad papunta sa pintuan.
"Kung iyan ang gusto niyo, Ms. Braganza."
Nakalabas na ako ng pinto, ok naman ang principal dito pero bakit ganun para siyang lutang makipag-usap sa akin. Baka naman nagagandahan lang siya sa akin.
"Hays." Nangingiting bigkas ko habang naglalakad.
Nagugutom na ako, maghahanap ako ng makakainan at sigurado akong masasarap ang mga pagkain dito. Kahit anong pagkain maaari kong kainin o bilhin dahil dito. Nangingiting kinapa ko sa jacket ko ang atm card na binigay ni papa sa akin, maaari raw akong bumili ng kahit na anong gusto ko.
Hays! Bakit kasi ngayon lang niya ako kinuha? Sana naranasan ito ni mama, pero wala na akong magagawa. Gagawin ko ang gusto ko at ito ang kapalit ng ilang taong dinanas namin ni mama.
Bawat nadadaraanan ko magaganda ang lugar, nadaanan ko ang library ang ganda doon ang daming libro. Pero hindi naman ako mahilig pumasok sa mga ganyan, yung mga room ang gaganda rin at ang lilinis, may mga teacher akong nasalubong pero hindi ko sila pinansin. Hanggang sa makita ko ang hinahanap ko ang cafeteria.
Gaano kaya kayaman ang aking ama? Wala akong alam sa buhay niya dahil wala namang kinuwento sa akin si mama. Ang sabi niya lang sa akin naanakan siya dahil nagtrabaho ang aking mama sa isang eklusibong club.
Natigilan ako sa paglakad dahil may nabanga ako. Pag-angat ng mukha ko isang matangkad na lalaki ang nakita ko at ang sama ng tingin niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at balak kong magpatuloy maglakad.
"Wala kang sasabihin?"
Natigilan ako muli ko siyang tiningala, naka-cross arm na hinarap ko siya. Napansin ko ang paggalaw ng adams apple niya. Mga nakatingin rin sa amin ang ibang mga studyante dito sa loob.
"Ano ba ang dapat kong sabihin?" Paglilinaw ko sa sinabi niya.
"Wow, ang tapang niyang sumagot."
"Sino ba 'yan?"
"New student? Parang hindi naman."
"Siya yung kanina."
Dinig kong mga sinasabi sa paligid namin.
"Mag-sorry ka."
"Ha?" sambit ko. "Mag-sorry? Bakit para saan?" Takang tanong ko.
Nagsalubong ang mata nitong lalaki, masasabi ko na gwapo naman siya pero ang angas niya lang. Hindi niya ako matatakot sa ganitong ugali niya. Hindi ko inaasahan na hahawakan niya ako sa damit, galit na galit ang mukha niya. Pinakita ko sa kanya na hindi ako apektado.
"Binanga mo ako at parang balewala lang sa'yo?" Nanlalaki ang matang sabi niya.
"Puwede ba bitiwan mo ako, yung damit ko." Sita ko sa kanya dahil lukot na ang t-shirt ko.
Mas lalo siyang nangigil sa akin at inangat niya pataas pa ang t-shirt ko, naiinis na ako.
"Pumapatol ka sa babae? Hindi ka lang sinabihan ng sorry? Pasensya ka na hindi ko ugaling mag-sorry sa mga walang kuwentang taong kagaya mo." Sabi ko at tinapatan ko siya sa mata.
"Woah!"
"OMG! Hindi mo siya kilala baka ito na ang huling araw mo dito."
Dinig kong sabi ng isang babae, nakitang kong pataas na ang kamao nitong gagong lalaki na 'to.
"SUBUKAN MONG IPADAPO 'YAN SA MUKHA KO HINDI MO MAGUGUSTUHAN ANG GAGAWIN KO!" malakas na sigaw ko sa kanya at nakita ko na bahagyang nagulat siya.
"Tumabi kayo, huwag kayong magkalat dito at haharang-harang sa daan."
Lumuwag ang pagkakahawak sa akin nitong lalaki dahil sa nagsalita sa likuran ko. Inalis ko ang kamay nitong lalaki sa t-shirt ko at pinagpag ang damit ko, saglit na nilingon ko lang 'yung lalaki na nagsalita.
"Yun na ang huling gagawin mo 'yan sa akin." May pagbabanta na sabi ko at binanga ko siya ng mahina sa balikat, naglakad na ako na ako patungo sa counter.
"Ang tapang mo nakakabilib." Wika pa ng lalaki na 'yon.
Hindi ko na siya pinansin nagpatuloy akong maglakad, napapaiwas ang mga nakakasalubong ko. Dire-diretso ako sa mga display na mga pagkain.
"Gusto ko nito, saka yung katabi at pati na rin 'yon." Turo ko sa tatlong pagkain.
Natutulalang dahan-dahan na kinuha ng dalawang babae ang napili kong pagkain.
"One thousand five hundred sixty seven po lahat."
"Ha? Grabe ang mahal pala niyan." Hindi makapaniwala na sabi ko dahil konti lang naman ang bawat order pero ganun pala 'yon kamahal.
"Kung wala kang pambayad, tumabi ka."
Napakit ako dahil hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita nito. Napalingon ako sa nagsalita at saglit na natigilan ako dahil siya 'yung kanina na nagsalita, ngayon mas malapit siya sa akin at napatitig ako sa mata niya. Ang gwapo niya sobra nakakainis, may kamukha siyang korean actor si...
"Ayoko sa lahat 'yung tinitingnan ako lalo na kung ganyan katagal."
"Ang kapal!" inis na bigkas ko at nilapitan ko siya ng mas malapit.
"May pambayad ako at baka bilhin rin kita kung gusto mo." Inis kong sabi at nakita kong pagkagulat at asar sa mukha niya.
"Huwag kayong magkuwentuhan dito."
Napatingin ako sa nagsalita isa pa uling lalaki pero nakangiti siya ng tingnan ako.
"Nawalan na ako ng ganang kumain." Sabi nitong mayabang na 'to.
"Mabuti naman lumayas ka na." Sabi ko pa at bahagyang nilingon niya pa ako pero naglakad na ito palayo sa akin.
Napatingin ako dito sa lalaki na pinipigil ang pagtawa.
"Ito ang bayad ko." Inis na inabot ko ang card doon sa babae, pero nakita ko na nagbubulungan yung dalawa.
"Braganza?"
Nilingon ko 'yung lalaki sa pagsambit niya sa surname ko.
"Ikaw pala ang anak ni, Mr. Braganza. Justin, class president."
Saglit na nag-isip mun ako kung tatangapin ko ba ang kamay niya pero sa huli tinanggap ko.
"Alexa Braganza." Pakilala ko at binuhat ko na ang tray.
Iniwan ko na yung nagpakilala na Justin, class president daw siya ibig sabihin kaklase ko pala siya. May alam na rin pala siya sa akin habang naglalakad at naghahanap ng mauupuan. Mga nakatingin sa akin ang iba.
"Magkapatid pala sila ni, Stella?"
"Ang layo nila sa isa't isa."
Bahala na kayo magsalita na kayo ng kahit na ano basta ako nagugutom na ako. Mamaya ko na kayo iintindihin.