Chapter 1
AN: Hello guys! Pasensya na sa matagal na pagkawala at pananahimik. Busy si author maghanap ng pera charr! 😅 pero i miss you all guys! Kaya naman ito ang regalo ko sa mga readers ko, bagong magpapa-inlove sa inyong lahat. ❤
One note: Old story po ito nasa draft ko lang kaya maraming error dito saka ako yung author na tamad mag-edit 😅 sorry na agad pa-kiss isa 😘
___________
_______
[ ALEXA ]
"Ok na ang transfer mo sa new school at sana'y mag-enjoy ka doon. I'm sure naman dahil sigurado akong marami kang magiging kaibigan."
"Hindi ako interesado." Tipid na sagot ko at binitiwan ko na ang kutsura dahil ayoko ng kumain.
"Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?"
Tiningnan ko lang siya at walang iba kung hindi ang ama ko raw, kasi nga seventeen na ako ngayon at ngayon ko lang rin nalaman siya pala ang tatay ko.
"Masarap, napakasarap nga lahat." Sabi ko at nilingon ko ang napakaramaing pagkain sa lamesa, pero nahinto ang mata ko dahil sa dalawang babae na kasalo namin ngayon dito.
"Mabuti naman kung ganun, kung mayroon ka pang gustong kainin magsabi ka lang."
"Hon, napakarami na ito at isa pa parang wala naman siyang ganang kumain."
Napaangat ang kilay ko dahil sa pag-epal nitong babae na 'to, kahapon pa silang mag-ina sa akin inis na inis na talaga ako sa kanila.
"It's ok." Sagot ni papa.
"Ngayon lang ako nakakita at nakakain ng ganyang karaming pagkain kaya hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Siguro kung matagal mo na akong kinuha malamang sawa na ako sa ganyan."
"Gumalang ka naman sa ama mo."
Nilingon ko itong si Luisa, hindi naman sila legal na mag-asawa ni papa pero kung umasta real wife.
"Tama na 'yan, Stella. Sabay na kayo ni Alexa sa pagpasok-"
"Hindi na kaya kong mag-isa at isa pa mukhang hindi naman niya feel na makasama ako at ganun rin naman ako." Sagot ko at tumalikod na ako dala ang bag ko nakita ko pa ang pagkainis sa mukha ni, Stella.
"Aba't ang basto-"
"Tama na 'yan hayaan mo na siya."
Dinig ko pa na usapan nila pero hindi na ako nagabala pa na huminto, nagpatuloy ako maglakad. Tinali ko ang buhok ko paitaas at nilagay ang headset sa magkabilaang tenga ko. Dire-diretso ako palabas ng bahay at napahinto ako dahil may kotse sa labas na parang may hininhintay at may lalaki rin sa gilid.
"Maam, good morning po. Ako si Ramon, ang magiging driver niyo po sa tuwing papasok kayo sa school." Nakangiting pakilala niya sa akin, nadinig ko dahil hindi ko pa napatugtog ang sound ko.
"Ok," sagot ko lang at pinagbuksan niya ako ng pinto doon banda sa likuran.
Ang sarap sa loob ang lambot at ang bango ang lamig rin, kumportable ako habang nakaupo. Ganito pala kapag mayaman ka at ngayon ko lang naranasan 'to, kung hindi pa namatay si mama hindi ako kukunin ng tatay ko na 'yon.
Hinayaan niya kami maghirap at magkasakit ang mama ko pagkatapos niya galawin at pagsawaan si mama. Kaya ngayon, gagawin ko lahat ng gusto at mga kulang mo sa akin simula ng pinganak ako.
Una, nagalit talaga ako pero sa huli ay naisip ko na wala na akong ibang mapupuntahan at isa pa. Matitikman ko ang magandang buhay pero hindi mawawala ang galit ko sa ama ko dahil sa ginawa niya. Ngayon gagawin ko ang lahat ng gusto ko at wala akong pakialam lalo na sa mag-inang Luisa at Stella.
"Ma'am nandito na po tayo."
Natigilan ako at napalingon hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. Sumilip ako sa bintana, marami ang nagbabaan na mga naka-uniform sa mga kotse at may ilang rin na naglalakad lang.
"Siya nga po pala 'yung uniform niyo po pala maaari niyo na kunin sa Carmella's Uniform building."
Hindi ako sumagot dito sa driver lumabas na ako, naka-tshirt ako na may manipis na jacket na itim denim na pantalon at rubber shoes. Ito lang muna ang sinuot ko, mamaya ako mamimili ng mga damit ko.
Ok, new school. New people, goodluck silang lahat sa akin.
Nakangiti kong sabi sa isipan ko at ilang hakbang pa lang ako ng pagtinginan na agad ako at may mga bulong-bulungan sa likod ko.
"Sino siya?"
"New student?"
"Nakita ko siyang bumaba sa bagong kotse na 'yon."
"Ibig sabihin mayaman siya?"
"Siguro pero bakit ganyan ang suot niya?"
Napangisi lang ako at in-on ko na ang sound ko para wala na akong marinig dahil ayoko ng makarinig ng mga walang kuwenta.
Nagpatuloy ako maglakad papasok sa loob, maganda nga at napakalinis ng floor ang linis rin ng paligid. May mga studyante bawat gilid na madaraanan ko at ang mga nakakasalubong ko naman ay mga napapahinto sa akin.
Simple lang ang ganda ko kaya huwag kayong magulat, lalo pa siguro kapag nag-ayos ako.
"New janitress ka ba dito?"
Napahinto ako sa paglakad dahil dito sa dalawang babae na huminto sa harapan ko. Hindi ko narinig ang sinabi niya kaya inalis ko ang headset.
"Ano'ng sabi mo?" Muling tanong ko at nakita ko na mga napahinto ang mga iba at napatingin sa amin.
"Bagong janitress ka ba dito?" Nakangising sabi nitong hanggang balikat ang buhok, kasama niya naman ay kulot ang buhok na lagpas balikat.
Umayos ako ng tayo at nag-cross arm ako sa harapan nila.
"Mukha akong janitress?" Ako naman ang nagtanong, nagkatinginan sila dalawa at nakangiting tumango.
"Ok, pagbibigyan ko kayong dalawa ngayon sa sinabi niyo. Pero sa susunod na makikita niya ako, huwag niyong haharangan ang daadaanan ko." Sabi ko sa kanila at hinawi ko silang dalawa para makadaan ako.
"Wow aa, ang yabang naman niya."
"Sino ba 'yon? Ang angas naman niya, uubra ba siya kay, Dianne?"
"Wait, new student kaya siya?"
"Shock, nadagdagan na naman ng basura dito."
Sige lang hindi ko kayo papansinin ngayon masiyado pang maaga para mag-init ako.
Nagpatuloy lang ako maglakad at ng may makita akong mukhang teacher, huminto ako sa harapan.
"Principal office saan?" Tanong ko at napatingin sa akin itong lalaki na mukhang hindi pa naman ganun katanda.
"New student ka ba dito? Hindi ka ba marunong magtanong ng maayos?"
"Principal office ang tinatanong ko bakit ganyan ang sagot mo?" Inis ko sabi at nilayasan ko siya.
"Aba't hoy! Huminto ka, sino ba ang mga magulang mo!?" Tawag na sigaw niya sa akin.
"Hi, diretso ka lang tapos kaliwa sa kanto makikita mo na agad doon."
Napatingin ako sa babae na todo ang ngiti sa akin. Saglit lang akong huminto at naglakad na muli na wala man lang sinasabi. Narinig ko na nagsalita siya pero hindi ko gaano nainitindihan ang sinabi niya.