Kabanata 8: Patawad
Rhys' POV
[Taong 2020]
(Musta, Binibini? May ipapakita ako sa'yo pagbalik natin. Miss you. I love you.)
Bumalik na ako sa burol pagka-send ng message kay Erika. Busy ngayong araw dahil dumating na ang iba pa naming kamag-anak. Gusto ko rin na maipakita sa kanya ang sulat at personal kaming makapag-usap.
(From: Panget Maloves
Simula na raw ng enrollment ngayon. Kami na ang mag-eenroll sa'yo. I love you too. Mwaps.)
Pinigil kong mapangiti saka lumingon kay Ate na nasa tabi ko lang. Nakatingin sya sa'kin ng nakakaloko. Halatang binasa nya yung convo namin.
"'Wag mong pigilan, mauutot ka lang," bulong nya saka tumawa ng walang sound.
Tiningnan ko sya ng masama. Siraulo talaga. Nasa burol kami, nagawa pang magbiro. Ano bang nagustuhan ni Kuya Vincent sa babaeng 'to? Hays.
"Sam, halika. Tulungan mo akong magpamigay ng pagkain," biglang pagtawag sya kanya ni Mama na nasa likuran namin.
"Pft!" Tinakpan ko ang bibig ko at kunwari ay pinagtatawanan sya. Karma!
Inirapan nya lang ako saka tumayo at sinundan si Mama. Natatawa akong umiling at tumingin sa harapan. Agad naman akong sumeryoso nang makita si Lola Rose habang nakatayo sa tapat ng kabaong at tinitignan ang yumao nyang kapatid.
Kaya ba ayaw nyang sabihin ang nangyari sa mga Madriñan ay dahil totoong ni-rape si Ysabella? Pero bakit hindi 'yon sinabi sa amin ni Lola Esperanza? Ibig sabihin ay walang ibang nakaaalam nito kundi ang pamilya nila.
Nagtungo ako sa mansyon para mag-practice. Mamayang gabi kasi ay mag-aalay kami ng kanta. Tanging yapak ng mga paa ko lang ang naririnig ko habang naglalakad sa corridor. Walang ibang tao rito at sobrang nakaka-relax ang katahimikan.
Huminto na ako sa tapat ng kwarto namin pero hindi ko maiwasan ang mapatingin sa sulok kung nasaan ang bodega. Parang may kung ano ang nag-uudyok sa'kin na pumasok doon.
Tumuloy ako sa paglakad hanggang sa makatapat dito. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Huminga ako ng malalim kasabay ng pagbukas ng pinto. Sa pangalawang pagkakataon ay namangha ulit ako sa laman ng silid. Lumapit ako sa shelves at bumuklat ng ilang mga libro.
Napanatili nilang maayos at buo ang mga gamit dito kahit luma na. Nilibot ko ang buong kwarto. Parang nagkaroon ako bigla ng bagong hilig bukod sa music. History.
"Ysabella."
Nakatapat ako ngayon sa portrait ni Ysabella na gawa ni Lorenzo. Ramdam ko sa obrang ito ang pagmamahal ni Lorenzo para kay Ysabella. Hindi ko alam kung ano ang naging takbo ng buhay nila. Sa pangalawang pagkakataon, sana ay matutunang mahalin ni Ysabella si Lorenzo dahil mukhang hindi na namin magagawa pa ang talagang purpose ng misyon.
"Patawad kung sa pangalawang pagkakataon ay mapagkaitan ka na makasama si Alejandro. Selfish na kung selfish pero... hindi ko kayang iwan si Erika."
Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at inilapat ito sa larawan nya. Wala itong salamin kaya ramdam na ramdam ko ang texture ng painting. Bakit kaya ako pinigilan ni Lola Rose na hawakan ito? Pinadulas ko pababa ang palad ko at bigla na lang ay may naramdaman akong bagay na nakaipit sa likod ng tela.
* * *
Erika's POV
Kasama kong nag-enroll ang pinsan kong lalaki. Nasa bakasyon din kasi ang tropa namin. Pagbalik nila ay baka nasa Las Tierras na ako kaya hindi na kami magkakasabay.
Pauwi na sana kami nang tumawag si Tita Tani. Pinapupunta nya kami sa ospital... dahil inatake sa puso si Papa. Parang namanhid ang buong katawan ko. Inaamin ko na galit ako sa kanya pero hinding-hindi ko hihilingin na sana ay mawala na sya.
Pagdating sa ospital, hindi ako makatakbo dahil sobrang nanghihina ang tuhod ko. Bigla kong naalala ang huling pagkakataon na pumunta ako sa ospital na 'to, noong namatay si Mama.
Hindi ko rin magawang tumakbo. That time, nadatnan ko sya na wala nang buhay. Ni hindi ako nakapagpaalam sa kanya. Hindi ko nasabi na mahal ko sya bago sya mawalan ng hininga. Hinihiling ko na this time, hindi maulit iyon. Na sana ay madatnan kong buhay si Papa.
Huminto ako pagkarating sa pintuan ng room nya. Nakabukas ang pinto pero ayaw ko syang silipin. Natatakot ako sa maaari kong makita. Pero ang takot na iyon ay biglang nawala nang marinig ko ang boses nya. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib kasabay ng tuluyan na pagtulo ng luha ko.
"Magpahinga ka na muna, Leo. Pupunta rito si Erika. Nandito na sya mayamaya," rinig kong sabi ni Tita Tani.
"H-Hindi ko na pipilitin na sumama sya sa'kin. Malaki ang naging kasalanan ko sa kanila ni Yuna. Pero sana... sana lang ay mapatawad nya pa ako."
"Shh, ini-stress mo lang ang sarili mo. Bigyan mo pa sya ng panahon. Mahal ka ni Erika. Alam kong mapapatawad ka rin nya."
"Tani, patawad din sa'yo. N-Napabayaan ko ang kapatid mo. Patawad."
Napapikit ako nang marinig ang pag-iyak ni Papa. Alam ko na ako ang may gawa nito sa kanya. Sa kabila ng paulit-ulit na paghingi nya ng tawad, naging madamot ako na ibigay 'yon.
"Nangyari na ang nangyari. Talagang nagkakamali tayo. Hindi perpekto ang magulang. Pero nandyan pa ang anak mo. 'Wag mo syang susukuan."
"Si Erika, isa syang napakalaking biyaya ng Diyos sa amin. Hirap kaming magkaanak ni Yuna kaya sobrang saya namin noong dumating sya. Lumaking masiyahin at mapagmahal na anak. Gustung-gusto nya ang imasahe ako tuwing uuwi galing sa trabaho. Idolo nya raw ako at ayaw nya akong napapagod. Sa huli, ako rin ang bumigo sa kanya. Ako ang nagdulot ng galit sa puso nya. Mabuti na lang dahil nandyan kayo. Si Rhys. Hindi ko man sya lubos na kilala, alam ko na malaki ang naging bahagi nya para maibalik ang sigla ni Erika. Hindi rin sana sya biguin nito katulad ng ginawa ko."
Dali-dali akong naglakad paalis sa lugar na 'yon. Pakiramdam ko ay walang kwenta akong anak. Hinayaan kong mangibabaw sa akin ang pride, ang galit kaysa sa pagmamahal.
"Hindi pa naman huli ang lahat. Hindi kita magawang pakialaman sa relasyon mo kay Tito Leo dahil nauunawaan ko kung saan ka nanggagaling. Tama si Lola Esperanza. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon. Pero ikaw, ibinigay sa'yo ang chance na 'yon. Lumaban si Tito at hindi ka nya tuluyang iniwan. Kaya sana, 'wag mo nang sayangin. Walang sinuman ang magagawa syang punan sa buhay mo bilang isang ama. Hindi kahit ako."
Nakaupo ako ngayon sa chapel ng ospital at kausap si Rhys. Sa kabila ng mga pinagdaanan ko, naryan sya para damayan ako. Siguro nga ay hindi nya kayang punan ang isang ama pero dahil sa kanya, hindi ko naramdaman na may kulang sa akin.
"Wala ako sa tabi mo para yakapin ka. Ibibigay ko na lang kapag nagkita tayo. Kausapin mo na ang Papa mo ah. Te amo."
"Te amo. Sige na. May kailangan ka pang gawin dyan. Bye bye."
Tumingala ako kasabay ng buntong-hininga. Hindi ko alam kung paano magsisimula, kung ano ang sasabihin ko kay Papa. Na-realize ko na kapag inalagaan ng matagal ang galit, magiging mahirap ang magpatawad at humingi ng tawad.
* * *
[Taong 1891]
Umalis sina Don Joaquin at Donya Eleanor para bisitahin ang negosyo. Wala akong ganang bumangon. Sa ikaapat na araw na ang kasal namin ni Lorenzo. Ang sabi sa amin ay nalason ang pamilya ni Ysabella pagkauwi nila galing sa kasal.
Ibig sabihin ay may taong pumasok sa mansyon para maglagay ng lason. Pero hindi naman 'yon makakapasok dito kung hindi sya kasambahay o trabahador. At lahat ng tauhan nila ay tapat sa kanila. That means, sa pagkain o inumin na galing sa kasal sila nalason. Ang kailangan kong malaman ay kung ano.
Napalingon ako sa bintana dahil sa pagtunog nito. Parang may bumabato mula sa labas. Lalamya-lamya akong naglakad patungo roon. Ibinukas ko ito at bigla na lang akong nabuhayan.
Nasa ibaba si Rhys. Nag-text nga pala sya dahil may ipapakita raw sya. Teka, paano sya nakapasok? Umakyat ba sya sa bakod? Hindi na sya pwedeng makita na nandito, hindi tulad ng dati na nagagawang ipakiusap ni Ysabella sa mga tao na huwag magsumbong kapag pumupunta si Alejandro.
"Aakyat ako," pagma-mouth nya.
Ibinukas ko ng sagad ang mga bintana. Dali-dali syang tumakbo at nag-ala Romeo sa pag-akyat. Kabang-kaba ako habang lumilingon sa paligid para masiguro na walang nakakakita pero sa tuwing mapapatingin ako sa kanya ay hindi ko maiwasang matawa. Mas mukha syang Tarzan kaysa Romeo.
Isinara ko agad ang mga bintana pagkalapag nya sa kwarto. Yumakap sya sa'kin. Ramdam ko ang paghahabol nya ng hininga. Ang bango nya.
"Gaano ba kaimportante 'yang ipapakita mo at hindi mo na lang sinabi sa text?" itirada ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib nya. Ang tangkad nya kasi.
Naramdaman ko naman ang pagdampi ng mga labi nya sa ulo ko. Ugh. Sana hindi amoy pawis. Hindi pa ako naliligo.
Kumalas na kami sa yakap. Tiningnan ko sya ng patanong pero ilang segundo na syang hindi nagsasalita. May bumabagabag sa kanya at kita ko 'yon sa mga mata nya.
"Ano ba kasi 'yon? Kinakabahan na ako," pangungulit ko.
"Tara."
Hinila nya ako paupo sa higaan. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Mukhang seryoso talaga 'yon.
"Nakita ko 'to sa drawer ni Alejandro. Sulat nya... para sa'kin."
Naglabas sya ng isang papel galing sa bulsa nya. Tumingin lang ako rito pero nag-gesture sya na basahin ko. Hindi ko pa alam ang nakasulat doon pero kinakabahan na ako. Kinuha ko na yung papel at dahan-dahan itong binuklat. Tiningnan ko muna sya bago ito basahin.
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang pangalan ni Kapitan Felipe. Pinaghihinalaan sya ni Alejandro? Naalala ko ang narinig kong usapan ni Kapitan Felipe at ng tauhan nya noong isang araw. H-Hindi kaya...
"N-Nagpunta ba si Alejandro sa mga Suarez?"
Bahagya syang tumingala at inisip kung may ganoong pangyayari sa alaala ni Alejandro. Mayamaya ay unti-unting kumunot ang noo nya.
"D-Dalawang gabi bago sila bumalik kay Lola Esperanza, pinasok nya ang mansyon ng mga Suarez. Muntik na syang mahuli pero nakatakas sya."
"Shit! Sya yung hinahanap ni Kapitan Felipe!"
"H-Ha? Alam mo?"
"Narinig ko syang may kausap sa bahay ng mga Lopez. M-May plano sya at... d-delikado ang buhay mo kapag nalaman nya na si Alejandro ang nanloob sa kanila."
"Walang nakakilala sa kanya. 'Wag kang mag-alala."
Tumango na lang ako. Oo, narinig ko na hindi nga nila nakilala si Alejandro. Inilagay nya sa panganib ang buhay nya para sa mga Madriñan.
"Pwedeng si Kapitan Felipe ang naglason sa pamilya ni Ysabella. Kapag napatunayan natin 'yon, sa tingin mo ay papayag pa sila na matuloy ang kasal?"
"Hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal! P-Pwede namang... kunin na lang natin yung lason. Hindi sila mamamatay kapag nagawa natin 'yon."
"Magagawa nating pigilan ang pagkamatay nila sa araw ng kasal. Pero pwede ulit nyang pagtangkaan ang buhay nila hangga't may kaugnayan sila sa mga Suarez."
"At ano?! Isasakripisyo mo ang sarili mo?! Ang---" Natigilan ako nang makita ang pamumuo ng luha nya. "Rhys?"
Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi. Umiling lang sya at pinilit na ngumiti.
"W-Wala. Naisip ko lang na... hindi naman tayo mapupunta rito kung naging masaya ang pagsasama nila ni Alejandro. Wala ang misyon na 'to kung sila ang nagkatuluyan. Resulta lang ako ng paghihirap ni Ysabella. Pagkakamali na dapat itama."
"Rhys." Napayakap ako sa kanya kasabay ng pagtulo ng luha ko. "K-Kung wala ka, hindi ko alam kung ano ako ngayon. Nakabangon ako sa pagkamatay ni Mama dahil nandyan ka. Alam mo, dahil sa pagiging siraulo at loko-loko mo, nagiging masaya ako. Hindi pagkakamali ang makilala at mahalin ka."
Naramdaman ko na lang ang pagbalot ng mga braso nya sa katawan ko. Si Rhys ang nagsilbi kong liwanag noong dumaan ako sa darkness. Naaalala ko pa, sya ang sumama at naghatid sa akin sa ospital nang matanggap ko ang balita na wala na si Mama.
Nakita nya akong bumagsak, umiyak, magalit, mawalan ng ganang mabuhay. Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi nya.
"Maraming pangarap si Tita Yuna para sa'yo. Sigurado na gusto nyang maabot mo ang mga 'yon kahit hindi mo na sya kasama. Kapag hindi ka lumaban, parang nasayang lang din ang bagay na matagal nilang ipinagpanata, ang pagdating mo sa buhay nila."
Tinulungan nya akong makabangon at makapagpatuloy. Hindi ko kakayanin kung pati sya ay mawawala.
"Ysabella, bumangon ka na. Hindi ka pa kumakain ng agahan," biglang pagkatok ni Ate Estella.
Nakakagulat. Hindi ko narinig na paparating sya. Buti na lang ay lagi akong nagla-lock.
"S-Sandali lang, Ate." Kumalas na ako sa yakap at pinunasan ang luha ko. "Hintayin mo ako rito," sabay tapik sa pisngi nya.
Nag-ayos ako sandali bago lumabas ng kwarto. Lagot ako kay Ysabella kapag nalaman nya na hindi ako masyadong nagsusuklay ng buhok. Nilingon ko si Rhys na nakahiga at umaawra ngayon sa kama ko habang binubuksan ang pinto. Tumingin sya sa'kin at bigla na lang ay nanlaki ang mga mata nya. Hindi ako ang tinitignan nya kundi si...
"A-Ate?"
Shocks! Hindi pa pala umaalis si Ate Estella. Gulat na gulat sya ngayon habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Rhys. OMG! Ano'ng gagawin ko?!
Isasara ko dapat ulit yung pinto pero agad nya itong napigil. Hindi ako nagpaawat at tuloy pa rin sa pagtulak pasara. Ayaw naman nyang magpatalo sa pagbukas. Pilit syang pumapasok sa kwarto. Arg!
"Papasukin mo ako kung hindi ay sasabihin ko ito kay Ama," banta nya.
Napabuga na lang ako ng hangin. Alam ko naman na hindi nya gagawin 'yon pero nakita na nya si Rhys. Wala na rin akong magagawa. Umatras na ako at hinayaan syang makapasok. Hindi pa rin mawala ang gulat nyang expression habang salitan kaming tinitignan.
"A-Anong ginagawa nya rito?" seryoso nyang tanong habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"May kailangan lang k-kaming... pag-usapan."
"Ysabella, tinulungan kita noon na maglihim ng relasyon ninyo kina ama at ina dahil nais ko ang maging masaya ka. Ngunit nakatakda na kayo na mag-isang dibdib ni Ginoong Lorenzo. At i-ito..."
"Maniwala ka. Wala kaming ginagawang masama."
Bumuntong-hininga na lang sya saka inilipat ang tingin kay Rhys na ngayon ay nasa corner at may yakap na unan. Tss. Sya pa talaga ang mas takot sa aming dalawa.
"Ano 'yon?"
Naglakad sya palapit sa higaan at biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita yung letter ni Alejandro roon. Nakuha na nya ito bago pa man ako makatakbo. Sinubukan ko 'yong kunin sa kamay nya pero agad nyang nailihis. Pinagtaasan nya pa ako ng kilay dahil sa inasta ko.
"Ate, pakiusap. Ibigay mo sa akin 'yan."
"Hindi ko gusto itong ginagawa ninyo, Ysabella. Kung ayaw nyong iba ang isipin ko, sabihin mo sa akin. Ano ang kailangan nyong pag-usapan?"
"S-Sabihin ko rin sa'yo pero hindi--- 'wag!"
Binuklat na nya ang sulat. Dali-dali akong nakipag-agawan sa kanya. Hindi nya pwedeng mabasa 'yon.
"Ysabella."
Napatigil ako sa simpleng suway nya. Grabe. Ang hinhin nya magalit. Ni hindi sya nagtataas ng boses pero sobrang sharp ng tingin nya na mas nakakatakot pa sa sigaw.
Lumabas sya ng kwarto habang dala-dala yung papel. Hindi ko na sya magawang kulitin na ibigay 'yon dahil mukhang disappointed talaga sya. Naiwan sa room si Rhys habang sumunod naman ako kay Ate Estella.
Huminto sya sa tapat ng kwarto nya. Oh no. Siguradong maghihinala na sya sa pagkatao namin oras na mabasa nya yung sulat. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pero ibinilin sa amin na walang pwedeng makaalam.
Unti-unting kumunot ang noo ko. Ilang segundo na syang nakaharap lang sa pinto at hindi nya ito binubuksan. Gosh. Nakalimutan na nya kung paano magbukas ng pinto?
"Hindi ikaw si Ysabella," sambit nya habang nakatalikod pa rin sa'kin.
Biglang nanlaki ang mga mata ko. What?! Alam na nya? Paano? Hindi pa naman nya nababasa yung sulat ah.
"Pasensya na. Narinig ko ang inyong usapan. Tinawag mo sa pangalang Rhys ang lalaking iyon. Hindi sya si Alejandro," saad nya at dahan-dahan na syang humarap. "Ikaw... s-sino ka ba talaga?"
"N-Narinig mo... lahat?" tense na tense kong tanong.
Gaano ba kalakas ang pag-uusap namin at narinig nya? Kaya pala wala akong narinig na footsteps kasi kanina pa sya sa labas ng kwarto ko.
"Hindi ko akalaing hindi ko nahalata na ibang tao ka gayong sobrang lapit namin ni Ysabella sa isa't isa," lumapit sya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. "Maaari mo bang sabihin kung ano ang nangyayari? Nasaan ang kapatid ko?"
Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anu-ano pa ang mga narinig nya. Hindi ko rin makita kung ano ang nararamdaman nya ngayon. Ayaw nyang maglabas ng emosyon ni walang ekspresyon ang mukha.
"Yung... tungkol pala sa pagka---"
"Kailangan mo na syang paalisin. Hindi maganda na makita kayong magkasama sa iisang silid," bigla nyang pagputol sa akin sabay talikod at pumasok na sa kwarto nya.
Napabuntong-hininga na lang ako. Based sa reaksyon nya, mukhang narinig nya rin ang tungkol sa pagkamatay nila. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Siguradong naguguluhan sya sa pagkatao ko at ni Rhys. Hindi na dapat nya nalaman ang mga iyon in the first place.
Kinakabahan tuloy ako sa magiging consequence nito. Naglakad na ako palayo at babalik na sana sa kwarto ko nang may bigla akong ma-realize. Shocks. Hawak pa rin pala si Ate Estella yung letter.