Chapter 8: The beach date

"Ang haba na pala ng nalakad natin. Nasa dulo na pala tayo ng beach." Sabi niyang di man lang namalayan na nakalayo na pala sila sa karamihan. Sa apat na araw niyang pamamalagi sa beach resort na iyon ay di pa siya nakaabot sa gawing iyon. Noong magtangka kasi siyang magpunta sa bahaging iyon ay may nakita siyang signboard na bawal nga daw ang magpunta sa bahaging iyon. May natanaw pa naman sana siyang magandang tanawin sa banda pa doon. Isang mataas na lugar iyon at balak niya sanang akyatin iyon para sa isang instagramable post. Pero wala siyang makitang daanan. Napapaligiran kasi ng mga halaman ang lahat ng sulok ng resort na iyon na nagsilbing bakod na din.

Nakita niyang may dinukot itong susi sa may bandang likuran ng bulsa nito at iginiya siya palapit sa likod ng isang malagong halaman.

"Saan tayo pupunta?" Sabi niyang nagugulumihanan sa ginawi nito. Ang alam kasi niya ay pader na sa likuran ng mga halaman na iyon.

"Rerape pin na kita sa likod ng mga halaman na iyan." Biro nito na sakay sa nakitang takot sa mukha niya.

Nanglaki ang mga mata ng dalaga nang marinig ang sinabi nito. Natawa ito sa reaksiyon ng mukha niya.

"Ikaw naman di na mabiro. Sa tingin mo ganoon akong tao? Di ko pa ba napapatunayan sayo iyon noong isang gabi?" Sabi nito na di pa din naalis ang amuse na tawa sa mga labi nito.

Napahiya ang dalaga sa narinig. Di na nga nito kailangan na irape pa siya. Napatunayan na nito na isa siyang willing victim para dito noong nakaraang gabi. Hindi naman kasi iyon ang ibig niyang sabihin sa pagtatanong niya kung saan sila pupunta. Naguguluhan lang siya bakit papunta sila sa gawing iyon.

"Relax, trust me." Sabi nito at iginiya na ang dalaga papasok sa halamanan.

"Watch your head!" Sabi nito at inalalayan pa ang dalaga para di matamaan ng mga sanga ang ulo.

Sa likod ng halamanang iyon ay may kinapa itong isang kandado at gamit ang susi na hawak nito ay bumukas ang isang maliit na pintuan na hindi niya alam ay nandoon.

" Welcome to my humble abode." Pabirong sabi nito kasabay ng paggiya nito sa kanya para lumabas sa maliit na sekretong gate na iyon.

Napanganga ang dalaga sa nakita. May isang maliit na kuweba na saktong sakto lang ang laki para sa isang hammock at isang maliit na mesa na may nakalagay na mga pagkain ang nakita niya doon. May alak pa na nakalagay sa ice bucket na namamawis sa lamig.

"Well..?" Untag nito na hindi malaman kung natutuwa ba ang dalaga sa pasorpresa niya dito o ano. Nakatunganga lang kasi ang dalaga sa pagkakatingin sa mga nakahanda sa mesa.

Speechless talaga ang dalaga sa ganda ng lugar. Isolated ang lugar na iyon at tunay namang napakaganda nag setup ng lugar. Halatang pinag isipan ng husto ang ginawang enhancement para sa lugar na iyon.

"Ang ganda naman. Hanga ako sa designer mo ha. Ang galing mag isip ng plano. Ito yung enhancement na di nasisira ang natural view bagkus ay ini enhance lang nito lalo." Di niya mapigilang bigyan ng credits ang sinumang may gawa noon. Nature lover siya especially yung mga untouched na mga lugar, yung likas na kagandahan lang talaga ng kalikasan ang makikita and not with artificial amenities na.

" Well, i must say thank you for the credits. Coming from you, mukhang mas nagiging proud pa ako sa ginawa ko dito." Sabi nitong napapangiti pa sa narinig na papuri mula sa dalaga.

"You're saying..?" Sabi ng dalaga na di na makapagsalita. Naisenyas na lang niya ang mga kamay niya paturo sa mga ito.

"I'm an architect kahit di mo naitatanong." Pagbigay impormasyon nito sa kanya.

Gulat na gulat ang dalaga sa narinig. Come to think of it, nakipaglaplapan na nga siya dito ay di pa niya alam kung anong trabaho nito maliban sa ito ang may ari sa resort na iyon. Natatawa na lang siya ng lihim sa sarili.

"Let's eat bago pa lumamig ang mga pagkain." Aya nito sa kanya at iginiya na siya paupo. Nagsalin ito ng alak sa dalawang kopitang na naroon at iniabot ang isa sa dalaga.

"Cheers to our first formal date. And cheers to all of our incoming dates after this." Sabi nito na itinaas pa ang kopitang hawak.

"Date?" Kunwari ay di niya naintindihan ang sinabi nito.

"Yup, di mo pa din alam?" Sagot din nito na nakangiti ang mga mata.

"You mean you are courting me?" Prangkang sabi ng dalaga dito.

"No, i am not. The moment you let me kiss you is the moment you said yes to me. You are my girl since 3 days ago in case you don't know it." Hindi niya alam kung nagbibiro ito pero mukhang seryoso naman ito sa sinabi.

Napangiti ang dalaga. Mukhang wala nga itong balak ligawan siya. Sa ginagawi nito ay parang nobya na siya nito kung ituring. Sabagay, action speaks louder than words nga naman ika nga nila.

"Eat up at may pupuntahan pa tayo after nito." Sabi nito at itinuro ang isang hagdanan sa may wall ng kuweba na di niya napansin kanina na naroroon.

"Oohh, you kept on surprising me. I wonder kung anong nariyan sa dulo ng hagdanan na iyan. Can't wait to see it." Sabi niyang naeexcite pa lalo.

Bigla siya nitong sinubuan ng isang slice ng steak kaya bigla siyang natigil sa kakasalita.

"Ayan natahimik ka na. Pag excited ka pala, napakaingay mo." Sabi nito sa kanya na ikinatawa niya.

"Bakit ayaw mo ng babaeng maingay?" Sabi niya dito sa paraang naglalambing.

"Gusto but in my bed. Yung tulad ng pag iingay mo last night while calling my name." Bulong nito sa kanya na ikinasamid ng dalaga. Biglang nag init ang kanyang pakiramdam dahil sa pagreremind nito sa nangyari sa kanila noong nakaraang gabi.

"I miss your lips! I miss doing this." Pabulong pa ding sabi nito na unti unting lumapit ang labi nito sa labi ng dalagang nakaawang sa anticipation.

'God, what is this man doing in my senses! Bakit ganoon na lang kasidhi ang pananabik niya para dito.'