Chapter 9: Divorce
"Lady, I'm begging you. Stop doing this to me." Sabi nito sa namamaos na tinig sa gitna ng kanilang paghahalikan.
"Do what?" Sabi niyang sa mga labi nito nakatingin. Ewan ba niya kung bakit tila naadik na siya sa kakahalik dito.
"This.." Sagot nito na hinaplos ang ibabang labi ng dalaga. Minsan pa ay natukso itong halikan ulit ang babae na sinagot naman nito ng mas naglalagablab na tugon.
"I can't get over this lips of yours. Ano bang gayumang dala mo at nababaliw na ako sayo?" Sa pamamagitan ng paghalik ay nasabi ng lalaki sa kanya.
Bahagyang inilayo ng dalaga ang sarili mula dito upang matingnan ito sa mukha.
"Bakit kung ginayuma ba kita, gusto mo bang maghanap ng pangontra?" Malambing niyang sabi dito sabay hilig sa dibdib ng lalaki. Damang dama niya ang lakas ng tibok ng dibdib nito.
"Nope, i will take more of those potion. Ayoko na gumaling. If being unwell means like this, i don't want to get away with this." Sabi nito na hinalik halikan pa ang likod ng kanyang mga palad.
"Hmmm binobola mo naman ako eh." Sabi niya dito.
"Hindi ah. Iba ka talaga. Iba nararamdaman ko sayo." Sabi nito na panaka nakang humahalik sa may punong tainga niya.
"Naku baka lust lang yan. Mawawala din yan paglipas ng araw." Nakalabing sabi niya dito.
"Kung lust lang to, di sana wala na ako ngayon dito. Ikaw lang ang kaisa isang dinala ko dito alam mo ba?" Pangangatwiran naman nito.
"Imposible naman. Eh ang asawa mo pala?" Nadulas ang dila niya nang sabihin iyon. Gusto pa naman sana niya na magkusa itong aminin sa kanya ang tungkol dito pero dahil sa nadulas na siya ay wala na siyang magagawa kundi ipaalam dito na alam na niya ang history nito sa buhay.
" So you already know all along?" Gulat na sabi nito.
"Not really, just found it recently." Kaswal na sabi niya as if nakipagkuwentuhan lang siya dito. Ayaw niyang maintimidate ito sa kanya. Gusto niyang ipabatid dito na tanggap niya kung anong kahapon meron ito.
"Glad you stayed! Alam mo bang dalawang araw akong takot na takot at nag iisip paano sabihin sa iyo ang tungkol dito yun pala ay alam mo na." Parang nabunutan ito ng tinik sa narinig.
"Iba naman kasi ang sitwasyon mo. Siyempre kung malalaman kong may asawa ka, di ako mag si stay. Adultery yun. Eh sa sitwasyon mo, mukhang di naman nakakakonsensiya makipagrelasyon sayo. Kahit di pa kayo officially hiwalay ng asawa mo, at least you're physically separated whatever reason that is. " Kunwari ay di niya alam ang dahilan ng hiwalayan nito at ng asawa nito.
" I'm working on it. " Mabilis na tugon nito.
" What? " Naguguluhan na sagot niya.
" Kaya nawala ako ng two days kasi inasikaso ko ang divorce paper namin. Actually, dapat matagal ko na tong ginawa eh ngayon lang ako nagkalakas ng loob." Sabi nito na hinawakan ang kamay ng dalaga para igiya patayo.
"And what makes you do it at last?" Curious na tanong niya.
"Because of you. I want to know you better but i can't do it unless I'm free. I feel that this feelings i felt for you was illegal and so i want to end our marriage in a legal way." Sabi nito na muntik ng ikinaiyak ng dalaga. She never felt respected before the way he's showing it right now.
Iginiya siya nito paakyat sa hagdanan. Hindi niya alam kung saan ito papunta pero wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga lang sa kanya ay kasama ito. Saan man siya dadalhin nito ay magiging masaya siya dahil kasama ito.