Chapter 1: Prologue
"Im looking for Miss Madrigal. May i know where she is right now?" Deretsahang tanong ng isang babae na sa unang tingin pa lang ay alam mo ng maykaya.
"Good morning maam. May i know if you have an appointment with her?" Magalang pa din namang sagot ng sekretaryang sanay na sa mga ganitong pag uugali. Araw araw itong nakakasalamuha ng ibat ibang klase ng tao kaya di na bago para dito ang pagtataray na ginagawa ng kausap.
" I dont have and i don't think that's needed. Just let her know i am here." Mataray pa ding sabi nito na hindi man lang sinagot ang pagbati ng sekretarya.
Dinampot ng sekretarya ang telepono na malapit at dinayal ang numero sa telepono ng amo.
"Im sorry maam but there is someone who wants to.." Sabi nito na di man lang natapos dahil inagaw na niya ang telepono dito.
"Let me in. Or else you will regret." Sabad nito sa kabilang linya.
Nagulat ang dalaga sa narinig. Hindi pa niya nakikilala sa personal ang asawa ni Mike pero nakikita na niya ito sa social media. Isa itong sikat na influencer ng bansa at milyon ang followers. Kilala ito sa pagiging mataray. Well, sino ba naman ang hindi makakakilala dito bukod sa ipinanganak ito with a prominent family sa bansa ay tunay naman na napakaganda nito.
"Pumasok ka." Nasabi na lang niya dito. Ayaw niyang mag eskandalo ito sa labas. Ayaw niyang mapahiya sa mga tauhan.
Ilang sandali lang ay lumitaw na ito sa may pintuan. Hindi niya alam kung anong approach ang gagawin dito.
"What do you want? Cofee or juice?" Alok niya dito.
"I want my husband!" Deretsahang sabi nito.
Na ikinataas ng kilay ng dalaga. Matagal na ang dalawang magkahiwalay at nasa proseso na ang kanilang pagdidiborsyo so bakit hinahanapan siya nito ngayon ng asawa? Umandar na din ang kademonyohan ng utak niya kaya pinatulan niya ito.
"What do you think i am? Bakit hinahanapan mo ko ng asawa mo? Wala ba sa bahay niyo?" Pamimilosopo niya dito. Hinding hindi siya paaapi sa sarili niyang territory.
"You know what i mean bitch!" Alsa boses na ito.
"Woah, come down. You don't need to raise your voice in here. I can call the guards any minute to send you out." Kalmadong sabi ng dalaga.
"You bitch! Stop flirting my husband you immoral whore." Eskandalosang sabi nito.
Labis labis na pagtitimpi ang ginawa ng dalaga para di ito masampal. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya natawag ng ganoon.
"Bakit ako ang sinasabihan mo ng ganyan? Di ba dapat ang asawa mo ang pagbawalan mo na lumapit sa akin?" Palaban na rin ang dalaga.
"And besides, kung may matawag na immoral sa ating dalawa ay ikaw yun di ba? Sino ba naman kasi ang nakipagjugjugan sa bestfriend ng asawa mo? Ako ba?"
Ito ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang dalawa. Nahuli ng lalaki sa ibabaw ng kama ang bestfriend nito at ang kanyang asawa.
" You bitch! " Sigaw nito at sasampalin na sana siya pero maagap ito na nasalag ng dalaga. Siyempre, kakapanood niya ng mga teleserye, alam na alam niya ang mga ganoong eksena kaya alerto na siya.
Iyong hawak niya sa pulsuhan nito ay deretso niyang pinihit patalikud ang mga kamay nito sabay tawag sa mga guards na kanina pa pala nasa labas ng pintuan. Humahangos ang mga ito na pumasok.
"Please accompany Miss Peralta out and good day. Thanks for visiting." Taas noong sabi niya dito na ikinanlilisik lalo ng mga mata nito. Hawak na ito ng dalawang guwardiya sa mga kamay kaya kahit anong pagpipiglas nito ay hindi ito makakawala pa.