Chapter 2: Ang unang pagtatagpo
" There you are! " Pahagikgik na tinakpan ng dalaga ang mga mata ng lalaking nakatalikod na nakaupo sa may bench paharap sa sunset na nasa kanilang harapan. At dahil sa medyo madilim na nga ang paligid ay di na niya sinigurado kung ito nga ba ang kanyang kaibigan. Nagulat na lang siya nang sa biglang paglingon nito ay ibang mukha ang kanyang nasilayan. Isang guwapong mukha na ngayon lang niya nakikita at hindi ito ang kanyang kaibigan.
"Oops, I'm sorry." Napapahiyang sabi niya. Kung umiral nga naman ang katangahan ngayon pa sabi niya sa isip. Paanong napagkamalan niya ito sa kanyang kaibigan.
Napangiti ito at lalo pa siyang natulala nang makita ang dalawang dimples nito sa magkabilaang pisngi.
'Sheett, Aga ikaw ba yan?' Kilig na sabi niya sa sarili. Siyempre ayaw niyang magtatatalon dun sa kilig ang awkward kaya noon. Sasarilinin niya lang ang kilig na nadarama for the sake of poise. Di na siya teenager pa noh!
"Ok lang miss. It happens. It's not my first time by the way." Sabi nito sa lalaking lalaki na boses na lalo lamang nakapagpakilig sa dalaga.
"Hoy lukaret kung saan saan kita hinanap andito ka lang pala!" Narinig niyang sabi sa kanyang likuran.
Napasimangot ang dalaga. Kahit kailan talaga wrong timing itong baklang ito! Himutok niya sa isip.
"Oh may kasama ka pala." Sabi nito nang makalapit. "At oh hi papa!" Pagpapacute nito sa binata nang makilala ang kausap.
"She mistaken me as you." Sagot nito at hinarap ang kaibigan.
"Siya ba yung sinabi mo na guest natin ngayon?"Tanong nito sa kanyang kaibigan.
Aba't magkakilala pala ang dalawa akalain mo yun! Gulat man ang dalaga ay di siya nagpahalata. Kailangan niyang imaintain ang composure kahit ngali ngali na niya itong sakmalin sa sobrang gigil. Talagang weakness niya talaga ang mga mature men kaysa sa mga kaedad niya. Single pa naman siya sa pagkakataong iyon. Tuyot na tuyot ika nga.
"Yes Mike. Si Janna Madrigal nga pala, my one and only bestfriend. Galing state." Pakilala nito sa kanya.
Inilahad ng lalaki ang kamay sa dalaga. Agad naman itong tinanggap ng dalaga. Ayaw niyang magkaroon ito ng impression sa kanya na mataray. Gusto niyang makilala pa ito ng lubusan. Dinama niya ang palasingsingan nito. Wala siyang makapa at ikinagaan iyon ng kanyang loob. Oo nga at modern day woman siya, liberated dahil nga sa states lumaki pero ayaw niya naman magpapatol sa mga may asawa. Ayaw niya makasira ng pamilya para sa kaligayahan niya lamang.