Chapter 17: Pakikipagsapalaran
YVONNE'S POV.
Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin ni Ma'am Sofia na tanggap na ako.
"T-Talaga po?" natutuwa at gulat na gulat na tanong ko.
"Yes! I think, fit sa iyo ang trabaho na ito," nakangiti niyang sagot.
"Nako! Maraming salamat po! Kinagagalak kong makapasok sa kompanya na ito."
Tinanggap ko ang kamay niyang gustong kamayan ang kamay ko at nagpaalam na nang sabihin niya sa akin na requirements na lang ang kulang ko at pwede na akong magsimula.
Mahigit isang linggo na ang lumipas magmula nang magpasa ako ng resume sa opisinang ito. Akala ko nga noong una ay hindi na nila ako tatawagan para sa interview, e. Mabuti na lang talaga at natanggap ako. Nakakaloka! Makakahawak na ulit ako ng pera at mabibili ko na ulit ang mga gusto ko.
Salamat sa Diyos na nagpapala sa akin. Magsisimba ako mamaya para magpasalamat.
Habang abala sa paglalakad at pag-aayos ng mga dokumentong hawak ko ay isang lalaki ang bigla ko na lang nakabungguan.
"Aray ko!" sigaw ko nang tumama ang pwet ko sa semento. Mabilis din naman akong kumilos para kuhanin ang mga requirements na nabitawan ko bago pa iyon tangayin ng hangin kahit na hindi na maipinta ang mukha ko.
Masakit din ang biglaang pagbagsak ko, e.
"Nako, miss! Pasensya na. Nagmamadali kasi ako," paumanhin ng lalaking nakabungguan ko at tinulungan ako sa pagkuha ng mga documents ko.
"Hindi. Ayos lang," sagot ko.
Kukuhanin ko na sana sa kaniya ang mga nakuha niyang requirements ko ng kapwa kami natigilan nang magkatinginan kami.
Pakiramdam ko ay umatras ang dila ko. Ang gwapo niya!
"Miss, pasensiya ka na, ah? Nasaktan ka ba? Late na kasi ako kaya nagmamadali ako. Kinukuha ko pa sa bag ko ang I. D ko kaya hindi kita napansin. Hindi ko sinasadya," muli ay paumanhin niya at ibinigay sa akin ang mga papel na nakuha niya.
"Hindi. Okay lang ako. Salamat sa pagtulong," sagot ko at sabay na kaming tumayo.
"Sige, ah? Papasok na ako. Late na ako ng 3 minutes," nagmamadali at pinagpapawisan niyang paalam sabay takbo nang mabilis.
Napasunod tingin na lang ako sa kaniya bago umukit ang ngiti sa labi ko.
"Super gwapo naman niya," kinikilig kong bulong sa sarili ko nang bigla kong maalala ang asawa ko. Napasapok ako sa ulo ko.
"Magtigil ka nga, Yvonne! Kahit naman babaero ang asawa mo ay wala kang karapatan lumandi sa iba. Kasal pa rin kayo, 'no!" paalala ko nang bigla ko ring maalala na ngayon nga rin pala ang pagkuha ko ng Philhealth ko.
Napabuntong hininga ako at mabilis na tumakbo. Tiniginan ko ang relos ko at malapit nang mag-alas tres ng hapon. E, 3:30 lang ay dapat makuha ko na iyon dahil hanggang 4 PM lang sila ngayon.
Patawid na ako ng highway para pumunta sa sakayan ng jeep nang biglang bumusina nang malakas ang papatawid na sasakyan at kamuntik na akong nasagasaan.
Madiin akong nakapikit nang mapaupo ako sa gitna ng daan.
"Miss, are you okay?" narinig kong tanong ng isang babae na lulan ng sasakyan. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang makita ko kung sino iyon.
Hindi ko maintindihan pero mas lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko kung sino ang babaeng iyon. Hindi ko siya kilala pero parang nakita ko na siya dati.
"Miss?" Bumaba siya sa kotse at nilapitan ako. Nag-aalala niyang hinawakan ang braso ko at dahan-dahang itinayo.
Nakasuot siya nang mamahaling damit na kulay itim. Nakasuot din siya ng sun glasses at may kulay na dilaw ang buhok niya. Mistisa siya at matangkad. Lalo pang nagdala niyon ay ang heels na suot niya. Naaalala ko na ganito ang pormahan ko noong hindi ako tinitipid ng asawa ko sa pera.
Bigla akong nakaramdam ng kaunting inggit kahit na muntik na akong binawian ng buhay. Mabuti na lang at hindi ako nasagasaan talaga kung hindi ay may pinaglalamayan na si Ervin ngayon at tuluyan na silang magiging malaya ng kabit niyang si Sheila.
"Sorry talaga, miss. Nagmamadali kasi ako at magkikita kami ng boyfriend ko. Bigla ka namang tumawid. Mabuti na lang at nakapag-preno kaagad ako. May masakit ba sa 'yo? Dadalin kita sa hospital," kunot ang noo at concerned na sabi niya.
"Hindi. Ayos lang ako. Pasensiya na rin at bigla akong tumawid. Parehas na lang tayong mag-iingat sa susunod."
"Sure ka ba? Baka may masakit sa 'yo? Willing naman akong dalhin ka sa hospital."
"Hindi. Ayos lang ako. Nagmamadali rin ako, e," sagot ko hanggang sa nagpasya na kami parehas na maghiwalay na. Tumungo na ako sa sakayan ng jeep at sandaling naghintay hanggang sa mapuno iyon at makaalis na kami.
Napahinga ako nang malalim.
Ang ganda ng babae kanina. Naiinggit ako…
Dahil mahaba haba pa ang biyahe, kinuha ko muna ang cellphone ko at nag-headset. Nagpatugtog ako ng ilang tugtugin.
Iniharap ko sa bintana ang mukha ko at dinamdam ang hangin na humahampas sa akin. Biglang nanumbalik sa isip ko ang dating kami ni Ervin na sobrang saya. Iyong kami na madalang mag-away at madalas magkulitan. Iyong kami na sobrang lambing sa isa't isa.
Lahat naman siguro talaga ng relasyon ay aabot sa puntong araw-araw nag-aaway. Siguro ay para ma-i-test ang isa't isa kung gaano nila kamahal ang mga partner nila. Pero hindi naman na siguro normal kung maya't maya namang nambababae ang lalaki.
I sighed.
Ilang beses ko nang nasabi sa sarili ko na sana ay hindi na lang ako nag-asawa. Kung wala akong asawa, hindi ko mararanasan ito. Hindi ako makakaramdam ng inggit sa kabit ng asawa ko kung maganda man iyon. Parehas naman kaming babaeng may hinaharap at kaselanan. Ano ba ang wala sa akin na meron ang babae niya? Bakit nagawa niya akong isabay sa isang cheap na babae?
Kung sanang pwede ko lang siyang hiwalayan, matagal ko nang ginawa.
Muli akong napabuntong hininga bago ko ipinikit ang aking mga mata. Pinipigilan kong maawa sa sarili ko pero minsan, hindi ko maiwasan.
Saan ka ba nakakita ng mayaman na walang pera? Saan ka nakakita ng misis na may asawang CEO pero nakasakay sa jeep imbis na sa tricycle para magtipid? Saan ka nakakita ng misis na nakikipagsapalaran sa daan para lang kumita ng konting pera kahit ang yaman naman talaga niya?
Nakakasal kaya 'yon, aaminin ko. Wala lang akong magawa sa ngayon. Ayoko namang mapahamak ang mga magulang ko nang dahil lang sa akin. Gusto ko pa silang mabuhay nang matagal at sumaya sa piling ng isa't isa, bagay na hinahanap-hanap ko kay Ervin na hindi ko makita.
"May hihinto ba ng munisipyo?" malakas na tanong ng driver na nagpagising sa diwa ko. Humarap ako sa bintana at nasa tapat na pala kami ng munisipyo.
"Para! Ako po, manong," sagot ko at bumaba na. Nakapagbayad naman na ako kanina.
Mahigpit kong hinawakan ang mga dokumentong dala ko bago ako naglakad papasok sa munisipyo.
Sandali akong pumila sa office kung saan matatagpuan ang mga nag-i-issue ng Philhealth. Nang makalapit ako sa kanila ay iniabot ko ang requirements na kailangan para makuha iyon pagkatapos ay lumabas na ng office nila. Masyadong maraming tao sa labas. Tatawagin naman nila ako kung ready na ang ID ko.
Sandali akong naghintay. Ibinukas ko muna rin ang social media account ko para maglibang nang bigla akong makatanggap ng message mula kay Ervin.
"Honey, parang kulang ang laman ng wallet ko. Kumuha ka ba ng 5k dito?"
"Patay!"
Napakagat labi ako nang mabasa ko iyon. Re-reply-an ko na sana siya nang bigla naman akong tawagin sa office.
"Nandiyan na po," sagot ko at dali-daling tumayo.
Ang bilis pa lang kumuha ng Philhealth. Hindi kasi ako kumukuha ng Philhealth dati, e.
Ibinigay nila sa akin ang ID ko nang hindi pa naka-laminate kaya nagpunta ako sa isang malapit na computer shop at ipina-laminate ang ID ko. Syempre nagdikit muna ako ng 1x1 na picture at pumirma.
Habang hinihintay kong matapos ang ID ko, muli na namang nag-chat si Ervin.
"Honey??"
Napakagat labi na naman ako. Typing na naman siya.
"Honey, hindi ko pa nababawasan ang laman ng wallet ko. Sa card ako laging kumukuha kapag may binibili ako. Imposibleng mabawasan ito ng 5k."
Heto na nga ba ang sinasabi ko. Wala talagang sikretong hindi nabubunyag.
Lunok laway akong nag-type para magpaliwanag, "Sorry, honey. Kumuha ako noong isang linggo. Papalitan ko na lang. Wala na kasi akong pera, e," sagot ko at pinatay na ang cellphone ko.
Hindi kaya ako mapatay ng asawa ko pagdating ko sa bahay? Pero 5k lang naman iyon kung ikukumpara sa laman ng mga bangko niya.
Bahala na nga lang! Ang mahala, tanggap na ako at magkakapera na ako.
Salamat sa Diyos!