Chapter 1: The Way He Approaches Me
ERA’S POV
Hindi ako nakatulog kagabi. Sinugod kasi ang tatay sa ospital, inaatake ng ubo. Malala na ang pneumonia nya at nagpapagamot na. Natutulog ako sa sofa, ala una iyon ng madaling araw. Nakakainis lang na wala akong magawa.
“Tignan mo si Era, mukha na namang tanga!”
Tipid na ngiti lang ang naibigay ko kay Fina. Feeling ko hindi maipinta ang mukha ko sa harap nila. Ugh... Ang panget ko na nga, papanget pa ‘ko lalo.
“Inaantok lang eh.”
“Nagreview ka na ba sa Principles?” Masusi ang tingin at iba ang tono ni Isa sakin. Nak ng— “May quiz?!”
“Hala! Wala talaga syang alam!”
Hala, gago. Pati quiz hindi ko alam. Partida, president pa ‘ko ng block namin. Tinatawanan lang ako nila Crad. Shet, anong oras na ba?! Sana wala si Ma'am ngayon—
“Good morning class.”
PUTANGINA!! Inaasar pa ‘ko lalo ni Fina sa pagme-make face nya!
Pinamigay na isa-isa ng kaklase ko sa harap ang nga quiz paper namin. Yung unang quiz ko ten over twenty. Kinapos ng two points para maging sixty percent. Yun kasi ang passing score.
Tangina, kawawa naman ako.
“One seat apart, please.”
Nakaupo ako sa dulo ng classroom sa likod. Hindi ako makakopya sa kanila, masyado silang malayo sakin. Bakit ba kasi ang labo ng mata ko eh?!
Nasa projector ang tanong at, bahala na. Stock knowledge nalang ang labanan dito.
“Tangina mo President! Bakit seventeen over twenty ka?!”
Comeback is real, mga bobo. Tinawanan ko lang sila Crad na lumiliit ang mga mata. Lahat sila bagsak, kung sino pa yung di nag-aral sya pa pumasa.
“May ginawa ka bang magic, Era?”
“Eto yung taong talagang di mo makikitang nagrereview pero pumapasa noh,” tinuro-turo pa ‘ko ni Isa. Nice. Mamatay kayo sa inggit. Ang galing mo, self. Sana ganito tayo lagi.
“Where is your class rep?”
Tinuro ako nila Fina. Bumaba ako sa platform para makausap ang prof namin.
“Yes po, Ma'am?”
“Miss Ponciano, baka pwedeng pumunta ka sa faculty? Pakihanap naman si Sir Mikhail para sa powerpoint ng lesson nyo for next week. Sa Allied MT building mo nalang sakin bigay. Sa third floor.”
Tangina, may magagawa pa ba ‘ko?
“Sige po Ma'am. Abot ko nalang po sa inyo.”
“Thank you!”
Umakyat ulit ako sa upuan para kunin ang gamit ko. Grabe naman, galing akong MT faculty tas papapuntahin ako sa ibang building? Alila ba talaga ang mga class rep? Syempre wala akong magagawa don, first year palang ako eh.
“Oy, reserve nyo ‘ko ng upuan ah? May pupuntahan pa ‘ko.”
“Wow, messenger ka na ngayon?” Ngumisi lang ako sa sinabi ni Isa. Nakakainis, ang liit talaga ng tingin nila sa’kin.
Umakyat ako ng fifth floor at kumatok sa faculty room. May nagbukas ng pinto pagkakatok ko. Isang matangkad, moreno, makapal ang kilay, matangos ang ilong at nakasalaming lalaki. Tipikal na makikita sa isang romance novel book. Nakabraces nga lang. Si Sir Mik.
“Miss Ponciano?”
“Uhh... Sir... pinapunta po ako ni Ma’am Weng para daw po sa powerpoint nya.”
Hinawakan nya ang braso ko para papasukin sa faculty room kahit alam naming parehas na bawal ang estudyante sa loob. Sabi nga ng babae sa sensodyne, may sudden jolt. Ang init ng kamay nya. Parang nawindang ako ng pansamantala.
“Gusto mo bang ako nalang ang magbigay sa kanya? Pupunta din naman ako sa Allied—" Nangunot ang noo ko sa narinig sa kanya kaya pinutol ko na ang sasabihin nya. Ang weird lang pakinggan, di ba?
“Ako nalang po, Sir! Ako kasi yung inutusan? Hehe...”
Lopsided lang ang ngiting pinakawalan nya. Nainitan ako bigla. Parang hawak pa rin nya ang braso ko kahit hindi na. Tangina, Era. Bakit ka ganito?
“Then let’s go there. Together.”
Shit! Halos malaglag na sa pagkakakabit ang mata ko sa sinabi nya. Sino ba namang di mabibigla?! Professor na kinahuhumalingan ng lahat, sasabay sakin?! Bakit parang hindi kapani-paniwala?!
“Miss Ponciano? Are you okay?”
“Y-Yes po... May... naalala lang po ako.”
Eto na nga, nangyayari na nga. Nakakanerbyos. Hindi ako yung tipo ng estudyanteng sipsip at palakausap sa mga professor nila. Kaya nga lagi akong nasa dulo para hindi nila ako mapansin. Ayoko talaga sa spotlight. Pero ngayon kasabay ko syang maglakad? Bakit ganon yung mga tingin nila sakin?
“Your next class is ten fifty, right?” Napatingala ako para tignan sya, “Opo, Sir. Bakit po?”
“Nine thirty palang naman. Gutom na ko eh. Samahan mo kaya akong kumain?”
Napa’ha?’ nalang ako sa kanya ng wala sa oras kaya tinawanan nya ko. Tumataas-baba pa ang kilay at ngumingiti sakin. Professor ba talaga ‘to?
Wala na, finish na. Nagpunta rin kami ng Jollibee. Wala pang masyadong tao kaya pumila na agad kami sa counter. Unlikely ng aktingan neto, feeling ko blockmate ko lang kasama ko ngayon.
“What do you want? I’ll treat you.” —better?
“Sir, pera ko nalang po. Nakakahiya eh—"
“No, no, no. If I use your money, you’ll lose your allowance for a month.”
Hindi ako mapakali. Pano ba naman kasi pinaupo nya na ‘ko sa libreng table at sya na ang umorder. Aah! Ang init ng pisnge ko! Kinikilig ba ‘ko?!
Tinatawagan na ‘ko nila Crad pero hindi ko na masagot dahil dumating na sya na dala ang dalawang tray. Marunong syang maghandle ng tray gaya ng mga crews. Wow.
“Here. The time is ticking kaya hindi na kita natanong.” Ano ‘to?! Ang dami nito! Ang lala naman ni Sir?!
“Hala, Sir! Ang dami naman po!”
“It’s alright. We can take these out naman,” kibit-balikat nyang sagot sakin.
Tinanggal na nya sa tray ang mga plato. Ang dami nyang binili. Lahat ata ng nasa menu inorder nya. Tae, naglalaway na ‘ko. Kalahating taon na ata ang huli kong kain sa fast food.
“Here. Kumain ka lang. Medyo mahaba pa naman ang vacant.”
Binigay nya sakin ang chicken with rice pero tinanggal nya muna yung balot ng kanin at hinimay yung manok. Wew, hindi ko inaasahan ang ganitong pagtrato nya sa akin, ha?
“Thank you po.”
Tahimik akong kumain sa harap nya nang hindi sya magawang tignan manlang. Maingat akong ngumunguya, mahirap na baka mamaya ipagkalat nya kambing yung kasama nyang kumain eh. Saka nakakahiya! First time talaga ‘to. Hindi ko inaasahan na gagawin nya ‘to sakin. Hindi naman kami close. Nakakausap ko lang sya kapag may kailangan akong gawin as a President.
“I know you’re wondering bakit ako nagpasama sayo.”
Pwede ko bang sabihin sa kanya na sya ang may pakana? Na hindi ako pwedeng tumanggi sa kanila kasi superior namin sila? Kasi nakakatakot sila?