Chapter 9

Kakatapos lang ng practice namin para sa graduation ceremony sa darating na Sabado. Last na namin ngayon at babalik na lang kami sa araw para tumanggap ng diploma. Hindi ko mararating ang ganito kundi dahil sa pamilya ko kaya sobrang saya ko na sa wakas malapit na akong makapagtapos.

Masaya ang lahat dahil sa wakas malapit na kami sa finish line, isa na lang at ito ang college life. Lahat naman kami makapag graduate na sa wakas ng secondary.

Thursday ngayon at nagkayayaan ang mga ka batch ko na magparty sa bahay nina Domingo. Kaklase namin. Doon ang napili nila na lugar na halos lahat ng mga kaklase ko ay sumang-ayon at ibang kaklase ko dati.

Pumayag kami ni Ignacio at nakapag paalam na kami sa mga magulang namin. Advance reunion na raw namin ito dahil hindi namin alam kung kailan kami ulit magkikita after ng graduation. May kanya-kanyang buhay o landas na kasi kaming tatahakain. Ibang school, ibang kurso, ang iba hihinto muna raw dahil gusto munang maghanap ng trabaho bago mag-aral ulit.

Kagaya ko na isa sa ma swerte dahil pumayag ang kapatid ni papa na pag-aralin ako sa Manila. Libre naman daw lahat basta malinis lang ang bahay bago sila bumalik galing trabaho. Working student ang napili ko. Bandang hapon ng alas dos ang pasok ko at alas otso naman ng gabi matatapos. Hindi naman raw sobrang nakakatakot maglakad dahil marami naman ang mga tao pero ganun pa man double ingat parin, yan ang sabi ng mga magulang ko.

"No swimsuit allowed kung magsiswimming kayo doon Mi, okay?" saad niya kaya ngumuso ako.

"Ano gusto mong suotin ko, panty and bra na hindi pang swimming?" pang-aasar ko.

"No way! What I mean ay bawal ka sa mga ganun, I bought you rashguard so better wear that kesa mag swimsuit ka." final na wika niya. Mas lalo akong ngumuso, nagpipigil lang ng tawa. May swimming pool kasi sa kanila nina Domingo. Bandang hapon alas tres kami pupunta hanggang mamayang gabi na ang party.

Pwede naman raw na matulog doon kung gustuhin pero hindi ko pa alam nito mamaya.

"Gown na lang kaya ang susuotin ko para hindi kana magrereklamo, okay ba yun sa'yo?" Taas-kilay kong tanong sa kanya.

"Much better–ouch! Honey!" nahampas ko siya sa kanyang balikat dahil sa pumayag siya na iyon ang susuotin ko.

"Ewan ko sa'yo, ilang beses na yan? Hindi mo talaga ako pinapayagan na magsuot ng mga ganyan. May ipagmamalaki naman ako ah." sabi ko sa kanya. Yumuko siya para matitigan ako, nasa dibdib ko ang mga titig niya. Lumunok ito at binalik ang mga mata sa akin.

Nakatitig lang ako sa kanya. Nilipat niya ang kanyang bibig malapit sa tenga ko, nakikiliti man ay sinubukan ko paring marinig at intindihin ang sinasabi niya.

"Because everything about you is mine, since I got you, I want you to be my last at sana ganun karin sa akin." bulong nito. Hindi ko na alam kung saan kakapit, mabuti na lang at mahigpit ang pagkahawak niya sa bewang ko kaya hindi ako nabuwal sa kinatatayuan ko. Nasa locker kami ng mga lalaki at dahil wala ng tao kaya pinapasok niya ako para doon na maghintay.

Napansin ko kasi na simula na dumating siya galing sa Maynila ay talagang naging possessive at territorial na siya sa akin.

Para sa akin, ayos naman yun pero hindi ko lang mapigilan minsan na mairita dahil bigla-bigla na lang magagalit sa kung sinong kasama ko lalo kapag lalaki kahit yung kaklase namin na kilos babae ay nagagalit siya then maya-maya panay sunod ng sunod sa akin.

"Do you understand Michaella Gomeza, hmm?"

"Ignacio… "bulong ko sa pangalan niya dahil nahihilo ako sa mga titig niya. Niyakap niya ako ng mahigpit sa hindi ko malaman na dahilan. Wala akong magawa kundi suklian ang pagkayakap niya sa akin.

Mahal niya na ba talaga ako? Hindi na ba pumapasok sa isipan o hindi niya na ba nagugustuhan ang taong gusto niya? Kasi ako, mahal ko siya. Wala na yata akong mahanap na iba kundi siya lang. Kung may pagbibigyan man ako ng pagmamahal, sigurado ako na siya lang.

Pagkatapos niyang magbihis ng damit ay lumabas na kami, pero mali yata na pumasok pa ako rito sa may locker boys at baka ano na lang iisipin ng ibang estudyante kung meron mang makadaan sa gawi dito.

Pinauna ko si Ignacio na lumabas ng pinto at saka ako sumunod.

"What?" Natatawang tanong niya. Tinampal ko ang balikat niya dahil sa kinakabahan na nga ako rito tapos itong lalaking ito pangisi-ngisi lang.

"Baka may makakita sa atin na pumasok ako sa boys locker Ignacio. Baka ano na lang ang iisipin ng iba!" Aniya ko sa kanya.

"Bakit may ginawa ba tayo, Mica? Isa pa, anong iisipin nila? Pakipaliwanag nga sa akin ng maintindihan ko," pang-aasar niya pa, sinamaan ko siya ng tingin.

"Pamaang-maangan kapa, alam mo na yun!"

"Huh? Wala akong alam sa mga sinasabi mo Mi, care to tell me?" pinapainit talaga ang ulo ko ng lalaki na ito. Bumitaw ako sa kakahawak sa braso niya at nauna ng naglalakad sa kanya.

"Mica… !" tawag niya sa akin at hindi ko na siya pinansin. "Tingnan mo ang girlfriend ko iiwan lang ako dito, may alam na yata ito eh," binalik ko ang tingin sa kanya. Taas-kilay ko siyang pinagmasdan na nakangisi pa rin at sinasabayan ang noo ko na nakakunot na ngayon.

"Isa pang pang-aasar diyan, malilintikan kana sa akin."

"Wooo, what kind of behavior is that?" hindi ko na talaga siya pinapansin, ewan ko ba bakit ako ganito ngayon, dahil ba malapit ng dumating ang kumare ko kaya ako nagkaganito. Bigla-bigla na lang naiinis at naiirita lalo at, "ayyy palaka ka… !" Napasigaw tuloy ako dahil sa biglaang paghawi niya sa braso ko.

"Saan ang punta natin Miss? Nasa parking area ang sasakyan ko." dahil sa sinabi niya kaya napatingin ako sa paligid. Nakarating na pala ako sa kabilang kalsada na lutang ang isip.

Wala na akong magawa dahil sa hila-hila niya parin ang kamay ko at wala na yata pang planong bitawan. Pinauna niya ako sa loob ng sasakyan at siya na mismo ang nagkabit ng seatbelt ko.

"Yan wala kanang kawala sa akin ngayon. Gusto mo ba ng ice cream? Meron na ba sayo? Ayon sa calendar mo, next week pa ang dalaw mo," iniiwas ko ang mukha ko sa kanya dahil sa namumula na yata ako ngayon. Alam niya kung kailan ang dalaw ko dahil minsan pinabili ko siya ng sanitary napkin sa tindahan dito lang sa loob ng paaralan. Hindi lang isa o dalawang beses, minsan kasi nakakalimutan ko na magdala. Kaya wala naman akong ibang utusan kundi siya lang.

Dahil sa pananahimik ko kaya nararamdaman ko na lang na hinahagkan niya ako sa noo. "Medyo masungit talaga ang girlfriend ko," habol pa nito bago umikot sa kanyang sasakyan para makasakay na rin.

Uuwi muna ako ng bahay para makapag bihis ng bagong damit. May dala namang damit si Ignacio kaya doon na siya tatambay sa bahay namin. Nandito na sa probinsya ng Negros ang kanyang mommy at dito na nagpapagaling para naman sa araw ng graduation ay makaka attend siya. Gusto na nga akong makita eh pero sabi ko kay Ignacio na after graduation na lang o sa araw na ng graduation namin.

Bigla kasi akong nahiya baka hindi ako matanggap dahil sa estado ng buhay ko. Hindi ko naman minamaliit ang mga magulang ko kung bakit kami ganito pero ayoko lang na may nakakarinig ng hindi maganda kahit hindi pa naman ako sigurado kung boto ba ang mga magulang ni Ignacio sa akin.

Ayan kasi ang mga nababasa ko sa pocketbook na ayaw ng mga mayayaman sa isang kahig, isang tuka na partner ng kanilang anak.

Hindi naman sa advance akong mag-isip pero natatakot ako na baka gusto lang akong kausapin ng mga magulang n'ya para sabihin na hindi kami bagay sa kanyang anak at layuan ko siya.

Hindi ko alam kung makakaya ko ba? Kaya hanggang ngayon tinitimbang ko pa ang sitwasyon. Sana lang na mali lahat ang mga nasa isip ko.

"Tahimik ka na naman ngayon? Marami ka yatang iniisip o di kaya wala ka sa sarili kapag nag-uusap tayo, why?" ani ni Ignacio. Ano ba ang pinagsasabi nito?

"Huh? Ganyan ba ako ngayon?"

"Yeah, parang bumalik ang dating Michaella na tahimik lang sa tabi."

"Really? Hindi naman ah. Ako pa rin ito," saad ko. Nilapit ko sa bibig niya ang camote q na niluto ni mama kanina para pang merienda bago kami pumunta sa bahay nina Domingo.

Nakatulog kaming dalawa ni Ignacio kanina sa may sala pagkatapos mag merienda at magkwentuhan. Kaya sa palagay ko hindi ako aantukin mamaya sa party.

Bandang five na ng hapon kami pumunta para mas mahaba ang oras namin mamayang gabi sa kanila. Hindi naman ako maliligo pero dahil baka magyaya ang mga kaibigan ko kaya nagdala na rin ako panigurado, of course yung binili ni Ignacio ang dinala ko na rashguard dahil ayaw niya talaga ang nagsusuot ako ng swimsuit.

Nakablack t-shirt si Ignacio at black pants. Ginaya ko rin ang suot niya na kulay. Simpleng black t-shirt at high waist pants naman ang suot ko, lahat black pwera lang sa sapatos na kulay white.

"Sino ang may lamay at puro black ang mga suot niyong dalawa ni Ignacio?" Tanong ni Nessel kaya natawa sina Lisa at Bianca.

"Walang siraan ng trip dahil ito ang gusto namin." ani ko kaya natawa lamang sila.

Nasa garden kami ngayon at nakatambay. Ang ibang mga lalaki nasa loob at nag-asikaso ng mga kakainin namin mamaya. Gusto sana naming tumulong pero pinagbawalan kami at kaya na raw nila. Kaya tuloy sa isang saglit naging reyna na kami dito na pinagsilbihan.

Nagsisidatingan narin ang iba naming kaklase, kahit sina Shemaia ay nandito rin, nasa Maynila ang kanyang boyfriend at pinayagan naman na pumunta basta no drinks alcohol is allowed.

Yan di ang paulit-ulit na paalala ni Ignacio sa akin kaya sino ba naman ako para tumanggi. Para na rin iyan sa ikabubuti ko raw na hindi pa nakakalasa ng alak. Habang ang iba kung kaklase at kaibigan ay nakakatikim na.

Kanina lang nasa slow rock lang ang ang music pero ngayon iniba nila kaya hyper na hyper na ang mga ka batch ko ngayon, ang iba nga ay nagsasayawan na sa may gilid ng swimming pool.

Dahil maaga pa para umuwi kaya naisipan nila na magkaroon ng parlor games. Sumasali rin ako at ang premyo ay wala naman. Kasiyahan lang talaga siya.

Sa sobrang pagod kaya bumalik kami sa lamesa para kumain. Nagkakainoman na kanina ang mga lalaki at juice lang sa aming mga babae.

Pagkatapos ng kainan ay nasa garden lang kami.

Kagaya na niyan ang boyfriend ko na nasa tabi ko na ngayon dahil may truth or deal kami na laro.

Nang mapagod na sa kakalaro ay pumunta kami sa swimming pool para itampisaw lang ang mga paa namin para mag-usap lang kami. Binalikan namin ang mga nakaraan namin at ano ang mga unang expression noong una naming nakita ang isa't-isa.

"Si Michaella na tahimik lang sa dulo ng upuan, ngayon may Ignacio na," singit ni Singko na tinawanan naman ng mga kaklase ko na hindi man lang ako pinagtanggol.

Kahit ang katabi ko ay malapad lamang na ngumiti at wala man lang reaction sa mga pinagsasabi ng mga kaklase ko.

Dahil tama nga ako na magkakayayaan ang mga kaklase ko na babae na maligo sa pool kaya game na rin ako, ayokong maging kj ngayon dahil minsan lang itong mangyari sa buhay namin na magkasama kami.

"See.. bagay naman sayo, ayos na yan." umirap ako sa hangin. Nasiyahan talaga siya na ganito ang pinasuot niya sa akin. Hindi naman ako nahihiya sa katawan ko dahil katawan ko naman ito. Pero ayaw niya talaga, kahit nakaready naman ang black bikini ko na sabay pa namin binili ni Lisa sa palengke.

Hindi naman siya sobrang laswa tingnan pero ang lalaking ito ayaw niya dahil marami raw nagpapantasya sa katawan ko. Baka uuwi sila na may pasa na ang mga mukha sa nakatitig sa akin.

Sira ulo talaga, nagseselos kahit wala naman.

"Magkita na lang tayo kung makapunta ako sa Maynila, asikasuhin ko pa ang passport ko dahil baka magjajapan ako pagkatapos ng high school at magtatrabaho na muna o baka kaya naman din sa schedule ay maisipan ko ring mag-aral kagaya mo Mica.." Si Lisa.

"Ako dito lang, sa Dumaguete na ako mag-aaral ng kolehiyo, marami namang pagpipilian." sumang-ayon kami dahil sa sinabi ni Bianca.

Pinagpatuloy namina ang pagliligo at ngayon sumabay na ang mga lalaki. Kung lasing na itong si Ignacio ay hindi na talaga kami nito makakauwi.

"Inaantok ka na ba? Pwede na tayong umuwi," alok niya at umiling lang ako.

Kahit sa pool ay hindi namin pinalampas at para kaming mga bata na nagsasabuyan ng tubig o di kaya nagpapaunahan kung sino ang unang lumubog sa tubig, siya ang talo habang buhat-buhat kaming mga babae ng mga partner namin.

Dahil malakas ang iba kaya agad naman akong nahulog dahil narin na out of balance si Ignacio. Talo man pero ayos lang dahil kasiyahan naman ito at hindi competition.

Marami pa kaming pinag-usapan at nakabihis na rin kami. Malapit na mag alas dyes at ang mga lalaki umiinom na naman ulit ngayon. May iba naman ay umuwi na dahil may curfew.

Dahil wala pa akong ganang umuwi kaya nanatili ako at ganun na rin si Ignacio lalo at panay bigay ng joke itong si Singko at Junard. Nasa pabilog kami na lamesa nag-uusap.

"Comfort room lang ako," bulong ko kay Ignacio. Tatayo na sana siya para samahan ako na pinigilan ko siya.

"Wag na… sa ating dalawa ikaw ang lasing kaya diyan ka lang at babalik ako agad. Alam ko na rin kung nasaan ang banyo nina Domingo kaya chill ka lang, okay? " balik bulong ko sa kanya. Alam ko naman na naririnig ako ng ibang kaklase ko kaya binabalewala ko na.

Tumayo na ako at nagpaalam na muna sa kanila. Wala rin ngayon ang mga magulang ni Domingo dahil nasa Iloilo ngayon.

May banyo sila sa likuran ng bahay at doon na lang ang napili ko kaysa pumasok pa ako sa loob ng bahay nila.

Pagkatapos kung magbanyo ay lalabas na sana ako na may humawak bigla sa braso ko at pinabalik sa loob ng banyo. Sisigaw na sana ako na mahagip ko kung sino ang nasa harapan ko.

"Ronald! Anong ginagawa mo?" taka kong tanong sa kanya. " Magbabanyo ka ba? Lalabas na ako at ikaw na ang susunod." Saad ko pero tinititigan niya lang ako. Apat na section ang sumama sa bahay nina Domingo dahil ang iba katulad ni Ronald ay naging kaklase na rin namin dati. Ang iba nakauwi na at kakaunti na lang ang mga naiwan na estudyante.

"Ganyan ba talaga magalit ang boyfriend mo kaya hindi nakatiis bigla na lang akong pinagsusuntok?" aniya. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ni Ronald, lasing na ba ito?

"Lasing ka lang siguro Ronald kaya kahit ano na lang ang lumalabas diyan sa bibig mo," sabi ko at pilit na inilayo ang sarili ko sa kanya pero lumalapit pa rin siya sa akin. Naaamoy ko na ng tuluyan ang alak sa ibig niya.

"Lasing man ako pero alam ko pa rin kung sino ang hahalikan ko Michaella-" bago pa ako magprotesta ay siya naman ang lapit ng labi niya sa akin ngunit mas bigla akong nanlamig ng makita kung sino ang nasa pintuan na matalim ng nakatingin sa akin ngayon dahil nakaharap ako sa pinto ng banyo habang si Ronald ay nakatalikod kaya naitulak ko siya.

"Ahhh! Ignacio! No.. no..!" sigaw ko ng bigla na lang niyang pinagsusuntok si Ronald na ngayon nasa sahig na at puro dugo ang mukha.

"Tulong! No Ignacio mali ka ng naiisip. Please tama na!" pagmamakaawa ko sa kanya. Binalibag niya ako na ng pilit kong abutin ang kamay niya para tumigil siya sa kakasuntok.

"Kaya pala ang bagal mo! Kaya pala gusto mong mag-isang pumunta Michaella dahil dito pala ang balak niyong dalawa na gumawa ng milagro? Ha?" sigaw niya sa harapan ko. Habang ako nakaupo lang sa sahig. May umawat na sa kanya at sa akin niya tinuon ang galit.

Habang si Ronald ay nawalan yata ng malay at dinala na sa labas. May umawat na kaklase namin pero hindi nagpatinag si Ignacio at galit itong humarap sa akin.

"N. No. No Ignacio mali ka ng iniisip wa-walang nangyari sa ami-"

"Wala! Wala pa ba yon? Nakita ko Mica. Kitang-kita ko! Kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko?"

"Ignacio, let her explain na hindi ka sumisigaw,"

"Isa pa kayo, pinagtanggol niyo pa ang babaeng malandi na ito? Nawala lang ako ng ilang araw at pumunta saglit sa Maynila dahil sa mom ko na may sakit tapos nabalitaan ko na lang kung kani-kanino sumasama na lalaki! Why Michaella pang ilang lalaki na ang bullshit na Ronald na natikman ng mga labi na yan ha? Sagot!" bigla akong nagulat sa mga sinasabi niya.

Hindi ko alam kung bakit naging ganito bigla ang nangyayari na ang saya pa namin kanina. Bigla siyang umalis kay kahit nanghihina dahil natamaan siguro ng doorknob ang tagiliran ko bago bumagsak sa sahig ay pinilit ko paring tumayo para mahabol ko si Ignacio. Lasing siya at baka kung ano ang mangyari sa kanya sa daan.

Kailangan kong magpaliwanag sa kanya na mali ang binebentang niya sa akin.

"Mica, kaya mo pa ba? Baka may masakit sa'yo," pag-alala ni Nessel sa akin at hilaw akong ngumiti.

"Wala akong ginawang masama!" hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi sa kanila ang bagay na ito at nagpaliwanag. Umiiyak ako sa harapan nila at hindi yata ako titigil hangga't hindi pinapakinggan ni Ignacio ang paliwanag ko.

"We know. We know Mica kaya 'wag kang mag-alala, lasing lang si Ignacio," sabi ni Singko. Hindi ako nakinig at tumakbo ako palabas ng bahay nina Domingo.

Nakita ko siya na kakabukas lang nya ng kanyang sasakyan.

"Ignacio… !" sigaw ko sa pangalan niya pero hindi niya ako narinig o ayaw niya lang akong pakinggan?

Lalapitan ko na sana siya na bigla na niya pinaharurot ang sasakyan, tumakbo ako habang tinatawag ang pangalan niya pero kahit anong gawin ko hindi ko na siya mahabol, iniwan ako ng taong mahal ko.

"Ignacio… please come back…" tanging bulong na lang ng pangalan niya dahil sa hinang-hina na ako, wala ng lakas para bumalik siya. "Please… "