Chapter 11
"Honey!" Tawag ng lalaki sa kanyang asawa.
"Uhmm, sorry ma'am but we're not allowed to give any information about our personal details to others. Hoping for your kind consideration." saad ko. Hindi ako sure kung tama ba ang pagka english ko. Bahala na.
" Oh! I see. Sorry about that miss. You look familiar that's why. Sorry again." aniya at kinuha na ng asawa nito ang pinamili nila.
"Sorry for that." hingi ng paumanhin ng lalaki.
"It's ok sir, thank you for shopping and have a nice day po." wika ko sa kanila habang nakangiti.
"Likewise, let's go hon."
"Because she looks familiar, that's why I'm asking."
"I know. Tinakot mo tuloy ang bata," rinig ko pa sa sinabi ng asawa ng ginang.
Ipinagbabawal ang pagbibigay ng mga information tungkol sa amin unless if necessary.
Baka mamaya niyan kilala nila ako tapos oh no wag naman sana Lord God, nanginginig ako habang sina scan ang items ng kasunod na customer. Hanggang natapos na lang ako ay hindi pa rin ako mapakali.
Hindi kaya? Pero… parang hindi naman sila masasamang tao. Tama ba ako? Though isa sa mga natutunan ko sa mundong ito na huwag kang maniniwala sa lahat ng bagay, tao man o hindi.
Maybe they are kind pero kapag nakatalikod mo ilang beses ka na palang sinaksak sa likuran.
Though the man in coat looks familiar, pero hindi ko lang alam kung saan banda ko siya nakita.
Kailangan mag double ingat ako baka mamaya may naghahanap na pala sa akin. Malapit lang ang Cebu at Negros pwede nila akong matunton pero parang impossible naman dahil ni minsan wala naman akong nakita o napanood na nasa news na ang mukha ko at pinaghahanap.
Matagal na taon na at walang naghahanap sa akin. Well, sino naman ang maghahanap sa isang katulad ko? Nagpalit agad ako ng cellphone number mga ilang araw na nakarating kami ng Cebu, kahit yung cellphone na bigay niya sa akin ay pinalitan ko, itinapon ko pati ang alaala naming dalawa.
Dahil sa kagagawan niya na hinayaan lang ako kay Eula baka may mahalagang buhay pang mawawala. Siguro ika baliw ko kapag nangyari ang kinatatakutan ko.
Mabuti na lang nailigtas ko ang sarili ko. Yun ang mahalaga, dahil isang pagpapanggap lang pala ang tungkol sa aming dalawa kaya tanggap ko na, na naging baliw ako sa kanya.
Hindi ko inaasahan na minahal ko na pala talaga siya ng sobra-sobra na hindi ko namamalayan na ako na pala ang walang natira.
Pero bumangon ako, lahat ginawa ko para sa mahal na naiwan sa akin. Doon ako lumalakas. Doon ako tumatatag. Doon ako kumakapit. Sa pamilya ko, ang mga naiwan sa akin.
"Hoy! Tulala ka dyan kumare. Gusto mo disco tayo mamaya?" alok ni Yana sa akin. Nasa locker kami ng mall, pauwi na ako ng bahay at dahil sa sinabi niya napaisip tuloy ako.
Pwede naman, hindi na ako teenager na hindi pa pwede sa mga ganyan. Matanda na ako at kailangan ko rin sigurong bigyan ang sarili ko na mag-enjoy kahit papano at ang pagpunta ng bar ang pumasok sa isip ko.
"Hmm, sige. Sino pa ang sasama sa atin kung pupunta tayo?" tanong ko sa kanya. Hindi naman pwede na kami na lang dalawa.
Nagbihis na ako ng puting t-shirt at high waist na maong. Ganoon din ang ginawa ni Yana.
"Sila ni Bethy, Clare at Dino ang gustong pumunta pero hindi ako sure kay Marie unless kung papayagan siyang boyfriend niya, ano game para naman masabihan ko sila na confirm ka? Total walang pasok bukas kasi holiday. Then grab the chance na para mag-enjoy tayo." Aniya. Napangiti na lamang ako dahil kita naman sa kanyang mga mata na excited ang babaeng ito.
"Okay sige, text mo na lang sa akin kung saan yan at saan tayo magkikita para sabay na tayong pumunta. Matutulog muna ako ng ilang oras para naman may energy mamaya."
"Ok sige. Thanks God sasama ka rin. Ang tagal Mica ha. Ilang beses mo na ba kaming tinanggihan tapos ngayon ka lang pala…nakapag desisyon, ay naku titirisin kita dyan eh," saad nito at ito naman ako panay ngisi dahil sa totoo naman ang sinasabi niya.
Sabi nga nila time is gold kaya hindi pwede na sasayangin ko lang sa walang kwentang bagay pero iba na ang usapan kapag minsan kailangan mo ring mag-enjoy sa buhay.
"Akala ko nga hihinto na kayo sa kakatanong sa akin tungkol sa bagay na yan. Akala ko nga na ako na lang kaya ang magyaya sa inyo kapag hindi niyo pa ako tinanong ulit." sabi ko.
"Bruha ka talaga. Ay basta game na yan mamaya. Sige Inday mauna na ako at see yeah later, okay? Magpapaganda pa muna ako."
"Okay!" sagot ko.
Umalis na siya at iniwan akong mag-isa dito. Ang babae talaga na yon hindi man lang ako hinintay. Excited lang ah.
Kinuha ko ang sling bag sa locker at umalis na roon. Itetext ko kaya si Tuko baka gustong sumama mamaya, ay hindi na pala sayang ang load, susunduin niya pala ako baka malamang nasa parking area na yon at hinihintay na lang ako. Saka ko na lang sasabihin sa kanya kapag nasa harap ko na.
Hindi nga ako nagkamali at nandoon na nga siya. "Ang tagal mo naman miss," si Tuko habang nakaupo ang kalahating pwet sa harap ng sasakyan habang pina ikot-ikot niya ang susi sa kanyang daliri.
"Bakit sinabi ko ba sa'yo na hintayin mo ako?" Balik tanong ko sa kanya.
Umikot siya para pagbuksan ako ng pintuan. Gentleman lang at akala mo naman boyfriend ko itong lalaki na'to kung maka ganyan sa akin o baka lahat ng mga babae na nakilala niya ay ganyan ang ginagawa niya dahil na rin sa trabaho na meron siya.
"Hindi naman. Sige na pasok na mahal na reyna at ako ay talo na sayo. Ikaw na ang panalo." sabi niya. Kanya-kanya kaming irap sa hangin bago ako pumasok. Maya-maya natatawa na lang kami sa pinaggagawa naming dalawa.
Pagpasok ko sa sasakyan at na siguro na naka seatbelt ako ay agad naman siyang umikot para pumunta kung saan ang manibela.
"Umalis ka ba kanina o natulog ka na naman ng ilang oras sa kotse na'to?"
"Umalis kaya ako, may pinuntahan lang ako diyan sa malapit dito at tinamad na rin kaya yeah natulog na rin ako dito habang hinihintay ka, lalo at may aircon," saad niya.
"Hindi ka ba hinahanap ng amo mo? Baka mamaya niyan hindi kana nagpaalam, ewan ko na lang sa'yo Tuko."
"Nagpaalam kaya ako at ang sabi niya na ako ng bahala sa kanyang sasakyan dahil marami pa raw sila sa loob at labas ng bansa. Kaya iyon, hindi ko na tinanggihan. Mahal ako 'non eh" pagmamayabang pa nito.
"Ewan ko sa'yo, sarap naman pala palagi ang buhay mo Tuko. Ikaw na ang pinagpala ng lahat ng kaswertehan. Congrats then at more budol pa. Anyway, pupunta ako mamaya ng club. Niyaya ulit ako ng mga kaibigan ko kaya pupunta ako na ako." Sabi ko sa kanya.
"Bakit ka sa akin nagpapaalam? Tatay mo ba ako? Mama? Boyfriend? Wait, Saan ba yan?" kita mo, dami pang tanong.
"Syempre baka lang gusto mong maging driver k–"
" Ayoko nga." binatokan ko." Aray! Kita mo, nanakit pa nga. Ikaw na nga itong may kailangan," sabi niya sabay himas sa kanyang batok. Mahina lang naman yon.
"Ang labo mo kasing kausap, kung ayaw mo eh di maglalakad na lang akong mag-isa. Ikaw din. Hahayaan mo na lang ba ang bestfriend mo na masaktan ang kanyang mga paa sa paglalakad?" panakot ko, tingnan natin kung matitiis mo ako. Ngumuso pa ako lalo.
"Maging driver, ikaw lang amo o pasahero ko na hindi nagbabayad. Baka nakakalimutan mo na wala ng libre sa panahon ngayon." pangaral niya. Inirapan ko siya.
"Basta pupunta ako mamaya, bahala ka dyan. May ipakilala pa naman sana ako sa'yo." pang-aasar ko.
"Talaga? Make sure lang na pasok yan sa panlasa ko Mica dahil kung hindi sa kangkungan talaga kita ideretso, wala akong pakialam kung hahanapin ka ng mga magulang mo. Sasabihin ko lang na nakipaglaro ka pa sa mga tilapia na naroon," matalim ko siyang tiningnan at nakangisi lang ang lalaking ito.
Hinampas ko ang braso niya. Ang hilig talaga nitong mang-asar at ito naman ako ang bilis mapikon.
Pagkarating namin sa bahay ay naabotan namin ang mga magulang ko na nasa labas ng tindahan. Nilapitan namin sila at nagmano.
"Hi mama, papa."
"Hello po mama at papa," nakangising bati ni Tuko sa mga magulang ko. Ganyan ang tawag niya sa mga magulang ko kaya sino ba naman ako para magtampo, kapatid na rin naman ang turing ko sa kanya.
"Salamat sa paghatid ng anak ko iho, mabuti at nandiyan ka para hindi kami mag-alala sa kanya." si mama.
"Mama, hindi na po ako bata," paalala ko sa kanya. Naiintindihan ko naman si mama kung bakit siya nagkaganyan, dahil sa nangyari sa akin dati kaya halos maya-maya tumatawag o di kaya nagtetext kung nasaan na ba ako at kung ok lang ba. Kaya kapag nagtext ako na sinundo na ako ni Tuko kaya doon palang sila nakahinga ng maluwag.
"Alam ko anak, pero bilang ina at ama mo hindi namin kaya na nakikita ka tulad ng nangyari dati." aniya. Nginitian ko sila habang nakikinig lang si papa. Alam kong may gusto rin siyang sabihin pero hinayaan na lang niya ang mama ko.
"Salamat po sa inyo. I love you. Anyway mama papa, nagkayayaan mamayang gabi ang mga ka trabaho ko na magka club kami mamaya. Pupunta po ako, nagtatampo na sila sa akin eh, ok lang po ba na iwan ko?" sabi ko na napatawa sa kanila.
"Sige walang problema, nandoon nga sa kabila eh kasama ni Kimmy. Basta mag-iingat ka. Ikaw iho kasama ka rin ba?" tanong ni mama kay Tuko.
"Ayoko sana mama pero kinukulit po ako ng anak niyo po, tapos akala mo naman na ililibre niya ako o magbabayad, gagawin ba naman akong driver papa!" sumbungero din itong lalaking ito. Kapal ng mukha. Inirapan ko siya at pumanhik na sa taas.
Narinig ko pa ang pagtawa nila. Nakakainis.
Magbibihis ako ng pambahay at kakain muna bago magpahinga, for sure hindi na uuwi si Tuko at maghintay na lang siya sa akin hanggang mamaya. Feel at home na siya dito eh. Kaya hinayaan ko na lang.
Kung gusto niyang matulog, pwede naman siya sa kabilang kwarto.
"Omg, Is that you Mica!" Tili ni Bethy ng makita kami. "Ganda mo pala lalo kapag nabihisan ah," dagdag papuri niya pa. Malaking points na yun sa akin kaya tinanggap ko ng buong puso.
"Parang ano ito, simple lang naman itong damit ko kaya kalma ka lang, ang gaganda niyo rin kaya sa mga suot niyo ngayon." sabi ko.
"Maganda tayong tatlo, that's my final say. Tara na, let's go at para makahanap na tayo ng sugar daddy." Ani ni Clare, kaya tuloy biglang napalingon si Dino sa kanya. On and off ang relasyon nila ewan ko na lang ngayon.
"'Wag na 'wag kang maghahanap ng sugar daddy sa loob Michaella Gomeza, malilintikan ako nina mama at papa." bulong ni Tuko sa akin habang hawak ako sa kaliwang braso para igiya sa loob ng Club. Akala siguro nito na mawawala ako.
Sa daming mumurahin na club dito pa talaga naisipan nitong mga rich kid ko na mga kaibigan.
"Bakit ka naman malalagot sa kanila?"
"Aba! Maang-maangan ka pa. Baka nakakalimutan mo na hindi lang ako ang driver mo, bodyguard din Mica. Kaya umayos ka," kinurot ko siya ng mahina sa kanyang tagiliran.
"Bakit sinabi ko ba na maghahanap ako? Kung nandiyan ka lang naman para mang boysit sa akin e di wag na lang."
" Aba wag na lang, so kung wala ako talagang gagawin mo?"
"Aba syempre, minsan lang ako maglandi aayaw pa ba ako," sabi ko para mapikon siya.
"Mica! Uuwi na lang tayo kung ganun. Let's go." Aba ang lalaki na ito hindi na mabiro.
"Umuwi kang mag-isa, sayang naman itong damit ko na hindi ko ma ibalandera ngayong gabi. Look oh bagay naman sa akin itong black drawstring front bodycon dress, di ba?" isa na lang Mica. Isang pang-aasar pa, bubuhatin ka talaga niyan papuntang exit. Umikot pa talaga ako para makita niya ang kabuohan ng damit ko kahit nakita na naman niya ito kanina.
Pero langya lang bigla na lang akong na out of balance dahil sa heels na gamit ko, mabuti na lang at naagapan agad ako ni Tuko at nahawakan ako sa braso. Ito kasing si Bethy ito ang gustong ipasuot sa akin at ako naman itong uto-uto at sinunod siya. Hirap pala maglakad ng nagkaganito.
"Isa!" nagbibilang pa nga.
Hinimas ko ang braso niya ng makabawi. "Ito naman, sige ka tatanda ka niyan agad-agad. Inaasar lang naman kita sineryoso mo naman." paglalambing ko. Yumakap ako sa kanyang braso para hindi na ako matutumba.
"Bakit ba kasi yan ang sinuot mo na damit. Tingnan mo tuloy pagtitinginan ka." nilibot ko ang tingin ko sa paligid.
"Napatingin lang sila, hayaan mo na, baka gusto ring magsuot ng ganitong damit. Pero hindi nila alam na sa UK ko lang ito binili. Alam mo ba kung ano yon? Sa ukay-ukay ko lang ito nabili sa halagang 150 Tuko at hindi nga ako nagsisi dahil nagagamit ko naman pala ito." Kindat ko sa kanya kaya napapailing na lang itong kasama ko.
"Dito na tayo umupo, sa hindi masyadong ma tao na area," ani ni Yana. Sumunod kami sa kanya at kakaupo pa lang namin na agad naman itong nag-order ng drinks at pulutan.
Dahil nga kumain na kami sa mga bahay namin bago umalis kaya maaga ang alak sa kanila. Natoto naman akong uminom nung twenty years old ako pero nasa bahay at konti lang.
"Cheers…!" Tili ni Clare. "Mamaya sasayaw tayo at walang killjoy killjoy dito ha. Magwawala tayo total walang tao at of course may driver tayo pag-uwi, right Dino?" ani niya. Lasing na na itong babae na ito, Ang bilis naman.
Hindi rin ako sanay na uminom ng maramihan, baka dalawang baso lang ang maubos ko at pakonti konti lang ang pag-inom para naman umabot pa hanggang mamaya.
Malakas ang tolerance ko sa alak baka mamaya nito magwawala na naman ako katulad dati. Nasobrahan naman kasi ako kaya ganun, nakakahiya tuloy kinabukasan habang kinikwento nila sa akin.
"May hot daddy akong napansin kanina sa VIP sa taas, mga apat siguro kaya baka lang beshy makabingwit tayo. Ihanda na natin ang sarili natin," bulong ni Beth sa amin.
Hinilig din ng mga lalaki ang mga ulo nila para marinig kung ano ang chinichismiss naming mga girls.
"Anong pinag-usapan niyo?" tanong ni Dino.
"Secret," hagikhik ni Yana.
Matalim ding nakatingin si Tuko sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "What?"
"Uuwi na lang tayo kung ano man yang binubulong niyo kanina. Parang iba ang mga plano niyo ha," aniya. "Make sure na wala kang iuuwi na lalaki Mica!" itong isa na ito napapraning habang ako chill lang dito.
"Ano kaba, behave lang ako no, kung may plano man sila. Sila lang yon, okay na ba daddy Tuko?" Ngisi ko sa kanya.
Dahil mag-aalas diyes na ng gabi ay parami ng parami na ang mga tao sa loob. Maingay na stereo at ingay ng mga tao na nag-uusap ang maririnig habang mag-inuman kagaya namin. May sumasayaw na rin sa dance floor.
"Let's go mga kumare. Sasayaw tayo ngayong gabi at dapat game pwera na lang ang mga driver natin." yaya ni Marie.
Pipigilan pa sana ako ni Tuko pero wala na siyang magawa na hinatak na ako nina Bethy at Clare. Nagpatianod na lang ako dahil nga sabi nila na bawal KJ at dapat mag-enjoy. Ngayong gabi lang ito, bukas ibang pagsubok na naman ang mangyari kaya ito ako sumasayaw ng mabagal at todo.
Una, hindi ko pa alam ang gagawin kaya tinuruan nila ako kung paano igalaw ang katawan. Natatawa man nung una pero binalewala ko na ang hiya ko at umindayog na rin sa tunog ng musika kasabay ng mga kaibigan ko.
"Igiling mo pa Mica." hiyawan ni Yana. May magtangka mang lumapit sa amin na boys ay agad naman pinapaalis nina Tuko at Dino kaya natatawa na lamang kami dahil imbis na mag-enjoy din sila sa club ay sila naman ang mga mata namin.
Dahil alam ko na ang gagawin at dahil yata epekto ito sa alak na nainom ko kaya iginiling ko rin ang katawan ko pababa at paakyat. Dinadama ang tunog na pinapatugtog ng DJ. "Yeah, wooh… the best ever. Giling pa more girls!" Natawa na lang kami sa sinabi ni Marie.
"Go Mica, go Mica giling-giling mo lang yan," hiyawan nila sa akin kaya nahiya tuloy ako dahil rinig ang pangalan ko sa kabilang lamesa o sa ibang tao. Ito talaga si Yana ang kulit din minsan.
Kumaway ako kina Tuko dahil nasa malapit lang kami na table namin kanina. Nakapamewang ito na habang napapailing na lang sa amin. Hindi ko alam kung ilang sermon ang matatanggap ko nito pagkatapos lalo at sinesenyas niya palagi na tumataas ang damit ko kaya nakikita ang hita ko.
Napapikit ako habang sumusunod parin ang katawan ko sa magandang musika. Ang sarap palang maranasan din ang buhay na ganito. Nakakawala rin pala talaga ng stress ang pagsasayaw. Kahit ngayon lang ay biglang gumaan ang katawan at kalooban ko.
Baka masanay ako ay babalikan ko ito parati pero hindi pwede. May mga obligasyon ako at dapat may schedule lang.
Dinilat ko ang mga mata ko at natuon ang titig ko sa second floor na tinatawag nila na para lamang sa mga VIP na mga tao.
Bigla yatang nanlamig ang mga batok ko at pinagpawisan ng makita kung sino ang isa sa nandoon. Nakatayo sa may haligi habang may hawak ng can ng beer habang nakatingin sa dagat ng mga tao sa baba.
When our eyes meet alam ko na nakita niya ako. Matalim itong nakatitig sa akin habang umiigting ang kanyang mga panga. Ibang-iba na siya na dati mahaba ang buhok ngayon ay maiksi na at nakasuot ito ng polo long sleeves at nakatupi lamang sa kanyang braso na talagang bagay bagay na bagay sa kanya.
"Ignacio?"