Chapter Fourteen
Talitha's Pov
Papunta kaming lima ngayon sa batis para manghuli ng isda at maligo na rin. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil baka nandoon at naka abang sa amin yung mga lobo kahapon.
"Huwag kang matakot kasama mo'ko" sabi nito na pinagsalikop ang mga daliri namin. Napangiting napatingin naman ako sa kanya.
"Sigurado ka na ako palang ang naging girlfriend mo?" Kung magbitaw kasi siya ng salita minsan ay parang ang dami na niyang nagoyong babae, isama mo pa ang parang pagiging fuckboy nito pagdating sa halikan. Namula na naman tuloy ako sa naiisip.
"Hmm.. ikaw palang" sagot nito at tumango. Buti nalang at hindi na ito nagtanong kung bakit.
Humigpit ang hawak ko sa kamay niya ng makitang malapit na kami doon sa masukal na daan. May kadiliman ang daan doon at maraming mga puno na pwedeng pagtaguan ng mga lobo.
Malikot ang mga mata kong palingon lingon dahil baka bigla nalang kaming atakihin. May mga pares ng mga mata akong napansin pero mga maliliit na hayop lang sila na agad kumaripas din ng takbo ng papalapit kami.
Nang malagpasan ang masukal na daan ay tumambad naman sa'kin ang mga nag gagandahang mga bulaklak, pumitas pa nga ako ng isang kulay na dilaw na bulaklak at inilagay sa aking tenga.
"Lalo kang gumanda" sabi ni Wolf habang nakatingin ito sa akin at naglalakad kami
"Pero mas mukhang bagay sa'yo" sabi ko naman na tinanggal sa tenga ko ang bulaklak at inilipat sa tenga niya "sabi ko na barbie" sabi ko pa at tumawa. Parang hindi naman niya gets sinabi ko at nginitian pa ako
Pagdating namin sa batis ay agad lumusong si Wolf sa tubig, sumunod naman sa kanya si King habang parang takot naman si Yu na bumaba sa tubig. Si Empress naman ay nagpunta sa mababaw na parte ng batis at nakayukong nag aantay ng mabibiktima niyang isda.
Umupo muna ako sa may tipak na bato at nag text kay Talia, mabuti nalang may signal dito kung hindi siguradong irereport na akong nawawala nila Mama. Nagpalitan kami ng ilang text ni Talia bago ko muling ibaba ang phone ko at patayin. May extrang power bank naman akong dala pero iba parin ang nakakasigurado dahil ilang araw pa akong mananatili dito.
Habang pinapanood ko sina King at Wolf na tila naglalaro sa tubig ay lumusong narin ako. Madulas ang mga bato kaya dahan dahan lang akong naglakad hanggang makarating dun sa may bukal na medyo mainit ang inilalabas na tubig. Palalim na ng palalim ang nilalakaran ko kaya naman minabuti ko ng lumangoy.
"Oh! Bakit ka pumunta dito?" Tanong ko kay Wolf
"Bawal ba ako dito?" Tanong naman niya sa akin na mas lalong lumapit pa.
"Hindi naman kaso nakita ko kasi kayo ni King kanina na parang naglalaro" sagot ko at tinanaw si King na kasama sina Empress at Yu na nanghuhuli ng isda.
"Nag alala lang ako sa'yo kasi malalim ang tubig dito"
"Marunong naman akong lumangoy oh!" Sabi ko sa kanya at hindi napigilang tumawa kung meron man akong sports na gusto iyon ay ang pag langoy.
Lumangoy ako palayo kay Wolf at sumisid, pag ahon ko naman sa ulo ko ay hindi ko na siya makita. Nilibot ko ang paningin ko pero wala talaga siya, sinimulan akong kabahan at isisigaw na sana ang pangalan niya ng biglang lumitaw ito sa harapan ko na nakangiti pa. Nawala naman ang kaba ko ng makita ito.
Hinawakan nito ang baywang ko at kumapit naman ako sa leeg niya. Hinawi ko pa ang basang buhok niya na dumikit sa mukha niya. Inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko kaya naman pumikit ako at hinintay lumapat ang labi niya sa labi ko.
Masuyo niya akong hinalikan sa labi at parang tinatakam sa bawat pag galaw nito. Hinigpitan ko naman ang pagkakapit sa kanya at sinabayan ang uri ng paghalik nito. Hinapit naman niya ako lalo sa katawan niya at naging mapaghanap ang mga halik niya. Napaungol ako ng ipasok nito ang ang dila niya sa bibig ko.
Hindi ito ang unang pagkakataon na mahalikan ako, pero ang klase ng paghalik ni Wolf ay ngayon ko lang naranasan. Habol ang hininga ng maghiwalay ang labi naming dalawa, hinaplos pa nito ang labi ko at muling dinampihan ng halik. Isang matamis na ngiti naman ang pinaskil ko sa labi ko.
"Kanina ko pa napapansin halik ka ng halik" sabi ko
"Pwede naman kasi boyfriend mo'ko" nakangiting sagot nito na ikinatawa ko
"Kahit na boyfriend kita hindi pwedeng laging nanghahalik ka"
"Pero gusto kong hinahalikan ka' malungkot na sabi nito
"Okay lang naman halikan mo'ko pero dapat nagpapaalam ka muna"
"Pwede ba kitang halikan?" Tanong nito na ikinatawa ko
"Opo, pero ako ang hahalik sayo" sagot ko at mabilis na dinampihan siya ng halik sa labi. Hinawakan naman nito ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ulit ako. Hihiwalay na sana ako kaso ay bigla itong sumisid kasama ako. Patuloy parin ito sa paghalik sa akin kahit nasa ilalim na kami ng tubig.
Habol hininga naman kaming dalawa ng iahon ang mga ulo namin. Itinulak ko ang noo nito ng muling ilapit nito ang mukha niya.
"Tama na okay? Malalagutan ako ng hininga sa'yo" seryosong sabi ko tsaka lumangoy papunta sa mababaw na tubig.
Nang makarating na sa mababaw na tubig ay naglakad ako hanggang sa may bato kung saan ko inilagay yung mga gamit kong panligo. Sumunod naman sa akin si Wolf at binuhat pa ako at ibinaba paupo sa may bato. Umupo rin ito sa tabi ko.
Kinuha ko yung shampoo at nilagyan ng kaunti ang palad ko, nakangiti naman si Wolf ng shampooin ko siya. Nilaro laro ko pa mga bula at inistyle ko pa pataas ang buhok niya katulad nung kay Son Goku. Gumanti naman ito sa akin at shinampoohan din ako.
*******
Anim na malalaking isda ang nahuli ng tatlong lobo na ngayon ay naka ihaw at binabantayan namin.
"Pwede naba to?" Tanong ni Wolf habang dala yung isang mangkok. Inutusan ko kasi siyang gumawa ng sawsawan namin. Tinikman ko yung toyo na may sibuyas, kalamansi at sili na gawa niya at napangiti.
"Ang galing mo na magtimpla ngayon ah!" Puri ko sa kanya na ikinangiti niya "sa susunod tuturuan naman kita kung paano magluto ng ulam" sabi ko pa
"Marunong na ako diba?" Nakatagilid pa ang ulo nito na sabi niya
"Marunong kana pero konti palang alam mo kaya sa susunod mga ginigisa ang ituturo ko, para kahit pag wala ako at may gusto kang kainin mailuluto mo" sagot ko sa kanya. Marunong na kasi siyang mag pirito ng itlog at mga luncheon meet, nakakapag saing narin siya at nakakapagluto ng noodles niya.
"Hindi ka naman mawawala diba?" May lungkot sa boses na sabi nito
"Hindi ako mawawala" nakangiting sagot ko. Mula sa likod ay niyakap niya ako, kiniskis pa nito ang mukha niya sa mukha ko.
"Ihahatid kita kapag bababa kana ulit at maghihintay ako kasi alam kong babalik ka" napahawak naman ako sa mga kamay niyang nakayakap sa'kin at tipid na ngumiti. Mabuti nalang at naiintindihan na niya.
"Alam mo naman yung oras kapag bumabalik ako diba? Habang nasa baba ako dito ka lang, dito lang kayo nina King at huwag makikipag away para hindi kayo masaktan"
"Opo" malambing na sagot niya "I love you" sabi pa nito na ikinangiti ko
"I love you too" sagot ko tsaka mas idinikit ang mukha niya na nakadikit na sa mukha ko
"Pwede ba kitang halikan?" Natawa naman ako sa itinanong niya
"Hindi pwede nakakarami kana" pigil sa pagtawang sabi ko
"Ilan ba ang pwede?" Inosenteng tanong naman niya na lumipat pa sa harapan ko
"H-hindi ko alam" nautal na sagot ko "hindi naman kasi binibilang ang paghalik pero minsan kahit gusto mong halikan yung girlfriend mo kailangan mong pigilan" sabi ko pa, pati ako nalito sa sinabi ko
"Bakit ko pipigilan?" Kulit parin nito
"Kasi baka ayaw ng girlfriend mo na halikan mo siya"
"Ayaw mo bang hinahalikan kita?"
"Hindi sa ayaw ko" napahinto ako sa idaragdag ko pa sanang sabihin at tinitigan muna siya. Ano kayang pwede kong sabihin sa kanya para maintindihan niya.
"Gusto kong hinahalikan kita" gusto ko din naman ang mga halik niya
Nginitian ko siya.
"Oo na sige na hindi na kita pagbabawalan" pagsuko ko sa kanya
Malapad naman itong ngumiti at sinimulan ulit ang paghalik sa akin.