Chapter Thirteen

Talitha's Pov

Dahil bati na kami ni Wolf magkasama na kaming nanonood ngayon sa tablet niya ng pelikula. Actually napanood ko na ang pelikulang pinapanood namin pero sinamahan ko parin siyang manood dahil ayaw niya akong paalisin sa tabi niya.

Naka upo ito sa likod ko habang nakayakap ang mga paa niya sa akin. Nakapaikot rin ang mgq kamay niyang hawak ang tablet.

"Ang gwapo talaga ni Miggy no?" Nakangiting sabi ko habang nakatingin kay John Llyod Cruz

"Sabi mo gwapo ako" sabi naman niya na hininto pa ang pag play sa movie tsaka tumingin sa akin

"Oo sinabi ko nga kasi gwapo ka talaga" sagot ko

"Bakit ang sabi mo ang gwapo ni Miggy" kunot noong tanong nito

"Pangit ba si Miggy? Hindi pangit ang bebeko ang gwapo kaya niya" sabi ko

"Paano naman ako? Hindi mo siya bebeko si Laida yung bebeko niya" sagot nito na ikinatawa ko

"Anong paano ka? Edi gwapo ka parin, pero gwapo din si Miggy tsaka love ko siya kaya bebe ko rin siya" nakangiting sabi ko

"Bakit love mo siya? Love na siya ni Laida tapos ako hindi mo naman bebeko" parang nagtatampo pang sabi niya na lumayo pa sa akin.

"Hahaha! Para kang timang! Hahaha!" Tawa ko parin pero mukhang seryoso talaga siya

"Si Miggy kasi artista siya, marami ang may love sa kanya hindi lang si Laida Magtalas. Bebeko ko siya kasi kinikilig ako sa kanya" paliwanag ko pero ewan ko kung maiintindihan niya

"Kapag ba naging artista ako magiging love mo rin ako katulad ni Laida kay Miggy? Magiging bebeko mo rin ako?" Tanong nito na inilapit pa ang mukha sa akin

"Kapag naging artista ka maraming magkakagusto sayo, maraming tatawag sayo ng bebeko at kapag nangyari iyon malulungkot ako" sinserong sabi ko. Kung mukha at katawan lang naman kasi ang pagbabasehan siguradong pasok agad siya. What if may maka discover nga sa kanya nuh?.

"Ayokong mag artista kung malulungkot ka" sabi nito na ikinangiti ko

"Kahit hindi ka mag artista marami parin magkakagusto sa'yo sa baba ng bundok"

"Bakit?" kunot noong tanong niya

"Kaasi gwapo ka at mabait pa"

"Maganda ka at mabait din, marami rin nagkakagusto sayo sa baba?"

"Oo naman!" Tumawa ako "ang dami kayang lalaki nagkakagusto sa akin" pagyayabang ko

"Ayoko!" May kalakasang sabi nito sabay lapit at yakap sa akin

"Hindi natin mapipigilan ang mga tao na magka gusto sa atin" paliwanag ko sa kanya

"Bawal ka ng bumaba dito ka nalang" sabi pa nito na ikinatawa ko

"Hindi pwedeng dito lang ako, paano tayo kakain kung hindi ako bababa? Tsaka may trabaho ako kaya kailangan kong bumaba" paliwanag ko

"Kukuha ako ng naraming pagkain maraming isda at bibe" sagot nito

Ngumiti ako sa kanya.

"Kahit kumuha ka ng marami kailangan ko parin buma-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan.

"Ayokong may ibang humahalik sayo" sabi nito ng maghiwalay ang mga labi namin

"Hindi naman ako nagpapahalik sa iba" pigil ang pagtawang sabi ko

"Ang sabi mo maraming may gusto sayo? Ibig sabihin marami ang humahalik sa'yo!" Lumayo siya ulit at iniwas ang tingin sa akin

"Ano bang sabi ko sa'yo? Diba sabi ko ang naghahalikan lang ay yung mag boyfriend girlfriend at mag asawa lang. Hindi ko naman sila boyfriend kaya hindi nila ako pwedeng halikan"

"Bakit ako?" Tumingin siya sa akin

"Anong bakit ikaw?" Natatawang sabi ko

"Hindi mo naman ako boyfriend pero nahahalikan kita" sabi nito na ikinatameme ko, oo nga no?.

"Kasi..." ano bang sasabihin ko?

"Kasi?" Hindi makapag hintay na tanong niya

"Kasi po sinabi ko na sayo na hindi tayo pwedeng maghalikan pero hinahalikan mo parin ako" mabilis na sagot ko

"Pero ikaw yung unang humalik sa akin" ehhh? Ako ba? Hehehe parang ako nga

"Hindi ko lang sinasadya yon kaya simula ngayon hindi mo na ako hahalikan" sabi ko

"Ayoko" umiiling na sabi niya

"Hindi na nga pwede" sabi ko pa

"Hahalikan kita!" Parang batang malapit ng umiyak na sabi niya

"Huwag makulit bawal na" nangilid naman ang mga luha niya at walang sabi sabing hinalikan niya ulit ako. Napahiga pa nga ako buti nalang kontrolado nito ang pagbagsak ko.

Masuyo nitong hinalikan ang labi ko, gumalaw ang mga labi niya at tinukso tukso ang mga labi kong tila uhaw sa mga halik niya. Pinalupot ko ang mga kamay ko sa likod niya at hinayaan siyang lapastangin ang mga labi ko habang sinasabayan ang bawat galaw nito.

Panandaliang naghiwalay ang mga labi namin para makakuha ng hangin. Sa muling paglapat ng mga ito sa isa't isa ay mas malawak na karanasan pa ang aming natuklasan. Ipinasok ni Wolf ang dila niya sa bibig ko at naglaro doon. Mumunting ungol naman ang lumabas sa bibig ko habang patuloy lang ito sa paghalik sa akin.

Naging malikot at mapaghanap na rin ang mga kamay ni Wolf na humahaplos na sa braso ko hanggang mapunta sa isang bundok ko. Inalis nito ang labi niya sa labi ko at napunta iyon sa likod ng tenga ko na nagpataas sa lahat ng balahibo ko. Bumaba pa ang mga labi niya sa leeg ko pataas ulit sa baba hanggang makabalik sa labi ko.

Nag init ang dalawang pisngi ko ng buhatin niya ako at inilapag sa higaan. Naghubad ito ng suot na pang itaas na damit at muli akong hinalikan sa labi na gumapang pababa sa leeg ko habang sakmal nito ang bundok ko. Gumapang pa paibaba ang halik niya na nagpakawala ng ungol sa akin. Tinuloy lang nito ang ginagawa niya habang sakmal nito ang isang dibdib ko.

Nang maramdaman ko ang mainit na palad niyang nasa loob na ng damit ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Malakas na tinulak ko si Wolf na ikinagulat niya. Ibinaba ko ang damit ko at umupo at tinignan siya.

"Saan mo natutunan yon?" Tanong ko sa kanya

"Ang alin?" Tanong din niya sa akin

"Yung paghalik mo at yung kamay mo na kung saan saan napupunta!"

"Nakita ko doon sa pinanood ko" imosenteng sabi nito. Mariin naman akong napapikit.

"Hindi mo pwedeng gawin iyon kasi h-"

"Kasi hindi tayo mag boyfriend. Ano bang dapat kong gawin para maging mag boyfriend tayo? Gusto kita, gusto ko yung hinahawakan ka, gusto ko yung nayayakap ka, gusto ko yung nahahalikan kita tsaka gusto ko yung kanina" tumingin naman ako sa katawan niya pero mabilis din iniwas ang tingin

"Kahit gusto mo hindi parin pwede" sabi ko

"Kasi hindi tayo mag boyfriend" tuloy nito sa sasabihin ko pa sana "hindi mo'ko boyfriend kasi hindi mo'ko gusto. Ayaw mo sa akin kaya aalis ka na naman iiwan mo ulit ako" napatingin ako sa kanya ng bahagyang gumaralgal ang boses nito. May mga butil ng luha ang tumulo mula sa mga mata nito. "Marami may gusto sa'yo sa baba kaya wala kang pakialam sa akin" tuloy pa nito na ikinailing ko

"Mali ka. Kung wala akong pakialam sayo wala sana ako dito" mariing sabi ko

"Nandito ka nga kasama ako pero gusto mo paring iwan ako"

"Hindi pwedeng habangbuhay nandito ako"

"Edi aalis ka nga! Iiwan mo parin ako kasi hindi mo'ko gusto! Kasi hindi ako marunong magsulat! Kasi hindi ako marunong magbasa! Kasi bobo ako! Kasi.. kasi.." sigaw nito habang patuloy ang pag agos ng luha sa pisngi niya. Pinunasan ko naman ang mga luha kong dumadaloy din sa pisngi ko.

Lumapit ako kay Wolf at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya gamit ang mga hinlalaking daliri ko.

"Nandito ako kasi gusto kita, gusto kitang nakikita at gusto kong kasama ka. Nandito ako kasi mahal kita, kasi masaya ako kapag kasama ka, at panatag ang loob ko kapag nasa tabi kita. Kahit kailan hindi ko naisip na bobo ka dahil hindi ka makapag sulat at makapag basa. Saan mo napulot ang mga salitang iyon? Alam mo ba gaano kasakit mga sinasabi mo?" Sabi ko na patuloy parin sa pag iyak

"Iiwan mo parin ako" patuloy na sabi nito

"Bumabalik naman ako diba? Pinipilit ko naman puntahan ka dito araw araw kahit mahirap iyon para sa'kin. Alam mo bang kahit pagod na ako sa trabaho nilalakad ko parin ang 5 kilometrong pagitan natin para lang makapunta sa'yo? Hindi biro sa katulad ko ang umakyat baba ng bundok araw araw pero kinakaya ko kasi alam ko naghihintay ka. Pero kung ganito din lang siguro mabuti pa nga na umalis nalang ako at hindi na bumalik pa" marahas na pinunasan ko ang mga luha ko

Niyakap naman ako ni Wolf at umiling iling.

"Sorry na dito ka lang huwag kang aalis" humihikbi pang sabi nito

"Inaaway mo'ko eh" sabi ko at niyakap din siya pabalik

"Hindi kita inaaway sinasabi ko lang kasi ang sakit na dito" sabi nito na humiwalay ng yakap sa akin at kinabog ang dibdib niya

Lumuluhang ngumiti naman ako sa kanya.

"Tahan na" punas ko ulit sa mga luha niya habang hawak ang dalawang pisngi niya

"Huwag ka ng umiyak sorry na ako" sabi naman nito na pinunasan rin ang pisngi ko

"Hindi ako mangangako na hindi aalis pero ipinapangako ko na babalik ako. Kung gusto mo sumama ka sa akin sa baba at doon ka nalang din tumira"

"Gusto ko dito kasama ka"

Tumango ako bilang pag sang ayon.

"Gusto ko din naman dito kasi nandito ka" nginitian ko siya at mabilis na dinampihan ng halik sa labi

"Hinalikan mo'ko, payag ka ng maging boyfriend ako?" Tanong nito na ikinangiti ko

"Love mo ba ako?" Tanong ko sa kanya

"Anong love?" Kunot noong tanong niya

"Huwag mo ng isipin basta ako love kita" sabi ko at muling hinalikan ang labi niya, hinapit naman niya ako palapit sa katawan niya.

"I love you" sabi nito na ikinagulat ko

"Saan mo narinig yan?" Takang tanong ko

"Narinig ko lang sa pinapanood ko na laging sinasabi ng lalaki doon sa girlfriend niya tapos nag ki kiss na sila" natawa naman ako at pinisil ang mga pisngi niya

"Ang cute mo" sabi ko at muling hinalikan siya "I love you too" sabi ko pa

"Ibig sabihin boyfriend mo na ako?" Nakangiting tanong nito na ikinatango ko

"Ayaw mo?" Tanong ko sa kanya

"Syempre gusto! Gustong gusto!" Masayang sabi nito

"Simula sa araw na'to mag boyfriend girlfriend na tayo" nakangiting sabi ko

Humiwalay naman siya sa pagyakap sa akin na tila hindi makapaniwala. Napahawak pa ito sa buhok niya at bahagyang sinabunutan. Malapad ang mga ngiti niya at patakbong lumabas ng kweba at umalulong ng umalulong. Niyakap pa niya si Empress at sinayaw sayaw bago tumakbo pabalik sa akin at ginawaran ako ng matamis na halik sa labi.

*******