Chapter 9: Gatorade
"Congrats talaga girl! Model kana ngayon ng malaking agency. And sa susunod road to Paris kana!"
"Wag mo kaming kakalimutan Z ha. Lalo na kapag naging pasahero kita sa airlines"
"I prayed na sana makamit mo yung passion mo Z."
We all looked speechless nang matapos magsalita si Hannah. Oh my! Medyo nasunog sila sa part na yon.
"Alam mo. Magkakatotoo yan, pinalangin kana ni Hannah babes ehh"
Bea said and natawa na lang ako sa kalukahan niya. Really? Love na love talaga nilang tudyuin si Hannah babes.
"Tsk. Mag-order na kayo. Kanina pang naghihintay ang waiter."
Shit! We forgot kuya waiter. Buti na lang, we're with Mori. You know, yan lang naman ang palaging hindi nakikinig sa usapan namin.
"Steak and eggs yung sakin and then add mixed berries for smoothie"
"Okay po ma'am. May additional pa po ba?"
"Ahh yah me, isa nga pong smoked chorizo omelette, classic bacon and eggs. Tapos Americano, flat white and macchiato sa beverages. And then bulleit bourbon to spice it up, 4 shots na lang po kuya. Thank you"
Really? May balak bang mag-inom itong si Bea. We're here kaya for breakfast.
"Thank you po mga ma'am it will serve in a minute"
Actually, dumaan lang talaga kami sa bgc to have breakfast. And also para chumika na din. They're always busy kasi sa study. Lalo na si Sy, Hannah and Mori, except kay Bea na palaging cutting ang alam.
"Hannah, nakita ko si cliff sa school yesterday. Varsity player siya right. Katulad ni love. Kamusta na ba kayo?"
Sy said and speaking of that dick, he's lucky dahil hindi pa kami nagkikita sa school. But I promised na isang sapak lang happy na ako.
"He's okay naman sy. Gaya pa din ng dati"
I could feel na tine-take advantage lang ni cliff ang kabaitan ni Hannah babes. Shit! Gago talaga yon!
"So, hinahabol mo pa rin?. God Hannah. Hindi mo siya deserve!"
No one deserves for her love. I mean, she's too good to be true. Bulag na lalaki lang ang hindi makakakita ng malagintong puso ni Hannah babes.
"Excuse me. Tumatawag lang si dad"
Mori said and agad kaming natahimik. Shit! Just by saying the word 'dad', I felt cold.
We know naman her dad's attitude. Sobrang business oriented lang nito. And katulad ni Mori ay sobrang mysterious at talagang kahit demon ay matatakot sa kanila.
I can't imagine how Mori handle it, but of course may kanya kanya tayong challenges sa buhay. And andito lang kami to support her.
"Here's your food ma'am. Enjoy"
After maiserved ng waiter ang food ay siya rin namang pag-upo ni Mori sa upuan nito. She looks unbothered, or wala lang talaga siyang emosyon.
"I'm getting married, tommorow"
"WHAT?!"
We screamed, and mukhang okay lang sa kanya. What the hell! We're still young pa kaya. And madami pa siyang makikilalang boys. Wait. Don't tell me, he doesn't know who the guy is?!
"Mori, who's the guy ba? Is he kind? Gentleman, gwapo? Did you chose him? Or ang dad mo na naman to?"
Hayy. Kung mahigpit at kontrolado na ako ni dad. Ibang usapan na kapag ang dad ni Mori. It's scary. Gosh!
"Yes. Kumain muna tayo. I'm starving"
Huh? Anong yes? Don sa, siya yung pumili or don sa ang dad niya? God! She's like Jose. Ang labo niyang kausap!
We just finished our food and nagpahatid na ulit kami sa school. All our prof's were busy today so madami kaming vacant ngayon. But of course nilalaan naman namin ito sa pagpapractice ng cheerdance.
"Okay from the top. May nahuhuli sa likod. Listen to the beat guys. Kailangan na nating matapos toh"
Oh my! Hassle. Yung lahat ng food na kinain ko kanina ay natunaw na ngayon. Practice after practice and kapag may nahuli or nagkamali, ulit na ulit sa umpisa. God! I'm tired!
"Sungit, tubig?"
"Yah please. Need ko yan"
Grabe. I didn't expect na ganito kahirap magpractice. I mean ever since kasi ay sumasali ako sa pageant para hindi na ako sumayaw.
And may nagagain din akong extra curricular para sa acads. So it was hitting two birds in one stone.
"Wait lang guys meron lang kaming naisip ni class president. Why don't we use Kelzy as our muse? Yung tipong may pasabog tayo sa dulo, tutal alam naman ng buong university na model siya. Also for Kelzy din, madaming mas makakakilala at hahanga sa kanya. What do you think?"
Oh my! Really?
"Ano bang gagawin ni sungit? Ihahagis sa taas?"
"What? Muse nga diba Javier! Bakit ihahagis sa taas. Gago kaba?"
Saan ba siya nakakita ng muse na inaalipusta? Syempre magbubuhay reyna dapat ako. Duh!
"Ang gagawin mo lang, iwawagay-way mo yung logo ng University. Tapos pwede ka ng hindi sumali sa last steps tutal yun naman yung magiging part mo"
WAHH! I knew it! Ang magagandang katulad ko talaga ang bagay don!
"Wait! Hindi naman siguro tama yon. Lahat naman tayo ay nagpapakahirap. Dapat ganun din si sungit. Pantay pantay dapat"
Javier smirked at me and hindi ko alam kung concerned lang ba talaga siya sa classmates namin o inaasar na naman niya ko!
"Tama tama"
"Lahat dapat mapapagod diba?"
"Oo nga!"
I glared at Jose, so wala na akong choice ngayon kung hindi ang magpractice. Gosh! Joan was right naman ahh. And this is for my career na din!
"Okay, back to practice. Sorry Z hindi sila pumayag ehh"
"No. It's okay. I understand naman"
Isang tipid na ngiti lang ang sinukli ko kay Joan and nagformation na ulit kami. Fuck! Ano bang problem ngayon ni Jose?!
"Hi Kelzy. Alam mo kung ako lang ang tatanungin. Pwede kang maging muse ng grupo. By the way, I'm Tim, varsity player. I bet pagod kana? Gatorade gusto mo?"
WAHH! He's the hunk and hot varsity player na palaging pinag-uusapan sa gym. Hindi ko napansin na classmate kami. I mean, naging busy kasi ako lately. So hindi ko talaga napagtutuunan ng pansin ang mga kaklase ko.
"Bago yan. May extra kasi ako lagi sa bag. Just in case na mauhaw ako sa laro. Icheck mo, may sealed pa yan"
He looks like mabait naman. And in fairness ha, sobrang gaan niya kausap.
"Thank yo--"
"Teka. Hindi masarap ang Gatorade kapag hindi malamig. Eto ohh, palamig, kunin mo na sungit. For experience"
My hand was now holding the Gatorade and sobrang awkward naman kung ibabalik ko pa to kay Tim right?
"Ahm. Yah. Kaya ko namang inumin pareho. Thank you Tim and Jose sa palamig. Let's go back na sa practice."
Jose was staring intently at Tim, at kung hindi ko pa ito hinala palayo ay malamang baka nagka-developan na silang dalawa.
"Bakit kausap mo yon? Pinopormahan ka?"
"No Javier. Binigay niya lang tong gatorade sakin. And he looks okay naman."
I was just looking at Jose's reaction, and tumango lang ito sa akin. It is not big deal naman ehh. And I know him, hindi siya yung tipo na malisyoso.
After matapos ng practice ay inayos ko lang yung mga gamit ko and hinila ko na ulit si Javier.
I'm hungry na. Gosh!
"Sungit. Anong gusto mo? Libre ko"
"Beef pizza. Thank you"
I wonder, kamusta na kaya ang cheerdance ng mga babaita. Hayy. Hindi ko maimagine si Mori, nakikita ko pa lang yung poker face niyang mukha ay natatawa na ako.
"Pizza lang sungit? Drinks?"
"Ahm. Yung gatorade na lang. Sayang kasi ehh hindi ko pa naiinom"
Should I invite them? Sana hindi sila busy!
MissKelzy: girl, cafe, free ka?
Damn. Bakit ba wala kaming gc? I-forward ko na nga lang.
I'm going to ask them kasi, about their dance. And gusto ko ding marinig yung mga rants nila.
"Iinumin mo talaga yan?"
What? And bakit andidito pa siya? He's been standing for a minute now. And yung food. God! Kumukulo na yung mga alaga ko sa tyan!
"Javier, buy kana ng food please. Nagugutom na ko"
"Psh. Oo na. Tsaka ibibili kita ng drinks. Hindi katama yan sa pizza. Sasakit pa ang tyan mo"
Huh? Ganon ba yon? Malabo na naman siyang kausap! Kanina pa siya sa practice, ni hindi nga niya ako kinakausap ehh. What's wrong with him?!
A beep sound from my phone caught my attention and nagchat na pala ang mga babaita.
ItsSyrillDeGuzman: sent a photo.
Currently practicing our steps.💃
HannahLissa: sorry Z. Nagawa kami ng costumes ehh hehe.
Beafe: I'm busy Z. Running day namin ngayon. So hindi ako makakakain. See you, by the way tumatakbo na kami ngayon habang nagchachat sayo. 😅🏃♀️
What? Hindi ba siya pagagalitan ng prof--.. Okay. Brother nga pala niya yung prof niya shit!
MorissetteLee: I'm free. But you're with Jose. Ayokong makaistorbo sa inyo.
Really? Makaistorbo? Ni hindi nga siya nagsasalita ehh.
Replied to MorissetteLee
MissKelzy: where are you ba? Come here.
MorissetteLee: sorry Z. Nagtext si dad pinapauwi niya ko sa bahay. Maybe next time.
How sad naman. So kami lang talaga ni Jose.
"Ohh sungit! Pizza, tapos milktea! Ibigay mo na lang sakin yang gatorade, ipapasalubong ko kay otep"
No! Minsan na nga lang ako makahawak ng drinks ng varsity player ehh. I should keep it, besides sobrang cute and humble ni Tim! Magkakasundo kami.
"Ibili na lang natin si otep ng food sa labas. First time kong makakainom nito ehh. Ever since naman I'm not good at sports so hindi talaga ako nagpupurchased nito. But for now, try ko muna"
Tsaka inaano ba siya ng drinks na to? Hindi naman siguro ako lalasunin ni Tim noh! He's kind kaya.
I stared at Jose's face and chinecheck ko lang kung anong meron sa kanya ngayon. He's weird. Duh! Kanina ko pa nafefeel.
"What is it Javier? May galit kaba sa gatorade?"
Yah. I feel it. Something is bothering him.
"Don't tell me may bad experienced kana sa gatorade?"
Yun lang talaga yung nakikita kong dahilan. Or else kay Tim? But why naman. They hugged each other pa nga kanina.
"Oo alam mo ba. Gamot namin yan ni Stef sa pagtatae"
What?
Oh my god. I'm out of here. Sobrang dami ng nakatingin sa table namin. The hell with him, bakit niya ba kasi sinigaw! Nasa cafeteria kaya kami! Hello.
I don't know what to do now! Nakatingin na samin yung mga professor, yung seniors namin from the higher grade. Shit! I'll go na, with my foods of course.
"Sungit! Saan ka pupunta?"
Z! You don't know him! Pretend you don't know him. God!
"Hoy! Teka. Hindi pa tayo tapos kumain!"
Javier you're so naive! I wanted to scream. And slapped him dahil hindi pala niya nagets yung sinabi niya!
Nang makalabas ako sa cafeteria ay nakahinga agad akong ng maluwag. Gosh! I feel hot. So I immediately walked as fast as I can sa locker room para kumuha ng damit.
I didn't expect na maeengaged ako sa ganong scenario! Sobrang nakakahiya!
After kong makuha yung mga damit ko ay nagtungo naman ako sa bathroom para magpalit. And hindi ko na nilock yung cubicle dahil busy naman yung mga students sa pagpapractice, so wala naman sigurong papasok sa cubicle ko.
I was now removing my pants nang makarinig ako ng kaluskos sa labas. Oh shit! Totoo kaya yung story dito? Na may students na nagpakamatay.
"May tao ba dyan sa labas?"
I asked and sinarado ko na din yung cubicle ko, dahil baka bad student yon na nag-aadik or yung ghost?
May naririnig akong yabag! Damn. Hindi ko na naayos yung top ko!
"Can you tell me if bad person ka? Or you're a ghost? Please spare me. I'm a good person. Wag ka namang manakot oh--- WAAHHHH! GHOST!"
I screamed and run nang may biglang lumabas na white tela sa gilid ko. Shit! Shit! Shit!
Lalabas na sana ako ng cr nang marinig kong may tumatawa sa likod ko. And I was right, nang makita ko si Javier na hawak hawak ang isang kahoy na may white tela sa dulo. Oh my! Siya yon! Fuck him!
"YOU JERK! PAPATAYIN MO BA KO!"
And because I'm the bad bitch in town wala akong pinapalampas kahit si Jose pa yan. So I kicked his balls. Yes. His damn balls.
"Aray! Sungit! Babaugin mo ba ko. Shit!"
"Serves you!"
Ayoko sa lahat yung tinatakot at ginugulat ako. As in kung ayaw mong makaharap si satanas, wag ako!
Hayy. Naiwan ko tuloy yung shirt ko sa cubicle. And nakita niya pa yung pamatay kong katawan. Duh! I'm just wearing my bra, with pants of course. And kung nakita niya pa pati panty ko, I swear hindi lang yan ang aabutin niya sakin.
"Sungit! Nag martial arts ka ba?"
Tsk. Mamilipit ka dyan sa sakit!
"Ano bang ginagawa mo dito Javier?! You see? Pano kung may ginagawa pala ako dito, na hindi mo dapat makita tap--"
"Bakit? May iba ka pa bang gagawin?"
What? His eyebrows moves up and down, and hindi ko na naman alam kung ano ang iniisip ng damuhong to.
Don't tell. It was a green talked na naman?!
"Javier! Yung utak mo sobrang argh! Really, do you think, I'm that kind of person?"
"Easy. Easy. Baka sipain mo na naman ako. Napakadefensive mo naman. Siguro...."
"What? Anong siguro javier?!"
He looked at me teasingly and kapag talaga may sinabi pa siyang hindi maganda. I swear, hindi na siya magkakaanak in the future.
"Siguro, siguro gutom lang yan. Eto ohh, kainin mo na."
He winked and I'm not sure if yun ba talaga yung sasabihin niya or natakot lang siya sa flying kick ko.
"Eat up. Siya nga pala, it was nice to finally see your tit--"
"Javier! Wag ka talagang pahuhuli sakin, kakalbuhin kitaaa!"
That jerk! Napakamanyak!
"Kung hindi lang siya nakatakbo malamang pilay na siyang uuwi mamaya. Argh! I'll let it pass kung tumingin na lang siya. Pero para sabihin sakin na 'it was nice to see your ti-- argh. Bea I swear. Friendship over na kami"
"Z. Calm down. Kilala mo naman ang best friend mo. Sadyang maloko lang yan. Pero isipin mo, wala siyang pagnanasa sayo right? I mean kung ibang lalaki yan baka bukas headline na sa tv yan"
Hayy. I know naman yon. Naasar lang ako sa kanya. But I admit, hindi ko naman nafeel na binastos niya ko or what.
"Yah. I just needed someone to talk to. Thanks I'm okay now. Nawala na yung inis ko"
"HAHA. I can't believe you. Tumawag ka talaga sakin para dyan? Ganyan ba yung epekto ni Jose HAHA. Anyways tinatawag na ko ni kuya. Bye girl!"
"Thanks Bea. Take care"
I'm bored. Hindi pumasok yung prof namin and wala man lang akong makausap sa room. Gosh. I'm going to chat Jose na lang na mag-meet kami sa garden. Magdadrawing na lang muna ako don.
I was now finding for the right spot to seat on and nilabas ko na rin yung mga materials ko sa bag, I decided kasi na idrawing yung naging experienced namin sa horse back riding.
Lately, hindi ko na namamalayang naiipon na yung memories namin ni Javier sa pamamagitan ng canvas ko. I've done different drawings na din. And I know it was all worth it.
"Hey. Kelzy. Pwede ba akong umupo dito, kung hindi makakaistorbo sayo"
Oww. The varsity player. Tim
"No. It's okay. Benches naman tong lahat nang students"
I really loved this subject, me and Jose under the sunset. Sobrang mas okay pa to kesa sa pagkuha ng pictures. At least ito pinagpaguran ko talaga.
"I didn't expect na magaling ka palang magdrawing"
"Ahh not really. Pastime ko lang to sa bahay kapag nabobored ako"
Hindi ko pa kasi mastered ang painting ehh. That's why more on into oil pastel ako.
"But you're doing great. Ang ganda niyang ginagawa mo."
Oh my! Fan ko na ba siya? Charr.
"Thank you."
"Can I ask you something?"
He looks shy type guy pero madaldal naman siya. Okay. Sabi ko nga 'Don't judge the book by its cover'!
"Ahm. Ano yon?"
In fairness, gwapo naman talaga siya. Macho, tall, had perfect set of teeth, moreno, but not my type. Yes, nagagawapuhan ako sa kanya. But he doesn't have that feeling na mapapatingin ka talaga. Ni hindi ko nga siya napapansin, kahit na classmates pala kami.
"Is it your man? I mean, in your drawing. Who's that guy?"
God! Akala ko kung ano na HAHA.
"My best friend"
Pero syempre kahit hindi na ako naiinis kay javier. Hindi ko pa rin mapapalampas yung sinabi niya sakin kanina. God! Ang kapal niya talaga.
"Si Joselito?"
Ayy. Chismoso din pala siya.
"Yah. Si Javier."
Alam na ata ng buong campus na kaibigan ko siya. And kung sino man ang mambully sa kanya, ako ang makakalaban.
"Next year, pwede ka bang maging muse ng team?"
"Really? I'm in! Pangarap ko yan dati kahit nga barangay league pinapatos ko"
Before, sa last school ko. They chose me na to be their representative. But that incident happened. Sometimes naiisip ko na dahil sa quen bee bitch na yon kaya ako na kicked sa school. You know, inggit na inggit yon sa ganda ko.
"That's good. Anyways, mauna na ko. Sorry sa abala"
"It's okay Tim. Thank you sa pag invite"
He smiled at me and then naglakad na ito palayo. In fairness ha, masarap din siyang kausap.
Wait. What time na ba?! Ohh my! 1pm😱. I chatted Jose right? I said maghihintay ako dito hanggang 12:30. But why the hell wala pa siya dito?!
Hindi niya ba nareceived?
I immediately checked my message and naseen naman niya. Busy kaya siya?
To: JoseJavier_jr
Where are you? I'm here na sa garden. 30 minutes ka ng late Javier!
God! Malalate na ko sa shoot ko!
After kong masend yung message ko ay niligpit ko na rin yung mga gamit ko dahil pupuntahan ko na lang si Javier sa building nila.
He's scared siguro na baka masipa ko ulit siya! And kapag hindi pa siya nagpakita sakin, I swear hindi lang sipa ang matatanggap niya.
"Excuse me. Andyan ba si Javier?"
Oh god! Dismissal na ahh. And konti na lang yung student sa room nila. I'm hungry na din. Shit! Don't tell me umalis na siya?! But he seen my chat!
"Hindi mo ba kasama? Maagang umalis ehh."
Tsk. Iniwan niya ko.
"Okay. Thanks"
Ganito pala yung feeling kapag hindi ko na kasabay si Javier. Sobrang bigat.
Okay naman sakin if chinat niya ko na hindi ko siya makakasabay. At least hindi ganon kabigat. And maiintindihan ko naman siya.
"Ma'am. Ikaw lang? Si Jose?"
I don't want to talk about him nababadtrip lang ako. And he really have the guts na pag-intayin ako sa garden. I hate him!
"Let's go na po Mang Tonyo."
The whole ride ay nakatingin lang ako sa phone ko. I was waiting for his calls, chats. Pero hanggang sa makarating ako sa agency ay ni isa wala akong natanggap na chat galing sa kanya.
Okay. I can do this. Siguro may emergency lang siya sa bahay nila.
Yah. Sana nga.