Chapter 8: Para sa pangarap

"Pinayagan ka talaga ng dad mo? And dahil kay Jose?"

We're here at our school's canteen. I texted Bea na magkita kami ngayon dahil excited talaga ako na sabihin sa kanila na pinayagan na ako ni dad.

But the girls, Sy, Hannah and Mori were busy today so si Bea lang yung nakasipot. Wala siguro siyang ginagawa sa training or she ditched.

"Yah. I don't really know why dad agreed. But at least hindi na ako magsisinungaling pa sa kanila ni mom"

"You're right. Besides, it's for the best. So good luck sa journey mo Z"

Ilang days na lang patapos na ang sem. Cheerdance na lang yung iisipin ko and vacation na namin. So naghahanda na ako ngayon para sa patayang modeling.

Later, tumawag sa akin si Mamu and magsisign na ako ng contract. I can't wait to be part of that big agency.

And dadaan na din ako sa house nina Jose, dahil hindi naging maganda yung last na pagpunta ko don. Besides, gusto ko ding icelebrate tong achievements ko with his family.

"Sungit! Andyan kana pala. Sorry, over time kasi yung prof namin. Teka umorder kana?"

"Ahh yah. Treat ko. Thank you talaga Javier last night. And sa pagsama sa akin sa shoot."

"Wala yon. Tsaka nagpromise ka naman na gagalingan mo sa acads diba? Makakagraduate kana magiging sikat na modelo ka pa"

Actually madami na kaming naging plano ni Javier. For my career and of course sa acads. We need to balance it and next year ay gagawa na rin kami ng sched for work and reviews.

"Kain na tayo. Hi Bea. Pasensya na pinaghintay ko pa kayo"

"Okay lang Jose. Hindi naman ako nabored sa mga ikinukwento ni Z"

"Ganon ba? Sungit ohh paborito mo beef pizza. Hot sauce?"

"Ahh yah. Slight lang Javier ha"

Simula nong sa pares experienced ko ay naging favorite ko na ang beef. I don't know why, pero naa-adapt ko na yung mga wants and favorites ni Javier.

"Kung hindi ko lang alam na magkaibigan kayo, siguro napagkamalan ko na kayong mag-jowa. Jose ha. Alagaan mo tong kaibigan ko"

"Silly Bea. Magkaibigan lang talaga kami ni Javier and sobrang labong maging kami. He's like a big brother to me. And I don't see myself being his girlfriend. It's weird and awkward."

"Tama si sungit. Malabo yon"

Jose was busy eating and hindi ko nakita kung anong naging reaction niya. But I'm happy, masaya ako na walang magiging balakid sa friendship naming dalawa. The feelings is mutual, we're bestties forever.

"Asus. Yan ha, kayo na ang nagsabi niyan. By the way kailangan ko ng umalis hinahanap na daw ako ng prof ko ehh. Dalhin ko na tong milktea, sayang naman kung itatapon lang. Thanks Z sa libre. I love you girl."

"I love you too girl, ingat"

Nang makaalis si Bea ay tinapos na din namin ang pagkain dahil magsisimula na ulit ang klase. Jose also teaches me about the computation, sa math subject. And hinatid niya lang ako sa room after.

Next week ay sports day na and medyo may nadagdag na din kami na steps para sa cheerdance.

We just need some time para mapolish yung steps and blockings para sa mga ihahagis sa taas. Luckily ay hindi ako yung napili. Gosh. Baka himatayin agad ako.

"That's all for this day. And good luck sa sports day niyo. Class dismissed"

Finally! I'm so excited na pumirma sa contract and Jose volunteered na samahan ako. So ngayon ay hinihintay ko siya sa may benches hindi kalayuan sa building namin.

Dito din naman siya dadaan dahil malapit sa building namin ang gate ng school.

I was just scrolling in my ig. Nang makita kong may bulto ng tao sa harapan ko. And I was right, nang makita ko ang pagmumukha ni Mr. Drake or should I say Mr. Dick.

He was smirking at me and hindi ko alam kung anong trip niya ngayon. Mabuti na nga lang din dahil nag stop na siya sa pangungulit sakin. And good for him, dahil wala naman akong balak na ientertain siya.

"Hi Kelzy. Mabuti at hindi mo kasama si baboy. By the way, you looked good. I mean beautiful. Perfect kana siguro kapag sinagot mo ako"

What? Hindi ba siya nandidiri sa sinasabi niya!

"Look Mr. Dic-- Drake. Wala akong panahon sayo. And stop calling my friend a 'pig' dahil mas asal hayop ka pa kesa sa kanya. And please excuse me, nakakaabala kana kasi"

He looks like, he was ready to beat me up until dead. Oops. Nainsunto ko ba siya? Too bad, wala akong pakialam.

"Watch your words Ms. Herrera. Kung hindi kita kayang saktan. Si Jose kaya ko"

"Don't you dare!"

"Watch me. Anyways see you around Kelzy"

Hindi ako natatakot sa kanya. But for Jose, ewan ko, nawawala yung tapang ko. Ano ba talaga yung kailangan niya sakin. Love? Psh. Asa.

"Sungit! Bakit pinuntahan mo pa ko sa building ko? Diba sabi ko sayo sa bench na lang."

"You're so makupad kasi. Let's go na"

"Asus, excited ohh. Teka may ibibigay ako sayo"

Huh?

He's busy finding something on his bag and nakahalukipkip lang ako sa harapan niya.

"Eto nakita ko na. Charan. Sa kada achievements mo, lagi natin yang icecelebrate. Pasensiya kana, sa susunod malaking cake na yan"

Shit! He's holding a cupcake with candles on top of it. And of course hindi mawawala ang lighter na hindi ko alam kung saan niya kinuha.

"Good luck on your journey, sungit. Wag kang mag-alala kahit madaming hindi maniwala sayo, ako, patuloy akong magtitiwala at sasamahan ka. Proud ako sayo, lagi. Pano? Blow mo na"

I know it's kinda corny and cheesy but I appreciated him. All his efforts and support, it means a lot to me.

And I wish, sana hindi mapagod si Jose.

"Thank you Javier. I promised din na sa lahat ng achievements mo nandodoon ako."

"Ang drama. Tara na, pirmahan mo na yon! Tsaka iiyak ka pa ohh. Pangit naman"

"Ang sama mo talaga Javier!"

"Asus. Mang Tonyo. Tara na ho, ilalaban na ho natin itong pambato ko"

Makapal talaga ang mukha ni Jose. Pero sa mga bully takot naman. Hayy. And about sa sinabi ni Mr. Dick, no. I'm going to protect Jose at all cost. As long as he's with me, walang makakapanakit sa kanya.

Nang huminto ang sasakyan sa modeling agency na papasukan ko ay hindi ko maiwasang hindi kabahan.

I know people's expectation, and once na pumasok ako sa agency na to ay expected ko na, na maraming mambabash sa akin. And hindi ata ako magiging handa kapag nangyari yon.

"Sungit. Labas na. Teka, natatakot kaba?"

Wala naman sigurong mawawala kung magpakita ako ng kahinaan ngayon, so I just nodded at him. Gosh! Hindi na toh freelance work! Modeling agency na toh! God!

"Ikaw natatakot? Tsk baka nga pati multo, matakot sayo HAHA"

Wow. Hiyang hiyang.

"Happy? Satisfied?"

I rolled my eyes at him, na siyang lalong ikinalakas ng tawa nito. Psh. Lakas ng trip ni Javier!

"Relax sungit! Ikaw yung hinahabol ng agency kaya dapat maging proud ka. Tsaka swerte nga nila ehh may magaling silang modelo"

"Maliit na bagay Javier. Thanks for the compliment, ano bang gusto mo?"

"Ahm. Ano na lang, sundae, fries, chicken with rice, or coke float na lang wag na sundae. Tapos spaghetti, burger---"

"Really Javier? Halos sinabi mo na lahat nang nasa menu! Gago ka"

"Aray! Teka. Joke lang. Ang sakit mo naman mangurit!"

Psh. Serves you idiot!

"Ohh ganito na lang may alam akong teknik pampawala ng kaba"

What? May ganon ba? I thought hindi naaalis ang kaba, as long as hindi mo pa naoovercome yung nagpapakaba sayo.

"Ganito. Repeat after me. Teknik ko to ehh. So, inhale"

"Inhale"

I also copied the movement of his hand. And then I inhaled.

"Ibuga mo ha. Exhale"

"Whoooaaa!"

"Anong kinain mo sungit?"

Huh? Grabe hindi ako bad breath!

"Seryoso kasi Javier! Inaasar mo lang ako ehh!"

Wala talaga siyang matinong masasabi!

"Che. Dyan kana nga, naging uto-uto pa ko dahil sayo!"

"Oyy. Teka. Sungit!"

Hindi na sana ako lilingon sa kanya, kaso yung konsensya ko ayaw akong patahimikin. Okay. Uto-uto na ako. Period.

"What is it Javier?"

He looked at me seriously and then he smiled widely.

"Para sa pangarap!"

He shouted at wala na akong pakialam kung lahat man ng tao ay nakatingin sa amin. But his words, it removed all the doubts and negative thoughts in me.

Alam kong pagdating sa kalokohan ay number one si Javier. But despite that, ay mafefeel mo talaga na ginagawa niya lang yon para gumaan ang loob ko.

And yes he's right.

"Javier! Para sa pangarap!"

I smiled sweetly at him before running through the agency's entrance.

Pagkapasok ko sa loob ay bumungad agad sa akin si Mamu na kanina pang naghihintay sa may lounge area. She's with my team, kuya Joaqy, ate Jude, and ate Roxy.

"Z! Tara sa dressing room, suotin mo toh. Tapos sina bakla na ang bahala sa make up mo. Bilisan niyo ha. Malapit nang magsimula ang contract signing"

"Sige po Mamu. Ate jude let's go na po"

Mamu also added na kapag officially model na ko ng agency ay ito na ang magiging space namin ng team. And hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. May iilang models rin akong nakikita and base sa features nila ay matagal na sila sa industry.

"Tama si Mamu sa pagpili sayo Z! At kami din. Magiging sikat na hairstylist and makeup artist na din kami"

"Oo naman ate Jodie. Kasama ko po kayo sa pag-angat. I'm sure po step by step, mararating din natin ang Paris."

Jose was right, hindi na mahalaga ang sasabihin ng iba, as long as nagtitiwala sa akin ang team ko, si Javier, ang girls and sina mom and dad. I can conquer everything.

"Ano, ayos na ba? Tara, sa studio tayo. Pagkatapos nito, makikilala kana ng maraming tao! Kaya kailangan matatag ang puso, dapat hindi ka maging mahina Z. Kung ano man ang ibato ng mga tao sayo, saluhin mo lang. Tapos ibato mo ulit sa kanila"

"Mamu naman!"

"Joke lang. Pinapatawa lang kita."

Si Mamu ang unang taong naniwala sa akin. Kahit na wala pa naman akong napapatunayan. I met her in our school's pageant, way back in high school. Nakitaan niya ako ng potential and since then ay hindi na niya ako pinabayaan.

"Please welcome. Ms. Kelzy Hillary Herrera!"

I was wearing a black dress just above my knee. And pag-open pa lang ng pinto sa studio kung saan ginaganap ang contract signing ay marami ng nakakasilaw na camera ang bumungad sa akin.

The MC, Miss Kate, introduced me to the audience live via tv channel. They also offered me a bouquet of flowers na siyang mabilis ko namang tinanggap.

Kasama ko naman si Mamu, and katabi ko siya ngayon sa upuan. With the CEO and president of this agency.

"And we're so proud to announced that Ms. Kelzy Herrera was the daughter of Mr. and Mrs. Herrera. The two great actress/actor and models in their time. And before we start the contract signing, we're going to ask you Ms. Kelzy about a couple questions"

I smiled sweetly and ramdam ko ang kaba at tinginan sa akin ng mga matataas na personalidad sa agency.

There are some models din na nanunuod sa amin, and feeling ko ay pinagmamasdan nilang maigi ang bawat galaw ko.

"What is the feeling of being the daughter of the two great models. And why did you chose modeling? Is it because of the courage of your parents? Or it was your own decision?"

Inhale. Exhale.

Para sa pangarap!

"Actually my journey in modeling was very challenging. My parents supported me all the way. And having them by my side really means a lot to me. Despite their good reputation, I still chose to create my own name without their help. And from extra model until now, I proudly say, I've experienced it all."

Although noong una ay hindi ako pinayagan ni dad, still ang mahalaga naman ay yung ngayon.

After that question and answer portion, ay nagsimula na kaming magpermahan ng contract. They just informed me about the existing protocols ng agency and yung mga magiging part ko bilang modelo nila.

"Welcome to the agency Ms. Kelzy Herrera, we're looking forward to see how you grow as a new model in this industry."

"Thank you sir. Hindi po kayo magsisisi sa pagpili sa akin"

Oh my! Finally it's done! Officially model na ako ng agency! Shit! This is so surreal!

Natapos ang contract signing sa isang picture taking and now, habang nasa dressing room ay hindi pa rin ako makapaniwala.

I am now part of this agency! WAHH! I needed to keep this memory na.

I posted my solo photo and then with my team and the CEO. Maraming tao ang nag-congratulate sa akin included yung mga bitch kong schoolmates noon. Psh. If I know ay kung anu-ano na namang kabitteran ang sinasabi ng mga yon.

So I commented 'peace be with you' dahil wala akong panahong makipag-plastikan sa kanila.

"Z. Tara na. Nagtext sakin si Mr. Javier hinahanap kana"

Oh shit! Dadaan pa nga pala kami sa house nila.

"Javier! Sorry natagalan"

Pagkalabas pa lang namin sa agency ay nakita ko na agad si Javier. He was smiling widely and mukhang excited na excited siyang tanungin ako.

"Okay lang. Napanuod ka namin ni Mang Tonyo online. Congrats sayo, ano? Tumalab ba yung tips ko?"

"In fairness ha, maganda yung tips mo. It really helps me a lot kanina."

"Oo naman. Galing sakin ehh. Dadaan pa ba tayo sa bahay? Baka gabi kana makauwi"

"Of course. Mang Tonyo daan po tayo sa drive thru."

"Sungit hindi mo na kailangan pang mag-abala, ako na ang bahala sa blow--"

"It's okay Javier. Don't worry next time, sayo naman"

After naming dumaan sa drive thru ay dumiretso na agad kami papunta sa bahay nina Javier.

He also said na rin naman kay Tita na pupunta kami. And maiintindihan naman ako ni dad if gagabihin akong umuwi. Besides siguro naman kilala niya ang nanay ni Javier, so there's nothing wrong with it.

"Mang Tonyo can you help Javier po sa pagpapasok ng foods sa loob?"

"Oo naman ma'am. Kami ng bahala dito"

"Sige po, mauna na po ako sa loob"

Open naman na yung door ng bahay nina Javier, so pumasok na ako sa loob. Gosh. Mukha akong trespassing!

"Ate Z! Nanay andyan na po sina kuya!"

"Ahh andyan na ba? Hello iha. Congrats sa bago mong trabaho! Pinanuod ka namin sa tv. Naku bagay sayo ang maging artista"

Kasunod na lumabas ni Tita sa kitchen si Stef na agad ding bumati sa akin. Shit! Their warm greetings makes me cry. Echos!

"Congrats po ate."

Stef hugged me tightly and my heart was now exploding from so much love.

"Ohh. Ano toh mmk? May binili si sungit. Pagkain nating lahat! Chibugan na"

Napapalakpak pa sa saya si otep and even me, sobrang saya ko dahil nakahanap ako ng bagong pamilya.

"Let's eat na po. Mang Tonyo sabay po kayo."

"Nako ma'am hindi ko matatanggihan yan. Maiwan ko na ho kayo ma'am, Jose. Pasok na lang kayo sa kusina"

I just nodded at Mang Tonyo, and now ay naiwan kami ni Jose sa living room.

He was smiling widely and I know naman, how proud he was to me.

"Salamat sa pagpapasaya sa pamilya ko"

"No. It was the other way around, so thank you. Thank you sayo and sa family mo."

I admit, nasasanay na ako sa presensya ni Javier. And I wish na sana hindi na matapos to.

"Jose! Pakainin mo na si ganda. Halina kayo"

"Sige nay. Pano sungit? Tara na."

He offered his hand in front of me, and natatawang agad ko itong tinanggap.

"Let's go"

I said that makes us laughed.

After naming magdinner ay naghintay muna ako ng ilang minuto bago umuwi. Jose volunteered na ihatid ako, but I refused to dahil gabi na rin and kailangan na niyang magpahinga.

"Tita, mauna na po ako. Thank you po sa pakikicelebrate sa akin."

"Kami nga ang dapat magpasalamat sayo. Salamat sa libreng hapunan. At bukas palagi ang bahay namin para sayo."

"Thank you po Tita. Stef, otep mauna na ko"

"Ate Z salamat po sa chicken joy!"

"Ano kaba naman otep! Ate mag-iingat po kayo. Tsaka baka po may pinaglumaan kayong lipstick, ibigay niyo na lang po sakin hehe"

"Hoy! Stef! Bawal pa sayo ang lipstick!"

"Si kuya kj! Ate ha. Thank you yiee!"

They're so adorable. Lalo na si Stef, I knew it, magiging magkasundo talaga kami.

"Lika na dito sungit. Nay papasukin niyo na ho yang dalawang yan"

Napakaprotective naman ni Javier. Before nga high school pa lang ako, I know na how to used make ups.

And makeup doesn't mean na magboboyfriend or makikipagflirt kana sa boys. It helps kaya sa pagboost ng confidence.

"Hindi kana ba talaga magpapahatid? Nakakahiya naman kina Tito"

"It's okay na Javier. Besides maiintindihan naman ako ni dad. So I'm good to go now. Kita na lang tayo sa school"

"Sige. Ingat kayo. Mang Tonyo dahan dahan lang ho."

"Bye Javier."

I just waved my hand at him and nang magsimula ng umandar ang sasakyan ay naging abala na ako sa pakikipag-chat sa girls.

After a few minutes, ay nakarating na din kami sa bahay. And sobrang quiet and calm ng bahay, siguro ay tulog na sina mom and dad.

"Mang Tonyo, bakit ang tahimik ng bahay"

"Hindi ko alam ma'am. Siguro ho ay tulog na sina sir."

It's odd. I mean sometimes kasi ay bukas pa ang ilaw sa office ni dad. And this was the first time na matutulog sila ng maaga.

"Mang Tonyo, paki-open nga po ng switch."

I was now finding for my slippers nang biglang may nag-explode na confetti sa harapan ko. And my eyes widen when I saw my family, and friends.

The girls was holding a banner and it says 'CONGRATULATIONS'.

"Congratulations Z!"

They shouted in unison, and hindi ko na mapigilang maluha. I didn't expect Mom and Dad to be here.

So they planned this! Gosh. This is too much!

"Congrats iha. Your dad and I was so proud of you."

"Yah iha. Continue to achieve your passion. And sa acads, wala tayong magiging problema"

Shit!

"I love you mom, dad. Thank you po"

I hugged them tightly, and wala na akong mahihiling pa.

"Hoy babaita. Come here. Kami naman ang yakapin mo. Si Hannah nagset up nito. Tapos ito yung resibo ng ambagan namin. Lahat ng tubo ko sa Avon inambag ko dyan"

"Wow. Grabe ka Bea! I felt loved!"

"Don't mind her Z. I-hug mo na lang kami"

"Aww. Thank you sy girl"

And just like that, my journey begins.