Chapter 27

Nagising ako kasi kumalam ang tiyan ko, pero tulog pa talaga ang diwa ko. Nakasara pa nga ako isa kong mata pero agad kong nilingon ang parte ng higaan ni Renzo, wala na kasi siya sa tabi ko. Napatingin ako sa paligid, siguro alas-nuebe na ng umaga base sa sinag ng araw na pumapasok ngayon galing sa veranda. Pero kahit na may araw na ay mahangin at pumapasok sa kwarto namin ngayon.

Hindi ko maalala kung paano ako nalipat rito sa kama namin, naalala kong nakatulog ako sa mga hita ni Renzo. Siguro binitbit niya ako, napatakip ako ng mukha sa sobrang kilig at pinapadyak-padyak ko paa ko sa kama. Naalala ko lahat ng nangyari kagabi, may maganda pa akong napaginipan kagabi. Sinabi ni Renzo na mahal niya, jusko iyong puso ko malalaglag na sa kilig.

Napatingin ako sa damit ko ngayon, isang malaking t-shirt lang at walang short. Nanlaki ang mata ko, mabilis kong sinilip ang damit at tinignan kung may underwear akong suot. Wala akong bra pero may suot naman akong panty, confirmed ngang pinalitan ni Renzo ang damit ko at siya din ang nagtanggal ng bra ko.

Siguro napansin ni Renzo na hindi ako makakatulog ng maayos kung nakasuot ako ng bra kaya tinanggal na. Tsaka bakit ba nahihiya pa ako? E nakita niya na din naman ang lahat sa akin.

Napahikab ako habang nagstretching, ang sarap pa matulog kaso nagugutom na talaga ako. Hindi ko alam ba't gutom ako agad e andami kong kinain kagabi, napailing na lang ako at tumayo na.

Dumiretso na ako ng banyo para makaligo, binilisan ko ang pagligo at pag-aayos sa sarili. Mga kinse minutos ay tapos na akong mag-ayos sa sarili. Simpleng gray baggy blouse ang suot ko, black leggings sa ibaba at naka-blask strap sandals ako. Super comfy clothes.

Pagkatapos kong tignan ang sarili sa malaking salamin at pasado na sa paningin ko ay mabilis akong lumabas. Agad akong dumiretso sa kusina para maghanap ng pagkain. Agad na lumapit sa akin ang isang kasambahay ni Grandma para ipaalam sa akin na sila na daw ang maghahanda ng makakain namin ni Renzo.

"Hindi pa kumakain si Renzo?" Tanong ko naman sa kasambahay na mukhang kasing edad ko lang.

"Nasabi po sa amin ni Sir na sabay daw po kayong dalawa kumain at pumunta ka daw po sa graden para sunduin siya.' Sagot naman ng kasambahay na halatang kinikilig ng banggitin ang pangalan ni Renzo. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kasambahay, siguro ganyan-ganyan din ang reaksyon ng mukha ko pagkinikilig.

Sanay na akong makakita ng mga babaeng kinikilig kay Renzo, mabenta talaga siya sa lahat, in all ages dahil pati si Grandma gustong-gusto siya.

"Sige, salamat. Puntahan ko na lang siya." Sambit ko.

Tumango naman ang kasambahay at sinabihan akong ihahanda na daw nila ngayon ang dining room at dumiretso na lang kami doon.

Naglakad na ako papunta sa graden at napa-isip kung anong ginagawa doon ni Renzo. Tinulak ko ang sliding door para bumukas at agad siyang nahagip ng paningin ko. Ang una kong ginawa ay lumunok ng makitang nagpupush up sa siya sa bermuda grass.

Napatitig ako sa biceps niyang nag-feflex, lalong nanlaki ang mga mata ko ang mga pawis na tumutulo papunta sa braso niya.

Iniling ko ang ulo ko para mawala kahit papaano ang mga madudumi kong naiisip kay Renzo. Unti-unti akong lumapit sa kanya, hindi ko siya tinatawag kasi masyado siyang focus sa ginawa. Ayoko siyang gambalain at nagsisyahan din akong titigan siya ngayon.

Alam kong hindi pumapalya si Renzo sa workout niya pero ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya sa workout session niya, Sayang dahil hindi ko nasimulan dahil mukuhang patapos na siya ngayon.

Tumikhim ako ng tumingin siya sa gawi ko at pinagkrus ang kamay ko sa dibdib. Tumayo si Renzo at pinagpag ang kamay. Lumapit siya sa akin habang hawak-hawak ang isang towel.

"Pinapunta mo daw ako dito?"

"Gising ka na pala, akala ko mamaya ka pa magigising e." Nakangisi niyang sabi sa akin, ano ang ibig sabihin niya sa sinabi na late ako parating magising?

Hindi ako nagsalita at sinamaaan lang siya ng tingin habang siya ay natatawa sa akin. Makulit ang mokong na=gayon.

"Tigilan mo na po ako. Tara na, kain na tayo." Pag-iiba ko ng usapan. Ayokong mapahiya dahil medyo maykatotohanan na late ako magising.

"Okay," si Renzo.

Napaubo ako ng makitang naghubad siya ng damit, nanlaki ako ng makita ko ang nagisislawang six pack abs niya at medyo nakikita ko ang ang sexy v-line niya na kinalunok ko. Jusko baka magtulo laway ako sa hara niya ngayon.

Tumingin ako sa ibang direksyon dahil baka may magawa akong hindi kaaya-aya at may makakita sa amin dito. Andito pa naman ang mga ibang kasambahay na schedule atang maglinis ng mansyon.

Nakabuhad na siya n lumapit sa isang upuan at kinuha ang isang white t-shirt. Agad niyang sinuot kaya naman gumaan na ang paghinga ko. Atleast sa biceps na lang niya ako maglalaway, delikado pag abs ang nakikita ko.

"Nagutom ako." Malakas kong sambit sa kanya, nauna akong tumalikod at maglakad papasok sa mansyon habang nakasunod siya sa akin.

"SAAN TAYO pupunta?" Tanong ko sa kanya, nasa library lang ako ngayon at nagbabasa ng isang historical romance novel ng ayain ako ni Renzo.

"Mamimitas ng prutas." si Renzo.

Agad akong tumayo sa narinig, sinabi ko kasi sa kanya kanina na gusto ko ng manggang ginog. Alam ko kasing merong mga puno ng mangga sa hacienda si Grandma.

"O sige, tara na." Agad kong binalik ang libro sa pinagkuhanan ko. Mas ok na umalis kami ni Renzo kesa maburyo ako rito sa library. Maghawak kamay kaming lumabas at dumiretso sa hummer na sasakyan na nakaparada sa labas ng mansyon.

"Mabuti nagtanong ako kay Manong kanina, saktong anihan ngayon." Nakangiting sabi sa akin ni Renzo na kinangiti ko naman.

Nagmaneho na siya habang ako ay nakatingin sa labas at nagmasid sa paligid. Napuno ng katahimikan ang sasakyan dahil walang nagsalita sa amin pero hindi nakakailang. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa destinasyon, agad kong nakita ang mga manggagawa na nag-aani ng mga mangga.

Bumaba na ako ngkotse at muling hinawakan ni Renzo ang kamay ko ng lumapit ako sa kanya.

"Tara," aya niya.

Napatingin ako sa napakaraming manga sa mga puno, grabe anihan pala talaga ngayon. Napatingin ako sa matangdang lumapit sa amin at nagpakilala bilang si Manong Tisoy, na kambal na kapatid pala ni Mang Roger kaya pala magkamukha silang dalawa.

Namula ako ng pinakilala kaming dalawa ni Renzo s amga tauhan na mag-asawa, lalo na ng akbayan ako ni Renzo na para bang binabakuran niya ako sa harap ng mga lalaking nasa harapan namin. Hindi ko mapigilang kiligin.

Jusko self, hinay-hinay lang!

BUONG ARAW kaming magkasama ni Renzo, nagpunta pa kami sa kabilang dulo ng hacienda kung saan naman nag-aani sila ng mga mais. Tumulong kaming mag-ani dahil sinabi ko kay Renzo na gusto kong subukan at agad naman siyang pumayag. Puro kaming tawanan at kung ano-ano ang mga sinubukan naming kainin kasama ang mga tauhan ni Grandma dahil nagkaroon ng salu-salo kasama ang mga trabahador.

"Thank you." sambit ko sa kay Renzo at muling binalik ang tingin sa magagandang bituin.

"For what?" tanong niya naman.

"For bringing me here."