Chapter 25
"Why are you here?" Nalilito kong tanong sa kanya habang nakatingala dahil nakatayo na siya sa harapan ko ngayon.
Nakita niya ba ang ginawa ni Tyron? O narinig niya ba ang sinabi ni Tyron?
Medyo kinakabahan ako ngayon dahil baka nakita niya nga kaya ganyan ang reaksyon ng mukha niya. Pero bakit naman siya magagalit sa akin? Baka nga wala siyang pakialam kung hinalikan ako ng iba, baka may ibang rason kung bakit mukha siyang galit ngayon.
"Lets go home," si Renzo.
Iyan ang tangi niyang sinabi sa akin, habang halata pa rin sa mukha niya na galit siya. Agad na kinuha ni Renzo ang bag kong dala at umalis.
Kaya nataranta naman ako at mabilis na kinuha ang mga mga gamit ko sa table, buti hindi ko pa nihihiram ang mga libro kaya iniwan ko na lang at hindi na binalik sa pinagkuhaan para mahabol si Renzo.
Malalaki ang hakbang ni Renzo, halata talagang ayaw niyang makipag-usap sa akin kaya nanahimik lang ako habang nakasunod sa kanya papuntang parking lot.
Pinipigilan kong tumawa ng makatikim si Heidi ng masamang tingin kay Renzo, lalapit kasi dapat ang malanding babaita ng bigyan siya ni Renzo ng matalim na tingin. Iyong kalse ng tingin na 'wag mong tangkain na lapitan ako kundi may paglalagyan ka'.
Sinamaan lang ako ni Heidi na hindi na lumapit at muling binalik kay Renzo ang tingin, napansin niya na bitbit ni Renzo ang bag ko na kinalaglag ng panga niya.
"Tara na," sambit ni Renzo pagkatapos ay kinuha ang kamay ko habang naglalakad kaming muli. Nakatingin sa amin ang lahat pero walang pake si Renzo, ni wala siyang pinansin s amga tumatawag sa kanya kahit mga kaibigan niya pa.
Masama siguro talaga ang timpla niya ngayon, pero hindi ko mapigilang hindi kiligin kasi magkahawak kaming dalawa ng kamay ngayon.
Mabilis kaming nakarating sa kotse niya, agad niya akong pinasakay sa loob habang siya ay nasa labas pa. Napatingin ako sa kanya ng halughugin niya ang bag ko at may kinuha roon.
Agad na lumitaw sa harap niya ang dalawang bodguard ko na hindi ko alam kung saan nagtago dahil hindi ko sila napansin, binigay ni Renzo ang susi ng kotse ko sa kanila. Siguro naalala niya na baka mapagtripan naman ang kotse ko.
Nag-usap pa sila sandali, nakita ko lang na tumango-tango ang dalawa. Hindi ko na narinig ang pinag-usap nila, maya-maya lang ay pumasok na sa kotse si Renzo at napatingin sa mukha ko.
Blanko ang mukha niya kaya hindi ko talaga mahulaan kung anong iniisip niya ngayon. Pagkatapos niyang titigan ang mukha ko ay may kinuha siya sa compartment na box ng wet wipes sa akin.
"Wipe your face." Ginawa ko na lang ang sinabi niya, siguro may dumi ako sa mukha. Pagkatapos kong punasan ang mukha ko ay napansin ko na medyo umaliwalas ang mukha niya.
Naging maayos ang buong gabi namin ni Renzo, nilutuan niya ako ng adobong baboy na requested ko pa last three months ago, siguro nalalala niyang gawin ngayon.
Hindi niya pa rin ako kinikibo masyado, pero nararamdaman ko na may gusto siyang sabihin sa akin. Habang nanonood kami ng isang wild life animal channel ay hinihintay kong may lumabas sa bibig niya pero wala talaga. Hanggang sa dinalaw na ako ng antok at nakatulog na ako sa sofa namin.
"GRANDMA BAKIT nandito ka?" Hindi ko lubos mailunok ang iniinom kong tubig, nabigla na lang kaming dalawa ni Renzo na lumabas sa may pintuan para tignan kung sinong tao sa may gate na kanina pa bumubusina.
"Bakit masama bang bisitahin ang aking mga apo?" Lumapit si Grandma sa akin, at akala ko naman ako ang yayakapin niya pero namali ako dahil nakatingin siya kay Renzo na nasa likuran ko lang.
"Lorenzo namiss ko kayong dalawa." Sabi lang ata ni Grandma na namimiss niya kami pero pakiramdam ko si Renzo lang talaga namiss niya.
"Hindi man lang kayo dumalaw sa akin sa hacienda." Nagtatampo nitong tugon sa amin ni Renzo.
Napangiti ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Alam ko namang gustong-gusto ni Granda si Renzo para maging apo. Noong mga bata pa kami ni Renzo ay mas malapit pa siya kay Grandma kesa sa akin siguro dahil sa harap ni Grandma masunurin at mabait na bata si Renzo. Magaling si Renzo sa lahat and napakatalino pa, kaya nakukuha ni Renzo ang loob ng lahat.
Ako kasi iyong parating napapagalitan ni Grandma at parati naman akong pinagtatanggol ni Renzo. Dahil naging pasaway ako katulad ng iba kong pinsan ay naging mas malapit si Renzo kay Grandma
"Grandma it's nice to see you again. Alam mo naman Grandma na busy kaming pareho ni Serena dahil graduating na kami but don't worry if meron kaming libre na oras ay bibisitahin ka namin sa hacienda." Ngumiti si Renzo kay Grandma.
"Great, then get ready now." Ngumiti si Grandma kay Renzo at sa akin habang ako ay palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Ready for what Grandma?" Tanong ko rito. Humarap naman sa akin si Grandma sabay ngiti.
"You will spend your weekends in the hacienda. Maghanda na kayong dalawa, there's a driver waiting for you outside." Magsasalita na sana ako ng magsalita ulit si Grandma. "No arguments Serena, mauuna na ako inyo. Ang driver na ang maghahatid sa inyo sa helipad. See you both at the hacienda." Hanggang sa makaalis na si Grandma sa harapan ko at nakasakay na ito sa kotse ay nakanganga lang ako.
"Renzo!" Tawag ko rito habang papanhik ng hagdanan.
"What?" Bored na bored nitong sagot sa akin na parang wala lang sa kanya na pumunta kami ng hacienda.
"Pupunta ba talaga tayo sa hacienda?" Pagsusumamong tanong ko sa kanya dahil ayokong pumunta kami, dito na lang kami sa bahay.
"Yes, we are going," si Renzo.
Tinalikuran na niya ako at dumiretso papunta sa hagdan, siguro maghahanda na sa pag-alis namin.
"P-pero alam mo naman na ayokong magpunta sa hacienda ng tayo lang diba?" Napatakbo ang sa dako niya at hnarangan siya sa hagdanan.
"I know," sagot niya na lalong kinalaki ng mga mata ko. Lumusot siya sa gilid ko at muling naglakad.
"Ehh. Pupunahin lang ako ni Grandma doon, Renzo naman. Humindi na lang tayo at sabihin mo sumakit ang puson ko o kaya nagka-LBM ako o kahit anong rason na lang basta wag tayong matuloy."
"No, you heard her." Pinagpatuloy ko ang pagsunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa kwarto niya.
"But Renzo please do something." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Ganoon ka ba katakot kay Grandma? Ano bang kinakatakot mo nandito naman ako." Hinawakan niya ang pisngi ko. Napakagat na lang ako sa labi ko dahil wala na akong masabi.
Napatingin ako sa kanyang mga mata and I saw the tenderness in his eyes. He caresses my nose down to my lips with his right hand. We stared at each other for a while and then he walked away.
PADABOG AKONG nag ayos ng mga damit ko sa isang maliit na maleta, kakatapos ko lang ayusan ang sarili ko. Nakasuot lang ako ng fitted jeans ngayon at whte shirt, inipit ko rin ang buhok ko at hindi na ako nagsuot ng eye glass. Paniguradong sisitahin ako ni Grandma pag iyong mga normal na damit ko ang isusuot ko ngayon.
Hindi ko talaga tanggap na pupunta kami ngayon ni Renzo sa hacienda. Napabuntong hininga ako habang hinahagis sa malita ang mga underwear na susuotin ko doon.
Bakit naman kasi biglang lumitaw si Grandma at bigla kaming pina[unta ng hacienda, at paano niya nalaman na meron kaming three days vacation ngayon?
Urgh ayoko talagang sumama, kaso di naman ako pwedeng magpaiwan dito. Baka kalbuhin ako ni Grandma tsaka mukha akong tanga rito pag mag-isa lang ako sa bahay.
Napalingon ako ng marinig ko pagkatok at pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Sinamaan ko ng tingin si Renzo habang sinasara na ang maleta ko, nakatayo siya ngayon sa may pintuan habang hawak-hawal ang maliit niya ding maleta. Bago ko binalik ang tingin sa mga gamit ko ay mabilis ko siyang napasadahan ng tingin mulo ulo hanggang paa, nakasuot lang siya ngayon ng itim na v-neck shirt, denim fitted pants at black sneakers.
Tinayo ko na ang maleta ko at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan ng hindi siya pinapansin. Napatigil ako sa harap niya dahil hindi ako makadaan, nakahara siya sa daan.
"You're cute with that pouting lips." Inikot ko ang mata ko dahil dinadaan na naman niya ako sa mga pakomplemento niya. Hinila niya ako para magkadikit ang katawan naming dalawa at pinulupot niya ang dalawa niyang braso sa bewang ko.
"Whatever," nakasimangot pa rin ako.
Inaamin ko na medyo nawawala ang asar ko sa kanya pero hindi ko pinahalata sa kanya. Ninanamnam ko ang pag-amoy sa mabango niyang amoy.
Nakatitig siya ngayon sa labi ko at mayamaya lang ay agad niyang sinunggaban ang labi ko. Napasinghap ako at sinara ko na ang mga mata ko para tugunin ang halik niya. Nabitawan ko na ang pagkakahawak sa maleta ko at napansin ko na nasa batok na pala niya ang dalawa kong kamay, mas lalo kong dinikit ang sarili ko sa kanya.
Ilang minuto din kaming naghalikan bago niya pinakawalan ang labi ko opara makahinga kaming pareho. Muli niyang tinitigan ang mukha ko at mabilis na hinalikan ang noo ko.
"You make this so hard for me." si Renzo.
Napabuntong hininga siya habang nalilito akong tingin sa kanya dahil hindi ko siya naintindihan. Napailing na lang si Renzo na pinagkibit balikat ko.
"Let's go, pretty baby." Kinuha na niya ang kaliwa kong kamay para maka-alis na kami.
SERENA's POV
"Wait Grandma, where are you going?" Napatingin na lang ako sa mga bagahing nilalabas ng driver para isakay sa kotse.
"I have an urgent thing to do. Sige na malalate na ako sa flight ko kung magtatagal pa ako dito. Both of you, enjoy your stay here. You have 3 days vacation kaya dito na muna kayo. Sinabi ko na kay Roger na ibigay ang lahat ng papangailangan niyo." Napanga-nga na lang ako habang hinalikan sa pisngi si Grandma. Napatingin ako kay Renzo na hinalikan na lang din sa pisngi si Grandma.
Naglapakad na palabas ng villa si Grandma at sumakay sa kotse hanggang nawala na ang mga ito sa paningin ko. Napatingin na naman ako kay Renzo na naglakakad na papunta sa direksyon ng kusina.
"Ano bang pinag-usapan niyo ni Grandma kanina at biglang umalis iyon?" Tanong ko habang nakatitig sa mukha niya. Magulo ang buhok niya ngayon na parang kakagising lang dahil nakapanbahay lang din siya, pajama at isang white cotton shirt ang suot niya. Naglalaway ako pagnapupunta ang mga mata ko sa muscles niya.
"Stop staring like I'm a meat." He smirked at me. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, nararamdaman ko na lang ang pamumula ng pisngi ko.
"Hey hindi mo sinagot ang tanong ko." Tumalikod kasi si Renzo at naglakad papunta sa garden habang ako ay nakasunod lang sa kanya at hinihintay ang sagot nito.
Nasa hacienda kami ni Renzo dahil sa pinasundo at pinapunta kami ni Grandma dito, gusto niya daw kaming makasama at ngayon namang nandito na kami ay bigla nalang siyang umalis. Kanina lang maayos na nag-uusap itong si Renzo at Grandma pakiramdam ko may may sinabi si Renzo na hindi nagustuhan ni Grandma kasi bigla-biglaan ang alis niya.
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Pinapaliit ko kasi ang mga mata ko habang nakatitig sa pagmumukha niya na para bang mababasa ko ang sagot sa naiisip ko.
"Sagutin mo na kasi ang tanong ko sayo. Bakit umalis agad-agad si Grandma?"Ininom ni Renzo ang hawak-hawak niyang isang bote ng alak. Napatingin ako sa labi pababa sa lalamunan ni Renzo habang sinisimsim niya ang beer. Napalunok ako bigla at napailing. Tumingin naman sa akin si Renzo.
"Gusto mo ba talagang malaman ang pinag-usapan namin ni Grandma?" Nabigla ako ng ilang dipa na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. Amoy na amoy ko ang hininga niyang may halong amoy ng alak.
"Gusto." Sagot ko at tinapatan ang intensidad ng titig niya sa akin. Lalo lang niyang nilapit ang mukha sa akin.
"Grandma told me.." Habang sinasabi niya ang bawat sinasabi niyang salita sinabay niyang pinaglandas ang kamay sa mukha ko pababa sa leeg ko hanggang sa dumampi ang kamay niya sa dibdib ko.
"Told you w-what?" Isang daing ang lumabas sa bibig ko ng hawakan niya ang dibdib ko at minasahe iyon. Kahit na nakadamit ako ay ramdam na ramdam ko ang sensasyon na hatid niya.
"Have our honeymoon here." A loud moan escaped in my mouth when his other hand landed in my private area with my cotton short on. Hindi ko alam na nailagay na pala niya sa mesa ang hawak niyang bote.
Hindi masyadong nag-sink in sa utak ko kung ano iyong sinabi sa akin Renzo kundi mas nangingibabaw ngayon ang nararamdaman ko sa ginagawa niya sa akin.
Napahawak ako ng mahigpit sa buhok niya na napakalambot sa kamay. Nararamdaman kong mas lalong naging mapangahas at mabilis ang mga kamay ni Renzo.
Tinggal niya ang dalawa niyang kamay sa dibdib at pagkababae ko. Napunta ang isa sa pwetan ko habang ang isa ay nakahawak na sa likuran ko bilang suporta kasi lalo niya akong hinila palapit sa kanya.
Minamasahe ko ang batok ni Renzo at mas lalong dinama ang malambot niyang mga buhok sa kamay ko. He seemed to like it since I heard a growl from him.
"Ehem."
Parang may naririnig akong umuubo hindi ko na pinansin dahil na kay Renzo ang atensyon ko.
Mas lalong lumakas iyong tunog ng umuubo kaya hindi ko na mapigilang lumingon at ganon din si Renzo. Si Manong Roger pala ay nasa likuran namin at medyo namumula ang mukha dahil sa natunghayan. Ang matanda ay isa na tagapagpamahala ng bahay at farms dito sa hacienda.
Mabilis ako tumalikod sa at nagtago sa dibdib ni Renzo dahil sa kahihiyan habang si Renzo ay humagikhik, natuwa siya na may nakakita sa aming naghahalikan.
"Sir Renzo and Ma'am Serena kailangan niyo na pong pumasok dahil umaambon na po, may hinanda rin po kaming makakain niyo sa sala. Pwede niyo pong ipagpatuloy ang kung ano mang naudlot na ginagawa niyo ngayon sa loob. Pasensya na po." si Manong Roger.
Lalo akong napasiksik ngayon sa may leeg ni Renzo dahil sa sobrang kahihiyan na narinig mula kay Manong Roger. Hindi ko mapigilang suntukin ang dibdib niya dahil kagagawan niya itong lahat.
Habang si Renzo ay tawang-tawa sa nangyari sa amin. Ni hindi man lang mahina ang tawa, iyong rinig talaga sa kabahayan.