Chapter 24
Nakatingin ako sa natutulog niyang mukha. Napansin kong nakakunot ang mukha niya habang natutulog na para bang ang dami niyang dinadala na problema. Nakatulog siya sa sofa sa paghihintay na maluto ang pasta na hinahanda ko.
Minabuti kong hindi na siya disturbohin sa pagtulog kaya tinago ko na lang muna ang pasta sa ref para pagkagising na lang niya kakainin. Inayos ko ang kumot na pinatong ko sa kanya, baka lamigin siya dahil binuksan ko ang centralized namin na aircon.
Hindi ko mapigilang hindi hawakan ang gwapo niyang mukha, pinaglandas ko ang daliri ko sa kanyang mata at napatitig sa mahaba niyang pilik mata. Dumaan din ang daliri ko sa matangos at perpekto niyang ilong. Pero ang pinakagusto ko sa lahat sa parte ng mukha niya ay ang mapula-pula niyang labi na talo ang akin.
Kanina nalaman ko kay Manong Ben na driver ni Renzo sa durasyon na tatlong buwan, sinabi niya sa akin na lahat daw ng lakad nito ay business related. Hindi sana ako maniniwala kasi baka pinagtatakpan lang ni si Renzo kaso mukha namang katiwa-tiwala ang matanda. Hinahatid daw nito sa iba't-ibang hotel at parati din sa airport.
Mabuti na lang talaga nakausap ko kanina si Manong Ben bago siya umalis at bumalik sa kompanya, nalaman ko na matagal na itong company driver, at siya parati ang tagahatid ni Renzo pag kailangan.
Ang buong akala ko naging busy lang siya sa pambabae si Renzo pero mali pala ako ng akala. Maling-mali ako, puro na lang ako akala kaya pala parati siyang late maka-uwi at maagang maaga siya nawawala sa bahay.
Nalaman ko din kay Manong Ben na hindi naman galing si Renzo sa meeting na malapit sa ospital dahil ang totoo ay madaliang sinundo siya ng matanda sa airport galing Cebu. Nabanggit sa akin ni Mnaong Ben na sobrang alala daw ni Renzo na kulang na lang daw palirin siya nito sa pagmamaneho ng kotse para makarating agad sa ospital kung saan ako naroroon.
Marami akong pinagtatala, bakit hindi na lang niya sabihin sa akin na busy siya dahil sa kompanya? At bakit hindi na lang niya sinabi sa akin na may bodyguards pala ako? Bakit kailangan niya akong pabantayan ng patago?
Marami akong gustong itanong kay Renzo pero nag-iisip ako kung tama bang itanong ko o mas maayos na itago ko na lang ang nalalaman. Dahil paniguradong may rason naman bakit niya tinatago sa akin ang lahat.
Nakapalumbaba ako habang nakahawak sa pisngi niya ngayon. Nakaluhod ako habang pinagpatuloy ang pagtitig sa mukha niya.
"Bakit napaka komplikado mo Renzo? Hindi ko maintindihan ang mga pinapakita mo sa akin minsan ang bait at parang napaka-importante ko sayo minsan naman pinagtatabuyan mo ako," mahina kong sambit habang patuloy na memimemorya ang bawat parte ng mukha niya.
Bumalik ang paningin ko sa labi niyang mamula-mula, unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Isinira ko ang mga mata ko ng maglapat na ang labi namin at agad naman akong lumayo.
Binuka ko ang mga mata ko at agad na nagtama ang mga mata namin ni Renzo, pakiramdam ko pumanhik lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa ginawa kong paghalik sa labi niya.
Mabilis akong tumayo sa harapan niya na parang tuod habang nakahiga pa rin si Renzo sa parehong posisyon pero ngayon ay nakangiti siya sa akin na para bang sinasbai niyang nahuli niya ako sa isang kasalanan.
"Wala akong ginawa, good night." Walang pakundangang nagtatakbo ako papuntang hagdanan papunta kwarto ko dahil sa kahihiyan. Pwede naman kasing magpanggap siyang tulog pero talagang tinitigan pa ako, sobrang nakakahiya.
Bigla akong tumigil sa pagtakbo ng may maalala ako. Lumingon ako kay Renzo at ganoon pa rin ang posisyon niya habang nakatingin sa akin. Tumikhim ako bago nagsalita.
"Kapag kakain ka, nasa ref na iyong pasta kasi akala ko di ka magiging. Initin mo na lang para masarap pa rin, o siya matutulog na ako." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at mabilis akong pumanhik sa hagdanan.
POV-RENZO
Nagising ako ng may maramdaman akong malambot na labi sa labi ko. Nabigla ako ng pagbuka ng mga mata ko ay mukha ni Serena ang bumungad sa akin. Nakasara ang mga mata niya habang nakadampi ang labi niya sa akin.
Ang buong akala ko pa ay nanaginip lang ako dahil tatlong buwan kong pinipigilan ang sarili ko. Ang akala ko nga siguro nasisiraan na ako ng bait dahil hinahalikan ako ni Serena, pang ilang beses na bang may mga ganito akong panaginip, iyong iba ko pang panaginip ay mas malala ang ginawa namin ni Serena.
Bumangon ako sa pagkakahiga at napatingin sa kumot na nakapatong sa akin, siguro si Serena ang naglagay nito sa akin. Hindi nga ako nanaginip na hinalikan niya ako dahil kung hindi totoo ay hindi siya nagtatakbo at nagsisigaw na wala siyang ginawa sa akin.
Hindi ko maintindihan kong matatawa ba ako o maiinis sa ginagawa niya pagtakbo palayo sa akin. Pwedeng-pwede naman niya akong halikan, bakit kailangan patago niyang gawin?
Tatlong buwan ko siyang hindi nilalapitan pero may-iilang beses na hindi ko napipigilan ang sarili ko, may nangyayari sa amin at huli ko na napagtanto sa sarili ko.
Tatlong buwan ko na tinatanong sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi na maalis sa utak ko si Serena, na siya na lang lagi ang hinahanap ng utak at isip ko sa bawat oras na lumipas pag hindi ko siya kasama. Walang ibang nakakapantay sa kanya kahit humanap ako, siya lang talaga ang nakakabuhay sa katawan at isip ko kahit anong pilit ko.
I tried to be back to my old self. I flirted and tried to bed beautiful ladies that are mostly models or known artist in the industry but every time we are about to do it all I can think about is the beautiful face of Serena and her sinful body.
Dahil sa litong-lito na ako sa sarili ko kaya ginawa kong busy ang sarili ko. Tamang-tama naman na kailangan ng tulong ni Papa sa ibang business deals ng kompanya kaya ako muna ang nagpresenta. I traveled a lot nowadays na hindi na ako nakakapasok at hindi ko na masyadong nakikita si Serena.
Pinagod ko ng pinagod ang sarili para mawalan ako ng oras para isipin siya. Pero hindi ko alam bakit kahit pagod na pagod ako ay sumisingit pa rin siya sa utak ko, hindi ko mapigilang alamin ang mga nagyayari sa kanya.
kaya kahit wala ako sa tabi niya ay nagawa kong maglagay ng dalawang bodyguards para masigurado na protektado siya at walang kung sino-sino ang lumalapit sa kanya. Para masigurado ko ding hindi na mangyari sa kanya ang muntik mangyari kanina. Mabuti na lang agad na natulungan ng dalawa hinire kong bodyguards si Serena kundi hindi ko talaga alam ang gagawin ko.
Bigla akong napahawak sa labi ko ngayon, siguro dahil ang tagal ko na siyang hindi nahahalikan kaya nararamdaman ko pa rin ang labi niya sa akin.
Gusto kong tanungin si Serena kung may ginawa ba siya sa akin. May pinakain o pinainom ba siya sa akin para magkaganito ako?
Napasabunot ako sa sobrang lito na nararamdaman ko ngayon. Naalala ko ang namumula niyang mukha kanina ng halikan niya ako, kahit napakasimple lang ng ginawa niya ay parang bomba ang impekto sa akin, nawalan ng kwenta ang pag-iwas ko sa kanya.
Napabuntong hininga ako, I need a cold shower.
POV - Serena
"Are you still planning on ditching me?" Napatingala ako at agad na nabigla ng makitang nakatayo ngayon sa harapan ko si Tyron, hindi ko naisip na mahahanap niya ako rito, andito kasi ako sa pinakadulo ng library banda naka upo at nagbabasa-basa lang pamatay ng oras.
Nakatitig pa rin si Tyron sa akin na para bang inooserbahan niya ang magiging reaksyon ko sa kanya. Umayos ako ng upo at napabuntong hininga.
"Umupo ka nga, nangangawit ang leeg ko sa iyo," sambit ko sa kanya.
"Siguro sobra ka ng nakukulitan sa akin, nananakit na ang tenga mo sa kakatawag at kakapilit ko sayo para pansinin lang ako. Siguro ayaw mo na din akong kaharap ngayon dahil sa sinasabi ko sayong mahal kita. Siguro ang mga salitang weirdo, creepy at kung ano-ano pa ang tumatakbo sa utak mo habang kaharap mo ako."
Hindi naipagpatuloy ni Tyron ang sasabihin ng bigla akong tumayo para pigilan siya sa sasabihin niya sa akin.
"Hindi totoo iyan. Kahit kailan hindi ako nakukulitan sayo siguro minsan lang, hindi rin totoong ayaw kitang kaharap dahil lang sa mga sinabi mo sa akin. Para sa akin hindi ka kailanman magiging creepy o weirdo. Sa totoo lang na overwhelm ako sa nararamdaman mo para sa akin. Hindi ko sukat akalaing ako ang babaeng matitipuhan mo dahil kahit saan mang anggulo mo tignan hindi ako kagandahan at hindi ako iyong katulad ng ibang mga babae." Huminga ako ng malalim at pinag-patuloy ang sinasabi.
"Ikaw iyong lalaking gagawin ang lahat para sa taong gusto mo at mahal mo. Tinulungan mo pa nga ako eh, patuloy na pinapatawa at pinapatahan kung umiiyak ako at nalulungkot. Naiisip ko lang, Marami namang babae dyan, bakit ako pa? Alam mo naman ang estado ko ngayon diba? May mas babagay sayo na mas gugustuhin ka at mamahalin ka Tyron."
Hindi siya nagsalita at napatitig lang siya sa akin ngayon, inilabas ko lang naman ang saloobin ko dahil ayoko siyang masaktan. Ayokong isipin niya na may pag-asang magustuhan ko siya dahil kahit anong gawin ko ngayon, na kay Renzo na ang puso ko.
"Ikaw lang ang gusto ko," seryosong sambit ni Tyron at hinawakan pa ang dalawa kong kamay ng mahigpit.
"Tyron-" Magsasalita sana ako ng pigilan niya ako, lumingon siya sa kanan niyang direksyon, lilingon sana ako dahil naramdaman kong may nakamasid saming dalawa pero pinigilan niya ako.
"Mahal kita at hindi ako susuko hanggang sa ako na lang ang piliin mo." Bigla akong hinalikan ni Tyron ang tungki ng ilong ko. Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa niya, hindi ko inaasahan na gagawin na naman niya ang ginawa niya noong nakaraan.
"Serena, magkita na lang tayo mamaya sa classroom." Bumulong sa tenga ni Serena si Tyron.
"Hoy, aba't-" dinuro ko siya pero agad siyang lumayo sa akin.
Napaupo ako sa upuan ko at napahawak sa noo ko. Tinanggal ko ang eyeglass ko para punasan ko ang mukha ko na medyo pinagpawisan dahil sa nangyari.
Paano ko ba mababago ang isip ni Tyron?
"Serena." Napalingon ako sa kaliwa ko ng marinig ko ang boses ng hindi ko inaasahang makita ngayon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Renzo na galit na galit ang ekpresyon ng mukha.