Chapter 12
TYRON'S POV
Naglalakad ako mula sa playground at hinahanap ang Yaya ko dahil kanina pa nawawala ng may mapansin akong isang batang babae kaya naman lumapit agad ako.
"Hey why are you crying?" Napatingin ako sa kanya na kaedad ko lang na umiiyak na nakaupo sa damuhan, nakasuot siya ng dilaw na bestida at may terno na dilaw na sapatos. Hindi niya ata ako napansin dahil umiyak pa din siya at ginagamit niya ang likod ng kamay para pahiran ang luha sa kanyang mga mata.
Minabuti kong umupo na rin sa tabi niya, binigay ko ang bimbo na binigay ng Yaya ko kanina. Hindi niya kinuha ang binigay ko, dahil sa nangawit na ang kamay ko ay nilagay ko sa bimpo sa legs niya, hinitay ko na lang siyang tumahan.
"W-why are you look-king a-at m-me?" nagsalita na siya ng hindi masyadong maayos dahil sa sipon na siguro bumabara ilong nito. Nagkatinginan lang kaming dalawa.
"Because you won't stop crying." Sabi ko sa kanya, muli kong kinuha ang bimpo at inabot sa kanya na agad niya namang kinuha para ipamunas sa mukha. Nagulo ang kulot niyang buhok na nakaipit ng ponytail at nakabestida itong kulay dilaw.
"Masakit kasi." Parang maiiyak na naman niyang sambit. Napa-isip naman ako kung anong masakit.
"Ano bang masakit sayo?" tumingin ako ng tinuro nito ang tuhod nitong namumula at may malaking galos.
"Bakit ka nagkaganyan? " hinipan ko ang sugat niya dahil iyon ang turo ni Yaya sa akin na mawawala daw ang sakit paghinipan ang sugat o galos.
"Sinundan ko kasi iyong paru-paro tapos nadapa ako then the girls l-laughed a-at m-me." She started again to cry. Siguro nga masakit talaga ang galos niya sa paa.
"You want my loliipop?" Hindi ko sana gustong ibigay iyong lollipop na nasa bag ko kasi once in a week lang ako pwedeng kumain ng candy sabi Mommy kasi nakakasira daw iyon ng ngipin kaya lang naawa naman ako sa kanya.
Tumango siya sa akin kaya binuksan ko na ang lollipop at inabot ko sa kanya. Ngumiti na siya ng pagkamalaki-laki na para bang hindi na para bang hindi siya galing sa kakaiyak lang. Ang weird niyang bata.
Ngumiti siya sa akin ng pagkalaki-laki at niyakap niya ako at tumawa and that made me smile. It made me smile that someone appreciates my effort even it was that small.
Simula ng araw na iyon, pinangako ko sa sarili kong babantayan ko siya at proprotektahan. Parati kaming magkasama, parati kong siyang tinitignan sa malayo. Dahil sa kanya nagbago ang pananaw ko sa buhay, that even little things matter.
Umalis ako dahil kailangan kong mag-aral sa ibang bansa, wala na akong pamilya sa pilipinas pero pinipilit kong umuwi sa Pilipinas kada bakasyon para makita siya sa malayo. Walang palyang ginagawa ko iyon kahit na minsan ko na lang siyang nasisilayan.
I never had the chance to talk to her again, naging masaya ako sa mga maliliit naming encounter kasi pinangako kong babalik ako kung kelan tama na ang oras para ligawan ko siya.
But I was too late, so damn late. Because now, she is with someone. Akala ko abot-kamay ko na siya dahil malapit na ako pero hindi pa rin pala.
Lumapit ako kay Serena, napatingin ako sa pasa at galos sa katawan niya na unti-unti na ding natatanggal dahil sa ointment na nilagay ko. Tuwing naaalala ko ang ginawa ng mga tarandong iyon sa kanya ay gusto ko silang patayin.
Now I looked at her sleeping soundly like an angel. Abot kamay ko na siya pero pakiramdam ko ang layo-layo niya pa rin sa akin na kahit anong gawin kong abot sa kanya ay parang lumalayo naman siya. I wanted to protect her all the time pero hindi ko magawa.
My first love, the liitle girl has growned up. I always knew she would grow up beautifully and perfectly.
POV- Serena
Nagising ako sa mabagong amoy ng ulam, napabalikwas ako ng bango at narinig kong kumalam ang sikmura ko.
Napatingin ako sa paligid, kakaiba ang lugar na ito. Sa amoy pa lang ng kwartong ito alam kong pagmamay-ari ito ng isang lalaki.
Why the hell am I here?
Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang nangyari kanina. Agad na bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Anong ginawa nila sa akin? Niyakap ko ang sarili ko.
"Calm down, calm down Serena. Okay na ang lahat, walang nangyari okay?" Nakayuko ako at napausog ako papunta sa headboard ng kama. "Ligtas ka na, si Tyron ito Serena." Napatingin ako sa kanya habang may luha pa sa mga mata. Mabilis akong yumakap sa kanya at niyakap siya.
"Aka-la ko-o, a-akala k-ko.." Hindi ko mapigilang humagulgul dahil naalala ko iyong ginawa nila sa akin. I feel so dirty.
"Ssshhh, walang nangyari kanina, pinatalsik ko na sila sa school at sinampahan ko na din sila ng kaso. Wag ka ng mag-alala hindi ko hahayaang makalapit pa sila sayo. They will not dare because I will kill them." napatingin ako sa kanya pinapahidan ng panyo ang mga luha ko sa pisngi.
"Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko dahil sa ginawa nila sa akin," mahina kong sambit.
"Don't say that. Okay? walang nangyari, please huminahon ka na." Huminga ako ng malalim at lumayo sa kanya ng kaunti.
"Tyron, salamat. Salamat sa pagligtas sa akin kung wala ka siguro may nangyari na sa akin." Paulit-ulit kong sinasambit ang salamat kay Tyron dahil natatakot ako kung anong mangyayari sa akin kung wala siya. Kanina hindi ko kayang manlaban, para bang na-blank out ang utak ko.
"I will always be here for you parati mo yang tatandaan. Proprotektahan kita kahit na anong mangyari." Napatingin ako sa kanya, nababasa ko ang sinseridad niya.
"Kaya mo na bang tumayo? wag na pala, kakargahin na lang kita para makakain na tayo at alam kong gutom ka na." Mabilis niya akong binuhat bago ako makapagsalita sa kanya. Hindi na lang ako kumontra dahil masakit rin ang aking katawan.
Binaba niya ako sa upuan ng dining table, nasa condo niya pala kami ngayon. Sinabi na rin niya nacheck na daw ako ng Doctor at galos at pasa lang naman ang natamo ko.
Napatingin ako kay Tyron na kumakain, muntikan na kaong marape kanina pero dahil sa kanya ay nakaligtas ako. Niligtas niya ako sa kapahamakan.
He was there for me, pero si Renzo? ni anino niya di ko man lang nakita. Hindi man lang ba siya nag-aalala sa akin? Malamang hindi, dahil kung oo wala ako ngayon rito.
"O ayaw mo ba ng pagkain na niluto ko?" napatingin ako sa kanya.
"Huh? hindi naman. I mean gusto ko kaya lang wala ako masyadong ganang kumain." kinuha niya ang plato kong may steak at hiniwa iyong ng pira-piraso.
"Hey, hindi mo na kailangan iyang gawin. Kaya ko naman." inagaw ko ang plate ko pero tapos na nitong mahiwa ang lahat.
"I want to do this for you." Napaka-seryoso ng mukha niya.
"Sobrang hiyang-hiya na ako sayo. Salamat sa lahat Tyron."
"Basta para sayo gagawin ko." Kumindat pa siya sa akin at napangiti na lang ako. Simulan ko ng kumain at binalik na rin niya ang tingin sa pagkain.
"Ang swerte ng babaeng makakatuluyan mo." Bigla kong bulaslas sa kanya. Bukod sa sobrang mag-alaga at marunong pang magluto.
"Bakit mo naman nasabi?" Napatingi ulit siya sa akin.
"Kasi napaka-caring mo, mabait, matalino, marunong magluto at maganda ka namang lalaki. Ano pa bang hahanapin ng babae sayo? sayo na ata ang lahat e." Ngumiti ako sa kanya, pansin kong namula siya sa sinabi ko.
"Magugustuhan ba ako ng babaeng gusto ko?" Seryoso niyang tanong sa akin, kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit naman hindi, ang swerte nga niya sayo e." Ngumiti rin ako.
"Ikaw gusto mo ba ako?" Tanong niya sa akin na kinangiti ko naman.
"Oo naman," mabilis kong sagot sa kanya.
"Really?"
"Of course, you're my friend." Nakangiti ko namang saad.
"I'm your friend?" Naramdaman ko ang tamlay sa boses nito pero hindi ko na iyon pinansin dahil baka guni-guni ko lang iyon.
"Yes, ayaw mo ba? Ikaw lang at si Rezzy ang tinuturing kong totoo kaibigan." Napakagat ako sa labi ko at medyo nag-alangan sa sinabi dahil baka ayaw naman niya akong maging kaibigan talaga, kahit naman siguro sino mag-aalangan dahil nagiging pabigat na ako.
"I want to," sagot niya agad sa akin sabay ngiti.
"Great." Ngumiti ako at pinagpatuloy na ang pagkain.
I stayed for another thirty minutes and chatted with him about things. Hindi ko na binuksan ang tungkol sa nangyari kanina dahil sa totoo lang ayoko ding pag-usapan ang nangyari.
"Tyron, I'll go now. Salamat uli sa pagligtas sa akin at sana pabor ko lang na wag ng makaabot ang balitang may nangyari sa akin kay Rezzy." Ngumiti ako at sinukbit na ang bag sa likuran ko.
"I won't tell her, ihahatid na kita." Kinuha niya ang susi siguro sa kotse niya sa side table ng pinigilan ko siya.
"No, I need to go on my own. May pupuntahan din kasi ako." Mabilis kong sabi sa kanya. Gusto ko kasing mapag-isa ngayon para makapag-isip ng maayos.
Wala ng nagawa si Tyron kundi pag buksan ako ng pinto ng condo niya. Lumabas na ako at muling nagpasalamat.
Talagang nagpapasalamat ako kay Tyron, pangalawang beses na niyang pinagaan ang pakiramdam ko at niligtas ako. Nakakahiya naman dahil parati niyang natiyempo na nasa pangit ako na sitwasyon, ayokong nakikita ako ng mga taong ganito dahil mas lalo kong kinakaawaan ang sarili ko.