Chapter 3: Boy Next Door
[Vida's Point of View]
Pagbalik ko sa apartment namin, wala akong ginawa kundi ang magsisigaw dahil sa inis. Mabuti na lang wala ang ibang kasamahan namin dito, kapag sabado kasi nag-uuwian sila.
"Yang Dion na 'yan—bwesit talaga!"
Puro kamalasan na lang ang dala. Shuta.
"Vida? Vida? Open the door."
Agad akong naglakad upang buksan ang pinto nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok.
'Kala ko ba ako lang mag-isa dito?
"H-Hi, Kuya Vincent," medyo nahihiya kong bati sa kan'ya. "Ano ginagawa mo dito?"
Bakas sa mukha n'ya ang pag-alala. Siguro narinig n'ya pagsisigaw ko kanina. Kahiya.
"Wala naman. I just wanted to make sure you're okay. I'll leave now, but please, lower your voice. I'm working on a song," diretso talikod n'ya sa'kin.
Ako naman naiwang balot ng kahihiyan sa katawan.
Kelangan ba talaga na mapahiya ako palagi? Hindi ba talaga makukumpleto ang araw ko 'pag 'di ako nakagawa ng katangahan? Argh. Kasalanan mo talaga 'to Dion.
[Dion's Point of View]
"... You have a lot to say with your eyes.
I'm particularly taken with your frowning expression.
Unique and stunning that you stand out from the crowd."
I read aloud the final stanza of my fourth poem. I've been writing since this morning, and my mind and hands seem to be working nonstop to create poems.
To be honest, sobrang productive ko ngayon. Nakakatuwa na ang daming ideas na pumapasok sa utak ko. Iba talaga 'pag may inspiration ka.
"Hep, hep, hep! Sino kaya ang maswerteng ginagawan ng tula ng anak ko ha?" nagulat ako nang biglang sumulpot si Dad mula sa likuran ko.
"Dad, you surprised me."
"Oh, sorry haha."
He sat next to me on the couch, staring at my notebook.
"Tell me, who is that lucky person."
“Ahh? Hahaha. What exactly are you saying, Dad? "I lied, but it appears that he really knew me well enough that he could predict whether I was telling the truth or not. "Well, actually, uhm... Dad, she's a girl."
"Really? But I'm not interested in whether or not this lucky person is a girl. "
"Gusto ko lang na alam mo, Dad."
"It's okay, Dion. Alam mo naman kung gaano ka namin kamahal, so whoever else you choose, susuportahan lang kita— kami ng Mommy mo."
I hugged him with great joy. He truly is the best father for me. Mom and Dad are the most wonderful parents I've ever met.
They accepted me wholeheartedly after I admitted to him that I am bisexual and had fallen in love with a man. Their feelings for me haven't changed. And they support me in everything I do. So, I always did my best to retaliate against them. I also want them to think of me as the best child. I want to return the love to them. Because they deserve it.
[Vida’s Point of View]
“Hello, sir?... Ano? Gusto mo icancel 'yong painting?... Bakit naman, Sir?"
Napapikit na lang ako nang marinig ang dahilan ng client ko mula sa kabilang linya kung bakit n'ya gustong icancel ang pacommission painting n'ya para sa gf n'ya.
Ugh, kairita. Bawas na naman sa kita ko.
"Sayang naman, Sir. Pero okay lang, naintindihan ko naman...'Kay, bye."
"O, anyare?" kaagad na tanong ni Faye nang mapansin n'ya ang malalim na paghinga ko. Katatapos lang namin ang meryenda, maya-maya babalik na rin kami sa classroom.
"Panibagong kamalasan na naman. Nagback-out 'yong client ko kasi naghiwalay na daw sila ng jowa n'ya. Sabi n'ya masasayang lang daw pera n'ya 'pag itutuloy ko pa."
"Oh, sorry dear."
Hindi dapat ikaw nagsosorry sa'kin, Faye. Dapat 'yong Dion the gonggong. Kasi simula ng nakilala ko s'ya nagsunod-sunod na ang kamalasan na dumating sa buhay ko.
"So, sama ka mamaya? Gagala kami nila Gio at Clyden sa plaza. May variety show daw e."
"Uhh, hindi na siguro ako ako sasama. Kelangan ko pa kasing tapusin 'yong project ko. Ipapasa ko na 'yon sa Friday."
"Okay. Kaya mo 'yan. I believe in you, dear," sabay kindat nito sa akin.
Minsan hindi ko maitanggi na ngayon pa lang nagseselos na ako sa magiging boyfriend nitong kaibigan ko. Ang swerte n'ya.
"By the way, Vida. Kelan mo pala idideliver ang commissioned portrait mo? Yong pinakita mo sa'kin last night. Pwede ba ako sumama?"
"Hindi na. Kaya ko na mag-isa. 'Wag mo na ako alalahanin, ang sarili mo 'yang intindihin mo. Baka kulang-kulang ka pa sa activities, tapusin mo muna bago ka maglayas."
Hindi s'ya makapaniwalang tumingin sa akin kaya tumawa ako ng malakas.
"Fyi, tinatapos ko muna lahat ng gawain ko bago ako gumala no."
"A? Talaga?"
"Yeas! Unlike you biatch!"
Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata habang parehas na nagpipigil ng tawa.
"Whatever biatch! Grades are just a number. It doesn't define my intelligence! My future and who I am! " pagsakay ko sa kalokohan nya.
Sabay kaming humagalpak ng tawa. Gustong-gusto ko talaga 'pag nagkukulitan kami.
"Kaya mo na ba talaga mag-isa? Hundred percent sure?" si Faye mula sa kabilang linya.
"Oo nga. Sure na sure. 'Wag ka na magworry sa'kin."
"Sige, sige. Uuwi na me sa bahay. Take care ha? Mwahh."
Sa buong conversation namin, todo ngiti lang ako. Sino ba naman ang hindi ngingiti 'pag gano'n ang best friend mo diba?
Sobrang kulit n'ya, as in. Gusto nya talaga akong samahan. Palagi ko kasi s'yang kasama sa tuwing magdideliver ako. At ngayon lang, for the first time, wala s'ya. Alam ko kasi na may iba rin naman s'yang kaibigan, at ayaw ko na sumama ang loob nila kay Faye kung ako lang palagi ang papaboran n'ya.
Matapos ang 20 minutes, nakarating din ako sa bahay ng kliyente ko.
"Oh my god! Hon? Ito na ba 'yong worth 3k? Seriously? Ni hindi ko man lang nga kamukha 'yang nasa drawing e," reklamo ng asawa ng kliyente ko.
"Hon, tumigil ka. Pinapahiya mo ang bata," pagsaway namn ng kliyente ko.
Wait what? Bata?
"Ano? Sinasabi ko lang naman ang totoo."
"I'm sorry Ma'am kung 'di ko nareach ang expectation n'yo. Bago ko pa man gawin ang family portrait na 'yan, may mga nakapagkasunduan na po kami ni ng 'Hon' mo. Hindi po ako printer kaya don't expect perfection. Isa pa, sariling style ko ang ang drawing na 'yan, nag-agree na po d'yan ang asawa mo."
"Ugh!" Basta s'yang umalis at pumasok sa loob ng bahay nila. Samantalang naiwan naman kaming dalawa dito ng client ko.
"Pagpasensyahan mo na 'yong asawa ko, bata. Sadyang gano'n lang talaga s'ya kapag may pinupuri akong ibang tao. I know nagandahan din s'ya sa gawa mo, ang cute ng style. Worth it naman ang pera." Napangiti naman ako sa sinabi n'ya.
Ang malas nya, nakaasawa s'ya ng babaeng moron.
"Okay lang po. Palagi naman ako nakakaencounter ng katulad n'ya. Sanay na ako.”
Pagkatapos ay nagpasalamat sya sakin at ganon din ako.
Challenge accepted. Yes, isa talagang malaking challenge ang pagharap ko sa mga client ko. Hindi kasi lahat pare-pareho ng ugali. Yong iba mabait naman, ang iba ang sungit. At tbh, kung sino pa talaga 'yong hindi kagandahan at kagwapohan, sila pa 'yong may pagkasama-samang ugali. Tulad kanina. Tss.
Paalis na ako nang napatingala ako at napansin ang lalaking nakaupo doon sa may terrace, kapitbahay lang ng kliyente ko. Shuta? Si Dion the gonggong ba 'yon?? Kaya naman pala malas ako ngayon, nandito lang pala s'ya sa paligid.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kumukulo na naman ang aking dugo. Tiningnan ko ang hawak kong plaatic bottle na may laman pang tubig. Napangisi ako sa sariling naisip. Lanpgot ka talaga sa'kin, Dion the gonggong.
Bumwelo ako ng kaunti at saka buong pwersa na ibinato ang plastic bottle doon sa terrace kung saan nakapwesto ang lalaking sobra kong kinaiinisan. Hindi ako sure kung natamaan ba s'ya or hindi dahil dali-dali na akong tumakbo paalis. Ang mahalaga nakaganti na ako sa kamalasang dulot n'ya sa buhay ko.