Chapter 30

"Lang, mauna ka na sa baba, ha. Susunod lang ako. May kailangan lang akong gawin."

Hindi na niya hinintay ang sagot mula rito at nagmamadaling bumalik sa trail. Nasa kalagitnaan na sila ng daan papunta sa pinagparkan ng kotse ni Langdon. Kailangan niyang bumalik dahil may nakalimutan siyang mahalagang gawin.

Hinanap niya ang pinakamalaking puno ng molave kung saan may ibinaon silang magpipinsan bago pa man nangyari ang mga nangyari. Nangako silang huhukayin ito sa takdang panahon kapag nagkita uli sila.

Kumuha siya ng matulis na kahoy at nagsimulang sulatan ang katawan ng puno.

CIN WAS HERE.

Pagkatapos niyon ay nakangiting sinundan niya ang likod ni Langdon. Hindi pa sa ngayon ang tamang panahon. Alam niyang sabay-sabay nilang kukunin ang kahong iyon kapag nakumpleto na sila rito sa Monte Vega na buhay at masaya.

"What did you do?" he asked when they're on the road.

"Secret," nakangiting sagot niya rito.

He just shrugged and continued driving. Hindi tulad kahapon na dinaldal siya nito, ngayon ay balik na uli sa tahimik na Langdon ang lalake kaya nagkasya na lang siya sa pagsulyap-sulyap dito.

"Lang, ano b—"

"After I drop you off at house, I need to be away for the rest of the day. I need to be in my post-wedding celebration with the families," he informed her without even looking at her.

Parang nalulon niya ang dila sa narinig. Nawala ang malaking ngiti sa labi niya na agad din niya namang ibinalik.

"O-Okay. Walang problema, Lang. Take your time. A-Ano... Sa bahay mo lang ako. Hihintayin kita dun."

Naikuyom niya ang mga kamay para pigilan ang pag-iinit ng mga mata. Tumingin siya sa labas ng bukas na bintana at hinayaang tangayin ng hangin ang namuong luha sa gilid ng mga mata.

"May gusto kang kainin mamaya pag-uwi mo? Hindi ako ang magluluto, promise. O-order ako para sa iyo."

Umiling ito. "No need. I'll come home late."

"Ganun ba. Okay, Lang."

Hindi na siya nagtangkang magbukas pa ng usapan. Mukhang wala rin naman kasi sa mood si Langdon na makipag-usap sa kaniya ngayon. She wondered why he suddenly became cold. Kagabi nga lang ay kay-init ng pinagsaluhan nila.

Nang ibaba siya nito sa tapat ng bahay ay hindi muna siya agad na umalis papasok. Bahagya niyang ipinasok niya ang ulo sa at binigyan ng pinakamatamis na ngiti ang binata. Ayaw niyang maghiwalay sila ng landas ngayon na hindi maganda ang timpla ng isa't isa.

"Mag-bi-bring home ka, Lang?"

His forehead formed into a knot. "Bring home what?"

"Bring home. Iyong magdadala ka ng pagkain mula sa handaan. Bring home ang tawag sa amin nun. Bring home ka ng pagkain mula sa handa. Paella at lumpiang shanghai ang gusto ko kung meron."

Mas lumalim ang gatla sa noo nito. "What? You could just order that. Why would you want me to bring you some leftovers?"

Lumayo na siya sa bintana at inayos ang salamin. "Mas masarap ang pagkain kapag bring home." Nakangiting kinawayan niya ito. "Ingat ka sa pagda-drive. 'Wag kang mag-aalala at aalagaan ko ang bahay mo habang wala ka."

Ilang segundo lang siya nitong tinitigan na para bang may gusto pa itong sabihin ngunit sa huli ay umiling na lang ito sabay taas ng sulok ng bibig. Bumusina ito sa kaniya bago tuluyang pinaandar ang kotse.

Naglinis lang siya ng bahay nito buong araw. Diniligan niya nang naaayon ang mga bulaklak sa garden saka naglaba ng mga maruruming damit. Nang wala nang magawa ay nahiga siya sa carpet sa sala at natulog. Nagising siya ng bandang hapon at nananghalian. Kanina pa niya tsinitsek ang cellphone para tingnan kung may message ba si Langdon pero wala siyang natanggap kaya ginugol niya na lang ang mga oras sa pagtitig sa mga pictures na kinuha nila sa rock formation.

Nagbasa siya ng mga hindi natapos na libro bilang pampalipas-oras. Pagsapit ng alas-otso ng gabi ay kumain na siya ng hapunan.

Tiningnan niya ang orasan at nanlumo. Mag-a-alas dose na pero wala pa rin si Langdon. Kanina niya pa sinusubukang matulog pero hindi siya dalawin ng antok kaya ang ginawa niya ay lumabas siya ng pinto at naupo sa damuhan.

"But I don't have any right to feel like this when I don't have the entitlement. Sino lang ba ako sa buhay ni Langdon. I'm just nothing," bulong niya sa sarili habang nakapangalumbaba na nakatingin sa napakaliwanag na buwan.

Tahimik na ang buong subdivision. May mga kaluskos siyang naririnig sa paligid pero hindi siya natatakot dahil alam naman niyang galing lang iyon sa mga aso at pusa na nakakalusot sa mga guards. Isa pa ay maliwanag ang bakuran ni Langdon kaya wala siyang dapat na ipag-alala.

Tumayo na siya para sana bumalik sa loob nang marinig niya ang kilalang tunog ng kotse ni Langdon. Parang nabuhay ang kanina ay malungkot niyang katawan at excited na binuksan ang gate.

"Lang!" masayang salubong niya sa kakababa pa lang na lalake.

His long tired face looked up to her to give her a small smile but it's only a fragment of a second before she caught of an immense fear in his eyes.

With only two big leaps, Langdon managed to come up to her, hugged her, and pinned her to his body as they roll across the cement ground when bullets started raining on them.

Agad na inalipin siya ng takot. Muling nanumbalik ang mga alaala noong panahong sinugod sila ng mga armadong lalake sa bahay.

Nakita pa niyang binunot ni Langdon ang baril at pinaputukan ang direksiyon ng bakanteng bahay sa kabila nila pero wala na silang narinig na counter fire mula rito.

Sinapo nito ang mukha niya at nag-aalalang tiningnan ang buong katawan niya.

"Are you okay? Cin, answer me. Are you okay?" Niyugyog nito ang balikat niya nang hindi siya nakasagot dahil sa nanginginig na bibig.

"Did you get hurt? Any wound?"

Itinayo siya nito at muling tsinek ang buong katawan niya. Nag-angat siya ng tingin kay Langdon para sabihing ayos lang siya nang mapansin niya ang dugong tumatagas sa t-shirt nito mula sa balikat.

"M-May sugat ka, Lang. May sugat ka..."

He just stared at his wound nonchalantly as if it's just a normal day to day happening to him.

"It's nothing. Come on. Pumasok muna tayo sa loob."

Ito pa ang umalalay sa kaniya kahit ito ang may sugat. Nang makaupo na silang dalawa sa sofa ay doon na siya natauhan.

"Dito ka lang. Kukuha ako ng first aid."

Mabilis siyang tumayo at nagpunta sa CR kung nasaan ang kit nito. Sa ilang araw na niyang paglilinis ay alam na niya kung saan pinaglalalagay ni Langdon ang mga bagay nito.

"Bakit mo kasi sinalo ang bala? Tingnan mo at hindi tumitigil sa pagdurugo. Punta na tayo ng ospital, Lang." Pinahid niya ang luha gamit ang braso at nagpatuloy sa pagduldol ng bulak na may betadine sa sugat nito. "Hindi ko na kaya ang makita kang nasasaktan. Tara na, please. Please."

May gana pa itong tumawa nang tumulo ang uhog niya sa damit nito. "Daplis lang iyan. I can tell. Bukas na ako pupunta sa clinic pagkatapos nating umalis dito."

"Aalis na naman tayo?"

Naging seryoso ang mukha ni Langdon. "That man is after me, Cin. It's dangerous to stay here." Tinapik nito ang kaniyang pisngi. "Being with me can get you killed so you must think again if you really want to be with me. I can't protect you forever from that guy and the other guys that will come for my head. Fuck, I don't even know if I can protect you from myself."

Balewalang kinuha nito ang hinubad na t-shirt saka tumayo at naglakad papunta sa main door.

Naalarma siya kaya tumayo na rin siya. "Lang, saan ka pupunta?"

"Don't worry. I'll just get your bring home food. I'm doing you a great favor, Cin. It's embarrassing to ask for it but I still did."

Pumikit siya at hinayaang mahulog ang luha saka mahinang natawa habang pinapahid ito. Langdon never fails to make her feel so many contradicting emotions.

Iniligpit na niya ang mga benda at bulak na nagamit saka itinapon sa basurahan. Hindi siya naniniwalang si Langdon ang sadya nito. May kutob siya na siya talaga ang target ng killer. Nagkataon lang na dumating si Langdon.

"Mas ako yata ang nagpapahamak sa buhay mo, Lang."