Chapter 33: Paglilitis

PAGKALABAS ni Cloud sa sala ay nakita niya agad si Tony at ang tauhan nito. Gabi na at alam niyang hindi pa nito nabalitaan ang nangyari sa tao nito. Nang magsalubong ang kanilang paningin ay umangat ang isang sulok ng kaniyang labi at makahulogang tingin ang ipinukol sa ginoo.

Hindi nagpapatinag na sinalubong ni Tony ang kakaibang tingin sa kaniya ni Cloud. Ang sa kaniya naman ay nanghahamon tingin kasabay ng pagngisi. Kailangan na makita siya sa lamay bilang kapartido sa politika at kaibigan na rin ni Conrad. Marami ang umaasang mamayan sa kaniya na mabigyan niya ng hustisya ang pagkamatay nito.

Hindi pinansin ni Cloud ang bulong-bulongan ng mga mamayan na nagmamahal kay Conrad. Hindi maganda ang tingin sa kaniya ng karamihan dahil naniniwala sa mga maling balitang ikinakalat ng tauhan ni Tony. Bukas ng umaga na ang sunod na hearing ng kaniyang kaso at sa hapon naman ang libing.

Tinawag ni Tony ang isa sa tauhan nang may mapansin. "Nasaan ang kasamahan ng hambog na abogado?"

"Nakita ko pong umalis kanina ang isa at hindi nasundan ng tao natin."

"Hindi ba at ang bilin ko ay dapat alam ninyo ang bawta kilos nilang lahat?" iritado anas ni Tony upang walang ibang makakarinig.

" Sorry po, Congressman. Sobrang bilis niyang kumilos at nagawang iligaw ang tao natin."

Naggalawan ang panga ni Tony kasama ang ilong habang masama ang tingin sa nakatalikod na si Cloud. Mukhang bakal ang kalooban nito at hindi manlang naapiktohan sa lantaran na pagkaayaw ng taong-bayan dito. Nagtagumpay siyang sirain ito sa karamihan at naniwala ang mga tao sa bentang na ang abogado ang mastermind ng lahat kung kaya namatay si Conrad.

Lihim na napangisi si Cloud nang makitang abala si Tony sa pag-asikaso sa mga politikong dumating. Hinayaan niya lang itong maging bida sa harap ng lahat. Umaayon sa kaniya ang pagkakataon upang hindi nito maisip na kamustahin ang pinatrabaho nito sa tauhan nito sa kulongan.

Kinabukasan ay maagang naghanda sina Cloud upang dumalo sa paglilitis. Pwede naman sila mag-request upang ipagliban ang hearing dahil biyanan niya ang namatay. Pero ayaw na rin niyang patagalin pa ang lahat. Sila ang nauna sa loob ng hukuman at kampanting umupo habang hinihintay ang pag-uumpisa. Kasama niya sina Dexter, Jeydon at Micko.

"Tumayo ang nasasakdal!" tawag ng taga hukom, sunod na tinawag ang isinakdal.

Nagkaroon ng kumosyon sa paligid lalo na nang makita ang kakisigan ni Cloud nang tumayo ito kasama si Jeydon na kanyang abogado.

Tulad sa mga serimonyas sa hukoman, nanumpa pareho ang magkabilang kampo na pawang katotohanan lamang ang sasabihin. Ang pulis na siyang sumugod sa bodega ang unang isinalang. Ito ang nagdidiin kay Cloud na siyang nagbigay umano ng maling impormasyon sa kanila, na may illegal na kargamentong nakatambak sa isang bodega. Idinagdag pa na sinadya iyon upang ibentang umano sa iba ang planong pagpatay kay mayor Conrad.

"Your, Honor. Isa sa mabigat na dahilan kung bakit gusto mamatay ni Mr. Mist, si Mayor Conrad ay dahil sa paghihiganti."

Umogong ang bulong-bulongan sa paligid na naroon sa loob ng hukuman nang marinig ang salaysay ng abogado mula sa kabilang kampo.

Napatingin ang lahat sa gawi nila Cloud, maging ang judge ay napatingin sa mga ito at hinihintay na pabulaanan ang sinabi ng kalaban. Natahimik sila dahil walang reaksyong nakuha mula sa kabilang panig. Kampante lang ang mga ito na nakaupo at nakikinig sa patutsada ng kalaban.

"Continue!" utos ng taga hukom sa abogado makalipas ang isang minuto.

"Your, honor, ito po ang mga patunay na si Mr. Mist ang utak ng lahat na pagkamatay ni Mayor Conrad." Inabot ni Gab, ang abogado ng kalaban sa judge ang ilang papelis.

Matapos magsalita ng witness ay si Cloud naman ang pinaupo upang tanongin ni Gab.

Pinatayo si Cloud at pinaupo kung saan isinasalang ang kriminal. Sa kabilang banda ay ang tumatayong witness umano laban kay Cloud

"Sagutin mo ang tanong ko, ikaw nga ba ang nag-utos sa isang taong ito upang magbigay ng maling impormasyon?" naninindak na tanong ni Gab kay Cloud at iniharap dito ang nakaguhit sa isang malinis na papel.

"No." Flat ang tono na sagot ni Cloud.

"So hindi mo siya kilala?" Nakangisi na tanong muli ng abogado kay Cloud. Inilabas nito ang larawan ng isang lalaki na iginuhit. Iyon ang describe ng taong nahuli at hindi nila mahanap hanggang ngayon ang nasa larawan.

Nagulat si Cloud ngunit hindi nagpahalata nang iharap sa kanya ang larawan ni Wigo. Sa drawing ay maari niyang pabulaanan na hindi si Wigo iyon. Ngunit alam niyang may iba pang hawak ang mga ito kung kaya kailangan niyang maging maingat.

"Bakit hindi ka makasagot?" nang-uuyam na tanong muli ng abogado kay Cloud.

"Ulitin mo ang tanong mo ng mas malinaw." Utos ng taga hukom kay Gab.

" Inuulit ko, kilala mo ba ang lalaking ito?"

Diritso ang tingin sa abogado na sumagot si Cloud." Kilala ko siya."

"Narinig niyo po your, honor, kilala niya ang lalaking nasa larawang ito." Iniharap ni Luis ang larawan sa lahat na naroon.

"Straight to the point, huwag ng paligoy-ligoy." Hindi napigilang naibulalas ni Jeydon ang nasa isip nito. Kibit-balikat at ibinalik ang tingin sa binabasang papel nang mapatingin sa kanya ang lahat, maging ang hurado.

"Ano ang connection ng larawan na iyan sa kaso?" Malakas ang boses ngunit mahinahon ang timplado ng tono na tanong ng judge kay Gab.

Napatikhim muna si Gab bago humarap sa taga hukom. Hindi iyon ang inaasahan niyang isagot ni Cloud sa kanya kanina. Biglang lumihis ang plano niyang pagdidiin dito ngayon. "Your, honor, kanina lamang ay sinabi na hindi niya kilala ang lalaki na iginuhit—" natigil ito nang umubo si Jeydon na tila nagpipigil na tumawa.

"Your, honor, ang nasa drawing at ang nasa larawang ito ay iisa." Mabilis na niyang isinawalat ang lahat dahil bigla siyang naasar sa kakaibang ngiti na naglalaro sa labi ni Cloud.

"Objection, your, honor," Pumatlang si Jeydon. "Hindi po kasalanan ng aking kliyente kung bakit hindi niya nakilala ang mukhang nakaguhit sa papel."

"Oo nga naman," bulong ng ilan na naroon nang makita ang drawing na mukha ni Wigo.

"Objection sustained!" Pumokpok ng isang beses ang judge. "Ipagpatuloy mo ang paglalahad ng impormasyon." Utos nito kay Gab.

Naglapat muna ang mga ngipin ni Gab bago nagsalitang muli. "Ayon sa aking nakalap na impormasyon your, honor, nakipagkasundo si Miss Ellah Rha Kho kay Congressman Tony upang linlangin si Mr. Mist."

"Sa anong dahilan?" curious na tanong ng judge kay Gab.

"Your, honor, dahil po sa kayamanan na kinamkam ni Mr. Mist. Upang mabawi ang mana, kailangan ni Miss Ellah na pakasalan ito."

"Objection your, honor," tumayo si Jeydon hawak ang isang dukumento upang kontrahin ang kabilang panig. "Wala po silang sapat na ebedensya sa paratang nila sa aking kliyente.

"Hindi po totoo iyan, your honor, may witness po upang patunayan ang lahat ng sinabi ko."

"Your, honor, hayaan niyo pong linisin ko ang pangalan ng aking kliyente sa kanilang bentang." Pakiusap ni Jeydon sa taga hukom at pinagbigyan naman siya.

"Ito po ang patunay na pawang kasinungalingan lamang ang bintang nila sa aking kliyente." Inabot ni Jeydon sa judge ang folder kung saan nakasaad na si Cloud ang itinalaga ni Don Felipe na humawak pansamantala sa kompanya ng mga Kho.

Matapos mabasa ng isang hurado, ipinasa niya ito sa pinunong taga hukom. Tinawag nito si Gab at pinakita ang hawak na dukomento.

"Your, honor," pagsisimula muli ni Gab. "Madali pong mapalabas ang ganyang bagay. Pero paano ninyo masabi na wala siyang kinalaman sa nangyaring gulo sa bodega na naging sanhi ng pagkabaril kay Mayor Conrad? Ayon po sa nakalap kong ebedensya, si Mayor Conrad po ang dahilan ng pagkawala ng isang apo ni Don Felipe. Hindi kaya magkasabwat sila upang ipaghiganti ang nangyari sa isang apo nito?"

"Magdahan-dahan ka sa mga bentang mo sa aking kleyente, Mr. Gab dahil pawang kalkulasyon lamang ang iyong pinanghahawakan." Aroganteng turan ni Jeydon na ikinatahimik bigla ng abogadong katunggali.

Humulma ang matipid na ngiti sa labi ni Cloud habang nakikinig sa diskasyon. Natutuwa siya at nakuha na ni Jeydon ang ilan sa strategy niya sa pagharap sa hukoman.

"Paano mo nasabing siya ang dahilan ng pagkawala ng isang apo ni Don Felipe?" hindi na nakatiis na tanong ni Micko na kanina pa nanahimik sa kinaupuan.

"Hindi ko kailangang sagutin ang tanong mo." Nakangisi na sagot ni Gab kay Micko nang makabawi.

"Order on the court!" Ipinukpok ng hurado ang hawak na gamit sa paghuhukom upang patigilin ang iringan ng magkabilang panig.

Nagpatuloy si Gab nang inutos ng hurado. "Your, honor, may illegal gambling na pinamamahalaan ang namayapa ng si Mayor Conrad. Hawak ko po ang lahat ng katibayan. Ito ang dahilan kung bakit nalaman na siya ang puno ng lahat ng paghihirap ng kalooban ng pamilyang Kho."

"Maganda ang naisip nila," bulong ni Dexter kina Micko at Jeydon. " Ipapasa niya ang lahat ng krimen na ginawa sa isang taong wala na."

"Sarap nilang tirisin." May kasamang gigil na bulong ni Jeydon.

"Relax, hayaan muna natin sila sa oras na ito." Tinapik ni Micko sa balikat si Jeydon.

Natapos ang hearing ng araw na iyon at lamang ang kalaban. Sinadya ni Tony na sabayan si Cloud pagkalabas ng court.