Chapter 31: Kabaliwan ni Wigo

''DIYAN ka!"

"King ina!" napamura si Wigo nang kamumtik na mapasubsob ang mukha sa sahig nang pabalya siyang ipinasok sa kulongan ng pulis. "Shit!" Kinanpa niya ang sariling mukha kung malaking sugat ba ang natamo niyon. Nakipag suntokan siya kanina sa isabg pulis at mukha pa niya ang pinuntirya ng lalaki.

"Sa susunod ay kilalanin mo kung sino ang binabangga mo ha!" Dinuro ng pulis si Wigo, may sugat din ito sa labi dahil pumotok iyon nang suntokin ni Wigo.

''Ulol! Isa kang salot na pulis!" bulyaw ni Wigo sa pulis. Asar siya rito dahil nasira ang plano niya na pumasok sa kulongan na pogi pa rin ang mukha. Sa halip na magpanggap na lasing at hamunin lang ito ng away, diritso rambol siya dito dahil nakita niyang tangkang panghahalay nito ng dalagita sa liblib na lugar. Pasalamat ito dahil may dumating na ibang tao, kung hindi ay baka durog ang mukha nito sa kanyang kamao. Malas nga lang at nabaliktad ang sitwasyon. Siya ang lumabas na rapist, ang dalagita ay ayaw sumagot nang tanongin dahil sa takot.

"Sa tingin mo ay may maniwala sa paratang mo sa akin?" maangas na bulong ng pulis kay Wigo upang walang ibang makarinig,

"Hintayin mo lang na makalabas ako dito, pakapalin ko lalo iyang nguso mo!"

Bahagyang napaurong ang pulis palayo kay Wigo at sinalat ang makapal na labi. Masama ang tinging ipinukol sa huli bago tumalikod at iniwan ang binata.

"Huwag ka nang mag-aksaya ng lakas diyan."

Napalingon si Wigo sa nagsalita mula sa kanyang likuran. Biglang nawala ang init ng ulo nang makilala ang lalaki. Balita niya ay ilipat na ito sa pribadong kulongan mamaya kung kaya tama lang ang kanyang dating.

"Kilala mo ba ako?" tanong ni Ted sa bagong dating na lalaki nang tumitig ito sa kanya. Sa hitsura nito ay alam niyang hindi ito kriminal katulad niya.

"Kumusta po kayo rito?" Wala ng paligoy-ligoy na tanong ni Wigo sa ginoo. Pinindot niya ang maliit na button nakakabit sa suot na tali sa kanyang braso. Tumikhim siya nang lumingon ang bantay sa gawi nila. Sumandal siya at nagkunwaring pagod.

Gustong matawa ni Ted nang imulat ng 'di niya kilalang lalaki ang isang mata habang nakatingin sa gawi ng bantay sa selda na kinaroonan nila. Nang masiguro nitong hindi na nakatingin sa kanila ang bantay ay marahan itong lumapit sa kanya.

"Kunin mo po ito," iniwas ni Ted ang braso sa kanya at ayaw magpahawak. "Kakampi mo po ako at sinadya kong makapasok dito upang makausap ka." Paliwanag niya sa huli upang alisin amg agam-agam sa isipan nito.

"Paano ako nakakasiguro na nasa panig kita?" nagdududa pa ring tanong ni Ted sa lalaki. May protection siya sa loob bilang isang may katungkulan sa gobyerno ngunit wala pang pwedeng makalapit sa kaniya na taga labas.

"Tauhan po ako ni Lights."

Nabuhayan ng loob si Ted sa narinig, muli niyang naitikom ang bibig nang suminyas ang lalaki na huwag maingay. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang buhay ang kaniyang pamangkin. Hindi pa niya alama ang lahat pero kailangan niyang magtiwala sa pamangkin. Kapag nakalabas siya dito ay siguradohin niyang managot ang dapat managot. Mabilis niyang inabot ang simpleng relo na binibigay sa kanya ng lalaki. Sa unang tingin ay kapareho ng suot niyang relo. Hinubad niya iyon at ipinalit ang ibinigay sa kanya ng lalaki.

"Hindi siya makalapit sa iyo at diyan ka niya kokontakin."

Tikom ang bibig na tumango si Ted, hindi na niya inalam ang pangalan ng kausap. Wala siyang ibang mapagkatiwalaan ngayon sa lugar na iyon dahil na frame up siya. Mukhang pinalano ang lahat at wala siyang kaalam-alam na kapahamakan ang kanyang pinunta roon.

"Huwag po kayo mag-alala sa kapatid mo dahil nasa mabuting mga kamay siya." Bulong muli ni Wigo habang nakayuko dahil nakatingin sa kanila ngayon ang bantay.

''Hoy," duro ng bantay kay Wigo. ''ano ang binubulong mo diyan?''

"Problema mo kung bumubulong ako?" pabalang na sagot ni Jeydon sa bantay.

Hindi na muli nakapag-usap ang dalawa dahil dumating na ang sundo ni Ted upang ilipat ito ng ibang kulongan.

"Pindutin mo lang po ang nasa gilid ng relo upang makausap siya." Pabulong na bilin ni Jeydon kay Ted bago pa ito makalayo sa kanya. Nang wala ng tao sa paligid, itinapat sa taenga ang isang braso.

"Kailangan mong makapasok sa kulongan ng taong nagpanggap na doctor." Tinig ni Cloud mula sa kabilang linya.

"Gawan mo ng paraan, Boss." May kasamang sipol na sagot ni Wigo.

"Mamaya ipapaayos ko ang lahat. Alam mo na ang dapat mong gawin."

Sinuri ni Wigo ang sarili habang iniisip ang nabuong plano. " Tss! Wala sanang chix makakita sa kabaliwan na gagawin ko." Naibulong niya sa sarili matapos mabuo sa isipan ang sunod na gagawin mamaya.

"Siya na ba?" bungad na tanong ni Cloud pagkapasok sa loob ng isang silid.

"Sino kayo?" tanong ng lalaki sa kawalan dahil may piring ang mga mata nito.

Inalis ni Cloud ang takip sa mata ng lalaking pulis. Hindi siya makilala ng lalaki dahil tanging mata lang ang makita sa kanya.

"Sino ka at ano ang kailangan mo sa akin?'' galit na tanong ng lalaki kay Cloud.

''kilala mo ba siya?'' Turo ni Cloud sa dalagita na nakaupo sa isang sulok.

Sunod-sunod na napalunok ng sariling laway ang pulis nang mamukhaan ang dalagita. Ito ang babaeng balak niyang gahasain kanina.

''Balita ko ay marami ka ng nabiktimang rapist ka." Pasabunot na hinawakan ni Cloud ang buhok ng pulis.

"Sino ka ba? Ano ang kailangan mo sa akin?" bakas sa tinig ng lalaki ang kaba ngunit hindi dumaing sa sakit.

"Hindi kita ipapakulong kung sundin mo ng maayos ang aking iuutos," Napangisi si Cloud nang tumango ang pulis. Ang dali lang nito mapasunod. "May gantimpala ka pa sa akin at siguradohin kong ligtas ang iyong pamilya kapag nasunod mo ang aking utos.

"Paano ako makasiguro na hindi mo ako lolokohin?" diskumpyadong tanong nito sa hindi kilalang lalaki.

"Kilala mo naman siguro siya 'di ba?"

Sinundan ng pulis ng tingin ang itinuturo sa kanya ng kausap. Bahagyang nakabukas ang pintuan na kinaroonan nila. Kahit hindi buo ang mukha ng lalaking nakikita na nakatayo sa labas ng pintuan, kilalang-kilala niya ito.

"Siguro naman ay alam mo kung paano siya magalit?" nakangisi na wika ni Cloud. "Walang ibang dapat makakaalm nito, maliwanag ba?"

Mabilis na tumango ang pulis, nang alisin na ng lalaki ang tali sa kaniyang kamay ay agad ding siyang umalis upang sundin ang utos ng hindi kilalang tao. Bumalik siya sa kulongan dahil minamadali na ang trabaho.

"Hoy, ikaw!"

Napangisi si Wigo nang marinig ang tawag sa kanya ng pulis na siyang nagkulong sa kanya roon.

"Ano na naman ang gagawin mo sa kanya, kakusa?" palatak na tanong ng bantay sa selda.

"Baliw ang lalaking iyan kung kaya kailangan niyang mailipat sa kabila."

"Alam ba ito ni Warden? " diskumpyadong tanong muli ng bantay sa pulis.

"Gusto mo bang mapatalsik ni Congressman?"

Lihim na natawa si Wigo habang pinapanuod ang pagtatalo ng dalawang lalaki sa kanyang harapan. Tinulongan na niya ang pulis upang mapadali ang paglipat sa kanya.

"Psst!" mahinhin at malamyos ang tinig na tinawag ang bantay. Gusto niyang mapabunghalit ng tawa nang tila nandiri ang tinging ipinukol sa kanya ng lalaki.

"Nangangati ako, baka pwedeng ikaw na ang kumamot?" May kasamang kindat na dugtong ni Wigo habang itinataas ang laylayan ng suot na t-shirt.

"Ilipat mo na iyan bago ko pa siya magawang punching bag." Kinikilabutang pahayag ng bantay. Hindi siya makapaniwala na bakla ang huli dahil malaking tao ito. Kahit sira ang damit at madungis tignan, alam niyang magandang lalaki ito kapag nabihisan.

"Bye, fafa!" Kumimbot si Wigo bago inakbayan ang sundo niyang pulis. Feeling close siya ngayon dito kahit ang totoo ay gusto na niyang balian ng leeg ang huli.

"Umayos ka!" Siniko ng pulis ang tagiliran ni Wigo. "Pasalamat ka at malakas ang kapit mo sa itaas. Gago ka, iisa lang naman pala ang likaw ng bituka natin pero kinanti mo ako!"

"Mas gago ka! Huwag mong ihanay ang bulok mong bituka sa bituka ko!" angil ni Wigo dito sa mahinang tinig lamang.

"Gusto mong butasan ko iyang tagiliran mo?" maangas na tanong ng pulis nang hinigpitan ni Wigo ang pagkaakbay sa kanyang balikat.

"Huwag kang mag-aksaya sa walang kwentang bagay." Dinig ni Wigo na sita sa kanya ni Cloud, mula sa maliit na chips na nakasiksik sa loob ng kanyang taenga.

Pagdating sa loob ng isang selda kung saan naroon ang taong may problema sa pag-iisip ay hinanap agad ni Wigo ang taong sadya niya roon.

"Kumusta, pinadala ako ni Congressman dito." Malapad ang pagkangisi na bati niya sa lalaking nakatulala sa isang tabi. Alam niyang nagbabaliw-baliwan lamang ito.

"Ilalabas na ba ako dito?" tuwang-tuwa na tanong ng kriminal kay Wigo.

"Pinagplanohan na kung paano ka mailabas dito. Huwag ka munang makipag-usap kahit kanino na narito upang hindi mabulilyaso ang plano."

Sunod-sunod na tango ang naging tugon ng kausap ni Wigo. "Sundin mo lang lahat ng iutos ko sa iyo." Bulong ni Wigo sa lalaki. Hindi pa uminit ang pang-upo ni Wigo sa kinaupuan nang may ipinasok na bagong kriminal sa kanilang selda. Isang tingin pa lang niya rito ay alam na niyang hindi ito gagawa ng kabutihan. Pinag-aralan niya ang bawat kilos nito na palihim kung tumingin sa lalaking puntirya niya.