Chapter 27: battle of the sexes

Kinabukasan, naka uniform lahat ng pam PE ang mga estudyante, puno ang oval, green, orange, blue at red ang colors of the day. May drum and bugle pa na nag peperform at raising of colors. Bawat year ay nakahila in two single line, line ng mga lalaki at line ngmga babae, pili din lang ang mga kasapi dito. Ang magnificent 8 ay spectator lang, pahinga muna sila.

Ang pinakaaabangan ng lahat ng mga estudyante ay ang battle of the sexes, di na academic kungdi pisikal na competition. Napaka festive ng ambiance, may dance perfdormane ang freshmen at halos lahat ng estudyante ay umiindak sabay sa mga performer, may nag circus din at nag karoon ng stand up comedy na palabas bago nag start.

Ang palaro ay pinaghalong first, second third at fourth year na estudyante, may mga numbers na assigned kaya wala kang pipiliin kungdi numero.

Bago eto magsimula ay parang mini olympic may torch na hawak ang bawat representatives ng bawat year, , magsisimula sa gate ng eskwelahan, iikutin nila ang oval hanggang sa grandstand kung saan nila pasisiklabin ang nasa malaking tila palanggana.

Dumating si Principal Del Mundo at siya ang naghudyat ng start of the game.

“Lets’ the Game begin!” Sigaw nya sa microphone, palakpakan ang lahat.

Ang unang palaro ay kinabibilangan ng 15 lalaki at 15 babae sa bawat year at tinawag nila etong fill the basket.

Ang mekaniks ng laro ay sa bisig ng 2 lalaki uupo ang isang lalaki hawak ang basket at mga plastic na prutas, may malaking basket sa unahan at kailangan punuin nila un ng mabilisan.

“Three, Two, One! Go! Sigawan ang mga estudyante, di sila magkamayaw sa kakatawa at kakatalon sa bawat may nalalaglag na babae, kapag nalaglag kasi ay babalik ka uli sa base.

Nanalo sa paunang palaro ang mga mga lalaki, marahil magagaan sila at maliliksi.

Sunod na palaro. Fill up the hole.

Ang mekaniks ay tulad ng una 10 babae naman at 10 lalaki, sakay sa bisig din at iikot muna sila sa nakalagay na limang gulong ng sasakyan at isa isa silang ipupuwesto sa gulong, malayo layo din ang pwesto ng mga gulong. Mga babae naman ang panalo dito.

Sinundan eto ng relay games, bursts the balloon, the boat is sinking, the bouncing ball, dress me at marami pa.

Malaki ang rizal high grounds kasya halos 3 games sabay sabay ginaganap, naghanda sila ng 12 games.

Masayang masaya ang mga bata, habang ang magnificent 8 sy nanunuod lang at sumisigaw din bilang suporta. Naghahampasan, naglalandian, sumisigaw at napapatalon din kapag nanalo ang mga kabaro nila.

Maya maya may natumbang estudyante, napagod yata at hinika, isinugod agad sa clinic pero tuloy pa din ang palaro.

“Panalo mga girls!” Sigawan ang mga babae.

Nagwagi sa battle of the sexes ang mga kababaihan.