Chapter 26: Declamation Contest

“Announcement, declamation contest will follow after the debate contest.” sabi ni Mam Edwina.

“Si Chris po, Mam Edwina ang panlaban natin uli.” Sabay sabi ni Carl at Andrea.

Katatapos lang ng Debatehan na pinagwagian ni Verna, ay declamation naman ang kasunod, ang panlaban ng grupo ay si Chris. Si Chris ay champion palagi sa declamation simula pa ng first year. Sinabihan sya ng Class adviser na si Mam Ramos na dapat ay straight. Nagulat si Chris.

“Maam Ramos, di naman ako straight alam mo naman bakla ako.”

“Maam pwede po ba magpatalo ngayon, nakakalimutan ko ang piece ko!”

“Gaga, niloloko ka lang ni Maam, alam naman nya yun sino ba di nakakaalam sa mga guro natin na di ka straight!” pinalo ni Charlotte sa may likuran si Chris.

“Alam ko naman, nili literal ko lang hahaha!” lakas ng tawa ni Chris.

“Participant in the declamation please come forward.”

Nauna ang first year participant. ‘Invictus’ ang pinanlaban ng first year, magaling ang estudyante, ang diction at grammar ang husay bumigkas.

Next si Chris. ‘Crisis of Civilization’ Rabindranath Tagore

“As i Look around I see the crumbling ruins of a proud cicilization shrewn like a vast heap of futility. And yet, i shall not commit the grievous sin of losing faith in Man. I would rather look forward to the opening of a new Chapter in his history after the cataclysmis over and the atmosphere rendered clean with the spirit of service and sacrifice. Perhaps that dawn will come from this horizon, from the East where the sun rises. A day will come when unvanquished Man will retrace his path of conquest, despite all barriers, to win back his lost human heritage.”

Palakpakan ang lahat, atmaraming nagsasabing sure winner na naman si chris dahil ang ganda ng pagkaka deliver nya at pulidong pulido, sa bawat bigkas nya at kilos ng kamay ay tila alam mo na siya na angmagiging winner.

Sumunod ang third year ‘Tha Art of Manliness”. Ok din sana kaya lang tumigil siya sa bandang huli, nag pause at ilang minuto bago nya itinuloy uli.

Nagback out naman ang seond year, marahil kinabahan na baka mapareho sa third year sa haba kasi ng mga piniling piyesa ng declamation.

Binigyan pa ng pagkakataon ngmga judges na guro ang estudyante pero nag back out na sya, ayaw nya ng tumuloy sa contest.

“Our winner for the declamation contest 1996 is none other than Chris Andrew Roxas!”

“pare pang 4 na trophy mo na yan sa declamation, congrats!” sbi ni Ken.