Chapter 13: Revelation

Bago pa sumabog ang gusaling pinagdalhan sakin ay nakaalis na kami sa lugar na yon. Agad din na dumeretso kami sa HQ ng kings.

"Weyla!" Bungad ni Monique, Klinnia, at Tallia. Agad silang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Akala ko kung ano ng nangyari sayo." Nagaalalang sabi ni Klinnia at Monique.

"We're so worried." Sabi naman ni Tallia.

Kumalas naman ako sa pagkakayakap nila at ngumiti lang.

"I'm sorry, Weyla. Nainis pa ako akala ko bumalik ka sa loob ng hall at iniwan ako, pero ilang minuto ka nang hindi bumabalik kaya nag alala na kami, and when Xzevier searched in the comfort room, and he saw your bracelet mukang nahulog habang kinikidnap Ka. Kaya tiningnan agad namin ang cctv footage... I'm really sorry." Mangiyak ngiyak na sabi ni Monique.

"I'm okay guys, okay lang yun Monique. I'm fine, maayos naman akong nakaligtas." Ngumiti ako sa kaniya at niyakap niya naman ulit ako.

Ekwenento nila sa akin ang iba pang nangyari. Hindi na kwenento ni Monique ang pagtawag niya kay Miiver, dahil nasa tabi ko si Xzevier baka magiba agad ang timpla.

"Walanghiya talaga ang Noe na yon... Asan na pala sila." Inis na sabi ni Klinnia.

"Sunog na." Sagot ni Lemuel.

Gulat namang tumingin ang tatlong babae sa kaniya.

"Sumabog ang building, at may ilang nasa loob pa... Hindi pa namin alam kong kasama sa sumabog si Noe." Sabi ni Dennis sa kanila.

"May mga iniwan kaming mga tauhan don, para mag ayos ng kalat ni Noe." Sabi naman ni Kyle.

Tumango tango nalang yung tatlo...

Dito na sa HQ naisipan nilang magpalipas ng gabe.. Dinala naman ako ni Xzevier sa kwarto niya at pinagpalit ng damit. Wala naman akong damit dito kaya pinahiram niya ako ng t-shirt at garter shorts niya.

Mahinang natawa nalang ako habang nakatingin sa suot ko sa salamin... Okay lang naman siya, sakto lang sakin.

"Okay na ba yan?" Tanong ni Xzevier habang nakatingin sa akin. Tumango tango lang naman ako at lumapit sa kaniya.

"Don't worry nagpabili ako ng damit sa tauhan ko. Bukas nandito na yun." Tumango lang ako sa mga sinabi niya.

"Halika dito." Itinuro niya ang kama kung saan siya naka sandal sa headboard.

"I said come here." Aniya ulit dahil hindi manlang ako nagpatinag at nakatayo lang sa gilid ng kama.

"Aish!" Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko at dinala sa kama. Naupo kami pareho dito at ngayong magkaharap.

He held my hand as he look straight to my eyes.

"I might go crazy if I lose you... Ayokong mawala ka sa tabi ko. Ayokong may mangyaring masama sayo dahil sakin... I'm sorry, dahil sa nangyari kanina." He said. At hinalikan niya ang kamay ko.

"Xzevier..."

"Promise me... You'll stay by my side forever." Aniya habang nakatingin sa mga mata ko. Dahan dahan akong tumango at ngumiti.

Niyakap niya ako kaya niyakap ko din siya pabalik.

"I love you." Aniya at hinalikan ang noo ko.

Hindi ako umimik while I am just looking in his eyes as he slowly leans forward...

I closed my eyes the moment his lips crashed against mine. He moved his lips and I mimicked every move he does. At habol ang hiningang tumigil kami.

"I think, we should go to sleep na." Sabi niya habang lumalayo sa akin. Tumango nalang ako at umayos nang upo.

We decided to sleep together nalang sa iisang kama. He's hugging me habang naka baon naman ang muka ko sa dibdib niya.

Nang magising ako ay umaga na, mataas na ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto.

Nang tumingin ako sa kabila ay wala na ang katabi ko kaya bumangon ako. Kinuha ko ang tsinelas ko bago lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.

I saw almost everyone are already in the dining.

"Good morning." Bati ko sa kanila lahat.

"Good morning, Weyla." Bati naman nila pabalik.

"Maupo ka na." Nakangiting sabi ni Tallia.

Tumango ako at naupo sa isang vacant chair na katabi ni Monique.

"Xzevier and Dennis went out early, para tingnan ang sumabog na lumang building." Sabi bigla ni Lemuel. Napatingin ako sa kaniya at tumango lang.

Nang matapos kaming kumain ay ibinigay ni Kyle ang ipinautos daw ni Xzevier sa tauhan nila... Ang mga damit palang sinasabi ni Xzevier sakin sa gabe.

Nang dumating si Xzevier ay nagpahatid na ako sa condo, baka hinahanap na ako nina auntie at lola. Umalis din naman siya agad dahil may tatapusin pa silang trabaho regarding sa nangyari sa akin ka gabe.

"Hello, Zy? Napatawag ka?"

Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin ni Miiver ang tawag ko.

"Nakauwi ka ba kagabe ng maayos? Akala ko na abutan ka nang pagsabog."

Nadinig ko siyang tumawa kaya napakunot noo nalang ako.

"You really need to gain back your memories. This is not you, Zy... I guess, it's time to asked your auntie Ynna and lola Marina about what they knew... No one knew exactly what happened after your mission... Ikaw lang Zy, ikaw lang ang tanging nakakaalam... I don't even have enough evidence. Kulang na kulang pa ang alam ko... It's been almost three years but I don't have enough clues... I'm sorry, Zy."

When I hangup, napaupo nalang ako sa kama ko, at napaisip... It's been weeks, almost a month after the things Miiver told me, and I still have no courage to asked auntie and lola about what really exactly what happened to me.

"Auntie..." Nakita ko siyang magisang nakaupo sa sofa at may hawak na remote.

"Oh Bakit? May kailangan ka?" Tanong niya naman habang nakatingin sa tv at inililipat ng channel.

"Weyla... Does it really my name.?"

Napatigil siya dahil sa sinabi ko at dahan dahang lumingon sa akin.

"So it's true..." Pilit akong napangisi at napailing.

"B-bumalik na ba ang ala ala mo?" Nag-aalangan na tanong niya.

"Tell me exactly what happened to me, auntie." Pinandiinan ko pa ang word na 'auntie' habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. She sighed at itinuro ang sofa'ng katabi niya.

"Maupo ka." Kunot noo naman akong tumingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. She sighed again and nodded. Naglakad ako patungo sa sofa at naupo sa tabi niya.

"I don't know exactly what happened... Nakita ka namin ni mama na puno ng sugat sa tabi ng daan." Bumuntong hininga siya at tumingin sa tv.

"I attended a grand ball with my boss, in QZ Hotel in Japan, almost three years ago... Hindi pa man natatapos ang party, tumawag sa akin si mama na susunduin niya daw ako. I told her, na wag muna kasi hindi pa naman tapos ang party pero ang alam mo naman ang kulit ni mama, tumawag siya ulit na nasa parking lot siya sa labas ng hotel. Kaya pinuntahan ko siya.... We were talking when we heard a gunshot. Nataranta kami ni mama, at sinabi niyang umalis na kami sa lugar dahil baka madamay kami, pero nagpumilit ako na wag muna. When I see the people were all running outside, tinawagan ko ang boss ko, sinabihan niya lang ako na magingat daw ako at magkita nalang kami sa opisina bukas. So I decided na umuwi nalang... Nasa byahe na kami ng sinabi ni mama na sa kabilang rota nalang kami dumaan dahil traffic daw sa main road... Dahil kalagitnaan ng gabi, walang dumadaang sasakyan sa kalsadang iyon maliban nalang kung mga malalaking sasakyan na ayaw ma traffic... So yun nga, may isang kotse kaming nakasalubong at kataka taka dahil ang bilis niyang magpatakbo..."

Tumigil siya sa pag kukwento at tumingin sa akin. Kunot noo naman akong tumingin sa kaniya.

"Don ka na namin nakita... May dalawang daan patungo sa palikong kalsada. At sa puntong iyon—"

". Nakakita ako ng apoy... Apoy galing sa isang sasakyan." Napalingon naman ako kay lola dahil sa biglang pagsulpot niya, ganon din si auntie.

"Bumaba kami para tingnan ang nangyari. Pero hindi kami masyadong lumapit dahil baka sumabog ulit ito... Hindi makakadaan ang kahit anong sasakyan dahil nasa gitna ito ng daan.. Tatawag na sana ako ng pulis ng may napansin ang lola mo." Pagpatuloy ni auntie at tumingin kay lola.

"May napansin akong sa gilid ng daan di malayo sa sasakyang kinakain ng apoy... Lumapit ako dito...... at ikaw ang nakita ko." Nagsimulang lumuha si lola kaya inalo siya ni auntie.

"Duguan ang ulo mo, suspetsya namin, tumama ang ulo mo sa malaking bato malapit sa pinaglandingan mo, dahil maaraming tumilapon ka palabas ng sasakyan, o ikaw mismo ang tumalon. Hindi naman alam...." Muling sabi ni auntie habang pinapatahan si lola.

"Agad na dinala ka namin sa hospital... Ang sabi ng doctor, malala ang tama ng ulo mo, at nauubusan ka na ng dugo... Akala namin hindi ka na makakasurvive, but you did... After ilang buwan na pabalik balik namin ni mama sa hospital para tingnan ka, nagising ka rin makalipas ang halos anim na buwan.... Nang walang maalala.." Pagkwento ulit ni auntie.

"So tinago niyo ang lahat ng ito sa akin? At pinaniwalang na hit an run ako?" Inis kong sabi habang nakatingin kay lola na umiiyak at kay auntie na hindi nakatingin sa akin.

"I'm sorry, Weyla—"

"Hindi Weyla ang pangalan ko!" Pambabara ko nang madinig kong pagsambit ni auntie sa pangalang akala ko ay akin.

"Nang nagising ka at tinanong ka ng doctor kong anong pangalan mo tapos ang sabi mo hindi mo alam... Ipinangalan ko sayo ang pangalan ng anak kong namatay. Patawarin mo kami, kung itinago namin lahat ng to sayo." Umiiyak na sabi ni Lola.

"Alam niyo na ang tunay kong pangalan?" Tanong ko habang hindi nakatingin sa kanila. Napansin kong natigilan naman sila.

"Hindi... Hindi namin alam." Sagot ni lola.

Tumango nalang ako at tumayo... Hanggang ngayon kahit pangalan ko hindi ko alam... Zy ang tawag sa akin ni Miiver, hindi ko alam kong yun naba ang pangalan ko.

Gusto kong malaman ang buong pangalan at pagkatao ko!

"Salamat sa lahat... Don't worry, hindi naman magiging dahilan to para magalit ako sa inyo. I just want to know the truth... Thank you for thanking care of me for all these years." Ngumiti ako sa kanila at mabilis na naglakad patungo sa kwarto ko.

These all made things clearer... I am not Weyla Navar... Kailangan ko nalang malaman ang buo kong pangalan, ang buo kong pagkatao.

May isa pa akong inaalala... Pano ako nalagay sa ganong posisyon? Anong nangyari bakit sumabog ang kotse na sinasakyan ko?

Kinabukasan ay nalate ako nang gising kaya hindi na ako nakapagbreakfast, saktong nagtext si Xzevier na nasa labas na siya kaya lumabas na rin ako.

"Kanina ka pa tahimik... May problema ba?"

Napalingo naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya... Ngumiti lang ako at umiling.

"Wala... Hindi lang naging maayos ang pagtulog ko." Sagot ko nalang... Tumango naman siya at bumalik ang tingin sa kalsada.

Nang makarating kami sa school ay inihatid niya naman ako sa building namin as usual... Puro bulungan ang nadidinig ko sa daan, pero sanay na naman ako kaya hindi ko na pinagtuonan nang pansin.

"Narinig niyo ba ang nangyari kay Noe at kay Mayra?"

Napalingon ako sa gawi ng isang grupo ng marinig ang pangalan ni Marya at Noe... Napatingin naman ako kay Xzevier nang hinawakan niya ang balikat ko at tumango.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom ko..

"Mauna na ko... Sa KR kayo mag lunch later." Aniya at tumango nalang ako.

Nang makaalis siya at pumasok naman ako sa loob. Naabutan ko pa si Monique at Klinnia na nakikipagchismisan sa mga classmates namin.

Pagkalagay ko nang bag ay tumingin ako kay Miiver na nakatingin din pala sa akin. Tumango ako sa kaniya at suminyas na sumunod sa akin. Agad akong tumalikod at lumabas nang room.... Pumunta ako sa lugar kung saan kami nag-usap nong nakaraan.

"Sinabi na nila sa akin." Agad na sabi ko nang makarating siya.

"What did they say?" Tanong niya naman.

"Just the part kung pano nila ako nakita at pano ako napunta sa poder nila... I was in a car accident... It's not just a normal car accident, right?" Ani ko habang deretsong nakatingin sa kaniya. I know he knew something...

He nodded. "You had encountered an enemy after the mission... We're still working on clues about his whereabouts... But it's not enough, dahil inuna ka naming hanapin."

"Namin? You're saying na may iba ka pang kasama?" I confusedly asked and he nodded his head as answer.

Nang mag lunch time ay agad ako lumabas ng classroom kasama si Monique at Klinnia dahil sa KR daw kami mag lu-lunch ngayon.

"Kumakalat ang chismis about sa nangyari kay Noe at Mayra. Biruin niyo, halos buong RU nalaman agad yon." Sabi ni Monique habang pailing'iling pa.

"Ano bang chismis yan?" Takang tanong ko sa kanila.

"Hindi ka pa nakakachismis?" Tanong niya naman. Chimosa din pala ang babaeng ito -,-

"Geez! I'm on my — oh my!"

Biglang may nakabunggo akong babae at nahulog ang cellphone nito.

"Hala..." Reaction agad ng dalawa kong kasama.

"Sorry miss.." Ani ko at agad na pinulot namin ang cellphone niya.

"Kyō no hitobito wa mōmokudesu." (People nowadays are blind.) Mahina ngunit dinig kong aniya.

"I'm sorry again miss." Seryoso kong sabi at tiningnan siya.

Parang nakikila ko tong babaeng to.... Yung sa party sa Z-corporate, yung nakasabay ko sa cr, na ang tagal mag retouch. Psh.

Tumingin naman siya sakin na parang nakakita nang multo...

"Oh my gosh..." Yun lang ang lumabas sa bibig niya at bigla akong niyakap.

"Oh my god and goddesses!"

"Ahm, miss? Anong ginagawa mo?" Nagtataka kong sabi habang pinipilit siyang ilayo sa akin.

"Watashitachi wa hobo 3-nenkan anata o sagashite imashita, soshite anata wa chōdo koko Firipin ni imasu. Oya oya, soshite ima anata wa watashi no mae ni imasu!" (We've been looking for you for almost three years, and you're just here in the Philippines. Gosh, and now you're here in front of me!)

Napakunot noo nalang ako dahil sa mga sinasabi niya.

"Ahm miss?" Hindi ko halos alam kung ano ang sasabihin. Ang higpit din nang pagkakayakap niya.

"Akieyah!" Nakadinig ko ang boses ni Miiver sa likoran ko.

"What are you doing!" Sabi into at hinablot ang babaeng tinawag niyang Akieyah palayo sa akin.

"Miiver! What are you doing?" Balik na tanong nang Akieyah na mukang naiinis pa.

"Kilala mo siya?" Tanong ni Klinnia kay Miiver, tumango lang siya at tumingin sa akin.

"I'm sorry... Sorry, Weyla. Sige mauna na kami... Let's go!" Mabilis niyang hinila palayo yung Akieyah kahit na magpupumiglas pa ito sa pagkakahawak ni Miiver sa kamay niya.

Kunot noo nalang akong pinanood silang makalayo sa amin.

Akieyah...

"Anong nangyari don?" Takang tanong ni Monique.

"I think she know you, Weyla." Ani Klinnia. Umiling nalang ako, I don't know...

"Tara na." Yun nalang ang sinabi ko at nagsimulang maglakad paalis.

"Ikaw lang nandito?" Tanong ko kay Xzevier nang pumasok kami sa KR at siya lang ang naabutan namin.

"Yup, lumabas sila para bumili ng pagkain." Sagot niya naman. Tumango lang ako at naupo sa tabi niya.

"Geez, alam mo ba kanina. A stranger embraced her really tight!" Agad na kwento ni Monique kay Xzevier.

"Oo, alam mo ba, ganito ka higpit." Sabi naman ni Klinnia at niyakap si Monique nang mahigpit.

"Ano ba, hindi ako nakakahinga!" Reklamo ni Monique. Nag tawanan naman silang dalawa kaya napakunot noo naman ako habang nagpipigil ng tawa.

Napatingin naman ako kay Xzevier na masama ang tingin sa akin.

"Stranger?" Kunot noo niyang sabi. Nadinig ko namang napabungisngis yung dalawa -_-

"It's not what you think." Kalmado kong sabi, at masamang tinignan yung dalawang mahinang natatawa.

"Sinong yumakap sa kaniya?" Seryosong tanong ni Xzevier sa dalawa.

"Geez! Xzevier looks like a jealous boyfriend." Ani Monique at natawa pa.

"It's just a girl Xzevier, relax!" Natatawang sabi ni Klinnia.

"Accidentally, nabunggo ni Weyla yung babae.. But this girl hugged her all of a sudden." Pagkwento ni Monique.

"You doesn't know her?" Tanong ni Xzevier. Napalingon naman ako sa kaniya at umiling.

"Maybe kilala ka niya, but you can't remember her because you lost your memories." Sabi niya pa. Biglang napatulala naman yung dalawang habang nakatingin sa akin.

Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila.

"You lost your memories?... May amnesia ka?" Malakas na tanong nilang dalawa. Saktong bumukas naman ang pinto.

"Sinong may amnesia?" Dinig kong tanong ni Lemuel. Ganon din yung tanong ng iba na kasunod niya.

"I.. I lost my memories almost three years ago. Mag ta'tatlong taon na akong walang maalala sa nakaraan ko." Mahina kong sambit.

"Weyla..." Lumapit naman sa akin si Monique at Klinnia.

"I'm sorry, hindi ko sinabi." Muling sabi ko.

Umiling lang silang dalawa at yumakap sa akin.

****