Chapter 15: Wakas
Binitawan niya ang sandatang hawak. Lumuhod ang prinsesa at umiyak. Tiningnan siya ng prinsipe at naawa siya sa prinsesa. Hindi niya maipaliwanag ang awang iyon.
Dumating ang mga kawal ng kahariang Ramas at tinalo ang mga tulisan, ang iba naman ay nakatakas.
Tinawag ng reyna Entrea ang mga kawal ng Ramas para hulihin si prinsesa Amerenda ngunit pinigilan sila ng prinsipe Waru.
Nilapitan ang prinsesa ng mga magulang niya kasama si Marla.
"Prinsesa, tumayo kana na," wika ni reyna Siwas.
Nagsalita ang prinsesa habang umiiyak. "Akala ko sa pagpunta ko rito. Magiging madali ang lahat dahil kabisado ko na pero hindi pala. Nais ko lamang sagipin kayo ama, ina at si prinsipe Waru. Nais ko lamang pagbayarin ang mga taong walang awang pumatay sa inyo. Nais ko silang parusahan dahil wala silang mga puso!"
Naguguluhan sila sa mga pinagsasabi ng prinsesa.
"Ito yung kasagutan sa mga mga katanungan mo kung bakit alam ko ang tungkol sa damuhang pinasyalahan natin at kung bakit lubos kitang killa dahil galing ako sa hinaharap, asawa mo ako sa hinaharap. Ngunit may nangyari sa inyo . Pinaslang kayo nina Reyna Entrea at Marla kaya ganun na lamang ang galit ko sa kanila!", napayuko ang dalawa ng banggitin ng reyna ang mga pangalan nila.
Nilabas ng prinsesa Amerenda ang itim na diyamante. "Ito ang dahilan kung bakit nakabalik ako sa nakaraan. Kaya gusto kong maipakasal agad sayo dahil iyon lang ang nag-iisang paraan para makabalik ako sa hinaharap at matulungan ko kayong mailigtas." Pinunasan ng prinsesa Amerenda ang luha.
Sumingit si reyna Entrea.
"Kalokohan! Maniniwala ba kayo sa kanya? Baliw siya!"
Tumingin sa kanya ang reyna Siwas at sinabihang "Magdahandahan ka sa mga sinasabi mo Reyna Entrea kahit hindi maganda ang mga ginawa ng aming anak, anak pa rin namin siya kaya nasasaktan pa rin kami sa mga sinasabing hindi maganda ng mga tao sa kaniya."
"Pasensya na reyna Siwas, hindi ko lang mapigilan ang aking nararamdaman lalo na binanggit niya ang pangalan ko at hindi maganda ang pinagsasabi niya."
Tahimik lang ang prinsipe. Tinulungan tumayo ng reyna Siwas ang prinsesa.
"Humihingi ako ng kapatawaran sa ginawang hindi maganda ng aking anak. Sana at maintindihan niyo ang pinagdadaan niya. Pinapangako kong hindi na maulit pa ang ganitong kaguluhan." Umuwi na sila sa kahariang Nahuna.
Inihatid nila sa silid si prinsesa Amerenda.
"Mamaya nalang tayo mag-usa, alam naming pagod ka na".
Naglakad papunta sa malaking salamin si prinsesa Amerenda at tiningnan ang sarili. Tinanggal niya ang itim na pangpakulay sa labi. Sinuklayan ng maayos ang buhok. Mababakas sa mukha niya ang lungkot. Nagpalit siya ng damit. Pumunta sa higaan at pinikit ang mga mata.
Limang araw ang lumipas hindi lumalabas sa silid ang prinsesa, Kailangan niya raw ng mahabang araw para makapag-isip-isip. Kahit hindi siya nagtagumpay ay meron naman siyang aral na nakuha.
Hindi niya napansin ang pagpasok ni Marla. Ang sadya niya ang paghingi ng kapatawaran sa prinsesa. Tsaka, magpaalam na rin siya.
Uuwi siya sa kanila, sa isang kamag-anak niya. Naroon pa rin sa kaharian si Amesh at unti-unti naging malapit ang loob nila ng prinsesa hanggang sa naging matalik na magkaibigan ang dalawa.
Pumasok sa loob ang isang tagasilbi at sinabihan ang prinsesa na may kakausap sa kanya. Nagulat ang prinsesa ng makitang si prinsipe Waru pala ang gustong kumausap sa kanya.
"Prinsipe, ikaw pala. Anong sadya mo rito?" Lumapit sa kanya ang prinsipe at niyakap siya. "Kaya pala ang gaan ng loob ko sayo."
Hindi na itinuloy ng prinsipe ang kasal. Napagtanto niya na ang prinsesa ang sinisigaw ng kaniyang puso.
Nag-usap ang dalawa. Sinabi ng Prinsipe na magpapakasal sila ngayon kahit isang payak na pag-iisang dibdib lang kahit hindi na mag-imbita ng maraming panauhin. Ayos lang na sila lang dito sa kaharian. Ngumiti ang prinsesa at niyakap ang prinsipe.
Nag-umpisa na ang pag-iisang dibdib. Nasa harap na ang dalawa.
"Maraming salamat na hindi ka sumuko,"wika ng prinsipe.
"Ako dapat magpasalamat dahil nakilala ako ng puso mo." Hinalikan ng prinsipe si prinsesa Amerenda.
Nanh magkatapat ang mga labi nila ay dumilim ang paligid. Bumalik sa hinaharap si Reyna Amerenda.
Bumalik sa oras na susugurin palang nina reyna Entrea at Marla ang mga mahal niya sa buhay.
"Nandito na ako sa hinaharap!"
Pinuntahan niya si heneral Amesh at agad silang umalis sa kaharian dala ang maraming hukbo.
Nasa bayan na ng Sudankal ang haring Waru kasama sina reyna Siwas at haring Landon. Napahinto sila dahil sa pagharang ng mga tulisan sa kanila.
Lumapit ang tatlong kawal para protektahan ang hari at reyna. Pinauna silang umalis. Nagpaiwan ang heneral.
Naglakad ang tatlo kasama ang tatlong kawal. Humingi sila ng tulong sa mga taong nandoon ngunit wala ni-isang naglakas ng loob na tulungan sila.
Papalapit na sa kanila sina Entrea at Marla. Walang nagawa ang tatlong kawal nila dahil pinaslang ito ng nga tulisan.
Nasa harap si haring Waru. "Ano bang pinaggagawa mo Entrea. Binigyan ka namin ng kalayaan, ng pagkakataon na magbagong buhay."
"Hindi ko kailangan ang mga iyon. Kahihiyan lamang dala niyan sa akin at sa pamilya ko. Ang kailangan ko, ang kamatayan ninyo para makaganti ako kay reyna Amerenda! Hahaha!"
Nang papalapit na sa tatlo ang mga tulisan ay may mga palasong tumama sa harap. Dumating ang maraming kawal ng kahariang Ramas at pinalibutan sila. Pinatay ang mga tulisang nanlaban. Lumapit ang reyna Amerenda kay haring Waru at niyakap.
"Maraming salamat na buhay kayo!" Niyakap niya rin ang amang hari at inang reyna.
Tinanong ng reyna Siwas kung paano niya nalaman kung nasaan sila. Nagsinungaling si reyna Amerenda. Alam niyang hindi maniniwala sila kung sasabihin niya ang totoo at hahaba lang ang usapan nila pero sa totoo lang ay sasabihin niya talaga sa takdang araw.
"Masaya ako dahil ligtas kayo. Tamang tama ang pagdating namin." Dinakip na nila si Entrea at Marla.
"Marla?" Lumapit si reyna Siwas kay Marla at sinabihang "Buksan mo ang puso mo at makikita mong marami nagmamahal sayo!"
"Alam ko Marla, may natitira pang kabutihan diyan sa puso mo!" wika ni reyna Amerenda.
Lumapit si reyna Amerenda kay Entrea at sinampal ng dalawang beses. "Wala ka talagang pagbabago!"
Bago umalis ay may sinabi ang reyna Amerenda sa mga tao ng bayan ng Sudankal.
"Alam kong naririnig niyo 'ko. Matapos namin kayong tulungan at ang bayang ito. Sa huli, ito lang pala ang isusukli niyo sa amin!" Nang paalis na sila ay narinig nila ang paghingi ng kapatawaran ng mga taong nasa bayan ng Sudankal.
Makalipas ang dalawang linggo, binalita sa buong kaharian ang pagdadalang tao ng reyna Amerenda.
Masayang masaya si haring Waru sa balitang iyon pati na ang mga magulang ng reyna Amerenda at ang matalik niyang kaibigan na nasi heneral Amesh.
Nandito ngayon sa damuhan sina haring Waru at reyna Amerenda. Sila ay nagkukuwentuhan.
Pinag-uusapan kung ano ang ipapangalan sa magiging anak nila.
The End
You finished this book. Find your next story below.





