Chapter 12

"Ngayon ang araw na pinakahihintay ko. Gigil na gigil ako na parusahan kayo. Gaya ng ginawa niyo, hindi ako magpapakita ng awa sa inyo!"

Inutusan ng prinsesa ang mga kawal na kunin ang kalahating pera ng mga tao. Sirain ng mga paninda nila. Pinapanood lang sila ng prinsesa habang nakangiti, habang sinisira ang mga pangkabuhayan ng mga tao roon. Kahit nagmamakaawa at umiiyak na sila wala siyang pakialam. Gusto niyang matakot sila.

"Simula ngayong araw na ito. Ang bayan ninyo ay hindi namin papangalagaan. Wala kaming pakialam na lusubin kayo rito ng nga kaaway!"

May ilang mga nagsalita. "Ano bang nagawa namin mahal na prinsesa para gawin niyo ito sa amin?"

"Gagawin pa lang kaya uunahan ko na kayo para pagbayaran ninyo ang gagawing mabigat niyong kasalanan. Mga wala kayong utang na loob!!" nalilito sila sa pinagsasabi ng prinsesa.

Para hindi na rin sila magtanong ng kung ano-ano, dinagdagan niya ng maling kwento ang paglabag sa batas ang bayan ng sudankal.

Naglabas siya ng pera upang maging mayos ang lahat para hindi makarating ito sa mahal na hari.

Ang sasabihin niya rin sa ama at ina kung bakit wala si Marla, papalabasing umuwi na kanila. Sumama sa kamag-anak niya.

Hindi inaasahan ang tuluyang pagbabago ng ugali ng prinsesa, hindi niya iyon napansin. Habang tumutagal lalong nag-iiba ang ugali niya, hindi lang sa mga taong gumagawa ng masama naipapakita niya na rin kahit sa mga taong mababait at tapat sa serbisyo.

Mainitin na rin ang ulo niya kaya laging nag-iingat ang mga tagasilbi lalo na pag-nandiyan ang reyna.

Nakahanda niya ang susunod niyang plano. Gagawin niya ang ginawa ng reyna Entrea sa mahal niyang si prinsipe Waru.

Habang naglalakad ang prinsipe pauwi sa kanilang kaharian kasama ang sampung kawal bigla silang hinarang ng limampung mga tulisan.

Pinalibutan ng mga kawal ang prinsipe para protektahan. Sa huli, d ahil kakaunti lang ang kasamang kawal ng prinsipe kaya natalo sila.

Gumamit ang isa ng palaso kaya natamaan sa gilid ang prinsipe dahil doon, nahulog mula sa kabayong kinauupuan ang prinsipe. Pagkatapos ay umalis na sila ang mga tulisan.

Sinadya iyon ni prinsesa Amerenda para umamin iyon na si reyna Entrea ang nag-utos upang makuha niya ng tuluyan ng kaharian. Kapag wala na ang prinsipe, malaya niya ng gawin ang mga binabalak niyang hindi mabuti.

Maraming mga mata at tenga sa loob ng kaharian ang reyna Entrea kaya nalaman niya ang pag-amin ng nahuling tulisan. Mabilis siya sa silid ng prinsipe para ipagtanggol ang kanyang sarili. Hinarangan siya ng nga kawal.

"Sige na, papasukin niyo siya," wika ng prinsipe.

"Sinungaling siya. Hindi totoo ang mga paratang niya sa akin. Nasisiraan na ba siya ng ulo?" Pinilit ng prinsipe na tumayo.

"Paano mo mapapatunayan na nagsisinungaling siya. Nakita rin ng tagasilbi na kinakausap mo ang mga tulisan."

"Hindi totoo lahat ng mga pinagbibintang nila sa akin. Mga singungaling sila! Siguradong binayaran lang sila para ako ay idiin sa kasalanang hindi ko ginawa!

Siguradong may isang kaaway sa likod ng mga pangyayaring ito. Siguradong pinagplanuhan niya para mapatalsik ako sa kinatatayuan ko ngayon. Mahal na prinsipe, huwag kang maniwala, magsiyasat po kayo ng mabuti. Kapag nalaman ko, kung sino ang nasa likod ng mga pagbibintang na ito, ako mismo ang magpaparusa sa kanya ng kamatayan," galit na galit ang reyna Entrea.

"Mahal na reyna, malinaw ang mga prowebang ikaw ang tinuturo. Baka totoo na ginawa mo iyon ang pagtangkang pagpatay sa akin para manatili ka sa kung anong kapangyarihang hawak mo ngayon."

"Kung kapangyarihan man, eh sana noon pa mahal na prinsipe pinatay na kita."

"Tama po ang sabi ng mahal na reyna prinsipe Waru. Hindi niya magagawa na saktan kayo," sabat ng heneral.

Tumalikod ang prinsipe.

"Masakit man sa aking kalooban pero kailangan natin sundin ang batas. Doon lamang mapapatunayan na inosente kayo kapag may matibay kayong ebidensya pero ngayon huwag na sana kayong magmatigas para hindi kayo masaktan. Patawad!"

Alam ng reyna Entrea na hindi niya makukumbinsi ang prinsipe at siguradong mapaparusahan siya lalo na ang krimeng ginawa ay tungkol sa buhay ng isang maharlika na magiging hari. Isa lang naisip niyang paraan. Iyon ay tumakas para hanapin ang totoong nagtangka sa buhay ng prinsipe.

Tapat si heneral Almarun kay reyna Entrea kaya tinulungan niya itong makalabas sa palasyo.

Maya-maya may sampung kawal na tumulong sa kanila kaya madaling nakalabas sa kaharian ang reyna. Hinabol sila ng mga kawal ng kaharian. Ayaw nilang huminto.

Tinamaan ng dalawang palaso ang kabayo ng reyna kaya bumagsak ito.

Ang prinsesa ay naroon pala, inaabangan ang reyna para kaniyang hulihin.

Pumunta siya sa kinaroroonan ng reyna Entrea. "Masakit bang bumagsak mula sa itaas?" Ngiti ng prinsesa.

Tinulungan tumayo ni heneral Almarun ang reyna Entrea. Kasama ng prinsesa ang tatlong magagaling na pinuno.

"Lahat ng ito ay ikaw ba ang gumawa? Umamin ka!!" Ngumiti lang sa kaniya ang prinsesa. Dumating ang prinsipe. Tumingin siya sa prinsesa. Nagtaka siya kung bakit naroon ang prinsesa. Sagot naman ng prinsesa, bibisita siya sa kaharian nila ng naabutan niyang ganito.

"Masaya ako dahil nakahuli ako ng kriminal!" ngiting tingin niya sa prinsesa.

"Sinungaling, siguradong ikaw ang nagplano ng lahat ng ito!!"

"Tama na reyna Entrea. Mabuting sumuko ka ng tahimik. Wala ka ng kawala."

"Hindi!!" sigaw ng reyna.

Kinuha ng reyna ang sandata ni heneral Luna at sinugod ang prinsesa. Nilabas ng prinsesa ang sandata niya at sinalubong ang pagsugod ng reyna Entrea.

May alam ang prinsesa sa pakikipaglaban pati na sa paghawak ng sandata. Wala masyadong alam ang reyna kaya natalo siya. Tumilapon ang sandata niyang hawak. Lumapit sa kanya ang prinsesa at sinakal.

"Magpakasaya ka sa bago mong kaharian, ng kulungan!" Tumayo ang prinsesa. Hinawakan ng mabuti ng mga kawal ang reyna para hindi na ito makawal.

"Heneral Almarun alam kong higit kang tapat sa reyna pero sana maging tapat ka higit sa iyong sinumpaang tungkulin, pangalagaan at protektahan ang kaharian laban sa mga kaaway. Alam kong mabuti kang tao " Tumahimik ang heneral at sumunod nalamang.

Ngumiti ang prinsipe sa prinsesa at nagpasalamat sa tulong nito. Inalok ng prinsipe na sumama ang prinsesa sa kahariang Ramas at bilang pasasalamat doon siya mananghalian kaya inutusan ng prinsipe ang mga tagsilbi magluto ng masasarap na pagkain at ayusin ang lugar na kakainin nila.