Chapter 13: Si Jared
“Musta, Mayor? Ilang raw lang akong hindi nagpakita rito sa opisina mo ang dami ko nang nadidinig. What else have I missed?”
“Cut the mayor thing, Jared,” asik ko sa aking matalik na kaibigang si Jared na kasalukuyang nakasungaw sa pinto ng aking opisina. Tatawa-tawa itong pumasok. Pag gusto nitong mang-alaska, mayor ang tawag sa’kin. Nang nasa loob na ay luminga-linga ito sa paligid na tila ba may hinahanap.
“Where’s your new PA?” tanong nito nang walang makitang iba bukod sa’kin.
“Wala akong PA. And don’t intend to have one anymore,” walang ganang sagot ko. Ayaw ko nang maulit ang nangyari. Ni maalala nga lang iyon ay nakakawalang gana na eh.
“So, totoo pala ang balita. Nasulot pala talaga ni Lolo Ando ang iyong bagong PA,” ngingisi-ngisi ito.
Tinapunan ko ito ng matalim na sulyap. Lakas nitong makaalaska eh. Hindi ko alam kung bakit at paano kong naging matalik na kaibigan ang isang ito.
“No worries. I will recommend someone,”
“No, no, no!” Mabilis kong sambit. Napatayo pa nga ako upang harapin ito. No more PA for me. I didn’t know why I agreed to have one in the first place. Though I was happy with Gretch since masipag naman ito. And yes, mahusay ding um-acting bilang girlfriend ko. Everybody seemed to believe that we were an item. Ayos lang talaga. Pwera na lang noong bandang huli. Noong nais na itong totohanin ang lahat. Tss.
“Ayaw mo na ng PA? Paano na ang operation pagselosin si Savina?”
“No. I’m not interested anymore.”
Ramdam na ramdam ko ang nagtatakang titig nito sa’kin dahil sa sinabi ko. Tila hindi ito makapaniwalang hindi na nga ako interesado sa dating balak nitong pagselosin ang childhood crush ko na si Savina Perez, ang unica hija ng may-ari ng Perez Pharmacy.
Ideya nito at ni Tita Vera iyon. Hindi ko alam kung paanong napahinuhod ako sa kalokohan ng dalawang ito. Siguro nabo-bored na nga talaga ako sa buhay ko dito sa probinsiya. This is the result of being away from the excitement offered by living in the city.
“Why not? Tingin ko naman successful iyong unang pagpapanggap ni Gretch na jowa mo.”
Napabuntunghininga ako. May katwiran naman ito. Nagkaroon naman ng resulta ang pagpapanggap namin ni Gretch na mag-jowa. Well, siguro nga. Kahapon lang ay may message ito sa’kin. Biglang nangungumusta. Samantalang madalas sini-seen lang ako.
Sino ba si Savie sa buhay ko?
Siya lang naman ang kababata ko. Kaklase ko since kindergarten hanggang high school. Nagkahiwalay lang kami ng parehong magkolehiyo. I went to UP at siya naman sa Dela Salle. At long, long time crush ko. Na ako lang ang nakakaalam at itong si Jared. Si Jared naman ay dumating noong elementary na ako. Transferee ito noon. Nag-click agad ang ugali namin na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit. He’s the opposite of everything that is me.
Maingay, mayabang, bolero sa mga babae. Pero mabait ito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit ko ito nagustuhan.
Ah, hindi na pala. Alam na rin pala ng aking sekretarya. At sila nga ni Jared ang may pakana ng tinatawag nitong operation pagselosin si Savina. Bagay na hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa kalokohan ng dalawang ito.
Well, it seemed like a good idea noon. Pero ngayon nawalan na talaga ako ng gana. Ayaw ko na ring magkaroon ng personal assistant. Sakit lang sa ulo eh. Napabuga ako ng hangin nang maalala si Thea. Ayaw ko nang maulit pa ‘yon.
“So, ano. Magrerekomenda na ba ulit ako ng bagong PA?” untag ni Jared sa’kin. Ito kasi talaga ang nagrekomenda kay Gretchen.
“No. Tulad ng sinabi ko, I’m not interested anymore.” Sabi ko ulit.
“Paano si Savie?”
“Ano’ng paano si Savie?”
“Well, kelan natin pupuntahan. Alam mo na dadalawin. Pormal kang manliligaw.”
“Ah, I’ll be very busy, so hindi na muna.”
Dinig na dinig ko ang malalim na buntunghinga nito. Tila biglang nagtaka sa inaasta ko. Hindi ko ito masisisi. Paano nga namang nangyari na tila hindi na ako kasing-excited na mabanggit man lang ang pangalan ni Savie. Dati nga naman ay daig ko pa ang pusang hindi mapaanak kapag pinag-uusapan ang dalaga. Totoo iyon. Dati nang kay Savie umiikot ang mundo ko pagdating sa mga babae.
You can say si Savie lang ang babaeng umaagaw ng interes ko.
“Sayang nagyayaya pa namang lumabas mamya. Punta raw tyo sa AG’s. Tambay raw muna,” napapabuntunghiningang saad ni Jared.
“Oh, sinon’g lalabas?” wala sa isip na tanong na tanong ko rito.
“The f…nakikinig ka ba?”asar si Jared.
“Oo naman.” Saad kong hindi inaangat ang ulo mula sa mga papeles na aking pinipirmahan kanina.
“The f…makauwi na nga lang. Walang patutunguhan ito.”
“Bukas na lang. Di ako pwede mamya. Makikiramay kami ng sanggunian sa isang pamilyang namatayan.” Habol ko rito. Nakikinig naman kasi ako eh. Ayoko lang talaga pag-usapan ang nangyari lately. Hindi rin naman niya ako tatantanan ng pang-aalaska.
Hindi na ito sumagot. Pa-angat ng ulo ko ay likuran na lang nito ang natanaw ko. Ano’ng problema ng isang iyon? Tss.
***
Thea’s POV
Ang aga kong nagising. Paano ngang hindi eh, halos hindi ako nakatulog kagabi. Super excited lang dahil ngayon ako magsisimulang mag -encode ng manuscripts ni Lolo Ando. Hindi pa ako maliligo. Gusto ko munang magkape kaya bababa muna ako. Tiyak gising na si Nana Maria. Ang agang gumising niyon eh. Alas kwatro lang ng madaling araw gising at nagluluto na.
It's six thirty in the morning. Matapos maghilamos sa banyo ay pinalitan ko ang suot kong ternong pajama ng maluwang na putting tshirt at saka tinernuhan ng itim na legging na hanggang tuhod. Saka ko pinoni-tail nang mataas ang mahabang buhok ko.
Pagkalabas ng silid ay di ko na napigilang sulyapan ang silid ni Mayor. Curious kung gising na ba ng lalaki o natutulog pa. Malamang himbing na himbing pa. Di na ko nakitang umuwi ito. Siguro ay gabi nang umuwi. Bigla naman akong nag-isip kung saan at ano ang dahilan kung bakit ginagabi ang isang gwapong mayor. But then binata iyon malamang nambabae. Haist!
But then who knows. Never be deceived. Baka nga wala na doon sa kwarto niya. Baka tumakas na naman.
Napabuga ako ng hangin. Bakit ba pinoproblema ko ang super sungit na lalaking iyon. Pagkarang bumungtunghinga ay bumaba na ako ng hagdan.
At sa aking pagkabigla ay napatigil ako. Sapagkat sa kalagitnaan ng hagdan ay natanaw ko ang papaakyat na lalaki. Speaking of the devil. Or mas tamang thinking of the devil? Dahil hayun ang magaling na lalaki.
Papaakyat ng hagdan. Wala namang kakaiba sa mga umaakyat ng hagdan eh. Ngunit nanlalaki ang aking mga mata. At nakaawang pa nga yata ang bibig ko. Sapagkat ang mayor ay hubad ng pang-itaas. Shirtless and just black fitted shorts. At may towel na nakasabit lamang sa leeg nito.
To say that he was a gorgeous shirtless man was an understatement. He was the epitome of perfection. Sinimplehan ko ng bilang ang abs nito. Haist! Six pack yata!
He looked like he just had his morning runs.
Napatigil ako sa paghakbang pababa sapagkat masasalubong ko ito. Balak kong bumalik na lang sa kwarto ko ngunit alanganin na. Masyadong obvious sapagkat namataan na rin ako nito. Kaya naman normal lang at walang kaano ano mang nagpatuloy na lang ako sa paghakbang pababa.
Halos takbuhin naman ng lalaki ang hagdan. He was climbing the stairs two steps at a time. Ginawang exercise din ang pag-akyat ng hagdan eh. Pagtapat nito sa’kin ay kamuntik na akong maubusan ng hangin sa katawan.
Grabe sa bango ang lalaki. Amoy lacoste red yata ang pawis. Mamahalin. Haist! At dahil sinusundan ko ng tingin ang lalaki habang bumababa ng hagdan ay may na-missed akong isang step. Gumuhit sa pagkatahi-tahimik na umaga ang tili kong tila mo nakakita ng multo. At iyong sigaw ko kahit yata sandaan nang taong patay ay magigising.
Maigi na lamang at nakakapit ako sa railing kung hindi malamang lasog ang buto ko. Salamat na lang sa anghel ko at bumagsak akong nakaupo. Pinigil ko ang sariling mapaiyak sa sakit ng pang-upo ko.
Smile pa rin ako kahit halos maluha ako. Sapagkat hayun ang supersungit palapit sa’kin. Haist!
“What sort of stupidity is it now?” tanong ng tinig sa taas ko. Pagtingin ko sa itaas ay ngunot na ngunot ang lalaki habang ang nakatunghay sa’kin. Bumalik pala ang hudyo.
Natuwa na sana ako sapagkat concern naman pala ito sa’kin. Ngunit nang mapagtanto ko ang winika nito ay agad akong tumayo na tila walang nangyari kahit na nga masakit talaga ang pang-upo ko. Hinding-hindi ko ipapakita dito na nasaktan ako. Tyak na magdiriwang ang kalooban ng hudyo. At parang pinatunayan ko na naman na totoo nga ang sinasabi nito. That everything I do is some kind of stupidity.
“I’m okay po, Mayor. Salamat na lang sa concern. Buong inis na turan ko bago tumayo. Pinukol ko ito ng matalim na irap. Saka ko pinagpatuloy ang pagbaba ng hagdan na tila walang lang nangyari.
“Okay ka lang ba, Ate Thea?” May pag-aalalang tanong ni Myra na naroon pala sa ibaba ng hagdan. Pati nga si Nana Maria ay nakasungaw din doon sa may kusina. Dahil siguro sa sigaw ko. Gosh! Nakita na yata ng buong baryo ang kahihiyang nangyari sa’kin.
“Ayos lang ako Myra. Gising ka na pala.” Saad ko rito. Hindi ko magawang tumingin rito kaya dumeretso na ako sa dining table upang magkape. Tahimik akong nagtimpla ng kape. Hindi ko magawang tumingin sa mga kasama ko sa kusina
“Wag kang mag-alala Ate Thea. Naiintidihan namin kung nahulog ka man sa hagdan sa kakatinging kay Mayor. Ako man iyon. Baka nagpagulong-gulong pa ko sa hagdan. Mabuti na na nga lang napaupo ka lang eh,” wika ni Myra. Tigas man nitong pigil na hindi matawa ay tila hirap na hirap ito.
Kagat-labing tiningnan ko si ito. Pagkatapos ay hindi ko na rin napigil ang mapabunghalit ng tawa. Saka lang din ito tumawa ng malakas. Alam kong pinipigil lang nito ang sarili dahil nahihiya marahil na pagtawanan ako.
“Ang yummy naman kasi ni Mayor eh.” Dagdag pa ng dalagita habang tawang-tawa pa rin.
Nagulat naman ako sa winika nito. Hindi ko akalaing alam na ng dalagita ang ibig sabihin ng yummy na ang tinutukoy ay lalaki.
“Ilang taon ka na ba? At ba’t alam mo naman ang yummy na lalaki?” taas kilay na usisa ko rito. Ang mga kabataan talaga ngayon. Lahat alam na eh.
“Fifteen na ako, Ate Thea. Syempre alam ko naman iyon.”
“Kahit na. Don’t dwell too much sa mga yummy yummy na lalaki na ‘yan,” May pagka-istriktong turan ko rito. Ganoon din kasi ang palagi kong sinasabi sa kapatid kong babae.
Natawa lang din naman ang dalagita. “Ay si Ate Thea parang si Inang.”
“O, ayos ka lang ba, Thea?” nag-aalalang tanong naman ni Nana Maria pagkalabas nito mula sa kusina. Nasaksihan nga rin nito ang katangahan ko. “Baka kailangan mong magpa-check up sa doktor.”
“Ay hindi na po kelangan, Nana Maria. Hindi naman po ganun kasakit. Wala na nga eh.”
“Aba eh, tayong mga babae dapat ingatan natin ang mga balakang natin. Baka mamya eh mabaog tayo kapag nasaktan ito nang husto,” pangaral nito.
Kaagad naman tuloy akong nag-alala dahil sa sinabing iyong ng matanda. Hindi ko alam ang bagay na iyon ah.
“Ganun po ba iyon, Nana Maria.?
“Oo, kaya ingat ingat tayo sa mga balakang natin.”
“Hindi naman po ganun kagrabe iyong bagsak ko, Nana Maria. Hindi na po masakit. Konting exercise lang po at wala na ito.”
“O, siya kung talagang wala na. Basta sa susunod mag-ingat sa pagbaba ng hagdan.”
“Opo,” sagot ko na lang sa matanda. At saka pinangako sa sarili na iingatan ang balakang at baka nga mabaog ako. Mahirap na maputol agad ang lahi ko hihi. “Salamat po sa paalala, Nana Maria.”
*****