Chapter 12: Chill

Thea’s POV

“Lolo, balik na po tayo sa bahay. Baka po mapagod na kayo kakalakad,” saad ko kay Lolo Ando. Nag-alala na kasi ako. Baka mapagod na ang matanda at ako pa ang dahilan niyon. Dahil lang sa kagustuhan nitong maipasyal ako sa paligid.

Malawak ang napakaganda at berdeng-berdeng bakuran ng mansyon ng mga Del Valle. Kaya naman halos naikuwento na nito ang talambuhay bago pa kami makabalik sa pinanggalingan.

Tapos napansin kong medyo hinihingal na ito kaya niyaya ko nang bumalik. Nalaman ko na rin kung ano ang magiging trabaho ko at excited na akong simulan iyon. May isinusulat palang libro ang matandang mayor at naka-handwritten iyon. Nais nitong i-encode ko iyon. Marunong naman daw siyang magcomputer kahit papano kaya lang hindi na daw niya kayang humarap dito nang matagal.

“Siya nga, hija. Nalibang ako nang husto. Pagpasensyahan mo na at tumatanda na talaga ako.”

“Hindi naman po Lolo. At saka sabi nila, hindi bale daw pong tumanda basta may pinagkatandaan.”

Halos umalingawngaw naman sa tahimik na paligid ang halakhak ni Lolo Ando. Pati ako nahawa sa tawa nito.

“Well, tama iyon, hija. Kaya masaya akong tumanda dahil sa palagay ko naman ay may pinagkatandaan ako.”

“Siyang tunay po, Lolo.” Sang-ayon ko naman dito. Totoo naman kasi eh. Nasa mukha naman niya na masaya siya kahit matanda na at biyudo pa. Siya iyong tipong na-fulfilled niya ang misyon sa buhay. Mission accomplished ika nga nila. At saka marunong din siyang sumabay sa panahon. Makakasundo niya rin ang mga millennials.

“O, siya halika na nga at tama ka medyo pagod na nga ako. At saka may ibibigay ako sa’yo.”

“Ano naman po ‘yon, Lolo. Hindi ko pa po birthday. Wag muna kayong magregalo,”

“Ikaw na bata ka. Napakapalabiro at masayahin. Magandang katangian ang mga ‘yan. Wag mong babaguhin.”

“Thank you po.” Ngiti ko kay Lolo Ando. Pagkatapos ay hindi na ako nagsalita pa. Sumunod na lamang ako dito. Pansin ko kasi na hingal na nga ito. Kaya naman pareho kaming tahimik nang bumalik sa mansyon.

***

“Ate Thea, pinabibigay sa’yo ni Lolo Ando,” bungad sa’kin ni Myra. Bitbit nito ang isang itim na bag. Maingat na inilapag nito iyon sa mesa. Hindi pa man nabubuksan ang bag ay alam ko na kung ano iyon. Bukod pa sa may tatak na Asus ang bag. Malapad ang ngiti at superexcited na binuksan ko iyon. Tuwang-tuwang agad kong inilapag ang laptop sa mesa.

Oh my goodness! Halos manlaki ang mga mata ko. Matagal ko nang pangarap ang magkaroon ng sariling laptop pero syempre ang mahal niyon. At wala pa akong trabaho. Pinangako ko talaga sa sarili na the moment na sumuweldo ako iyon agad ang bibilhin ko.

“Mukhang ang saya mo Ate Thea ah. Nakakahawa tuloy,” anang nakangiting dalagita sa tabi ko.

“Oo, super saya, Myra. Grabe, ito talaga ang pangarap ko eh.” Halos magpapapadyak ako sa matinding saya.

“O, ‘yan, iwan ko na sa’yo yan. Yung meryenda mo, Ate, wag mong kakalimutan. Tingin ko eh makakalimutan mo na ang lahat dahil dyan sa laptop.”

“Ahahaha, malamang nga. Thank you, Myra. Don’t worry, uubusin ko ‘to.”

At hinarap ko na nga muna ang meryenda habang tina-turn-on ang laptop at nagpipindot doon. Nanlalaki talaga ang mga mata ko sa pagtitig sa screen. Hindi pa rin ako makapaniwalang makakagamit na ako computer ng libre at hindi na kailangang pumunta sa computer shop. Binuksan ko ang facebook account ko at nag-browse-browse. Ganundin ang reading app na meron akong account tulad ng wattpad. Libangan ko rin ang pagbabasa.

Naiisip ko rin na baka uubra akong maging author ng mga romance stories, who knows? Bakasakali lang naman, hindi naman ako ganun ka-hot doon. Hindi ko pa nata-try magsulat ng kuwentong pang love story.

Ang alam ko lang gawin ay mga term paper and research paper at iyong thesis dahil kailangan iyon para maka-graduate haha! Natatawa talaga ako sa sarili ko. Pero kapag naman binigay ko ang aking best at inilagay roon ang puso ko ay talaga namang magagawa ko rin iyon.

Lahat naman ng tao kapag inilagay niya ang kanyang puso sa kahit na ano pa mang gawain ay talagang lalabas iyong maganda at magiging matagumpay doon. Naniniwala ako roon. Whatever your heart and mind conceive, you can achieve it, sabi ng isang inspirational author.

***

“Lolo Ando did not hire you para mag-facebook lang,” anang tinig sa likuran ko.

“Ay kabayong nahulog sa sapa!” gulat na gulat na bulalas ko. Natutop ko tuloy ng isang palad ang aking bibig sa pagkabigla. Dumating na pala kasi ang supersungit na mayor. Hindi ko man lang napansin o narinig man lang ang sasakyan nito. O siguro dahil masyado akong engrossed sa pagba-browse. Nasa ibang planeta ang utak ko. At dahil na-guilty sapagkat nahuli akong walang ginagawa ay agad ko iyong tinurn-off at saka isinara.

“Nariyan na po pala kayo, Mayor. Hindi ko kayo napansin,” saad ko na hanggang ngayon ay panay ang kabog ng dibdib. Nang mapasulyap ako sa wall clock ay saka ko nalamang lunch time na pala. So, umuuwi pala siya para mag lunch.

“Paano mo nga akong mapapansin eh, you are so lost there. Kahit nga lusubin na ang Pilipinas hindi mo pa rin mapapansin eh.” Sangbakol na naman ang mukhang wika nito.

Ano raw? Kahit lusubin na ang Pilipinas? Grabe naman.

Ano pa ba ang masasabi ko eh, totoo naman at huling-huli ako sa akto. Inirapan ko na lang ito saka hinabaan ng nguso.“Sungit,”bulong ko.

“What?” untag nito. Narinig yata ang sinabi ko.

“Ay wala po, Mayor. Nasamid lang po ako,” nguso ko naman.

“No, you’re saying something. Tell me,” untag ulit nito. Ayoko nang ulitin okay. Mas mabuti nang hindi siya sigurado na tinawag ko siyang sungit.

“O, Jensen, hijo! Nariyan ka pala. Bakit napauwi ka?” anang papalapit na si Lolo Ando. Ay salamat! Saved by the bell…este by Lolo Ando.

“Last time, I checked bahay ko rin ito, Lo.”

Ang sungit talaga ni supersungit.

“Oo nga, hijo. Hindi naman kasi kami sanay dito na umuuwi ka ng lunch. Madalas nga hindi ka umuuwi eh. Minsan pa nga doon ka natutulog sa office mo? What’s so special today?”

“Nothing Lolo. Anyway, Mabuti nga umuwi ako. Now, I know na magfa-facebook lang pala dito si Thea. I think you should let her go kung wala naman siyang gagawin dito. Para makapasok siya ng ibang trabaho. You can’t waste her time. You can’t just hire her, then wala ka naman palang ibibigay na trabaho.”

“Hijo! Chill! May ipapagawa ako kay Thea. Ii-encode niya iyong manuscripts ko. Hinayaan ko lamang siyang mag browse browse upang masanay at magamay niya ‘yong laptop.” Kaagad na paliwanag ni Lolo Ando. Mabilis kong na natakpan ang bibig ko upang pigilan ang matawa ng malakas. Grabe naman kasi itong si Lolo Ando kung maka-chill. Feeling teenager talaga.

Lakas naman ng simangot ni Mayor nang matanaw ang ngiti ko. Pinaningkitan niya ako ng mata. Agad naman akong nagbaba ng tingin.

“O, apo, kumain ka na. Gutom lang ‘yan.” At ipinagtulakan na nga ni Lolo Ando ang apo patungong dining table. Tinawag na rin ako ni Lolo Ando kaya sumunod na rin akong dumulog sa hapag.

***

Russ’ POV

Nakasimangot ako habang dumudulog sa mesang kainan. Kaagad namand lumapit sa’kin si Nana Maria upang ipaghain ako. Para sa kanila lang kasi ang nakahain sa mesa. Hindi talaga sila sanay na umuuwi ako ng lunchtime. Pagkaupong-pagkaupo ay napabuga ako ng hangin. Bakit nga ba ako umuwi para dito mag-lunch? Sa office lang naman talaga ako nagla-lunch at inioorder lang ako ni Tita Vera. Kadalasan naman ay sa labas kasama ang aking sanggunian o kaya ay sa mga okasyong aming dinadaluhan.

Ewan nga ba. Tss. Muli akong napabuga ng hangin. I just felt like I needed to find out if she was settling in just fine. I felt like it was my responsibility to be sure of that. I had no idea why. Naisip ko lang kasi na since ako ang nagdala sa kanya rito sa bahay.

Mayamaya ay may pagkain na sa harap ko.

“O, Mayor, kain na. Mag-aala-una na. Baka lipasan ka ng gutom,” ani Nana Maria pagkalapag ng pagkain.

“Russ, ho, Nana Maria. Sinabi nang wag akong tatawaging mayor dito sa bahay he,” saad ko sa matanda.

“Ay siya nga. Hayaan mo na at nasanay na kasi,” sagot ng matanda. Napabuntunghininga na lang ulit ako. Ano pa nga ba magagawa ko? Kahit anong bawal ang gawin ko sa mga kasama sa bahay na huwag akong tawaging mayor wa epek. To make matters even worse, they seem to love calling me mayor.

Huwag lang silang masyadong masanay. They might think I am happy about it. Hindi nila alam na pinagbibigyan ko lamang si Lolo. One term is all I can give. To make everybody happy. After all, nabo-bored lang din naman ko sa buhay ko sa ngayon. Kesa naman maubos ang oras ko kakaisip kay Savie at sa bagong jowa nitong hindi ko alam kung paanong nagustuhan nito.

Bahagya kong ipinilig ang ulo ko. Bakit ba napunta roon ang isip ko eh, kakain pa naman ako,. Baka hindi pa ako matunawan nito. Kaya naman agad kong ibinaling sa ibang bagay ang aking isip. Something good and happy. They say you should have happy thoughts while eating. Nakakatulong iyon ng malaki sa digestive system.

Kung bakit naman nabaling ang pansin ko sa dalagang kumakain sa tapat ko. Sinimplehan ko ito ng sulyap. She was looking down at her food. She was wearing those clothes again. Wala bang ibang damit ito kundi tshirt at jeans? She could be pretty though lalo na pag ngumingiti. Yes, I’m sure of it. Dahil nakita ko ang itsura niya ng bagong gising kaninang umagang sinundo ko siya. Sabi nila pag ang isang babae ay maganda sa umaga kahit kakadilat pa lang ng mata, ay siyang totoong maganda.

Napailing ulit ako habang pinipigil ang paglapat ng ngiti sa aking mga labi.

Stop it! Asik ko sa sarili ko. Inis nga sayo ang babae eh, ngiti ngiti ka d’yan.

Isa pa ‘yon. Hindi-hindi makakatakas sa’king pansin na kapag si Lolo ang kaharap, abot tainga at ang tamis ng ngiti. Ngunit kapag napapatingin sa’kin ay agad nabubura. Tss. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain at higit ko pa ngang binilisan. I need to get back to my office. Kung bakit nakauwi-uwi pa ako eh. I should have had my lunch there like I used to do.

*****