Chapter Twenty Nine
EDSON SANTIAGO BAYER POV
Hinatid ko ng tingin si Ariella papasok sa gate ng GU. Hindi ko na sya masasamahan pabalik dahil sa may importante akong dapat gawin. Bigla kasing nagpatawag ng meeting si Marquez. May nasagap daw syang balita at kailangan daw na nandoon ako. Wala naman akong magagawa dahil ako ang boss nila. Hindi na din ako nag- abala pa na kuhanin ang kotse ko sa parking ng eskwelahan dahil makalipas ng ilang minuto ay may pumarada ng blue hillux sa tapat ko. Bumusina ito, senyales na pumasok na ako sa loob. Binuksan ko naman ang pinto sa passenger seat at pumasok. Kaagad naman na humarurot ang sasakyan paalis.
"What's the meeting all about?" Tanong ko.
"It's all about your girlfriend, Boss." Sagot naman nya.
"Be specific, Cass." Saad ko.
Natawa naman sya. "Wala pa din akong alam."
Napailing na lang ako at minabuting tumingin na lamang sa labas ng bintana. Walang matinong usapan kapag itong mokong na ito ang kasama mo. Bakit kasi itong isang ito pa ang sumundo sa akin. And bakit ba ako pumayag kung pwede naman na mag- maneho na lang ako. Alam ko naman kung nasaan ang HQ.
Hindi nagtagal ang byahe dahil mabilis magpatakbo ng sasakyan si Cass. Nasabi ko na ba sa inyo na racer ang isang ito? Kung hindi pa, pwes ngayon, alam nyo na. Hindi lang halata pero magaling yan sa mga sasakyan. Tinatamaan lang talaga ng saltik minsan. No. Madalas pala. Okay, araw- araw na lang. Wala naman kasing araw na hindi yan naka- ngiti at pa- chill -chill lang. Parang walang problema sa buhay. Sana all, 'di ba?
Hindi halatang HQ ng mga barumbadong mga nilalang ang gusaling may apat na palapag at kulay pink. Isa itong restaurant sa harap. Pero if you look behind at sa ibaba, hindi. Well hidden ang among base para hindi ito madaling makita o matunton ng iba. And of course, there was a secret passage na kami lamang ang nakakaalam. Iba ang daan na dinadaanan namin kaysa sa mga ordinaryong mga tao. There's this little space between the restaurant and its nearby establishment na kasya ang kotse. But it's more looked like a tambakan or basurahan with a dead end coz by a tall wall. So, when you go through it, ang pader na iyon ay tataas para makapasok ka sa isang tunnel papunta sa HQ. Pero hindi lamang iyon ang tanging daan patungo sa base. Mayroon pa sa manhole, c. r, secret door at maging sa mga katabing establisyimento. Syempre, hindi nila alam ang lahat ng iyon.
Nang makarating kami ni Cass sa meeting room ay kumpleto na silang tatlo. Seryoso ang mga mukha nila at lahat ay naka- harap sa kani- kanilang laptop. Naupo ako sa pwesto ko which is sa pinaka dulo at harapan nilang lahat.
"What is this all about?" Ani ko.
"Did you remember your theory about Lexshawna, the long lost little sister of San Diego?" Saad ni Kristan.
Napatango ako. "What about it?"
"We think its true." Si Trenan naman ang nagsalita.
"Explain." Tipid kong bitaw.
"You said na natagpuan lang sa tabing dagat si Lexshawna ng grandparents nya, right?" Sabi naman ni Marquez sabay harap sa akin ng kanyang laptop. "And a few years ago, San Diego family has a little celebrations on their family boat. Remember the assassination?" Napatango ako. "That's it. Namatay ang magulang nila sa biglaang pagsalakay ng mga kalaban doon. Pinasabog ang boat at nagkawatak- watak sila. And on that exact date, natagpuan si Ariella."
Nabasa ko nga sa article at secret files ng Mafias ang tungkol sa pangyayaring iyan. Si Carolile lang ang nakaligtas doon. Natagpuan sya na palutang- lutang sa dagat sakay sa isang tabla na galing sa sumabog nilang yate. Ang akala ng lahat ay namatay na ang pamilya nya sa paglusob ng mga kalaban ng ama nito. Iyon din ang akala ko not until lumitaw sya dito sa GU.
"Carolile knows na hindi si De Torres ang kapatid nya." Dagdag naman ni Kristan.
"Paano mo nasabi 'yan?" Tanong ko dito.
"Wala na syang pakialam dito. Hindi na din nya tinanggap si Shellarina nitong mga nakaraang araw." Pagpapaliwanag nya.
Nangunot ang noo ko. "Pero tinulungan nya ito noong nasa tulay tayo."
"Hindi." Si Trenan naman ang nagsalita. Iniabot nya sa akin ang isang folder. "May ibang tumulong sa kanya."
Binuksan ko at tiningnan ang laman nito. There was a pictures na kuha ng mga CCTV. Sa hindi kalayuan mula sa amin noon sa may tulay ay may nakamasid. Malabo ang kuha ng mga litrato kaya naman, hindi maaninag ang mukha nito.
"Ginagawa ko na ang lahat para makilala ang taong iyan. Kukuha ako ng mga footage mula sa mga kalapit na gusali and pagtatagpi- tagpiin ko lahat." Singit naman ni Marquez.
This is indeed a very important meeting. Basta about sa aking mahal na prinsesa ay mahalaga para sa akin. Binuhay ko naman ang computer na nandito sa pwesto ko. Inilagay talaga ito dito para sa akin. I'm the boss, right?
I searched the assassination of San Diego family na nangyari isang dekada na ang nakalipas. Masaya silang pamilya noon, specially when their living daughter arrived. Nang ipinanganak ang bunso nilang babae ay nagdiwang ang lahat. Itinuring nila itong biyaya at kayaman ng kanilang angkan. Carolile is seven that time and his baby sister is almost one year old. They were on the boat, celebrating their parents anniversary when an enemy abducted and killed their parents. Wala masyadong details kung ano ang nangyari dahil ayaw daw magsalita ni Carolile. If ever na si Ariella ang nawawalang kapatid ng kumag na iyon ay tiyak kong magiging masaya sya. Magkakilala na silang dalawa at nakita na nila ang good at bad attitude ng isat- isa. So, I'm gonna do the right thing. Tss. Kahit labag sa loob ko ay kailangan ko pa din itong gawin. Tumayo ako na ikinagulat nilang lahat.
Napahinga naman ako ng malalim. "I'm going to see, San Diego."
"What? No." Agad namang protesta ni Marquez. "Para ka ng pumasok sa kulungan ng mga leon."
"I need to, for my Ariella." Saad ko naman.
"You're really in love with her. Deeply." Naiiling na sambit ni Kristan.
"I'm going with you." Prisinta naman ni Cass na may pagtaas pa ng kamay.
"Yeah. At least take that asshole with you." Bato naman ni Trenan.
"Kapag tinutukan ka ng baril ni Carolile, isangga mo 'yang tukmol na yan." Natatawa namang banat ni Marquez.
"Fuck you all." Naiinis naman na balik ni Cass habang nakataas pa ang middle finger nito.
I have no choice. Hindi nila ako paaalisin kapag hindi ko sinama ang kumag na ito. Kaya naman, hinawakan ko kwelyo nya sa may batok at hinila na ito patayo. Bitbit ko sya hanggang sa maka- labas kami ng meeting room dahil nakikipag- asaran pa ito sa tatlo. Tumigil lang sya noong naglalakad na kami sa pasilyo. Isip bata talaga ang isang ito.
Hindi ko alam kung saan hahanapin ang San Diego na iyon. Walang nakakaalam ng eksaktong lokasyon ng bahay at lungga nya. Kaya naman, inutusan ko si Marquez na gumawa ng paraan upang magkita kami. Pinapunta naman nya naman kami sa isang national library.
"Sigurado ba si Marquez, boss, na dito makikipag- kita sa 'yo si Carolile?" Naiinip na bitaw ni Cass.
"Yes." Tipid ko namang sagot.
Kasalukuyan na kaming nasa loob ng national library. Nakaupo kami sa pinaka- dulo na table. Hindi ko naman napapansin ang oras dahil may binabasa akong libro. Pero itong katabi ko, kanina pa nagmamaktol. Naka- ilang bigay na ako sa kanya ng libro para sana basahin nya at hindi sya mainip. Pero wala syang ibang ginawa kun' di ang magdabog at magngangawa na parang bata.
"Boss, sa laki mo ng iyan, fairytale books pa din ang binabasa mo?" Puna naman nya sa hawak kong libro.
"Its cool. Don't mind me." Tugon ko naman.
Narinig ko pa syang huminga ng malalim. Hindi ko na sya pinansin pa. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng hawak kong libro. Fairytale book nga ito. Bakit masama ba? Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapag- basa ng mga ganito noon. Wala din akong mga coloring books at mga laruan. Ako kasi ang nag- iisang lalaki sa amin and ako ang magmamana ng kompanya. Kaya naman, puro tungkol sa law, business at management na libro ang pumuno sa kwarto ko. That's how lonely my life is. Nakaka- pahinga lang ang utak ko kapag niyaya ako ng mga kapatid kong babae. That's the only time na nakakanood ako ng movie. And its all about Disney princesses.
"The Little Mermaid." Ani ng taong naupo sa katapat naming silya.
"Alam mo ba na kanina ka pa namin hinihintay, Carolile?" Singhal ng katabi ko.
Natawa naman ang bagong dating. "Actually, hindi sana ako pupunta. Pero itong kaibigan nyo, hindi ako tinigilan."
"Aba, may pakinabang din pala ang kumag na iyon." Tatango- tangong anas ni Cass.
Ibinaba ko ang librong hawak ko. "We need to talk."
"Go ahead and talk." Naka- ngiting balik ni San Diego.
"A decade ago, may nangyaring trahedya sa pamilya nyo. That's the reason why kung bakit nawala ang kapatid mo, right?" Pag- sisimula ko.
Sumeryoso naman sya. "What about it?"
"I think, alam ko kung sino ang kapatid mo." Bitaw ko.
Natigilan ang lalaking may magka- ibang kulay ng mata. Bahagya syang napa- yuko at napaisip. Pero, sandali lamang iyon dahil nakabawi naman sya kaagad.
"Who is she?" Tanong nya.
"We're not sure yet. So, I'm not gonna tell you who's your sister." Saad ko.
Kumuyom ang dalawang kamao nya at tinitigan ako ng matalim. "Naglolokohan ba tayo, Bayer?"
Napailing ako. "I'm telling the truth. All I want is a piece of your hair for the DNA test."
"Tell me who she is and I'll cooperate." Madidiin nyang bato.
"I'll guarantee you na once na lumabas ang results ay malalaman mo ang lahat." Sabi ko.
Napasandal sya sa upuan nya. "How can I be so sure na ibibigay mo ang tunay na resulta? Paano ko malalaman na hindi mo pepekein ang info."
"I'm a man of my words. You can kill me kapag sumira ako sa usapan." Seryoso kong ani.
Napatawa naman sya sabay hawi ng buhok nya pataas. "This is bullshit. Nagsasayang lang ako ng oras dito."
Bakit ba ang tigas ng lalaking ito? Hindi ko naman pwedeng sabihin na si Ariella ang tinutukoy ko. Malalagay lang sa peligro ang buhay nya.
"Hindi din ako mag- aaksaya ng oras dito kung lokohan lang ang lahat ng ito." Bitaw ko.
Pinaka- titigan nya ako ng mabuti. Pagkatapos ng mga ilang segundo ay ngumiti sya. Teka, baliw ba ang isang ito?
"You're protecting her." Napatango- tango sya. "I can read you."
"She's just an ordinary girl and your a monster." Ani ko naman.
Napatawa sya. "Okay. Go get a barber to cut my hair. I don't mind if I'm going to be bald either."
I guess, he knows it already. Kaunti na lang at iisipin ko na mind reader ang taong ito. Kanina lang ayaw nya ngayon, willing pa syang magpa- kalbo. Tss. Mabilis namang kumilos si Cass. Mula sa kung saan ay may inilabas syang maliit na gunting. Lumapit sya kay San Diego at gumupit ng kaunting hibla ng buhok. Pagkatapos ay may inilabas na naman syang plastic at doon iyon inilagay.
"Once its done, message me ASAP. Alam mo namang kaya kitang ipatumba kahit kailan ko gusto." Naka- ngisi nyang anas.
Tumango ako. "Of course."
Then, he stood up at umalis na parang walang nangyari. Napatingin naman ako sa librong binabasa ko. The Little Mermaid ang title nito. Siguro kaya nya nahulaan na si Ariella ang tinutukoy ko. Bakit kasi hindi ako nag- iisip?
"Si Ariella kasi palagi ang iniisip mo." Biglang saad naman ni Cass.
Absolutely. Hindi sya mawala sa isip ko. Ganoon na ba ako ka- halata? Anyways, I need to get going. Tumayo ako at niligpit ang mga libro na kinuha ko. Pagkatapos ay niyaya ko na ang makulit kong kasama na umalis. Babalik kami sa HQ to test their DNA. If ever na mag- match at mag- positive ang resulta, wala akong ibang magagawa kun' di ang tanggapin ang katotohanang magkadugo sila. Hindi lang ako maka- paniwala dahil magka- iba talaga silang dalawa. Sobrang bait ng mahal ko samantalang, ang kumag na iyon ay tuso at mapanglinlang. Saan kaya pinag- lihi si Carolile at naging ganoon. Nakainom yata sya ng panis na gatas noong bata pa. Nakakaawa.
Si Cass pa din ang nagmamaneho ng sasakyan. Ambag na nya ito sa amin para naman kahit papaano ay may pakinabang din sya. Hindi naman sa wala syang silbi. Maaasahan naman sya talaga. Kakaiba nga lang ang takbo ng utak nya. Hindi sya nakikialam sa mga plano at bagay kapag wala sya sa mood. Kapag ayaw ay ayaw ang policy nya. Naalala ko pa noon na gusto syang pababain ng iba naming mga tauhan. Wala daw kasi syang gingawa sa gang. Pero tinawanan lang nya ang mga iyon. Sinabi nya na kung sino ang makakapatay sa kanya ay ang syang papalit sa pwesto nya. Sinabihan syang hambog at hangal ng mga ito. Kaya naman, hinamon nya ang mga ito arena. Kumuha sya ng upuan at pumwesto sa gitna. Naka- upo lang sya doon hanggang sa matapos ang laban. Napatumba nya ang sampong mga lalaki ng hindi umaalis sa kanyang pagkaka- upo. Simula noon ay wala ng nagtangka pang humamon sa kanya. May case din na bigla na lang syang namamaril ng bulok na tauhan. Kinatakutan na sya ng marami dahil ginagawa nya iyon ng may mga ngiti sa labi. He's a psycho.
"You're in deep thought." Bigla nyang ani.
"Yeah." Tugon ko naman.
Napatawa sya. "Carolile will be a good brother to your little mermaid. Halata naman na mahal nya ang kapatid nya kahit hindi pa sila nagtatagpo."
"I know." Sagot ko.
Narinig ko pa syang tumawa pero, hindi ko na sya pinansin. Nagpatuloy ang byahe namin pabalik ng HQ ng tahimik. May katotohanan naman ang lahat ng sinabi nya. Kitang- kita naman sa lahat ng ikinikilos ni San Diego kung gaano nya kamahal ang nawawala nyang kapatid. Handa nyang gawin ang lahat para lang mahanap ito. So, I'm going to do the right thing. Alam ko naman na aalagaan nya si Ariella ng mabuti. And my baby wants to know her true family. This is it. Malalaman na natin mamaya ang kasagutan.
Pagdating namin sa HQ ay kaagad kong pinaasikaso ang testing ng DNA ni Carolile at Ariella. Kumpleto naman lahat ng gagamitin dito kaya naman, magiging madali na ang paghihintay ko. Pwede na syang malaman bukas or mamayang madaling araw. Inutusan ko talaga ang mga nasa laboratory na h'wag matutulog at titigil hanggat hindi pa sila tapos. At habang naghihintay sa results ay nagpunta muna ako sa sarili kong kwarto dito sa loob ng HQ. Bigla kasi akong nakaramdam ng pagod. Parang gusto ko munang magpahinga kahit sandali lang. Kaya naman, pabagsak akong nahiga sa kama. Parang inaantok din ako, ahh.
"Wake up, Ed!"
Shut up. Kakahiga ko lang.
"Edson, kapag hindi ka pa bumangon dyan, hindi mo na makikita pa si Lexshawna!"
Ano?!
Napabalikwas naman ako ng bangon. Bumungad naman sa akin ang seryosong mukha ni Marquez. Kagaya pa din ng dati, hawak nya ang laptop nya. Tumayo ako at nag- ayos ng sarili. Pagkatapos ay naglagay ng dagger at kutsilyo sa secret pocket.
Kumuha din ako ng tatlong 45 caliber gun. Tahimik naman syang naka- masid sa akin.
"Anong oras na ba?" Tanong ko.
"Ala- sinco na ng umaga." Tugon nya.
Talaga? Parang kahihiga ko lang, ehh. Kinuha ko naman ang Cp ko na nasa may gilid ng kama ko. I checked the time at nagsasabi nga sya ng totoo.
"Ohh, anong problema?" Muli kong tanong.
"Lumabas na ang resulta ng DNA." Sagot naman nya.
"Where is it?" Sabay lahad ng palad ko sa kanya.
Ibinaba nya ang hawak na laptop sa may edge ng kama. Pagkatapos ay may kinapa sya sa bandang puwetan ng kanyang suot na pantalon. Maya-maya pa ay iniabot na nya sa akin ang isang sobre. Kaagad ko naman itong kinuha at binuksan. Muli naman nyang kinuha ang laptop nya at tumitig sa akin na para bang naghihintay ng sagot. Kinakabahan naman ako na binasa ang mga naka- sulat sa papel.
Carolile Gem San Diego
Lexshawna Ariella Delfin
= 90. 99℅
Hindi nga kami nagka- mali.
"Contact the bastard." Utos ko sa lalaking nasa harapan ko.
"Where do you want to meet him?" Tanong naman nya.
"Dito na sa Restaurant." Saad ko.
Tumango naman si Marquez at magka- sabay kaming lumabas ng silid. Malalaki ang hakbang ko na tinahak ang sikretong daanan palusot sa restaurant. I entered my code at sa isang cubicle ng c. r ako nito dinala. Chill at kampante naman akong lumabas dito. May ilan din naman na nagtaka dahil hindi nila ako nakitang pumasok. Pero wala akong pakialam. Nagpatuloy lamang ako at naghanap ng table na pu- pwestuhan. Tumawag na din ako ng waiter at um- order ng kape at simple breakfast meal.
Sigurado ako na hindi na magtataka si San Diego kapag nakita na nya itong resulta. Hindi ko alam kung paano pero, sobrang lakas ng radar nya. Nalalaman nya kaagad ang lahat. And speaking of kumag, here he is. Naka- ngiti na naglalakad papunta sa akin. At nang makalapit ay tumawag din sya ng waiter at um- order ng pagkain nya.
"So, what's the result?" Bungad nya sa akin.
Iniabot ko naman sa kanya ang sobre. Sakto naman na dumating na din ang mga order namin. So, dahil sa gutom ako, nagsimula na akong kumain.
"Damn! Is this true?" Rinig kong saad ni San Diego. "Good GOD, thank you!"
Hinalik- halikan nya ang sobre at tuwang- tuwang tumayo.
"Guys, look! Nahanap ko na ang kapatid ko! Finally." Sigaw nya habang winawagayway ang papel.
Umani naman sya ng palakpak mula sa mga nakarinig at bati ng congratulations. Grabe, dinaig nya pa ang nag- propose sa babae. Pagkatapos ay muli syang naupo at tumatawang kumain. Napailing na lang ako sa mga reaksyon nya. Para syang nanalo sa lotto.
Dahil sa sobrang saya ni San Diego ay inako na nya ang lahat ng bayarin. Okay lang naman sa akin iyon dahil masarap ang libre. Grasya na nga ang nalapit, aayaw pa ba ako. Hindi naman maka- get over ang kumag kong kaharap sa resulta. Paulit- ulit nya kasi itong binabasa. Naabala naman ang pagtawa nya ng mag- isa nang dumating ang apat kong kaibigan.
"Ariella is in danger." Humihingal na bitaw ni Marquez.
"Bakit? What happened to my baby sister?" Napatayo namang saad ni San Diego.
Inilapag ni Marquez ang laptop sa lamesa at ipinakita sa amin ang mga pigura ng babae na kuha sa ibat- ibang mga CCTV camera. Pagkatapos ay nag- focus ito sa mukha nito. Sa una ay malabo ito at hindi maaninag. Pero habang tumatagal ay lumilinaw ang bawat detalye ng litrato.
"It's your Ex." Ani ni Carolile.
"She's the mastermind." Sabi naman ni Kristan.
Nagawa ni Rodie ang mga bagay na iyon? Naguguluhan man ay kinuha ko ang cp ko at tinawagan ang mahal ko. Sa mga oras na ito ay tiyak kong nasa eskwelahan na sya.
"Ariella nasaan ka? Sino kasama mo?" Bungad kong tanong nang sagutin nya ang tawag.
"I was with Marise dito sa may.. ahh.. hindi ko alam kung saan ito ehh." Naguguluhan naman nyang tugon.
"Listen, baby. Don't hang up the phone. Marquez will going to trace you. Just act like tapos na ang usapan natin dito sa call. Magagawa mo ba yon, Ariella?" Pakiusap ko sa kanya.
"O- oo naman. Ano ba nangyayari? Shellarina is here. Patay na sya at si Marise ang may dahilan noon." Anas nya.
"Don't come near her. Please, baby act like nothing happened." Bitaw ko.
"Edson...." Tawag nya sa pangalan ko.
I guess, alam na nya. Napa- hinga naman ako ng malalim. "Yes. She is. So, please, stay safe. I love you, baby. Act like nothing happened. Don't hung up."
"O- okay..." Sambit nya.
Kagaya ng sinabi ko ay nagkunyari nya syang tapos na ang tawag. Kaagad namang kumilos si Marquez at hinanap ang lokasyon nya. Wala naman kaming pinalampas na oras dahil kumilos kami kaagad.
"Who's that?" Rinig kong pang- uusisa ni Rodie.
"Its Ed. Tinatanong nya kung nasaan ako. Sinabi kong kasama kita." Sagot naman ng mahal ko.
"What did he tell you?" Tanong pa ng kausap nya.
Hindi ko talaga lubos na maisip na magagawa ito ni Rodie. Kasalanan ko ito. Bakit ba ang gwapo ko? Hay nako. Pinalipad ko na ang sasakyan namin. Wala na kaming pakialam sa mga traffic lights at pedestrian. Kailangan naming magmadali.
Nakarating kami sa lugar na palaging pinupuntahan ni Rodie noon. Wala namang reklamo si San Diego kahit pa gubat ang pinasukan namin. Nang matanaw na namin ang kinaroroonan nila ay mas bumilis pa ang aming mga hakbang. Nasa pinaka dulo na ng cliff si Ariella at nakatutok sa kanya ang baril ni Rodie.
Rodie, stop!" Umalingawngaw ang sigaw ko sa buong lugar.
Pero hindi pa din nya ibinababa ang baril.
"Ibaba mo ang baril, Rodelia." Sigaw Kong multi.
This time, lumingon na sa amin si Rodie. Pero hindi pa din nya ibinababa ang hawak nyang baril. Bakas sa mukha nya ang pagkabigla at takot. Nakaramdam naman ako ng takot ng muli syang humarap kay Ariella at nagpaputok ng baril. Mabilis naman akong napatakbo ng ma- out of balance ang mahal ko at nahulog sa cliff. Nasubdan pa ang putok ng baril at kadunod noon ang pagbagsak ni Rodie.
"Ariella!" Sigaw ko.
Tatalon na dapat ako pero naunahan na ako ni San Diego. Napaluhod naman ako at kaagad na nagpatawag ng sasagip sa dalawa sa ibaba. Pinangibabawan ako ng takot.
Please, don't.
Good heaven, please, have mercy on me. Hindi ko kaya na mawala sya.