Chapter 20: 3rd Person Pov

Nag malaman ng principal ang nangyari noong nakaraang araw, pinatawag si Konaide sa principal office kasama na ang grupo ni Shadow.

"Bakit ngayon ko lang nalaman 'to? Bakit hindi niyo agad sa akin sinabi?" tanong ng principal.

"Pasensiya na, Tita. Kami na sana ang aayos nito eh, nalaman niyo na pala..." ani naman ni Clarnce habang nakatungo.

"Pasensiya? Nagmukha kaya akong tanga nang tumawag si Mrs. Mondragon sa 'kin, galit na galit kung ano anong natanggap kong masasakit salita! Pati school na ito, nilait rin niya!" galit na sigaw ng principal.

"I'm really sorry, Tita. Relax lang po..."

"Paano ako mag-rerelax?" sigaw ulit nito.

"Tita, kumalma ka baka tumaas dugo mo. Sige ka baka pumangit ka!" ani naman ni Clarnce.

"Tumigil kayo ha? Hindi ako nakikipagbiruan!" mataas pa rin ang boses na ani nito.

Habang salita nang salita ang principal nakatungo lang si Kairhara at nakapikit. Walang paki alam sa nangyayari. "Ang ingay nila..." ani Kairhara sa isip.

"Tita naman!"

"Huwag ninyo akong ma-tita Tita! May kasalanan kayo sa akin!" maya maya lang may isang babae naman ang pumasok sa loob.

"Sino ang sumakal sa anak ko?" galit na tanong ng babae. Ang Nanay ni Classel Mondragon.

"Mrs Mondragon, kumalma lang kayo baka tumaas dugo niyo!" ani ng principal, natatawa naman sa sulok ang mga kaibigan ni Shadow.

"Paano ako kakalma? Kung muntikan nang mamatay ang Anak ko!" sigaw ulit nito.

"Naiintindihan ko Mrs. Kaya nga narito tayo para mapag-usapan nang maayos ang lahat! Kaya kumalma lang ho kayo, maayos po na'tin ito." Ani ng principal at, huminga rin nang malalim. "Miss Konaide, hindi oras nang tulog ngayon!" pasigaw na tawag ng principal kay Kairhara tumunghay lang ito at malamig na tumingin kay Mrs. Mondragon.

"Bakit mo sinakal si Ms. Mondragon?" kalamdong tanong ng principal.

"Ikaw ang sumakal sa anak ko, hayup kang bata ka!" sigaw ni Mrs. Mondragon kay Kairhara.

"Hindi ako ang dapat ang tanungin niyo, subukan niyo kayang tanungin ang malanding babaeng 'yon?" malamig na ani Kairhara, wala itong emosyon na pinapakita sa lahat kahit na nagwawala na sa galit ang Nanay ni Classel.

"Hey, Ms. Konaide, huwag kang ganiyan sumagot..." saway ng principal.

"Ang kapal ng mukha mo! Ano'ng sabi mo? Malandi ang anak ko?"

"Yeah, malandi ang anak mo! Baka hindi mo alam tch."

"Hindi malandi ang anak ko, baka ikaw ang malandi! Dahil nai-kuwento sa akin ng anak ko na nilalandi mo ang boyfriend ng anak ko!" ani pa nito. Ngumisi na lang si Kairhara, halos matawa naman ang grupo ni Shadow sa isang sulok dahil sa mga narinig.

"Huh? Iyan ba sinabi niya sa'yo? Wala ka pa lang kuwentang ina dahil naniniwala ka sa kasinungalingan ng malandi mo anak, fyi and correction? Wala akong inaagaw sa anak mo, dahil wala namang boyfriend ang anak ko. Paano magkaka-boyfriend ang anak mo, lahat ng lalaki sa school na ito nilalandi..." walang prenong ani Kairhara at ngumisi pa ang plano niya at mainis nang sobra ang Nanay ni Mondragon.

"Hangal kang bata ka! Wala kang respeto! Mabait ang anak ko at hindi siya malandi! Ikaw ang malandi baka pati Nanay mo kasing landi mo!" sigaw nito kay Kairhara at sinampal nang malakas si Kairhara. Hindi naman ininda ito ni Kairhara at ngumisi pa sa Nanay ni Mondragon.

"Mrs. Mondragon! Calm down, hindi ka dapat manakit ng minor! Baka makulong ka sa ginagawa mo!" awat ng principal.

"Paano ako kakalma? Sinaktan niya ang anak ko at, muntikan nang mamatay? Alam ko ina ka rin kaya siguro naman naiintindihan mo ang nararamdaman ko!"

"Yes, naiintindihan ko ang nararamdaman ninyo. Pero mali ang saktan ang minor, dahil baka magsampa nang kaso ang batang ito. Makukulong po kayo, pag-usapan na lang na'tin nang maayos ang lahat..." hindi naman nakinig ang Nanay ni Classel, sinugod pa rin nito si Kairhara at sinabunutan pumaibabaw pa ito sa dalaga at pinagsasampal.

"Tama na po 'yan, Mrs. Mondragon! Nasasaktan na ang bata!" sigaw ng principal at hinatak na si Mrs. Mondragon para lubayan si Kairhara.

Wala namang naging reaction si Kairhara sa mga nangyayari kahit puro kalmot na ito, malamig pa rin ang awra nito. Pero nagpipigil lang itong pumatay at magalit dahil nasa principal office sila.

"Pasensiya na..." ani Mrs. Mondragon.

"Kumalma ho, kayo... pag-usapan na'tin ito nang maayos, hindi tayo magkakaunawaan kung puro init ng ulo ang paiiralin. Nanakit ka pa ng bata, baka ikaw ang mapahamk niyan, Mrs."

"Gusto ko na maalis ang walang hiyang babaeng 'yan sa school na ito! Kun 'di sisirain ko ang reputation ng school na ito!"

"Mrs. Hindi naman puwede 'yon, kailangan kung s'ya i-kick out sa school na ito. Pati ang anak mo damay... "

"Bakit kasali ang anak ko, hindi naman 'yon!"

"Dahil ang anak ninyo ang unang nag-umpisa ng away, kitang kita ko sa cctv. Pero don't worry, bibigyan ko nang punishment ang batang ito upang hindi na umulit."

"Siguraduhin mong mahihirapan ang walang hiyang babaeng 'yan!" galit na aniya.

"Mrs. Mondragon naturingan kang isang senador, pero ang ugali mo asal kanto. 'Di na ako magtataka kung magmana sa'yo ang anak mo, asal squatter..." huling binitawan ni Kairhara na mga salita bago tuluyang lumabas ng principal office.

Napabuntong hininga na lang ang principal sa asal ni Kairhara.

"Mrs. Mondragon maraming salamat sa pagpunta rito, ako na ang hihinhi nang sorry sa nagawa nang student namin sa anak mo. Makakatanggap po siya nang punishment, masisigurado ko ho sa inyo 'yon." Ani ng principal.

"Good, sige aalis na ako. Na-stress lang ako sa batang 'yon!" ani pa nito at tuluyan nang umalis. Tumayo na rin ang grupo ni Shadow at lalabas na sana nang magsalita ulit ang principal.

"May kasalanan pa kayo sa akin, kausapin ninyo ang batang 'yon. Kumbinsihin ninyong humingi nang sorry kay Ms. Mondragon!"

"Bagay lang sa kaniya ang sakalin, kahit naman ako pigil na pigil na sa kalandian ng babaeng 'yon." Ani Shadow at umalis na, sumunod naman ang ka-grupo nito.

"Hayst, bakit ba ganito ang mga kabataan ngayon? Ang titigas na ng mga ulo eh, nakaka-stress sila hay!" ani nito at huminga nang malalim.