Chapter 19: Aron Pov

Napanood ko ang eksena kahapon, 'di ko alam pero gusto kong malaman kung sino siya? Nakuha nito ang attention ko kaya napagpasyahan kong pumasok ngayon. Gusto ko makita ang katulad niya, para kaseng kakaiba siya sa lahat.

"Pssstt... Hoy, pre tulala ampt!" ani Valser.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah? Inlove yata?" ani naman ni Jendy.

"Let's go, papasok tayo ngayon!" aya ko at tumayo kinuha ang bag. Lumabas na ako nang tambayan at naglakad papunta sa room.

"Really? Seryoso ka, papasok talaga tayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Jendy, malamang sa loob nang isang buwan ngayon lang kami papasok sa room. Pero palagi naman kaming narito sa school, nagmamasid sa paligid.

"Himala! Papasok ka talaga?" tanong ni Valser.

"Tch..." sabi ko na lang at nagtuloy-tuloy sa paglalakad, may mga babae na ring sumisigaw at halata mong kinikilig na makita kami.

"Wow? Pumasok ngayon si Aron! Ang guwapo niya talaga!"

"Akin ka na lang, Aron! Ako na lang mahalin mo!"

"I love you, Valser ko! Ang guwapo mo talaga!"

"Tch, mas guwapo pa rin d'yan ang evil bloody gang..." epal ng isang babae, guwapo raw? Suntukin ko pa sila eh.

"Ang ganda mo talaga, Jendy!"

Nang makarating ako ng room pumasok na ako sa loob. Halatang nagulat ang mga classmate namin, malamang sino ba naman ang 'di magugulat kung sa loob ng isang buwan ngayon lang kami pumasok. Nakakaboring kase mag-aral. Hinanap agad ng mata ko si Konaide, nalaman ko ang pangalan niya nang sabihin sa akin ni Valser. Nakita ko naman ang babaeng 'yon sa pinakangdulo, malapit sa upuan ni Shadow.

"Nah, bakit kase tayo pumasok, ang boring kaya sa room na 'to..." angal ni Jendy.

"Kung ayaw mo pumasok? Bukas ang pinto lumabas ka na, hindi naman kita pinipilit tch." Ani ko rito. Puro siya angal tch, ayoko pa naman ang gan'ong klaseng tao.

"Tch, fine! Sabi ko nga papasok na ako..." aniya at kumamot pa sa batok.

"Ptttt..." pigil tawa ni Valser.

"Huwag mo nang pigilan tawa mo, halata naman tch. Sapakin kaya kita?" inis na ani Jendy, iyan na naman sila. Palagi kaseng aso't pusa ang dalawang 'yan.

"Hindi ako tumatawa ah! 'Di ba, Aron hindi ako tumatawa?"

"Huwag mo akong idamay d'yan..." ani ko at sinamaan ito ng tingin.

Habang naghihintay kami ng prof namin, pinagmamasdan ko lang si Konaide. Maganda s'ya, makinis, may kissable lips. Oh shit perfect girl siya para sa akin. Ano bang sinasabi ko? Bigla naman akong napaiwas ng tingin nang lumingon si Konaide sa akin. Napansin siguro niyang may tumitingin sa kaniya. Huwag naman sana.

"Bro? Lapitan mo na lang, kaysa pasulyap sulyap ka d'yan..." bulong ni Valser sinamaan ko agad ito ng tingin. Pinagsasabi nito?

"What?" ani ko at tumingin na sa unahan.

"Kunware ka pa, kitang kita Naman..." ani pa ni Valser.

"Valser? Shut up your mouth, puwede?" inis na ani ko. Natawa ito nang mahina, ako naman sumandal sa upuan at pumikit.

"Kyaaahhhh! Narito na ang The evil gang!"

"Oh my gosh, maganda ba ako besh?"

"Maayos ba ang mukha ko? Maganda ba? Hindi ba kahiya hiya?" bakit kailangan pa nilang magtanong kong maganda sila?

"My gosh! I love you, Lay!"

"Merry me, Clarnce?"

"Ang guwapo mo talaga, Clarnce ko baby ko!" ang ingay ng room, nakakaasar.

"Ang gwapo mo talaga, Ice! Baby ko!"

"I love you, Shadow ko!"

Ang sakit nila sa tenga, kailangan bang tumili kapag narito na ang mga papansing grupo na 'yan? Tch, ang panget kaya nila mas guwapo pa ako sa kanila eh. Mas'yado lang silang pasikat. Nagkatitigan naman kami ni Lay, habang papunta ito sa upuan nito.

"Oh nice, long no see Aron! Wala ka pa ring pinagbago, panget ka pa rin!" pang-aasar ni Lay sa akin at pinagtawanan pa ako. Tang*na niya sagad!

"Ano sabi mo? Tang*na mo!" galit na ani ko, nagpipigil lang ako masasapak ko na talaga siya.

"Opss... Bawal ulitan sa taong panget!" ani nito at humagalpak pa ng tawa.

"You? Damn you! Mother f****er! Fuck you, sagad!" inis na inis na ani nito.

"Bro, tama na! Baka umiyak na ang mga batang kagaya nila!" ani Clarnce at pinagtawanan kami.

"Tang*na mo, hindi kami bata! Suntukan na lang oh!" saba't naman ni Valser.

"Haha.. pikunin ang p*ta hahaha!" ani pa ni Lay.

"Fuck you, Lay!"

"Tumigil na nga kayo, para kayong mga isip bata!"

"Nagsalita ang hindi isip bata..." ani Lay.

"Hindi ako bata, tang*na mo! Fuck you! Patayin kaya kita?"

"Do you want to fuck me? Owh sorry, hindi ako napatol sa katulad mong panget!" ani Lay at ngumisi pa kay Jendy, halos umusok naman sa galit si Jendy. Ganito talaga kapag pumasok kami sa klase at, nagsama sama ang mga grupo. Away talaga ang kinalalabasan, talo ka 'pag pikon ka.

"G*go! Ano bang gusto mo ha?"

"Ang gusto ko? Hindi na makita ang panget mong mukha! Hahaha!" ani pa ni Lay at humagalpak pa ng tawa. Nakakaasar talaga ang pagmumukha niya, kapag nang-aasar. Ang sarap suntukin.

"Patayin kaya kita?" ani Jendy at umambang susuntukin si Lay

"Tch, away bata..." ani Konaide nang mapadaan ito sa amin. Magsasalita pa sana si Jendy, nang pumasok na ang professor namin.

"Huwag sa akin ang babaeng 'yan..." bulong pa nito, pulang pula na ito sa galit. Siya lang naman ang madalas mapikon sa grupo ni Shadow eh.

Pagkatapos nang klase, lumabas na kami. Hindi ko na rin nakita si Konaide, gusto ko sana itong ayain sa cafeteria para mas makilala ko ito nang maaayos. Pagkarating sa Cafeteria, si Jendy na ang um-order pero mukhang nagkamali ako ng inutusan. Dahil naro'on rin si Lay, kaya 'yon para silang aso't pusang nag-aaway sa counter. Tch, hindi na nahiya sa sarili eh.

"Akala mo naman kagandahan ka! Huwag kang assuming, mukha ka talagang halimaw sa paningin ko!" sigaw ni Lay bago ito pumunta sa table nila. Badtrip namang inilapag ni Jendy ang pagkain.

"Papatayin ko talaga ang lalaking 'yon, nakakaasar siya.. " gigila na ani nito at halos torturin na ang pagkain niya.

"Jendy, relax! Huminga ka nang malalim..." ani Valser at kinalma si Jendy. Tch, napakapikunin talaga niya, baka gan'on talaga ang mga babae tch.