Chapter 7: Unfinished Wishes
"I've missing you day by day, Would you came back for me?"
Seungcheol's POV
"Lolaaaaaaaaa!!!" masaya akong tumakbo palapit sa kanya.
"Apo ko. Seungcheol. Aba't napakalaki mo nang bata ka. Miss ka na ni Lola."
"I miss you more lola. Kamusta po kayo?" tanong ko habang nakayakap pa rin sa kanya.
"Mabuti naman at lalong bumuti dahil dumating kayo." sagot niya
"Lola namiss ko po yung mga luto niyo."
"Alam ko naman yun apo. Kaya mamaya! Samahan mo si lola sa bayan. Bibili tayo ng sahog sa sinigang tapos gagawa tayo ng kakanin. Gusto mo yon diba?" magiliw naman akong tumango.
Kararating lang namin dito sa Pangasinan. Probinsya ng lola ko. Halos apat na taon na rin simula nung huli kaming nagpunta dito kaya miss na miss ko na si Lola. Ewan ko pero kapag siya ang kasama ko, pakiramdam ko bata parin ako.
Kinuha ko ang phone ko saka idinial ang number niya.
"Hello Hannie."
"Hello Cheolie! Napatawag ka?"
"Kamusta kayo dyan? Yung barkada? Maayos ba sila?"
"Ok naman saka wag ka mag-alala maayos naman kami dito. Hindi naman ito yung unang punta namin dito sa Akita eh. Kasama ka pa--"
"Oo na andami mo nang sinabi. Mag-iingat kayo jan ah. Ikaw ang pinakamatanda jan dahil wala ako. Si Woozi baka mawala ulit yan."
"Oo na. Tatandaan ko yan. Huwag mo na kami intindihin. Ikamusta mo nga pala ako kay lola. Sabihin mo miss ko na yung kakanin niya."
"Sige sige. For sure miss ka rin non."
Binaba ko na ang telepono saka pumasok na sa loob.
―--―--―--―
"Lola, pasyal lang po ako sa bukid." paalam ko kay lola.
"Sige apo. Pagbalik mo, luto na to. Mag-iingat ka ah."
"Sige po lola."
Nakangiti akong naglakad lakad. Masarap ang simoy ng hangin dito sa probinsya. Wala paring pinagbago. Mas dumami nga lang yung mga bahay saka puno na makikita ko.
Nang marating ko ang bukid ay agad akong umakyat sa mala-burol na lupa rito. Tanaw mula rito ang malawak na bukirin. Pati na rin ang paglubog ng araw ay dito mo masisilayan.
Hindi ako nag-iisa sa lugar na ito. May mga batang naglalaro ng habulan. Naalala ko noong dinala ko rito si Jeonghan. Dito rin kami tumatambay. Napadako naman ang tingin ko sa isang babae na nakatulala sa malawak na bukirin. Nakaupo siya sa wheelchair at may hawak na isang bulaklak na gawa sa papel. Sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko kaya't nakita ko kung paano malaglag mula sa kamay niya ang bulaklak na hawak niya.
Akmang pupulutin niya ito pero hindi niya maabot. Nakatingin lang ako sa kanya pero agad ding tumakbo papalapit sa kanya para hawakan ang wheelchair niya. Muntik na itong dumiretso nang pilit niya paring abutin ang bulaklak.
Pumunta ako sa harap niya para ako mismo ang pumulot ng papel na bulaklak. Nang ibibigay ko na iyon sa kanya ay parang napahinto ako. Malapitan kong nakita ang mukha niya at hindi ko maitatanggi na napakaganda niya. Hindi maitatago ng maputla niyang balat ang kagandahan niya.
"A-ah. Salamat." bumalik lang ako sa reyalidad nang siya na mismo ang kumuha ng bulaklak mula sa kamay ko.
"Gemma!" agad akong napatayo nang may narinig akong sumigaw. Isang lalaki ang patakbong papalapit sa kanya.
"Sabi ko naman sayo sa bahay ka lang eh. Sino na naman ang nautusan mo para dalhin ka rito." bungad sa kanya nito.
"Eh--"
"Sino ka?" hindi na natapos ang sasabihin niya nang mapansin ako ng lalaking iyon.
"Ah... nakita ko lang siya. Muntik na kasing dumiretso yung wheelchair niya kanina nung nalaglag yung bulaklak, kaya hinawakan ko yung wheelchair." sabi ko saka tinuro ang bulaklak na hawak niya.
"Tingnan mo na. Pasaway ka talaga. Salamat ah. Mauna na kami." sabi niya saka iniliko na ang wheelchair.
Natingin lang ako habang papalayo sila. Boyfriend niya ba yun? Wala sa sarili akong napatingin sa baba kung sakaling magtuloy-tuloy yung wheelchair kanina.
Maging ako ay nalula sa taas nito.
"Ang taas pala." wala sa sarili kong bulong
―--―--―--―
"Wahh! Lola ang sarap talaga ng kakanin niyo!"
"Aba syempre. Specialty ko yan eh."
"Miss na rin daw po ito ni Jeonghan." kwento ko habang nilalantakan yung kakanin.
"Miss ko na rin ang batang yun. Eh bakit ba hindi mo siya kasama?"
"Nasa Japan po sila ngayon ng barkada lola. Doon yung napagplanuhan nilang gala."
"Oh? Ba't di ka sumama?"
"Eh syempre lola, mas pinili kong dito magbakasyon para makasama ko naman kayo."
"Hmmm. Napaka sweet naman ng apo ko." ngumiti lang ako bilang sagot.
Pagkatapos namin sa pagkain ay tumambay muna ako sa veranda. Habang nagmumuni-muni ay naisipan kong tawagan si Seungkwan
"Hello? Seungkwan. Ano? Kamusta?"
"Hello hyung. Ganun parin eh. Hindi parin niya ako kinakausap. Hindi na naman nga sumasagot sa text at tawag ko eh."
"Ok ka lang ba? Sana sumama ka nalang sa Japan para kahit papaano, makapagrelax ka."
"Hindi ko rin magagawang makapagrelax hyung hangga't hindi ko nakakausap si Jasmine. Sayang talaga at hindi ko alam kung saan siya nakatira. Kahit mga kaklase niya hindi alam ang address niya." bakas sa boses niya ang pagkalungkot. Nag-aalala kami ng barkada sa kanya dahil sa nangyayari sa kanila ni Jasmine. Biglaan kasi ang lahat. Biglang nagbago si Jasmine. Hindi niya kinakausap si Seungkwan o kahit kami ay hindi niya pinapansin. Natapos na lahat ang school year pero nanatili siyang mailap sa amin.
"Malalaman mo rin ang dahilan. Malay mo sa pasukan. Hayaan mo na muna siya. Ingatan mo ang sarili mo ah. Smile lang lagi."
"Salamat hyung."
Binaba ko na ang tawag saka muling nagmuni-muni. Hindi inaasahang mapapadako ang paningin ko sa isang pamilyar na tao. Nakaupo siya sa wheelchair at gaya ko ay nagpapahinga rin siya sa veranda nila. Hindi ko agad naialis ang tingin ko sa kanya bagkus ay mas lalo ko pa siyang pinagmasdan. Doon ko napansin ang isang garapon ng biscuit na may lamang makukulay na bagay. Hindi ko lang alam kung ano ang makukulay na bagay na iyon. Medyo malayo rin kasi siya mula sa akin. Nasa dalawang bahay ang pagitan.
"Apo. Anong ginagawa mo rito?" napalingon ako nang nagsalita si Lola.
"Nagpapahangin lang po lola. Ah lola, yung babaeng yun? Sino po siya?" tanong ko saka pasimpleng itinuro yung babae.
"Ahh.. Siya si Gemma. Bakit? Nagkita na ba kayo?"
"Sa bukid kanina lola. Muntik na kasing dumiretso pababa yung wheelchair niya. Pinigilan ko lang." tumango tango naman si lola.
"A-ano pong sakit niya?"
"Cancer. Nasa lahi na nila yung cancer. Kamamatay lang rin ng nanay niya dahil sa sakit na yun nung nakaraang taon. Kaya yung kuya niya nalang ang kasama niya."
"Kuya?" akala ko boyfriend niya yun.
"Oo. Kuya niya. Nagkita na rin ba kayo ng kuya niya?"
"Kung hindi po ako nagkakamali, siya yung sumundo sa kanya kanina. Sinasabi niya na tinakasan na naman siya ni Gemma." mahina namang napatawa si Lola.
"Oo nga. Lagi yang tumatakas sa kuya niya. Gustong gusto niya doon sa bukid." ngumiti nalang din ako saka muling tumingin sa kinaroroonan niya.
Kahit malayo, kitang kita mo ang simpleng kagandahan niya.
―--―--―--―
Muli akong bumalik ng bukid kinabukasan. Inaasahan ko na nandito muli ang babaeng yun. At hindi nga ako nagkamali, dahil naroon siya at malayo paring nakatanaw sa malawak na bukirin.
Lumapit ako at humawak sa hawakan ng wheelchair niya. Napatingala naman siya para alamin kung sinong nasa likod niya.
Nang makita niya ako ay punong puno ng pagtataka ang mukha niya.
"Baka dumiretso ulit eh. Alalayan ko lang." pabiro kong sabi. Ngumiti naman siya. Umupo ako sa tabi ng wheelchair niya saka pinagmasdan rin ang malawak na bukirin.
"Salamat nga pala ulit sa ginawa mo kahapon ah." napalingon naman ako sa kanya saka siya nginitian.
"Wala yun. Bakit nga ba kasi nandito ka? Tinatakasan mo pa ang kuya mo." tanong ko saka mahinang tumawa
"Nakakainip kasi sa bahay eh." sabi niya saka nagpout pa. Bahagya lang akong tumawa. Muli ko na namang napansin ang garapon ng biscuit na dala niya. At dahil malapit ay malinaw kong nakita ang laman nito. Mga makukulay na papel.
"Para saan yan?" tanong ko na tinutukoy ang laman ng garapon.
"Ah eto, origami. Dito nakalagay yung mga wish ko. Na gusto ko pang matupad bago ako mawala."
"Mawala?"
"Mm. Hindi pa ba halata? May sakit ako. Ang sabi ng doktor, dalawang buwan nalang ang itatagal ko. Kaya, gumawa na ako ng ganto. Para matupad ko naman yung mga bagay na gusto kong gawin. Kahit yung mga munting bagay lang."
"Pero hindi naman lahat ng taning nagkakatotoo. Prediction lang nila yun, wala namang makapagsasabi kung kelan tayo mamamatay."
"Pero sa kaso ko, hindi malabong mangyari yun. I'm not taking any treatments in the hospital. Chemo? I'm not taking any of it. Because of that chemo, maagang nawala si mom. Mas lalo siyang nanghina sa paraan na akala namin, mas magliligtas sa kanya. Kaya simula nung nagkasakit ako, I already told to myself that I won't taking any treatments na naging dahilan ng pagkamatay ni mom. Pinipilit lang talaga ako ni kuya sa check ups. At doon nga, sinabi ng doktor na...... I'm not going to live any longer." kwento niya habang diretsong nakatingin sa bukirin.
Hindi naman ako nakapagsalita. Pero narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Enough of dramas. Nagdrama na agad ako sa taong hindi ko pa kilala." sabi niya.
"A-aahh. I'm S. Coups. You can call me Coups."
"Coups? Police?" sumimangot naman ako
"Cops yun. Cheol na nga lang."
"Cheol." sabi niya saka mahinang tumawa.
"Gemma. Pero tawagin mo nalang akong Gem." sabi niya bagay na ikinangiti ko.
Tumayo ako saka pumwesto sa likuran niya. Inalalayan ko ang wheelchair niya at dahan dahan itong itinulak.
"Ako na ang maghahatid sayo. Baka sunduin ka na naman ng kuya mo." sabi ko. Hindi naman na ako nakarinig ng anumang sagot kaya itinuloy ko nalang ang paglalakad.
―--―--―--―
"Gusto kong makakain ng Durian. Seriously?" sabi ko matapos mabasa ang laman ng isang origami. Naisip ko kasing tingnan ang mga wish na naisulat niya. Narito kami ngayon sa tapat ng bahay nila at kasalukuyan ko ngang hawak ang naunang origami na binuksan ko.
"Bakit? Hahaha! Curious kasi ako kung anong lasa niya. Ikaw nakakain ka na ba nun?"
"No way. Pero..... seriously? Gusto mong makakain nito?" tumango tango naman siya.
"Wish nga eh diba? Gusto kong matupad kaya nilagay ko dyan." akmang kukuha ulit ako ng isa pang origami nang magsalita siya ulit.
"Ang kaso, hindi ko alam kung saan bibili. Hindi ko nga alam kung paano ko matutupad yang mga wish na yan eh." sandali akong napatitig sa kanya.
"Then I'll help you."
"Huh?" ngiti nalang ang naisagot ko sa kanya.
―--―--―--―
"Kainin mo. Ginusto mo yan eh diba?" natatawang sabi ko sa kanya.
"Ba't kasi ganon yung amoy? Ang baho!"
"Mabaho ka rin. Nagreklamo ba yung durian?"
"Ihampas ko kaya to sayo?"
"Sige na isubo mo na. Hahahaha" pang-aasar ko sa kanya kaya nakasimagot siya habang halos nandidiring isinubo ang durian. Maya-maya lang ay lumiwanag na ang mukha niya.
"Masarap! Kahit mabaho siya, masarap siya!! Pahingi ako ulit!!" nakanganga ko lang siyang tiningnan saka sinulyapan ang prutas. Paulit-ulit akong umiling sa pag-iisip na gusto ko ring tikman.
―--―--―--―
"Anong ginagawa natin dito?" tanong niya habang iniikot ang paningin sa kabuoan ng hacienda nina Minghao dito sa Pangasinan.
"2nd wish! Makasakay sa kabayo! Kaya nandito tayo ngayon sa Hacienda ng isa sa mga kaibigan ko. May mga alaga silang kabayo rito." kitang kita ko naman sa mukha niya ang pagkamangha at pagka excite.
Dahan-dahan kong itinulak ang wheelchair niya papunta sa kulungan ng mga kabayo. Doon ko rin naabutan si Mang Lando.
"Nandito na po pala kayo sir. Ito na po yung puting kabayo na pinahanda niyo." sabi niya saka ipinakita ang kabayo. Marahan ko namang hinawakan ang ilong nito.
Inabot ko rin ang kamay ni Gem para siya naman ang humawak sa kabayo. Bahagyang yumuko ang kabayo habang hinihimas siya ni Gem. Wala sa sarili akong napangiti.
"Dahan-dahan." sabi ko habang inaalalayan siya sa pag-sakay sa kabayo. Nang maayos na siyang nakapuwesto ay ako naman ang sumakay sa likod. Para akong nakayakap sa kanya sa ganoong pwesto.
"Masaya ka ba?" tumango naman siya.
"Mas magandang tumingin sa paligid kapag sakay ng kabayo." halata pagsasalita niya na nakangiti siya habang bumibigkas. Kahit hindi ko siya makita ay alam kong napakaganda niya habang suot ang maganda niyang ngiti.
―--―--―--―
Huminga ako ng malalim. Narito ako ngayon sa tapat ng bahay nina Gem. Hawak ko ang gitarang pinaglumaan ko na sa bahay nina lola. Pangatlong wish kasi niya ang makaranas na haranahin. Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung para saan pa tong ginagawa ko at bakit ko ba ito ginagawa. Pero isang sagot lang ang naiisip ko. Gusto ko na napapangiti ko siya.
Inumpisahan ko nang i-strum ang gitara. Maya maya pa ay dumungaw na nga siya sa bintana nila kasama ang kuya niya. Bigla naman akong kinabahan. Nang mabunot kasi niya ang origami na naglalaman ng pangatlong wish na ito ay inasar ko pa siya na wala namang mang-haharana sa kanya at manood nalang siya ng video pero eto ako ngayon, nasa labas ng bahay nila at haharanahin siya.
"..... Uri majimagi eonjeilji
Alji mothadeorado
Haengyeo museun iri saenggyeoseo
Boji mothadeorado
Naege gidae gidae gidae
Naege gidae gidae gidae
Naege gidae gidae gidae
Naege gidae
Naega ne maeume itdamyeon
Jeongmal naega ne maeume itdamyeon
Nega eodie itdeun
I will follow you
Seoro ire chiyeo salmyeo
Jaju mot bwado
Seoroege chwihae jameul cheonghamyeon
Kkumsogeseon mangseoriji malgo
Naege gidae....."
"Gem, j-just lean on me. I'm here for you." pagkatapos kong sabihin yon ay nakita ko na namang muli ang ngiti niya. Kaya ang kaninang nagwawala kong puso dahil sa kaba ay nagwawala parin dahil sa epekto ng ngiti niya.
―--―--―--―
"Aarghhh ang sakit sa mataaaa!!" reklamo ko habang naghihiwa ng sandamakmak na sili.
"Hahahahhah kaya mo yan Cheol cheer kita!" sumisinghot singhot pa ako saka sinamaan siya ng tingin. Hindi ko nalang siya pinansin saka ipinagpatuloy na ginagawa ko. Paano ba naman kasi! Yung pang-apat niyang wish, gusto niya raw makakain ng Sili Ice cream. Eh saan naman kami hahagilap non dito sa Pangasinan?
Pagkatapos ng dalawang oras ay natapos rin ang kasumpa-sumpang paggawa ng sili ice cream at excited na ngang matikman ng kasama ko.
*cough cough*
"Ehem! Ang anghang!" ako naman ang tumawa.
"Oh ano? Ang yabang mo kanina ah. Ano ka ngayon?"
"Baka pangit lang talaga paggawa mo!"
"Anong gusto mong gawin ko? Patamisin yung sili?" sabi ko kaya naman sumimangot siya. Bagay na ikinatuwa ko lalo.
"4th wish, checked!"
―--―--―--―
"Seungcheol." agad akong napalingon sa tumawag sa akin.
"Geff." banggit ko sa pangalan ng kuya ni Gem.
"Gusto ko lang sanang magpasalamat sa lahat ng ginagawa mo para kay Gemma. Masaya ako na nakikita kong masaya ang kapatid ko dahil sa tulong mo." napangiti ako dahil sa sinabi niya
"Pero pinapaalalahanan lang kita. Alam mo ang tungkol sa sakit niya. Hindi malabong iwan niya tayo. Alam kong hindi lang basta pagmamalasakit ang dahilan kung bakit mo ginagawa lahat ng ito. Nahuhulog ka na sa kapatid ko. At sigurado akong masasaktan ka.... sa oras na mawal--"
"Hindi siya mawawala. Hindi ka pa niya iiwan. Hindi pa niya ako iiwan."
"Sinasabi ko lang Seungcheol. Na sa huli, ikaw rin ang lubos na masasaktan." tinapik niya lang ang balikat ko saka umalis. Alam kong totoo lahat ng sinabi niya. At totoo ngang nahuhulog na ang loob ko kay Gemma.
To the point na pinapaasa ko ang sarili ko na habangbuhay ay pwede ko siyang makasama. Sa kabila ng sakit niya.
―--―--―--―
"Hello? Seungkwan?" nag-aalalang banggit ko sa pangalan niya.
"H-hyung..." rinig ko ang hirap niya sa paghinga dahil sa mga hikbing lumalabas sa bibig niya.
"It's okay. Everything's going to be alright."
"W-wala na kami ni Jasmine hyung. Ano pang alright don? Nakipaghiwalay siya sakin. Hindi ko manlang alam kung anong dahilan."
"Baka naman, nabigla lang siya. Subukan mo nalang ulit siyang kausapin. Maniwala ka, maayos niyo yan. Tahan na Seungkwan."
"S-salamat hyung...." malungkot kong ibinaba ang telepono. Saksi ako kung gaano kamahal ni Seungkwan si Jasmine. Pero umabot parin sila sa ganto. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Geff. Maaari rin akong iwan ni Gem. Maaari rin akong masaktan.
―--―--―--―
"Stargazingggg!!" sigaw ko sa rooftop ng bahay nina lola. Ito yung sumunod niyang wish. Stargazing.
"Ang sabi nila, kapag nagstargazing daw, pwede kang magwish sa mga butuin. Ikaw Gem, anong wish mo? Bukod dyan sa mga nsa origami? Ako kasi, ang wish ko, sana gumaling ka. Para mas marami pa tayong wish na matupad diba?" sabi ko saka siya nilingon. Kapansin-pansin ang pagiging tahimik niya habang nakatingin sa kalangitan.
"Wish ko...... sana, maging masaya ka." binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin pero ngumiti lang siya.
Huminga naman ako ng malalim saka nagsalita
"Alam mo, sa higit isang buwan kong nandito kasama ka, na ikaw lang ang lagi kong kasama, naging masaya ako. Kaya para saan pa yung wish mo na maging masaya ako?" tanong ko pero nginitian niya lang ako
"P-promise me na tutuparin mo yung mga wish ko."
"Oo naman. Sabi ko naman sayo na tutulungan kitang tuparin yun diba? Sabay na--"
"Aaahh." napatigil ako nang marinig ang mahina niyang sigaw.
"G-gem? Gem are you okay?" doon ko lang napansin ang sobrang putla niyang kulay.
"G-gem?! GEFF! LOLA! TULONG! Gem, Gem.... hold on okay?"
"Aaahhh."
Parang mga kabayong nag-uunahan sa takbo ang tibok ng puso ko. Wala akong ibang inintindi kundi si Gem. Unti-unti ay pumasok sa isip ko ang mga katagang sinabi ni Geff. Pero hindi. Hindi pwede. Hindi niya ako iiwan.
"G-gem."
―--―--―--―
"Apo. Umuwi na tayo. Kanina ka pang madaling-araw nandito." hindi ko lang pinansin si lola. Tanging nasa hawak ko lang na garapon nakatuon ang paningin ko.
Muli na namang tumulo ang luha ko. Naramdaman ko ang yakap ni Lola sa akin.
"L-lola.... w-wala n--"
"Ssshhh tahan na apo. Kung nasan man si Gemma ngayon, sigurado akong masaya na siya. Kasama na niya ang mama't papa niya. At alam mong ayaw niya na malungkot ka."
"L-lola. I-iniwan niya a-ako."
"Hindi ka niya iniwan apo. Nandyan parin siya sa puso mo." mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi ni Lola. Ni hindi ko manlang nasabi ang nararamdaman ko para sa kanya. Ni hindi manlang ako nabigyan ng pagkakataon na mahalin siya.
Muli akong tumingin sa garapong hawak ko. Kaya ba sinabi mong tuparin ko ang mga hiling mo? Dahil alam mong hindi na kita makakasama sa pagtupad nito?
Ang daya mo. Pero sisikapin ko na matupad kung anong laman nito. Gaya ng pangako ko.
―--―--―--―
Dahan-dahan ang pag-akyat ko ng puno. Dala-dala ko ang isang maliit na backpack kung saan nakalagay ang garapon. Nang makapwesto sa isang sanga ng puno ay saka ko ito inilabas.
"Gusto kong maka-akyat sa puno habang inaabangan ang paglubog ng araw." basa ko sa laman ng origami na hawak ko.
"Ano ba naman tong wish mo, kung nandito ka sigurado akong hindi ka papayagan ng kuya mo na umakyat ng puno." sabi ko na tila ba ay may nakakarinig sa akin.
"Yan. Tinupad ko na yung isa mong wish ah. Sayang lang. Wala ka dito. Sigurado ako na magugustuhan mo ang paglubog ng araw mula sa punong to." sabi ko saka ngumiti
"Nakikita mo ba ako Gem? Pag kinawayan ko ba yung langit, kakawayan mo rin ako pabalik?" tanong ko saka wala sa sariling kumaway sa langit. Bahagya akong natawa sa pinaggagagawa ko.
Muli ay tumulo na naman ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Akala ko ay ok na. Pero sa tuwing naalala ko na mag-isa ko nalang tutuparin ang mga hiling mo ay hindi ko maiwasang maging malungkot.
"I've missing you day by day, Would you came back for me?" tanong ko, umaasang may sasagot sa akin. Pero malamig na hangin lamang ang tila sumagot sa tanong ko. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko saka inalala ang mga masasayang oras na kasama ko siya. Kahit na lahat ng iyon ay limitadong pagkakataon lang.
Binuksan ko ang garapon at saka kinuha ang isa pang origami. Parang nanikip ang dibdib ko nang mabasa kung ano ang nakasulat.
"G-gusto kong m-makasayaw s-si C-cheol." para akong sinaksak nang paulit-ulit.
"P-paano naman natin matutupad to? Eh wala ka na?" tanong ko habang tuloy-tuloy parin sa pag-iyak
Muli kong kinuha ang garapon saka dinukot ang nag-iisa nalang na origami. Pero nang mabasa ang laman nito ay mas lalong hindi ako nakahinga. Habang binabasa ang bawat salitang nakasulat ay parang unti-unting ginuguho ang mundo ko.
"K-kahit i-imp- imposible.... g-gus-- gusto ko p-parin na mag--magkapamilya, m-mag-as-asawa. Sana si C-cheol yun." tuluyan na ngang bumuhos lahat ng emosyon ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Wala akong ibang ginawa sa punong iyon kundi ang umiyak nang umiyak. Yakap yakap ang garapon na tanging iniwan niya para sa akin. Laman nito ang ilang alaala. At mga hiling na kailanman ay hindi na matutupad.
You've just left me your unfinished wishes just like how you left my heart longing for you.
But I promise. I will treasure these wishes. These unfinished wishes just like how I treasured you. And eventhough you're not here. I'll asure you... that you're the only sweetest thing in my every wishes.
~End~