Chapter 9
Asereath's POV
Bumuntong hininga ako dahil pumula ang mga mata ko. Mabuti nalang at may kung anong teknolohiya ang nasa mata ko upang hindi makita ang pula kong mata, pero kapag nagagalit ako, ito ay magiging pula. Medyo kinabahan ako noon dahil nanlaki ang mga mata ni Zid, mukhang alam niya.
Nakita kong may binunot siya sa kanyang bulsa at naglabas ng Marlboro.
"Wait," pigil ko sa kanya.
"Bakit?" Takang tanong niya habang hindi pa sinisindihan ang sigarilyo.
"I also have my rules," sabi ko habang nakataas ang isang kilay.
"This is my house," sagot niya.
"Papalag ka?" sabi ko at tumayo, binilog ko rin ang mga kamay ko. ‘Yung handang sumuntok.
"Okay. Okay, chill!" Kalma niya sa akin. "So, what's number one?"
"Bawal kang manigarilyo kapag nakita mo ako o kahit na malapit ka sa akin," bunagd ko, nakita ko na tumaas ang kilay ng gago.
"Who are you to give me that rule?" sabi niya na kita ang pag-abot ng kanyang perpektong kilay.
"Follow or die?" tanong ko.
"Beat me. I know you're innocent," sabi niya nang naka smirk.
How I love to punch that goddamn face!
"Beat me also. You're not a virgin," wika ko at humalakhak.
"You're absolutely wrong," sa niya na pinagkibit-balikat ko lang.
"Let's proceed, number two is... you should buy what I want," saad ko na nakatitig sa kanya.
"Ano ako? Maid? Wow! Guwapo naman ng maid mo." Pamimilosopo niya pa.
"Ah gano’n? Sige hindi kita lulutuan." Umis-mid ako sa kanya.
"Teka nga. Bakit naman ako bibili?"
"Gago ka ba? Buntis ako kaya magke-crave talaga ako ng kahit ano!"
"Ako pa talaga 'yong gago!?"
"Gusto mo BOBITA?" sigaw ko.
"Putang ina…" mahina niyang sabi sa 'kin.
"Putang ina mo ri-ughh." Nasapo ko ang bibig ko at tumayo, nakita kong tinuro ni Zid ang daan sa banyo kaya sinunod ko 'yon. Nakita kong sumunod siya.
Sumuka ako nang sumuka habang hinahaplos niya ang aking likod.
"Okay lang 'yan. Makaka move on ka rin." Binigyan ko siya ng isang masamang tingin.
Tinabig ko ang kamay niya at nag hilamos na ako. Pagkatapos lumabas ako sa banyo at umupo ulit sa sofa.
"Okay ka lang?" Tanong niya at umupo sa tabi ko.
"Nagugutom ako," I murmured.
"O-order ako, teka," saad niya pero pinigilan ko siya.
"Bumili ka nalang. Bibigyan kita sa mga listahan," sabi ko habang haplos-haplos ang tiyan kung umbok.
"Pa'no na 'yong mga walang kwentang rules mo?"
"Mamaya na," wika ko at kumuha ng isang papel sa may TV at isang ballpen.
Sinulat ko ang mga dapat bilhin niya upang makagawa ako ng Shawarma my own version. Pagkatapos ay ibinigay ko sa kanya.
"Bilhin mo 'yan. Bilisan mo," utos ko.
"Tsk."
Lumabas siya nang walang lingon-lingon sa akin. Napangisi naman ako.
"At sinong guwapong nilalang naman ang lilingon sa akin?" Tawa ko.
Tumayo ako at kumuha ng isang chuckie sa ref niya. Nag-iisip ako habang umiinom.
"Mabuti nalang at may lahi si Zid dahil gusto ko ang mga anak ko guwapo at magaganda kagaya ko." Ops, actually anything is fine.
Elzid's POV
Damn it!
Bakit kaya napasunod niya ako! I can't fucking believe myself na napasunod ako ng isang pangit!
On the way na ako sa sikat na mall dito. Habang nagda-drive ako kay Baby Rari hindi ko mapigilang mapa-isip dahil sa kaniyang mata. Namamalik-mata ba ako o totoo 'yon?
"Fuck! Demmit!" Sabi ko habang hinampas ang manibela.
After many years, nakarating ako sa mall at agad na p-in-ark ang sasakyan ko. Pumunta ako sa supermarket at binili ang nasa lista. Puro gulay ang naroon.
"Vegetarian pala siya?" tawa ko. "Sayang naman. Humanitarian kasi ako! Teka, humanitarian ba tawag do’n?" Humahalakhak naman ako.
Pagkatapos kong bumili sa mga nasa listahan. Kumuha ako ng limang sandwich at limang Nutella. Hindi ko rin pinalagpas ang mga prutas. Bumili ako para may makuhang sustansiya naman ang anak ko dahil puro chuckie lang ata makukuha niya. Tsk Tsk Tsk.
Palapit na sana ako sa cashier nang may humarang sa akin, isang babae.
"Elzid!" tawag niya. Tiningnan ko lang siya from head-to-toe. Hindi ko rin maipapala na sexy siya.
"Want me?" sabi niya na may pa wink-wink pa.
"Gustohin ko man sana pero may naghihintay sa 'kin," saad ko habang tumitingin sa mga cashier na ginagawa ang kanilang trabaho.
"Who?" taas kilay'ng tanong niya.
"My wife," sabi ko. Gusto ko nga’ng sumuka sa sinabi ko pero dahil gusto kong tantanan na nila ako kaya sinabi ko nalang 'yon. "See this? I bought this for her because she's craving." Pakita ko sa kaniya sa binili ko at agad na lumisan papunta sa cashier.
Nakarating din ako kaagad sa condo at pagpasok ko nakita ko siya sa balcony. Manghang-mangha ako, until, tumalikod siya at nakita ko ang panget niyang mukha.
Pambihira! Panira!
Hindi ko alam kung bakit siya pumalakpak. Kaya tinaas ko ang kilay ko.
"An’ tagal," wika niya habang pumapalakpak pa rin.
"Perks of being handsome." Ngumisi ako pero inirapan niya lang ako.
"Ilagay mo sa ‘mesa," utos niya sabay turo sa lamesa. Inilapag ko naman ang mga pinambili ko tapos inilabas ko sa supot.
Nakita ko na inilapag niya ang mga kagamitan sa pagluluto tapos kinuha niya lahat nang pinambili ko at pumunta sa may lababo.
"Could you put the fruits here so I could rinse it," utos niya na naman habang naghuhugas pa rin. Sinunod ko naman siya.
After niyang manghugas ay umupo siya sa upuan at doon na nagsimulang maghiwa. Ilang oras ang lumipas hiwa pa rin siya ng hiwa at ako naman tingin nang tingin. Nakita kong tumingin siya saglit sa akin.
"Gusto mo tumulong?"
"Okay."
Tumulung ako sa paghiwa pero futa nadulas ang kutsilyo sa kamay ko.
"Ay putang ina!" hiyaw ko.
"Tanga," bulalas niya tapos hinawakan ang kamay and I was like… Wtf? Ano 'yon?
Pumunta kami sa may lababo tapos hinugasan niya ang kamay ko. Mukhang sanay ata siya nito dahil magaling siya. Inilapit niya ang kamay ko sa mukha niya at ch-in-eck.
"Sipsipin mo," utos niya sa akin.
"Ang alin?" Inosente kong tanong.
"'Yong dugo!" Asik niya.
"No!"
"Dali! Para pag linagyan natin 'yan ng alcohol hindi na 'yan magiging hapdi," irap niyang sabi. Sinunod ko naman ang sinabi niya pagkatapos pinaupo niya ako. Kinuha niya ang alcohol na nakalagay sa Health Kit.
Nilagyan niya ng alcohol ‘yung kinuha niyang bulak at inilapat sa daliri kong may hiwa. Puta sobrang hapdi.
"Sabi mo hindi na magiging hapdi!" sigaw ko sa kanya.
"Nagpauto ka, e," halakhak niya.
Pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko ay sinimulan niya ulit ang nakalimutan niyang tapusin kanina.
Ilang oras akong naghintay sa balcony at pagkatapos tinawag niya ako.
"Get some," sabi niya sabay bigay sa akin ng isang bowl at isang kutsara para kukuha ako sa malaking bowl na nasa kanya.
"Mukhang masarap, amoy palang," puri ko at kuha ng kuha parin. Alam niyo na lubos-lubosin.
"Tapos na?" Tanong niya at tumango naman ako. Napanganga ako dahil akala ko kukuha siya ng bowl para sa kanya pero ‘yun pala ang gagamitin niya. Tapos nakita kung dinuduraan niya yung papisik-pisik lang.
"What the fuck are you doing?" Takang tanong ko.
"Baka kasi masasarapan ka pa. Kaya para hindi kana makakahingi ‘yun," ngumiti siya tapos humahalakhak at kumain na.
She's insane.
Nagsalita siya habang kumakain.
"Okay! So ang pangatlo kung rule and this is the last one," saad niya na nagpalaki naman sa mga mata ko. Hindi ko maisip na hanggang tatlo lang ang mga rules niya, akala ko kasi lampas isang daan.
"Ano?"
"Protect me... us," malumanay niyang sabi na nagpataka sa akin.
Why would I? E, wala naman siyang kaaway or whatever.
"Why would I?"
"You just... need to." Tumitig siya sa akin na hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin nang mga mata niyang nagpapasumano na protektahan ko siya... silang dalawa.
"Bakit nga?" Matigas kong tanong.
"Nevermind that, kung ayaw mo... okay lang naman," wika niya at ngumisi pero hindi katulad kanina, ngayon ay isang peke ang nakikita ko. Pagkatapos namin kumain dumiretso siya sa sofa at natulog.
Bilis naman kung matulog.
Tumingin ako sa orasan at nakita ko na alas 2 na nang hapon. Hinugasan ko ang mga plato tapos nilinis ko ang mga kalat sa lamesa pagkatapos ay tumungo ako sa kwarto ko at binuksan ang pinto. Bumalik ako kung nasaan si Aser at kinarga ko siya into bridal style at inihiga siya sa kama ko.
Nababagabag kasi ako dahil kapag naglilikot siya mahuhulog siya pati na rin ang anak ko. Kahit na ayaw ko pang magkaanak na hindi si Blatess ang ina may responsibilidad pa rin naman ako. Nilagyan ko siya ng kumot tapos lumabas na ako, hindi ko sinara ang pinto para makita ko na okay lang siya.
I don't know why I'm doing this. It's just that I have this feeling na, na... Argh! I can't fucking pinpoint it!
Pumunta ako sa balcony at kinuha ang kahon ng Marlboro pero hindi talaga marlboro ang laman nito. My cigarettes are expensive, I'm not that cheap.
Narinig kong nagvibrate ang telepono ko kaya kinuha ko ‘yon. Napabuntong-hininga lang ako dahil nakita ko ang numero ng ama ko.
"Oh?" Pambubungad ko.
"How's life?" Sigurado ako na nakangisi ito ngayon dahil sa ginawa niya sa akin.
"Same."
"Soon your life would be interesting, and I just told your mom about everything." I stiffed. Damn! Pag si mama na, wala na ako.
"Say it!"
"You really know me son." Umirap ako.
Alangan ama kita, e.
"What is it now?"
"You have a mission..."
There, I sigh in frustation. Gusto ko man sanang pumarito lang para gawin ang isang rule na sinabi ni Aser sa akin at upang asarin ko siya pero mukhang hindi ko magagawa 'yon. Tsk Tsk Tsk.