Chapter 10
Asereath's POV
Kakagising ko lang kaya kinusot-kusot ko ang mga mata ko. After a minute or so… I was like, “Bakit ako nandito?” Takang tanong ko sa sarili ko. Nasa kwarto ako ni Zid at wala nang iba pa dahil isa lang ang kwarto kada condo.
Tss. He broke his rule.
Tumingin-tingin ako at hindi talaga maipagkilala na pang lalaki ‘to. Makikita mo lang ang kulay itim at abo. Hinahanap ng mga mata ko ang orasan at sabi nito 5:49 na. Narinig kong bumukas ang pinto kaya tumingin ako kung sino ‘yon.
“Oh, you're awake,” sabi niya at pumasok.
“You broke your own rule, Zid,” sabi ko na nakaewan pose.
“May galang din ako sa babae,” aniya at nagkibit balikat. “Hindi ibig sabihin n'on na pwede ka nang pumasok kahit anong oras. Pwede ka lang pumasok pag gusto ko o ako mismo ang nagpapasok sa 'yo” mahabang paliwanag niya habang titig na titig sa akin.
“Okay,” sabi ko at lumabas na sa kwarto niya, sinundan naman niya ako. May nakita akong malaking travel bag.
“I will be out for 5 days,” sabi niya kaya tiningnan ko siya.
“Why?”
“Work”
Tumango naman ako kaya umupo muna ako sa sofa habang hikab ng hikab.
“When I'm gone, you better not open the doors when you don't know who it is, even they say they knew me.” Tumingin ako sa kanya at tumango na parang bata. “You better not leave the condo without me.”
“Bakit naman?” Tanong ko.
“It's too dangerous.” Tumaas naman ang kilay ko. “The fridge is all pack. I bought some groceries when you're asleep so better not buy some. You can cook whatever you want just don't put my condo on fire.”
Napatawa naman ako. “Ano akala mo sa akin? Hindi marunong magluto?” Tawa ko.
“Whatever,” sagot niya pagkatapos ay nag tsk-ed. Tumingin siya sa kaniyang suot na relo. “I need to go,” sabi niya at inakay ang bagahe pero bago pa siya makalabas nagsalita ako.
“Teka,” Tigil ko sa kaniya.
Tumigil siya at napatingin sa akin.
“May laptop ka ba?” Pagkasabi ko noon agad naman napakunot ang noo niya.
“Oo, bakit?”
“Pwedeng humiram?”
“Oo, teka kunin ko lang,” ani niya at iniwan kadali ang bagahe habang siya ay pumasok sa kaniyang kwarto. Ilang minuto ang lumipas, dala-dala niya ang isang laptop na nasa box pa.
“Sayo na 'yan,” sabi niya at ibinigay naman niya ‘yon sa akin. Ngumiti naman ako at nagpasalamat. “Sige, alis na ko,” paalam niya at aalis na sana siya pero nakita kong tumigil siya at lumapit sa akin. Lumuhod siya at...
HINALIKAN NIYA ANG UMBOK KONG TIYAN!
What the hell is he doing!? Napapitlag naman ako.
“Be safe,” rinig kong sabi niya at hinihimas ang tiyan ko. Gusto ko na siyang gilitan ng leeg! Tumayo na siya at ngumiti at kumindat sa akin. Gagong 'yon! U-Ulol, ulol! Pagkatapos no’n ay lumabas na siya habang ako ay nag-iisa at dini-dibdib ang ginawa niya kanina.
Peste naman oh!
Elzid's POV
Hahahahaha. Kung nakita niyo lang ang mukha niya. Priceless! Well, ginawa ko ‘yun para sabihan ang anak ko na mag-ingat siya hindi si Aser. Hahahaha. Well, I'm not that a bad guy… I also wish that she'll be safe.
Nandito ako ngayon sa Baby Rari ko hinahanda ang ginagawa ko. I hide my identity using others information. Kakagawa lang ni Zord no’n. Maalam kasi siya sa gan’yan habang ako hindi. My mission doesn't really take 5 days. It's just 1 day… tomorrow actually, the rest is my happy day where I want to play.
My mission is to kill Leoro Dominguez, well kasali naman siya sa grupo namin pero itong lalaking ito ay nagtaksil kaya sinabihan ako ni papa na papatayin ko siya. Kampante naman si Leoro na hindi namin siya matatagpuan dahil wala kaming ginawang kilos no’ng una dahil pina-plano palang iyon at ito na ang oras sa kaniyang buhay. Nasa ibang bansa siya kaya nasa airport ako ngayon. Nagtaxi lang ako at ipinarada and Baby Rari ko kahit saan, dahil ang bahala na doon ay si Zord.
It took me hours to be in the place where that dumb man was. Nakapagbook na agad ako ng hotel para ready na ang lahat. May impormasyong ibinigay ang ama sa akin.
May magaganap na isang auction dito sa lugar at talagang sasali ang lalaking ‘yon dahil mukha siyang pera. Kaya naghanda na ako. Every person has their seat numbers at ang numero niya ay 36. Paano ko nalaman? I hacked the system of this auction kaya nalaman ko. Maraming security guards pero mukhang wala namang na babantay sa kanilang system kaya malaya akong nakapasok pero sa una medyo nahirapan ako. Pero dahil ako si Elzid Brinth Zoroa makakaya at makakaya ko ‘to.
Alas 4 na ng umaga dito pero nandito ako sa loob ng auction. Walang nakakita sa akin dahil kinalkyula ko na ang lahat ayon sa aking gagawin at tama naman ako dahil in just one swift move, nagawa ko na. Nandito ako ngayon sa itaas kung saan makikita at tutok na tutok ang awm ko sa number 36. Medyo nasa madilim na parte ako kaya walang makakita. Sa pagkaalala ko may spotlights at iiba ang direksyon no’n kung saan ‘yon pupunta, at sa mabuting palad hindi naman matatamaan sa spotlight ang parte kung saan ako nakatago. Natapos ko na ang lahat at handa na ako. Ang auction ay magaganap sa umaga hindi sa gabi kaya nga ako'y nagtataka. Pero mas mabuti na 'yon dahil makakapunta pa ako sa bar.
Ang plano ko ay, papasok muna ako bilang audience pero hindi ako uupo. Nasa likod lang nila ako tatago. Once na ipinalabas na ang gustong pag bid na bagay ni Dominguez, doon na ako aakyat at maghihintay sa nanalo. Sa una, mag bi-bid pa at kapag nakuha na iyon ni Dominguez, biglang didilim for about 2 seconds habang ako ay nagre-ready at BOOM! At kapag bumalik na ang ilaw wala na. Patay na. Yung awm ko ay matupi-tupi kaya easy to hide lang ‘yon. Wala silang maririnig na putok dahil may silencer ‘yon at kapag may ibang alam ang tunog ng silencer hindi pa rin nila iyon maririnig dahil sa sigaw ng mga tao. Sa oras na ‘yan ang mga CCTV ay hindi na gagana at MISSION SUCCESS.
Naka-stambay lang ang awm ko at hindi ‘yon madaling makita dahil pwede ‘yon macamouflage. Perks of being invented by my clan. Kaya umuwi muna ako sa hotel na walang gasgas. Pagkabalik ko in-on ko ang laptop at ki–nontrol ang sistema nila. Kitang-kita ko ang lahat na pasikot-sikot kaya hindi talaga mawawalan ang mga nagmimilagro sa pasikot na lugar dahil kitang-kita sa cctv. Kanina nang pumasok ako na-access ko na ang system nila no’n kaya malaya akong pumunta na hindi makikita nila. Kaya pagbalik ko dito in–on ko agad ang system nila. Nagmamatyag lamang ako pero nang dahil maaga pa kaya natulog muna ako. Ang auction ay magaganap sa oras na alas 9 sa umaga.
Madaling lumipas ang oras kaya nandito na ako sa labas ng entrance.
“Your pass,” sabi no’ng lalaking tagabantay. Malaki siya pero panget kagaya ng isang bouncer.
Ibinigay ko naman sa kanya 'yong pass at nakapasok na ako kaagad. Pumunta na ako kung saan magaganap ang auction nando’n lang ako sa likod nakatayo. Ilang oras ang lumipas sinimulan na ang auction. There were many things they sell or to bid, hanggang sa dumating ang pakay ko. Agad naman akong pumunta doon sa pwesto sa taas at pumosisyon.
“And let's clap our hands for Mr. Dominguez,” saad no’ng host kaya naghanda na naman ako at hindi na ako nagkakamali. Dumilim ang paligid at kinilabit ko na ang gatilyo at BOOM! Pagbukas nasilayan nila ang bangkay niya. Agad naman akong tumakbo habang nasa likod ko ang awm.
Nagpapanggap ako na nagpa-panic kaya nakalabas na ako. Easy lang pala ang mission na'to. Well, kasalanan niya ‘yon dahil kampante siya. Kahit anong imbestiga ang gagawin nila hindi talaga nila malalaman na ang suspek ay ako dahil malinis akong gumuwa ng mission, walang binibilin na bakas.
Agad akong pumunta sa condo kung saan ako ngayon at kaagad kong hinubad ang suot ko. Hindi ko mapigilang ngumisi dahil may ilang araw ako na gusto kong gawin hindi ko nagawa noong mga nakaraang araw, at ngayon ay magagawa ko na ang mga ito. Nakatulog ako dahil kulang ako ng tulog kagagawa ng plano para sa misyon.
Nagising ako na hapon na. Hindi pa ako nakakapagtanghali. Imbis na kumain ako napagpasyahan ko nalang na pumunta sa mga bar dito. Kakain nalang ako ng babae. Hehehehe. Narating ko ang bar na gusto ko at papasok na ng may mahagilap akong isang buntis na papasok sa bar at naisip ko si Aser.
“Fuck shit! Why am I thinking of her!” Gigil kong sabi habang sinabunutan ang sarili kong buhok.
Papasok na sana ako but my half mind says no. My feet won't. My heart says no.
“What the fuck!?” sabi ko sa sarili ko.
“Hay, gago, sana bumili ka nalang ng gusto ni Aser kaysa mangbabae ka! Hindi ka ba nakokonsensiya?” saad ng konsensiya ko.
“Fuck life!”
“Magiging tatay ka na nga mangbabae ka pa!” tuloy na naman nito.
Kaya napag-isipan kong hindi nalang tumuloy at pumunta nalang ako sa isang chocolate shop. Fuck! I don't have feelings for her, okay? Gusto ko lang maging malusog ang anak ko kahit na panget, anak ko parin 'yon. Tang ina naman!