Chapter 4: VISIT
AMANDA
Nabalitaan ko agad ang pag dating ng mag kakaibigan na iyon at sobrang naiinis ako pag andito sila, para silang mga sino kaya kung ano man ang pakulo nila ay hindi ko pinapatilan pero nong narinig kong pinili daw si cindy na akala ko hindi siya papatol sa ganun kasi malaki naman ung nakuha namin kagabi.
" sa susunod na darating sila wag---”
“ malabo dahil ung lalaki binigyan ako ng assignment” nanlaki ang mata ko.
“ anong assignment?” tanong ko.
“ pag aralan kung paano mag seduce para sa susunod na pag dating nila ay I apply ko daw sakany” sagot ni cindy, hindi ako maka paniwala sa naririnig ko. Katapusan na ni cindy, paano ba ito mukhang natipuhan siya ng isa kanila.
“ cindy gusto mo bang malaman kung sino ung mga iyon?” seryoso kong sabi, tumango naman siya.
" mga mafia boss at ung mga ganung tao ay kinakatakutan dahil mga walang awa ang mga iyon lalo pa kung inargabyado mo sila o natipuhan ka nila, sa lagay mong iyan mukhang natipuhan ka nong isa at hindi maganda ang lagay mo cindy” kita ko ang takot sa mukha niya.
“ paano na??? anong gagawin ko? Malamang pag di ako nag pakita pagka dumating sila ay malalagot ako, amanda ano gagawin ko? Kailangan pa ako ng pamilya ko” nag panic na siya, napa buga ako ng hangin.
“ pag aralan mo parin pero hindi ikaw ang haharap” kumunot ang noo niya.
“ ako ang haharap, gagawa tayo ng trick para hindi sila mag duda. Wala namang mawawala saakin kaya okay lang pero sayo kasi madami” tinignan ako.
“ paano pag may gagawin sayo?” ngumiti ako ng tipid.
“ wala yan basta hindi lang tayo mahuhuli, tiwala ka lang” tumango siya.
Wala naman kasing mawawala saakin kasi kung anohin man ako ay wala naman na akong virginity na pinoprotektahan at kung sasaktan man ako o patayin ay okay lang dahil nag iisa lang naman ako sa buhay.
Kinabukasan nag mamadali akong pumasok kasi late na ako, late na akong natulog dahil nanuod pa ako kung paano mang akit. Kasama ko si cindy pero hindi kinaya kaya umuwi na at natulog na, nag tatakbo ako sa hallway ng school ng hindi ko napansin na may papalabas kaya nabangga ko.
“ sorry” mabilis kong pinulot ung gamit ko at tinignan ung tao, nanlaki ang mata ko.
“ so-sorry” utal kong sabi, bakit ngayon ko lang nalaman na dito siya nag aaral.
“ anong maibibigay ng sorry mo eh nasaktan na ung katawan ko?” malamig niyang sabi.
“ pa-pasensya na talaga, hindi ko---” hinablot niya ung braso ko, tinignan ako.
“ hindi ko kailangan ng sorry mo, iba na lang” tinignan niya ako pababa, hinablot ko ung braso ko at sinampal siya.
“ gago!!!” agad akong tumakbo paalis, wala akong pakialam kung siya man iyon. Kahit kailan talaga napaka hilig sa babae! Hindi ko makakalimutan ung ginawa niya saakin nong bago pa ako don sa bar na iyon!
Natapos ang araw na wala ako sa sarili, kainis kasi ung lalaking iyon sa dinadami ng mababangga siya pa at dito pa talaga siya nag aaral? Sa yaman niyang iyon? Kakaiba talaga ang mga mayayaman minsan, hindi mo mawari.
“ lutang ka, ano meron sayo?” si cindy, katatapos lang din siguro klase niya.
“ may demonyo akong nakasalamuha” sagot ko.
“ si demonyo?? Yan ba ung kinukwento mo noon?” tumango ako.
“ andito siya??” lumingon lingon, hindi niya pa alam kung sino kasi kinuwento lang naman.
“ wag mo ng hanapin kasi nong umaga pa iyon” tinignan niya ako.
“ bakit siya andito?? Kailanga ka niya ba uli?” tanong niya.
“ malabo, sa hilig niya sa babae hindi niya na maalala kung sino sino kami at mukhang dito siya nag aaral” nagulat siya.
“ naku parang gusto ko tuloy siyang makilala” sinamaan ko siya ng tingin.
“ hehe biro lang, nga pala manunuod uli ba tayo ng seducing tips?? Nakakabagot kasi” natawa ako sa itsura ni cindy.
“ no choice ka, kailangan mo iyon para kung nagipit tayo ay plan b parin tayo. Pag tiisan mo muna” napa buntong hininga siya.
After naming mag gabihan ay dumiretso na kami sa trabaho, wala sila ngayon at mabuti na lang dahil hindi pa ako handang makita sila lalo na siya. Kung hindi lang talaga kay cindy hindi talaga ako mag papakita dahil isinusumpa ko ung tatlong iyon.
Lumipas lang ng lumipas ang araw at handa na kami ni cindy pero every pasok namin ay may kaba sa dibdib namin lalo na si cindy, sana lang talaga ay gumana ang plano namin.
“ amanda, andito sila” nilingon ko si cindy.
“ okay alam mo naman na ang gagawin diba??? Sige na mag palit na tayo” tumango siya, mabilis kaming pumunta sa cr at nag palit ng idadamit namin. Lumabas na kami at nilapitan kami ng manager namin sa bar.
“ cindy tawag ka” nilingon ako ni cindy na may takot.
“ okay po” umalis na ung manager namin.
“ amanda sigurado ka ba dito?? Ako na lang kaya?” umiling ako.
“ tiwala lang basta mag dasal kang hindi tayo mahuli kasi katapusan na natin” tumango siya, nag lakad na ako para puntahan sila. Sinuot ko ung mask ko para hindi ako makahalata na hindi ako si cindy, pumasok na ako at naghiyawan ung dalawa.
Teka sino ba sakanila ung I seseduce pala? Malabong si daniel, si ben ba pero parang hindi? Don’t tell me si conrad?
“ tatayo ka na lang ba? Lumapit ka saakin” si conrad nga, patay na kung ganun. Hindi ito madaling maloko, lumapit ako at inumpisahan na. bahala na kung ano man ang mangyari basta sana wag niyang mahalata.
“ stop” shetttt!!!! Nilingon ko si ben, lumapit siya saamin at hinablot ang braso ko.
“ tsk!!! She’s not her” sabi niya, inalis niya ung maskara ko nagulat sila na makita ako.