Chapter 3: MONEY
CINDY
Kung pera din naman ang pinag uusapan bakit hindi kung aakit lang naman ang gagawin, ngayon pa na nag iipon ako para tumigil na ako sa pagnanakaw kasi nakokonsenysa na ako.
“ shit” rinig ko ang mahina niyang mura, hindi ko naman alam mang akit pero eto ang nakikita ko kaya ginawa ko.
Bigla siyang tumayo at tinignan ako, tinignan ko nga din ung mga kasama niya na tahimik. Foul ba? Hindi ba pwede ung ginawa ko? Ano ba dapat.
“ leave us alone” sabi nong lalaki, nanlaki ang mata ko.
“ naku mukhang naakit si boss jackpot” sabi ng isa niyang kasama, te-teka naman pag iiwan kami anong gagawin niya.
Iniwan na kaming dalawa sa loob, kinakabahan na ako. Baka kung ano gawin saakin, susme maryosep college pa lang ako at never pa nakaka tikim.
“ pa-pasensya na sa gi-ginawa ko, tra-trabaho lang wa-wag kang ma-gagalit” utal utal kong sabi, nilapitan niya ako kaya umurong ako. Lumapit uli siya kaya umurong ako patalikod, grabe ung tingin niya.
“ ah si-sir---”
“ don’t move” ay naku po, delikado na ako dito. Don’t move na daw, napalunok ako at tinignan siya.
Lumapit siya at hinawakan ang bewang ko paikot at bigla akong inilapit sakanya.
“ susmaryosep!” iyon ang nasabi ko, inilapit ang mukha niya kaya itinabingi ko ung mukha ko ng naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.
“ nervous? Wala pa akong ginagawa natatakot kana, ikaw nag umpisa pero di mo naman kayang panindigan” binitawan niya ako.
“ alam mo bang hindi pang aakit ang ginawa mo kanina? Sa ginawa mo para kang nag tatawag sa isang wild forest, kung wala ako sa katinuan ay baka pinatulan na kita. Mabuti na lang at napansin ko pa yang i. d mo” tinignan ko ung i. d ko, naku po nakalimutan kong alisin. Nag mamadali kasi ako at baka pagalitan uli ako kasi late na ako.
Umupo siya at nag sindi ng sigarilyo, sinenyasan niya akong umupo kaya ginawa ko naman. Tumingin siya saakin mula ulo hanggang baba.
“ dito ka muna, naboboring ako sa gimik ng kaibigan ko kaya inirason ko na lang na nag tagumpay ka sa ginawa mo” nakikinig lang ako sayo.
“ hi-hindi ka na seduce?” tanong ko.
“ huh? Ma seseduce ba ako sa ginawa mong harassment saakin?? Sabi ko nga hindi seducing ang ginawa mo kundi nag tatawag ka pero base sa katawan mo fresh ka kaya pasalamat ka at mabait bait pa ako” sagot niya, grabe nakakahiya pala ung ginawa ko. Wala naman kasi akong alam sa seduce seduce na iyan, sa pera lang ako nagkainterest.
“ manuod ka ng video kung paano mag seduce para may alam ka” dugtong niya pa.
“ hi-hindi na, hindi naman iyon ang trabaho ko. Waitress ang trabaho ko pero dahil sabi ay pinapatawag kaming lahat kaya pumunta ako” sagot ko.
“ hindi iyon ang trabaho mo tapos ang lakas ng loob mong mag dakma?” tanong niya, nahiya tuloy ako.
“ ikaw ba nasa tamang pag iisip?” sabi niya pa.
“ pera kasi ung kailangan ko kaya ginawa ko iyon tsaka iyon kasi ang nakikita ko, malay ko bang iba ang dating sayo” depensa ko.
“ miss wag ka masyado sa pera baka ikapahamak mo iyan lalo pat babae ka” babala niya.
“ wala na ako pakialam doon, ang mahalaga ay may pera akong maiuuwi sa pamilya ko” sagot ko.
“ wala ka palang pakialam so okay lang na may mangyare saatin pala ngayon” tinignan niya ako ng matalim, ayan nanaman ung tingin niya.
“ wa-wala sa usapan un, ang sabi ay I seduce”
“ ano ba sunod sa seduce? Hmm??” kainis! Bakit ako nauubusan ng sasabihin dito sa lalaking ito.
“ okay, bigyan kita ng assignment at once na babalik kami sana ay may alam ka total kailangan mo ng pera na sabi mo”
“ seduce me again pagbalik namin, hindi ko masasabi kung kailan pero basta mag handa ka at mag aral kung paano. Okay??” kumunot ang noo ko, so gusto niyang matutu ako mag seduce para akitin ko siya pag balik nila.
“ sabi ko hindi ko nga iyon trabaho---”
“ ipapaalis kita sa trabaho mo gusto mo??” sumeryoso na ang mukha niya.
“ matagal tagal na akong walang kalarong babae at pasalamat ka kasi nakuha mo ang atensyon ko, mukhang hindi mo pa ako kilala kasi kung kilala mo ako hindi ka tatanggi at para kang asong ulol na susunod na lang sa sinasabi ko” napa awang aag labi ko, tumayo na siya.
“ here para sa ginawa mo ngayon, uulitin ko dapat marunong kana sa susunod??” nag lakad na siya palabas at iniwan ako doon na hindi maka pag salita.
Bwesiiiiiiiitttttttttttttttt!!!! Dapat pala pinisil pisil ko ng mahigpit ung tete niya at pinaikot ikot, so what kung hindi ko siya kilala?!! Akala mo kung sino?!!!
“ cindy anong ginawa sayo? Okay ka lang ba? Ano may masakit ba??” parang tanga si amanda, tinignan ko siya ng masama.
“ pinagsasabi mo? Walang ginawa saakin” sagot ko, tinignan niya ako ng nakaka pag taka.
“ seryoso?? Mabuti na lang kung ganun, bakit kasi pumunta ka? Pag ganun wag kang pupunta! Kilala ung mga iyon dito at walang babaeng makakatanggi sakanila” sabi ni amanda.
“ sino ba mga iyon at nakakainis ung isa! Akala mo kung sino!!! Hindi naman kagwapuhan tsaka maliit!” nanlaki ang mata ni amanda.
“ maliit??”
“ oo maliit, sabi kasi seduce tapos pag nagustuhan nong lalaki may malaking pera kaya ginawa ko dinakma ko, akala ko nga malaki pero maliit naman! Hmp!! Feeling siya” napaawang ang labi ni amanda saakin, ang o. a ng reaksyon niya.
“ buti at hindi ka pinatulang babae ka!!! Tsaka bakit mo naman dinakma? Nasa tamang isip ka ba??!! Ang dami mong pwedeng gawin ung dadakmain mo pa talaga??!!!” sagot niya.
“ malay ko ba, wala naman akong alam. Kung ano ang napapanuod ko o nakikita ko sa daan ay iyon na lang ginawa ko pero akala ko kanina katapusan ko talaga mabuti na lang hindi niya ako pinatulan”