Chapter 17: PLEASE
CINDY
Knock knock
Pumasok si amanda, nagulat ako na siya ang mag dadala ng pagkain ko. Inilapag niya ang pagkain ko at umupo siya
“ baka malaman ni conrad”
“ siya nagsabi na samahan kita habang kumakain” sagot ni amanda, umupo ako at tinikman na ung pagkain.
“ amanda tulungan mo ako tumakas” kumunot ang noo ni amanda.
“ tatakas ka?? Bakit??” tanong niya
“ ayoko dito, gusto ko ng makita ang pamilya ko” sabi ko.
“ speaking off, narinig ko na nag uusap sila tungkol diyan. Balak ata nilang dalhin ang pamilya mo dito” kumunot ang noo ko
“ anong rason?” tanong ko.
“ para makasama mo at para narin sa kaligtasan nila, matindi ata ung away nila red ngayon. Kada gabi na lang ay umaalis sila tapos minasan ung iba ay sugatan’’ kinabahan tuloy ako.
“ baka naman madamay ang pamilya ko kung andito sila”
“ amanda tulungan mo akong tumakas or tumakas tayo, ayokong madamay sa gulo nila. Gusto ko ng tahimik na buhay” pangatwiran ko.
“ hindi ako pwedeng umalis kasi kailangan ko pang makuha ang anak ko, dito muna ako at pakikisamahan sila. Gusto ko ng makasama ang anak ko cindy at nakaka pagod na ung takbo ng takbo dahil hahabulin ka parin nila kahit tatakas tayo”
“ hindi na natin matatakasan na magkakonekta na tayo sakanila, pakisamahan na lang natin sila. May kasalanan din tayo sakanila cindy, mabuti nga ung ganito pa ung ginawa saatin pero paano pag si red ito? Mas malala pa ito at baka nga patay na tayo” paliwanag niya.
“ paano ang pamilya ko? Ayokong madamay sila dito, hindi ko kayang pakisamahan sila lalo na si conrad” sagot ko.
“ bakit?? Bakit ayaw na ayaw mo sakanya? Mabait naman ung tao ssayo
“ basta ayoko sa isang tulad niya, ayoko sa mga mafia. Gusto ko ng tahimik na buhay at pag siya ang kasama ko malabong tatahimik ang buhay ko at unti unti mamatay pa ang pamilya ko” nalungkot siya sa sinabi ko.
“ sigurado ka ba na tatakas ka??” tumango ako.
“ ayoko talaga dito” napa buga siya ng hangin.
“ titignan ko ang makakaya ko pero pag nalaman ito ni conrad, malamang sa susunod hindi na ganito ang gagawin sayo at mas malala pa”
“ okay lang dahil sisiguraduhin kong hindi na ako mahahanap ni conrad” sagot ko.
Umalis na si amanda matapos naming mag usap, ayoko talaga ng magulong buhay at iniisip ko ang pamilya. Okay lang kung mag isa ako pero paano ung pamilya ko? Kailangan na kailangan nila ako
Lagi na lang ako sa kkkwarto, hindi ko na din nakikita si conrad. Mukhang busy talaga sila kay red kaya sakto lang ang plano kong pag takas, may kumatok sa pintuan at binuksan ko.
“ tara sa labas??” si amanda.
“ bawal diba?”
“ sabi ko kay conrad baka pwedeng lumabas ka kahit hanggang garden lang, pumayag naman siya” ngumiti ako, mabuti naman. Naboboring narin ako sa loob.
Lumabas kami at pumunta sa garden, nakakagaan ng loob. Umupo kami at may dumating na inumin.
“ tuloy parin ba ang plano mo na pag takas?” tanong ni amanda.
“ oo, hindi ko na kasi alam kung kamusta na ang pamilya ko” sagot ko.
“ bakit di ka na lang mag tiWalA kay conrad?? Bakit di mo pakisamahan at malay mo makilala mo tsaka makita mo na mali pala ang pagkakaalam mo sakanya. Cindy habang nag sstay ako dito, never ako pinakitaan ng masama maski sino sakanila”
“ si ben na akala ko puro nonsense ang alam?? Habang tumatagal mas nakikita ko kung sino siya, bakit di mo bigyan ng chance si conrad?? Kilalanin mo siya, hindi naman niya pababayaan ang pamilya mo dahil naranasan niya ang mawalAn ng taong mahalaga sakanya kaya hindi niya hahayaan na mangyari sayo lalo pat mahal ka niya”
“ mahal ako? Ganito ang ginagawa saakin??” pangatwirAn ko
“ dahil takot siiyang mawala ka uli, ayaw niyang lumayo ka at mapunta ka sa maling kamay tapos pagagawan ka ng mali. Buhay pa si red at mapapanatag lang siya pag patay na ung lalaking iyon, siguro pag dumating man iyon ay papalayain kana niya kung talagang hindi kayo para sa isat isa” napaisip ako, natatakot talaga ako na baka may mangyaring masama.
“ hindi mo maaalis na may takot ka pero isipin mo na mafia sila at parte na iyon ng buhay nila” napa buga na lang ako ng hangin.
Mag hapon kaming nag kwentuhan pero wala pa sila conrad, papaitaas na kami ng makarinig kami ng kalabog at ingay. Bumulaga saamin ang duguan na conrad at may tama sa baril si Ben.
“ oh my gosh” mabilis na lumapit si amanda at inasikaso sila, isinunod din na ipinasok si daniel na duguan din pero hindi ko inaasahan ang sumunod na pumasok .
“ mama” nilapitan ko sila dahil kasama niya ang kambal.
“ ate dalhin natin si kuya sa hospital, kasalanan ko kung bakit siya ngayon walang malay” umiyak na ang kapatid ko.
“ don’t worry his okay” hirap na sabi ni ben.
“ wag ka ng mag salita diyan, andaming dugong lumalabas oh” inis na sabi ni amanda.
“ malayo pa yan sa bituka” sagot naman niya.
“ andito na ang doctor” sabi ni vincent, inuna nila si conrad dahil siya ang mas grabe ang lagay tsaka sinunod si daniel at inihuli si ben.
Naka batay kami sa tatlo na wala ng malay, tinignan ko ang pamilya ko na bakas sakanila ang takot. Tinignan ko si amanda, nilapitan ko siya.
“ amanda im sorry pero aalis kami” mahina kong sabi.
“ ngayon pa talaga??” tanong niya.
“ tignan mo naman sila, halatang na trauma sila sa nangyari. Amanda hindi ko hihintayin na mabawasan pa sila bago ko maisip na tama lang ang desisyon ko. Hayaan mo na kami, nakikiusap ako sayo” naka tingin lang saakin si amanda.
“ ssige ako na bahala sa bantay” niyakap ko siya.
Gumawa na siya ng paraan kaya agad kong hinila ang pamilya ko, wala akong sinayang na oras. Sinulit ko hanggang makalayo kami sa lugar na iyon.