Chapter 16: LEAVE

CONRAD

“ Oh, magiging katulong ka ngayon sa bahay ko” sinamaan ako ng tingin ni amanda..

“ mamimli ka, doon ka sa rapist na iyon o dito na maging katulong ko?? Baka gusto mo sa bahay ni ben na lang??” tanong ko.

“ wag!! Pag tiyagaan ko na lang dito kaysa sakanya na manyakol” napatawa ng malakas si daniel.

“ manyakol, hahaha bagay ung pangalan sayo ben” sabi pa niya.

“ gago mas okay ng maging manyakol kaysa maging rapist” sabi ni daniel, natawa naman ako so inamin niyang manyakol siya.

“ suotin mo na iyan para mag luto ka ng pagkain natin” baling ko kay amanda.

“ samahan mo ako cindy” sabi ni amanda.

“ hindi, pag nag sama kayong dalawa may kakaibang mangyayare kaya bawal kayong mag dikit” sabi ko, alam ko ang mga kalokohan nila.

“ sarapan mo, wag mong lagyan ng lason” habol na sabi ni ben.

Kakaiba din itong si ben, akala mo kung sino maka pag salita na hahayaan na niya siamandaa tapos malalaman ko na lang na nasa likod ko na siya tapos sasabihin na Wag si amanda, ipabalato ko na lang daw sakanya kaya hinayaan ko siya na kunin niya si amanda at ako kay red pero matinik si red.

Nakatakas siya pero malaki ang naibawas ko sakanya at mukhang isang buwan siyang mananahimik dahil sa dami ng tama niya.

“ ikaw ba talaga ang ama??” napa tingin kami kay cindy.

“ sus nagtaka ka pa, ako nakauna kay amanda at ako lang ang nakatira sakanya. Tsaka pina DNA ko na ung bata at 100% ako ang ama niya” sagot ni ben.

“ mahal mo ba talaga?” bakit parang kakaiba ngayon ang tanong ni cindy.

“ hindi ako susunod kay conrad kung hindi ko siya mahal at sana pinatay ko na siya kung hindi ko mahal sa kabila ng ginawa niya saakin at sa anak ko” sagot uli ni ben.

“ hahaha sumunod ka kay conrad? Sa tingin mo ba papatayin talaga si conrad si amanda?” singit ni daniel kaya tinignan namin si conrad.

“ marunong akong sumunod sa kasunduan” nilingon niya ako para mamula agad ang mukha ko.

“ mukha nagkaroon ng madugong labanan kagabi ah” sabi ni daniel.

“ pinigilan niya nga ee” nagulat ako sa sagot ni cindy, biglang nagkaroon ng katahimik tapos biglang nag tawanan ung ddalawa

“ iba si bosing, nangbibitin. Pangit sa pakiramdam yan, para kang sasapian na dapat ay sinapian” ano daw?? Parang tanga itong si daniel ngayon.

“ puro ka kalokohan, nagawa mo na ba ung inuutos ni conrad?” pang iiba ni ben.

“ madali lang yan, bakit di muna niyo enjoyin ung araw ngayon na kasama niyo ang mga mahal niyo sa buhay”pinag babato namin siya ng unan.

Gagong daniel, parang naghihingalo na ung ung dalawa don sa ibig niyang sabihin ah. Natatawa na lang siya, lakas ng amata niya talaga ngayon.

“ ikaw ba daniel may tinutoma kang iba?? Sabihin mo at ipapasok kana namin sa mental” sabi ni ben.

“ gago ang tino ko tapos pagkakamalan mo akong may sira, asan na ba si amanda at mabigyan ka ng batok” napailing na lang ako, nilingon ko si cindy na naka tingin lang saamin.

“ hindi kami tulad ng iniisip mo na pabaya sa kaibigan cindy, tiwalA lang kami sa isat isa na kahit wala kami sa tabi nila ay kaya nila ang isat isa pero ibang usapan pag may dugo na. hindi na kami siyempre papayag doon” tinignan ako ni cindy.

“ kung ganun bakit hindi mo kami pabayaan na ni amanda?” tanong niya.

“ kaibigan ko ba kayo??” pabalik kong tanong, natahimik siya.

“ iba ang kaso ni amanda at iba din sayo, siguro si amanda bibigyan ko siya ng konting kunsidirasyon at si ben na ang bahala sakanya pero ung sayo?? Malabong bitawan kita dahil hindi ka pa bayad” sumama ang paningin niya saakin.

“ kung ganun habang buhay ako mananatili dito??” ngumiti ako.

“ nice idea” kinindatan ko siya.

“ conrad nangyare na ang mga nangyare, bakit di na lang nating tanggapin tapos mag move on na?? gusto ko ng bumalik sa pamilya ko”

“ sana naisip mo iyon bago mo gawin ang mga iyon saakin, hindi mo alam ang feeling na ginagago ka ng isang tao. Ay malii, hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na ginagago ka ng taong mahal mo” tinignan ko siya.

“ sa ginagawa mo malabong maibalik ko ang pagmamahal mo” sagot naman niya.

“ hindi kailangan dahil kahit ayaw mo no choice ka at gaya ng sabi mo mananatili ka dito, depende na lang kung nagsawa na ako sayo o may nagawa kang mali para itaboy kita” kita ko ang inis sa mukha niya.

“ mamatay kana” iyon na lang sinabi niya.

“ don’t worry darating ako diyan” sagot ko.

Dumating na si amanda para maputol ang usapna namin, nauna na nga siya na naiinis.

“ bakit di mo pag bigyan na makita niya ang pamilya niya” nilingon ko si ben.

“mahirap mawalay sa pamilya conrad, pag isipan mo baka makatulong na bumait siya sayo” sumunod na sila kay cindy, napa buga na lang ako ng hangin.

Kumain kami ng tahimik, siguro pagbibigyan ko siya pag nakikita kong deserve niya. Naninigurado lang ako ngayon dahil ayokong maloko niya uli, gusto ko maging puro ung nararamdaman namin.

Hindi ako naniniwalA na hindi siya magkakagusto saakin, alam kong may nararamdaman siya tinatago niya lang. matapos kaming kumain ay pinabalik ko na si cindy sa kwarto niya.

“ ano na susunod kong gagawin?” tanong ni amanda.

“ maupo ka” kunot noo siyang umupo.

“ sabihin mo saan pwedeng magtago si red?” tanong ko.

“ hindi ko alam, wala namaN akong alam sa mga lungga niya. Anak ko nga na matagal niyang hawak ay hindi ko mahanap sa tagal kong nagpapagamit sakanya, tapos kukunin lang agad ng isa diyan” nilingon si ben.

“ may alam ka kung saan siya lagi pumupunta?” tanong ko uli.

“ wala pero sa ugali niya panigurado pupuntAHAN niya ang malalapit saakin, isa na doon ang pamilya ni cindy” sagot niya.