Chapter 13
Pagkalibing sa kanilang tiyahin ay kinausap ni Cyrille ang dalawang kapatid tungkol sa paglipat nila.
“Ate naman. Bakit ba biglaan?” atungal ni Crystal, samantalang kuryusong nakatingin sa kanya si Corey.
“Eh… may nakita kasi akong mas mura sa may bandang university ni Corey. Hindi rin ‘yon kalayuan sa school mo,” palusot niya.
Nagkatinginan ang kanyang dalawang kapatid. Nagsalubong ang mga kilay ni Corey na nakatingin sa kanya.
“May tinatakasan ka ba, Ate?” usisa nito.
“H-huh? Ano naman? Sino naman?” Napaiwas siya ng tingin. Ayaw niyang may mabasa ito sa mga mata niya.
Bumuntong-hininga ang kapatid. “Sige. Lilipat na kami kapag nakauwi na kami sa Manila kung nakausap mo na ang lilipatan natin,” saad ni Corey na naiiling.
Duda talaga ito sa kanya pero mukhang walang magawa. Panganay naman kasi siya at siya ang nasusunod.
***
Parang masisiraan na ng bait si DaVon. Duguan ang labi ni Charlotte at pati na ang mag-asawang caretaker niya sa rest house nang bumalik siya pagkahatid kay Cyrille sa bus station. It was just less than an hour at pinasok daw ang rest house ng masasamang loob at kinidnap si Lara.
“I told you, Darius! That bitch can’t be trusted!” sigaw sa kanya ng babae sa kanilang wikang Luxembourgish.
Napasulyap siya sa mag-asawa. Umiiyak pa rin si Aling Doring habang inaalo ng nabugbog ding si Mang Tasyo. Hindi nila nakilala ang mga kumidnap nang dahil sa nakatakip ang mga mukha at mga armado rin daw. Kahit na ayaw nilang ibigay ay nagawa pa rin ng mga itong matangay si Lara.
“Kokontak daw sila, Sir DaVon para sa negosasyon,” sabi ni Mang Tasyo. “P-pasensya na po. Hindi namin naprotektahan si Miss Lara.”
Napasapo ang binata sa kanyang ulo at paroo’t parito siyang naglalakad. Ini-report na niya sa pulisya ang nangyari. Nang dumating ang mga ito ay kinausap na niya at nagsabi pa si Charlotte kung sino ang pinaghihinalaan nito.
“That nanny!” sabi nito sa mga pulis.
Gustong sampalin ni DaVon ang babae pero nagpigil lang siya. “What the fuck, Charlotte?” sigaw niya rito. “Huwag mong pagbibintangan ang nobya ko, ha?” aniya sa kanilang wika.
“Bakit? Malay mo ba na nagkunwaring namatayan ‘yon pero tumakas na pala, ha?”
“Just shut the fuck up! Ayokong idadawit mo ang pangalan ni Cyrille sa walang kuwenta mong pagdududa! May tiwala ako sa kanya. Hindi niya ‘yon magagawa kay Lara!”
Matalim siyang tiningnan ng babae. “Paano kung mali ang pagkakilala mo sa babaeng ‘yon? Napakayaman mo para hindi siya magtangkang pagkaperahan ka, Darius. She has nothing but only her name, after all. Hindi mo ba naisip ‘yon?”
Lalo lang uminit ang kanyang ulo sa mga ibinibintang nito sa nobya niya. Kulang na lang ay pipilipitin na niya ang leeg ng babaeng ito, eh.
“One more word, Charlotte and I swear…” Dinuduro niya ito sa mukha.
“Sir DaVon, nakita namin ang cellphone na ‘to sa silid ng bata,” singit ng isang pulis na naghahalughog ng posibleng mga ebidensya mula sa mga kidnappers. Ipinakita nito ang aparato at kilala niya iyon. Ang cellphone ng nobya niya. Nakasilid na ito sa isang ziploc.
“That’s my girlfriend’s. Akin na ‘yan.” Tinangka niyang agawin iyon pero nagbaba ng kamay ang pulis upang iiwas sa kanya.
“Pasensya na, Sir DaVon. Nang tiningnan ko ang mga mensahe nito ay may kaduda-duda siyang mga texts ilang araw na ang nakalipas. Isang numero na wala sa phonebook niya.”
“Ano? Imposible ‘yan!” Magkasalubong ang mga kilay niya at tumaas ang tono ng boses niya.
Napasulyap siya kay Charlotte. Parang may nakikita siyang malisya sa mga mata nito nang nakatingin sa aparato at sa pulis. Ngunit agad ding napalis iyon. Baka imahinasyon niya lang dahil sa pagkainis niya rito.
“I want to see it for myself,” aniya sa pulis.
“Kailangang hindi mo hawakan ang aparato. Pero ipapakita na lang namin ‘to sa inyo kapag nakunan na ng fingerprints, makopya ang laman, at maipa-retrieve ang anumang naburang mga mensahe.”
Napamura siya. Hindi niya gusto ang pangyayaring ito. He knew deep inside that Cyrille is not this type of person. Mahal niya ang dalaga at naniniwala siyang walang plano ang babae na saktan ang kanyang pamangkin. Ang kawawa niyang pamangkin. Sigurado siyang takot na takot ito ngayon. Nagka-aksidente na ito at ngayon naman ay nakidnap? Mapapatay niya talaga ang may gawa nito. Kahit na sino pa ito!
Napakuyom siya ng mga palad sa sobrang pagkainis.
“Officer, what’s that piece of evidence you have there?” usyuso ni Charlotte sa pulis na ipinaliwanag naman ng huli.
Hindi pa rin niya gusto ang tabas ng pananalita ng pulis. Ginatungan pa ng putang si Charlotte.
“She said she’s going to attend a burial. But she didn’t tell us exactly where,” saad ng babae.
Totoo naman ang sinabi ng babae. Nang ihatid niya ang dalaga sa bus station ay sinabi nitong wala pang bus kaya maghihintay pa ito na darating iyon. Sabi ng taga-bus station na kapag darating iyon ay aalis naman ng mga bente minuto dahil iyon ang last trip. Siguro ay tatanungin na lang din niya ang taga-agency ng dalaga kung may alam ang mga ito tungkol sa probinsyang iyon dahil barangay lang ang sinabi ng dalaga. Santa Clara daw. Mukhang maraming Santa Clara naman sa Pilipinas.
Naghihintay siya ng tawag mula sa mga kidnappers pero wala pa hanggang sa magmadaling-araw na. Alalang-alala na talaga siya sa kanyang pamangkin. Kanina pa niya pinauwi ang mag-asawa pagkatapos niyang pinatingnan ang mga ito sa ospital. Buti na lang ay hindi malala ang sugat at pasa ng mga ito.
“In case I haven’t mentioned it, the kidnappers mentioned your nanny’s name before taking Lara away.”
Nag-aapoy ang kanyang mga matang nakatitig sa babae. Sila na lang dalawa ang naiwan ngayon sa rest house. Ang mga pulis ay busy sa paghahanap ng mga clues. Kinontak na rin niya si Gabriel para ito ang mag-aasikaso doon sa Manila.
Umigting ang panga niya. “What the fuck? Don’t make it up, Charlotte because I don’t believe you even just a little bit!” Kahit na sa sinasabing ebidensya ng mga pulis na cellphone ng dalagang may nakakadudang texts ay hindi pa rin siya naniniwala.
***
Kinabukasan ay pumunta si DaVon ng presinto at ipinakita sa kanya ang mga text messages na naka-printa na. Kumpleto ang mga ito sa detalye tulad ng date, oras, at verbatim na text messages tulad ng ‘Kidnapin bata,’ ‘Hintay aking tawag bukas,’ at iba pa.
Napailing-iling siya. “It’s not her. It’s not Cyrille. I’m sure of it. It doesn’t make sense! It’s broken Tagalog na parang Google translation! Stupids!” sigaw niya sa pulis.
He was sure it was not done on purpose. Baka nga ay hindi talaga maalam sa wika ang nag-send niyon gamit ang cellphone ng nobya.
Napatingin siya sa kasamang si Charlotte. Wala siyang ibang pinagdududahan kundi ito—kahit na hindi niya alam kung ano talaga ang motibo maliban sa pera. Hinawakan niya ito sa leeg.
“Tell me you don’t have anything to do with the kidnapping. Tell me, Charlotte!”
Pilit siyang pinigilan ng mga pulis na naroroon. Napaubo ang babaeng napahawak sa leeg nang mabitawan din niya ito. Inihiwalay kasi sa kanya ng mga pulis ang Luxembourger. Nagbabaga ang mga mata ni Charlotte na nakatingin sa kanya.
“Are you crazy? Baka sinadya lang ‘yon ng babaeng ‘yon kung saka-sakali! Iyon ay para ako naman ang paghihinalaan mo!” giit na palusot nito.
Napailing siya sa babae. Para na siyang sasabog. It was driving him insane! Hindi na niya alam kung ano ang iisipin. Wala pa siyang tulog.
“Base sa nakuha naming ebidensya, naghihintay na lang kami ng Warrant of Arrest mula sa judge at sinimulan na ang paghahanap sa yaya ng pamangkin mo, Sir DaVon,” saad ng parehong pulis na nakakuha ng ebidensya kuno.
“Fuck!” malutong na mura niya.
Ayaw niyang hulihin ang dalagang mahal niya. Alam na alam niyang hindi si Cyrille ang may gawa nito. Pero anong magagawa niya kung ang mismong ebidensya ang nagtuturong ito nga ang suspek?
Sinipa niya ang isang malapit na puting monobloc chair na siyang ikinamangha ng mga nasa presinto. Wala siyang pakialam. Eh, frustrated at emotional siya ngayon.