Chapter 22: Non-stop Kiss
Pagpasok sa Simbahan ay hindi na mabura-bura ang ngiti ni Jopay. Blooming na kung blooming. OA na nga kung OA. Obvious na nga kung obvious. What could she do? She was so in love with her best friend, her Mat-Mat. Bagaman may nadarama siyang takot sa magiging pag-uusap nila, pakiramdam niya ay malaya siya sa mga sandaling iyon. Naalala niya nang maghiwalay sila ni Apollo pagkatapos maghalikan. Mabuti na lang at natutulog ang kambal. Nagkalat ang lipstick niya sa paligid ng mga labi nito kaya nagmamadali niyang tinulungan itong ayusin ang sarili. Mabuti na lang at hindi namantsahan ang puting polo nitong bahagyang nagusot dahil mahahalatang may kissing scene sa kotse nito.
Naglakad na sila papunta sa isang bakanteng pew. Gising na si Marco na hawak nila ni Apollo sa magkabilang kamay habang tulog na tulog si Miguel na karga naman nito. Nang magsimula na ang misa ay tumahimik na sila. Behaved naman ang anak niya. “Ang cute mo,” nakangiting sabi niya rito habang nagse-sermon ang pari.
“Alam ko,” pilyong sabi nitong nakangisi sabay kindat. Umakbay pa ito sa kanya.
“Mat-Mat ha! Parang mas gusto ko iyung serious version mo. Natatakot na ako kapag medyo flirt ka.”
Umalog ang mga balikat nito sa pinipigil na pagtawa at lalo siyang kinabig. “Aray, ipit po ako,” sabi ni Marco.
“Sorry, kiddo,” sabi ni Apollo at hinalikan ang noo nito.
“Apollo?”
“Hmm?” Nakatitig lang ito sa altar.
“Thank you ha.”
“For what?”
“For making me happy today.”
Tumingin ito sa kanya at hinalikan siya sa sentido. “Thank you rin at you’re welcome.” Nang matapos ang kasal at sinabi na ng pari ang pinakahihintay na you may kiss the bride ay bumulong sa kanya si Apollo. “Parang naiinggit ako.”
“Bakit?”
“Gusto ko rin ng kiss.”
“Mat-Mat ha! Nasa loob tayo ng Simbahan ha.”
“Ano naman? Kiss lang naman. You will just kiss me, not ravage my honor.”
“Aba! Hitsura mo!”
“Kiss na,” anitong pinatulis pa ang nguso.
“Sige na nga,” kinikilig na sabi niya at dinampian ito ng halik pero nagulat siya dahil lumalim pa iyon. At dahil doon ay naalimpungatan si Miguel na biglang umiyak kaya lahat ng tao ay napatingin sa gawi nila at huling-huli sila sa ginawa.
“Ayan tuloy,” nahihiyang sabi niya na parang batang natatakot mapalo ng mga magulang.
“Ano naman?” Proud na proud na kumaway pa ito.
“Nang-aagaw kayo ng eksena ha!” Tawa nang tawa ang pinsan niyang blooming na blooming sa suot nitong bridal gown.
“Best wishes, pinsan,” nakangiting sabi niya at humalik sa pisngi nito.
Pagdating sa reception ay napansin niya ang nanunuksong tingin ng mga magulang niya at ilang pinsan niya lalo na si Nadia. Si Liberty naman ay pinandilatan siya kaya natawa siya pero hindi ito makakibo dahil naroon din si Dominic na tumayong best man ng groom. Inasar naman niya ito pero irap lang ito nang irap sa kanya. Nang dumating na ang paghahagis ng bouquet ay napansin niyang nawala si Liberty kaya inalerto niya ang ibang pinsan. Pagbalik ng mga ito ay parang presong nakatakas ang dalagang pinsan niya na kulang na lang ay posas. Sadyang hinintay ito dahil pinag-usapan nilang ito ang makakasalo ng bouquet. Nang ihagis na ang bouquet ay nagtangkang tumakbo papunta sa ibang direksiyon ito pero pinagitnaan ito ng kadalagahan kaya dito pa rin napunta iyon. Nakasimangot na umupo na ito sa makeshift stage sa bakuran nila.
Nang garter naman ang inihagis ng lalaki ay nagtawanan ang lahat dahil parang nag-rebound ng bola si Dominic na tinalon iyon. Nakangisi pa itong lumapit sa pinsan niyang hindi maipinta ang mukha. Napuno ng tuksuhan ang paligid nang iangat na ng binata ang garter at umabot na iyon sa tuhod. Tinampal ni Liberty ang kamay nito pero humalakhak lang ang binata at bahagyang iniangat pa iyon bago tumigil. Maya-maya ay sumigaw ang lahat ng kiss. Naiinis na tumayo si Liberty at iniharap ang pisngi sa binata para pagbigyan ang mga miron kasama na sila ni Nadia. Pero nagtilian sila nang walang babalang iharap ni Dominic ang mukha nito at maglanding sa mga labi ng pinsan niya ang mga labi ng binata. Halos dalawang minuto yata iyon tumagal dahil maging ang pinsan niyang raliyista ay yumakap pa sa batok ng binata.
“Sana all!” Sabay silang tumiling magpipinsan.
“Kakainggit. Gusto ko rin ma-kiss,” sabi ni Nadia.
“Mapapa-sana all ka na lang talaga,” masayang sabi niya.
“Wish granted,” narinig niyang bulong sa kanya ni Apollo at walang babalang siniil siya ng halik. Awtomatikong napayakap siya sa batok ng binata. Nang matapos sila sa kissing scene ay nakita niyang abala na ang marami sa pagpunta sa buffet. Mabuti na lang at ilang pinsan lang niya ang nakakita na impit na nagtilian. “Buwisit kang maharot na lalaki!”
Nakangising nagkibit-balikat lang si Apollo. “Don’t tell me you didn’t like it.”
“Siyempre gusto ko noh!” Sinakyan na niya ang kalokohan nito. “Ang galing namang humalik ng Mat-Mat na iyan,” pang-iinis niya kaya sumeryoso na naman ang mukha nitong napailing pero muling napangiti sa kanya.
PASADO alas-otso na ng gabi at iilan na lang ang bisita. Ang mga kamag-anak na lang niyang nag-iinuman at nagkukuwentuhan ang nasa bakuran. Nakatulog na sa pagod ang kambal na boluntaryong inasikaso ng mga pinsan niya kahit anong pigil niya. “Hindi ka pa uuwi?”
“Do you want me to go home?” Seryoso ang hitsura ni Apollo.
“Hindi naman sa ganoon. Magdadrive ka pa eh. Baka gabihin ka sa daan.”
“I told you we will talk.”
“Oo nga pala.”
“Halika,” anito at hinila siya papunta sa mga magulang niya na nagliligpit. “Nanay, Tatay, pwede ko po bang mahiram si Jopay. Mag-uusap lang po kami. Isasauli ko po siya agad.”
“Kahit next week mo na isauli,” nakangising sabi ng nanay niya na halatang nang-aasar.
Tiningnan ito nang matalim ng tatay niya. “Sige, hijo. Ingatan mo lang iyang anak ko. Nag-iisa lang iyan,” anito at tinapik sa balikat ang binata. Tumango lang si Apollo at sumakay na sila sa SUV nito.
“Ang daya mo.”
“Bakit?”
“Sa kanila ang bait mo. Sa akin ang sungit mo.”
“Kailan naman kita sinungitan?” Nakangiti lang ito at niyakap siya nang mahigpit.
“Lagi!”
“Hindi ahh.”
“Anong hindi-”
“Oo na, sorry na. Bati na tayo ha,” natatawang sabi nito at hinalikan siya sa noo. Pinakawalan na siya nito at nagmaneho na ito. Maya-maya ay nakarating na sila sa Santa Clara. Nang lumiko sila sa isang bahagi ay puro kapatagan na iyon. Taniman na iyon hanggang sa makarating sila sa isang malaking bahay. May ilang bahay malapit dito. “Sa iyo ito?”
“Yep.”
“Sino ang mga nakatira sa ibang bahay?”
“Mga househelpers. Iyung iba mga nagtatanim dito. Nagpalagay na ako ng ilang bahay para kapag busy mag-harvest hindi na sila mahihirapan pumasok at umuwi. Iyung iba kasi sa Santiago at Estrella pa umuuwi eh.”
“Ay ang bait naman ng Mat-Mat na iyan,” aniya at niyakap ito nang mahigpit habang naglalakad sila papunta sa malaking bahay. Dalawang palapag lang iyon pero malawak iyon. Nang may pindutin ito ay awtomatikong bumukas ang gate. May dalawang katiwala ang naroon.
“Magandang gabi ho, sir, ma’am,” magalang na sabi ng mga ito.
“Dito po ba kayo matutulog.”
“No, uuwi rin kami.”
“Sige, sir, babalik na lang kami mamaya.” Lumabas na ang mga ito.
“Stay in sila dito pero kapag nandito ako, gusto kong mag-isa lang ako. Diyan lang sila umuuwi. Don’t worry mag-asawa naman sila,” boluntaryong sabi nito.
“Wow!”
“Bakit?” Nakakunot pa ang noo nito.
“Iyan na yata ang pinakamahabang sentence na narinig ko simula nang magkita ulit tayo.
“Silly,” naiiling na sabi nito at bigla siyang kinarga kaya napatili siya. Dire-diretso lang ito sa loob ng bahay. Umakyat sila at dumiretso sa roof top. Literal na roof top iyon dahil nasa itaas ng bubong iyon. Hindi iyon kita mula sa dinaanan nila dahil nahaharangan iyon ng pader. Napangiti siya dahil mula roon ay tanaw ang kabundukan.
“Ang ganda dito.”
“Yeah.”
“Madalas ka dito?”
“Yeah.”
“Ang tahimik dito.”
“Yeah.”
“Ano ba iyan, puro ka yeah, yeah, yeah. Rakista ka ba? Yeah rak en roll!”
“Makulit ka talaga. Dito ka nga,” anito at inilagay siya unahan nito at yumakap mula sa likod niya. Ilang sandali lang silang nakatanaw sa tahimik na paligid bago ito nagsalita. “Babe?”
“Babe na talaga?”
“Ayaw mo?”
“Gusto.”
“Good.”
“You’re mine, right?”
“May girlfriend ka.”
“Wala pa.”
“Eh iyung Imee. Saka sa kasal nina Jaime at Dorothy, kasama mo girlfriend mo.”
“Ikaw iyon.”
“Hindi ahh!” Ginaya niya ito. “I’ll think about it. I’ll bring my girlfriend.” Inis na inis siyang ginaya ito.
“Ikaw ang girlfriend ko. Ikaw ang partner ko sa kasal nina Jaime at Dora.”
“Ano iyun pinagtitripan mo ako?”
Kumibut-kibot ang mga labi nito hanggang umalog ang mga balikat nito dahil pinipigilang mapahalakhak. “Sabi ko na nga ba!”
“Ano iyon?” Nakaangil na siya.
“Hindi mo ako matitiis.”
“Pakilinaw nga lalaki!”
“Eh kasi lagi mo akong hinaharass. Yakap ka nang yakap, kiss ka nang kiss sa pisngi ko eh. Tapos puro ka bff mo ako. Ako naman akala ko gusto mo ako at nagpapapansin ka tapos hindi mo ako nilutuan ng spaghetti.”
“Nagtampo ka?”
“Slight.”
“Pero bakit naroon iyung Imee? May kiss mark pa kayo.”
“Sorry, hindi na mauulit.”
“At ngayon?”
Bumuntung-hininga lang ito at parang batang nahihiyang kinamot ang batok. “Imee was just a date, a fling. I don’t know. She knew our setup. Game na game iyun. Ako naman eh nangangailangan din kaya pumapayag. Pero iyung nakita mo kami, kung alam mo lang hiyang-hiya ako sa ‘yo. Sabi ko baka mawalan ka ng gana sa akin. Pero umaasa akong nagselos ka noon kasi nakita ko sa mga mata mong nagselos ka.”
“Natural! Mahal kita eh! Ay shit! Uuwi na ako,” aniya. Natatarantang bumitaw siya rito at bababa na sana pero hinila siya nito pabalik.
Pinakatitigan siya nito. “Say that again.”
“Uuwi na ako.”
“Hindi iyan!” Nalukot ang mukha nito sa pagkainip.
“Ang alin ba,” aniya kahit alam na ang gusto nitong marinig dahil natatakot siya.
“Sabi mo mahal mo ako.”
“Sinabi ko iyon?”
“Tell me you love me.” Lalong nalukot ang mukha nito. “Josefa Sophia,” nanlaki na ang mga mata nito nang humalakhak siya. “Please don’t make me beg.”
Awtomatiko siyang napatigil. “Ano nga iyon ulit?”
“Tell me you love me.”
“You love me.”
Para nang toddler ito na inagawan ng kendi dahil kulang na lang ay magtantrums ito. “Sige na, please.”
“Mahal kita.”
Napangiti na ito. “Say it again.”
“Mahal kita, Mat-Mat.”
“Yes! Yes! Yes!” Mabilis na kinarga siya nito at inikut-ikot pa. “Thanks, babe. You made me so happy.”
“Pero hindi pwede.” Nabura ang ngiti nito saka ibinaba at tinitigan siya.